previous next

Mga Taga-Efeso 1

1 Si Pablo, na apostol ni Cristo Jesus sa pamamagitan ng kalooban ng Dios, sa mga banal na nangasa Efeso, at sa mga tapat kay Cristo Jesus:2 Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaang mula sa Dios na ating Ama at sa Panginoong Jesucristo.3 Purihin nawa ang Dios at Ama ng ating Panginoong Jesucristo, na siyang nagpala sa atin ng bawa't pagpapalang ukol sa espiritu sa sangkalangitan kay Cristo:4 Ayon sa pagkapili niya sa atin sa kaniya bago itinatag ang sanglibutan, upang tayo'y maging mga banal at mga walang dungis sa harapan niya sa pagibig:5 Na tayo'y itinalaga niya nang una pa sa pagkukupkop na tulad sa mga anak sa pamamagitan ni Jesucristo sa ganang kaniya, ayon sa minagaling ng kaniyang kalooban,6 Sa ikapupuri ng kaluwalhatian ng kaniyang biyaya, na sa atin ay ipinagkaloob na masagana sa Minamahal:7 Na sa kaniya'y mayroon tayo ng ating katubusan sa pamamagitan ng kaniyang dugo, na kapatawaran ng ating mga kasalanan, ayon sa mga kayamanan ng kaniyang biyaya,8 Na pinasagana niya sa atin, sa buong karunungan at katalinuhan,9 Na ipinakikilala niya sa atin ang hiwaga ng kaniyang kalooban, ayon sa kaniyang minagaling na ipinasiya niya sa kaniya rin.10 Sa pagiging katiwala sa kaganapan ng mga panahon, upang tipunin ang lahat ng mga bagay kay Cristo, ang mga bagay na nangasa sangkalangitan, at ang mga bagay na nangasa ibabaw ng lupa; sa kaniya, sinasabi ko,11 Tayo rin naman sa kaniya ay ginawang mana, na itinalaga na niya tayo nang una pa ayon sa pasiya niyaong gumagawa ng lahat ng mga bagay ayon sa pasiya ng kaniyang kalooban;12 Upang tayo'y maging kapurihan ng kaniyang kaluwalhatian, tayong nagsiasa nang una kay Cristo:13 Na sa kaniya'y kayo rin naman, pagkarinig ng aral ng katotohanan, ng evangelio ng inyong kaligtasan, na sa kaniya rin naman, mula nang kayo'y magsisampalataya, ay kayo'y tinatakan ng Espiritu Santo, na ipinangako,14 Na siyang patotoo sa ating mana, hanggang sa ikatutubos ng sariling pag-aari ng Dios, sa ikapupuri ng kaniyang kaluwalhatian.15 Dahil dito ako rin naman, pagkarinig ng pananampalataya sa Panginoong Jesus na nasa inyo, at ng pagibig na inyong ipinakita sa lahat ng mga banal,16 Ay hindi ako tumitigil ng pagpapasalamat dahil sa inyo, na aking binabanggit kayo sa aking mga panalangin;17 Upang ipagkaloob sa inyo ng Dios ng ating Panginoong Jesucristo, ng Ama ng kaluwalhatian, ang espiritu ng karunungan at ng pahayag sa pagkakilala sa kaniya;18 Yamang naliwanagan ang mga mata ng inyong puso, upang maalaman ninyo kung ano ang pagasa sa kaniyang pagtawag, kung ano ang mga kayamanan ng kaluwalhatian ng kaniyang pamana sa mga banal,19 At kung ano ang dakilang kalakhan ng kaniyang kapangyarihan sa ating nagsisisampalataya, ayon sa gawa ng kapangyarihan ng kaniyang lakas,20 Na kaniyang ginawa kay Cristo, nang ito'y kaniyang buhaying maguli sa mga patay, at pinaupo sa kaniyang kanan sa sangkalangitan,21 Sa kaibaibabawan ng lahat na pamunuan, at kapamahalaan, at kapangyarihan, at pagkasakop, at sa bawa't pangalan na ipinangungusap, hindi lamang sa sanglibutang ito, kundi naman sa darating:22 At ang lahat ng mga bagay ay pinasuko niya sa ilalim ng kaniyang mga paa, at siyang pinagkaloobang maging pangulo ng lahat ng mga bagay sa iglesia,23 Na siyang katawan niya, na kapuspusan niyaong pumupuspos ng lahat sa lahat.

EPHESIANS 1

1  t From Paul, chosen by God to be an apostle of Christ Jesus.
To God's people who live in Ephesus andt are faithful followers of Christ Jesus.

2 I pray that God our Father and our Lord Jesus Christ will be kind to you and will bless you with peace!

Christ Brings Spiritual //Blessings


3 Praise the God and Father of our Lord Jesus Christ for the spiritual blessings that Christ has brought us from heaven! 4 Before the world was created, God had Christ choose us to live with him and to be his holy and innocent and loving people. 5 God was kindt and decided that Christ would choose us to be God's own adopted children.

6 God treated us with undeserved grace because of the Son he dearly loves, and so we should praise God.
7-8  t Christ sacrificed his life's blood to set us free, which means our sins are now forgiven. Christ did this because of God's gift of undeserved grace to us. God has great wisdom and understanding, 9 and by what Christ has done, God has shown us his own mysterious ways.

10 Then when the time is right, God will do all he has planned, and Christ will bring together everything in heaven and on earth.
11 God always does what he plans, and this is why he appointed Christ to choose us. 12 He did this so we Jews would bring honor to him and be the first ones to have hope because of him. 13 Christ also brought you the truth, which is the good news about how you can be saved. You put your faith in Christ and were given the promised Holy Spirit to show you belong to God.

14 The Spirit also makes us sure we will be given what God has stored up for his people. Then we will be set free, and God will be honored and praised.

Paul's Prayer


15 I have heard about your faith in the Lord Jesus and your love for all God's people. 16 So I never stop being grateful for you, as I mention you in my prayers. 17 I ask the glorious Father and God of our Lord Jesus Christ to give you his Spirit. The Spirit will make you wise and let you understand what it means to know God.

18 My prayer is that light will flood your hearts and you will understand the hope given to you when God chose you. Then you will discover the glorious blessings that will be yours together with all God's people.
19 I want you to know about the great and mighty power that God has for us followers. It is the same wonderful power he used 20 t when he raised Christ from death and let him sit at his right sidet in heaven. 21 There Christ rules over all forces, authorities, powers, and rulers. He rules over all beings in this world and will rule in the future world as well. 22 t t God has put all things under the power of Christ, and for the good of the church he has made him the head of everything. 23 The church is the body of Christ and is filled with Christ who completely fills everything.t