previous next

Mga Taga-Efeso 1

1 Mula kay Pablo, na apostol ni Cristo Jesus ayon sa kalooban ng Diyos,
Para sa mga hinirang ng Diyos na nasa Efesot at tapat na sumasampalataya kay Cristo Jesus:

2 Sumainyo nawa ang pagpapala at kapayapaang mula sa Diyos na ating Ama at sa Panginoong Jesu-Cristo.

Mga Pagpapalang Espirituwal sa Pamamagitan ni Cristo


3 Purihin ang Diyos at Ama ng ating Panginoong Jesu-Cristo! Pinagkalooban niya tayo ng lahat ng pagpapalang espirituwal at makalangit dahil sa ating pakikipag-isa kay Cristo. 4 Bago pa likhain ang sanlibutan, pinili na niya tayo upang maging kanya sa pamamagitan ng ating pakikipag-isa kay Cristo, upang tayo'y maging banal at walang kapintasan sa harap niya. Dahil sa pag-ibig ng Diyos, 5 tayo'y kanyang pinili upang maging anak niya sa pamamagitan ni Jesu-Cristo. Iyan ang kanyang layunin at kalooban. 6 Purihin natin siya dahil sa kanyang kahanga-hangang pagkalinga sa atin sa pamamagitan ng kanyang minamahal na Anak! 7 Tinubost tayo ni Cristo sa pamamagitan ng kanyang dugo, at sa gayon ay pinatawad na ang ating mga kasalanan. Ganoon kadakila ang kanyang kagandahang-loob 8 na ibinigay sa atin. Sa pamamagitan ng kanyang karunungan at kaalaman, 9 ipinaunawa sa atin ng Diyos ang hiwaga ng kanyang kalooban na isasakatuparan sa pamamagitan ni Cristo

10 pagdating ng takdang panahon. Layunin niyang tipunin ang lahat ng nilikha sa langit at sa lupa, at ipasailalim ang mga ito kay Cristo.
11 Dahil kay Cristo, tayo rin ay naging pag-aari ng Diyos na siyang nagsagawa ng lahat ng bagay ayon sa layunin ng kanyang kalooban.

12 Tayong mga unang umasa sa kanya ay pinili niya upang parangalan ang kanyang kaluwalhatian.
13 Kayo man ay naging bayan ng Diyos matapos ninyong marinig ang salita ng katotohanan, ang Magandang Balita na nagdudulot ng kaligtasan. Sumampalataya kayo kay Cristo, kaya't ipinagkaloob sa inyo ang Espiritu Santo na ipinangako ng Diyos bilang tatak ng pagkahirang sa inyo.

14 Ang Espiritu ang katibayan na makakamit natin ang mga pangako ng Diyos para sa atin, hanggang sa makamtan natin ang lubos na kaligtasan. Purihin natin ang kanyang kaluwalhatian!

Ang Panalangin ni Pablo


15 Kaya nga, mula nang mabalitaan ko ang tungkol sa inyong pananalig sa Panginoong Jesus at ang inyong pag-ibig sa lahat ng kanyang mga banal, 16 walang tigil ang pasasalamat ko sa Diyos para sa inyo tuwing ipinapanalangin ko kayo. 17 Hinihiling ko sa Diyos ng ating Panginoong Jesu-Cristo, ang maluwalhating Ama, na ipagkaloob niya sa inyo ang Espiritu na nagbibigay ng karunungan at nagpapahayag tungkol sa Diyos upang lubos ninyo siyang makilala. 18 Nawa'y liwanagan ng Diyos ang inyong isip upang malaman ninyo kung ano ang inyong inaasahan sa kanyang pagkatawag sa inyo, kung gaano kasagana ang pagpapalang inilaan niya para sa kanyang mga banal, 19 at kung ano ang di-masukat na kapangyarihang kaloob niya sa atin na mga nananalig sa kanya. Ang kapangyarihan ding iyon 20 angt muling bumuhay kay Cristo at nag-upo sa kanya sa kanan ng Diyos sa kalangitan. 21 Kaya't nasa ilalim ng kapangyarihan ni Cristo ang lahat ng paghahari, kapamahalaan, kapangyarihan, at pamunuan sa kalangitan. Higit na dakila ang kanyang pangalan kaysa sa lahat, hindi lamang sa panahong ito kundi maging sa darating. 22 Ipinailalimt t ng Diyos sa paa ni Cristo ang lahat ng bagay, at ginawa siyang ulo ng lahat ng bagay para sa iglesya. 23 Ang iglesya ang katawan at kapuspusan ni Cristo, na siya namang pumupuno sa lahat ng bagay.

EPHESIANS 1

1  t From Paul, chosen by God to be an apostle of Christ Jesus.
To God's people who live in Ephesus andt are faithful followers of Christ Jesus.

2 I pray that God our Father and our Lord Jesus Christ will be kind to you and will bless you with peace!

Christ Brings Spiritual //Blessings


3 Praise the God and Father of our Lord Jesus Christ for the spiritual blessings that Christ has brought us from heaven! 4 Before the world was created, God had Christ choose us to live with him and to be his holy and innocent and loving people. 5 God was kindt and decided that Christ would choose us to be God's own adopted children.

6 God treated us with undeserved grace because of the Son he dearly loves, and so we should praise God.
7-8  t Christ sacrificed his life's blood to set us free, which means our sins are now forgiven. Christ did this because of God's gift of undeserved grace to us. God has great wisdom and understanding, 9 and by what Christ has done, God has shown us his own mysterious ways.

10 Then when the time is right, God will do all he has planned, and Christ will bring together everything in heaven and on earth.
11 God always does what he plans, and this is why he appointed Christ to choose us. 12 He did this so we Jews would bring honor to him and be the first ones to have hope because of him. 13 Christ also brought you the truth, which is the good news about how you can be saved. You put your faith in Christ and were given the promised Holy Spirit to show you belong to God.

14 The Spirit also makes us sure we will be given what God has stored up for his people. Then we will be set free, and God will be honored and praised.

Paul's Prayer


15 I have heard about your faith in the Lord Jesus and your love for all God's people. 16 So I never stop being grateful for you, as I mention you in my prayers. 17 I ask the glorious Father and God of our Lord Jesus Christ to give you his Spirit. The Spirit will make you wise and let you understand what it means to know God.

18 My prayer is that light will flood your hearts and you will understand the hope given to you when God chose you. Then you will discover the glorious blessings that will be yours together with all God's people.
19 I want you to know about the great and mighty power that God has for us followers. It is the same wonderful power he used 20 t when he raised Christ from death and let him sit at his right sidet in heaven. 21 There Christ rules over all forces, authorities, powers, and rulers. He rules over all beings in this world and will rule in the future world as well. 22 t t God has put all things under the power of Christ, and for the good of the church he has made him the head of everything. 23 The church is the body of Christ and is filled with Christ who completely fills everything.t