Mga Taga-Efeso 3
Ang Paglilingkod ni Pablo sa mga Hentil
1 Dahil dito, akong si Pablo ay naging bilanggo para kay Cristo Jesust alang-alang sa inyong mga Hentil. 2 Marahil ay nabalitaan na ninyo na dahil sa kagandahang-loob ng Diyos ay pinagkatiwalaan niya ako ng tungkuling ito para sa inyong ikabubuti. 3 Tulad ng naisulat ko na, ipinahayag sa akin ng Diyos ang kanyang hiwaga. 4 Att habang binabasa ninyo ito, malalaman ninyo kung ano ang pagkaunawa ko sa hiwaga tungkol kay Cristo. 5 Ito'y hindi ipinaalam sa mga tao noong mga nakaraang panahon, ngunit inihayag ngayon ng Diyos sa pamamagitan ng Espiritu, sa kanyang mga banal na apostol at mga propeta.
6 At ito ang lihim: sa pamamagitan ng Magandang Balita, ang mga Hentil ay may bahagi rin sa mga pagpapala ng Diyos tulad ng mga Judio; kabilang din sila sa iisang katawan at may bahagi sa pangako ng Diyos dahil kay Cristo Jesus.
7 Sa kagandahang-loob ng Diyos, ako'y ginawa niyang lingkod upang ipangaral ang Magandang Balita. Ang tungkuling ito'y ibinigay niya sa akin sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihan. 8 Ako ang pinakahamak sa lahat ng mga pinili ng Diyos. Gayunma'y minarapat niyang ipagkaloob sa akin ang natatanging karapatan na ito, ang mangaral ng Magandang Balita sa mga Hentil tungkol sa di-masukat na kayamanan ni Cristo, 9 at magpaliwanag sa lahat kung paano isasagawa ng Diyos ang kanyang lihim na plano. Sa mga nakaraang panahon ay inilihim ito ng Diyos na lumikha ng lahat ng bagay. 10 Ginawa niya ito upang sa pamamagitan ng iglesya ay maipakilala ngayon sa mga pinuno at mga maykapangyarihan sa sangkalangitan ang walang hanggang karunungan ng Diyos na nahahayag sa iba't ibang paraan. 11 Ito'y alinsunod sa kanyang layunin bago pa man likhain ang sanlibutan. Tinupad niya ang layuning ito sa pamamagitan ni Cristo Jesus na ating Panginoon. 12 Dahil sa ating pakikipag-isa at pananalig sa kanya, makakalapit tayo sa Diyos nang may pagtitiwala at panatag ang loob.
13 Kaya't hinihiling ko sa inyo na huwag kayong panghihinaan ng loob dahil sa mga kahirapang tinitiis ko alang-alang sa inyo, sapagkat ito'y para sa inyong ikararangal.Ang Pag-ibig ni Cristo
14 Dahil dito, ako'y lumuluhod sa Ama, 15 na siyang pinagmulan ng bawat sambahayan sa langit at sa lupa. 16 Idinadalangin kong palakasin niya ang inyong buhay espirituwal ayon sa kanyang kayamanan at kadakilaan sa pamamagitan ng kanyang Espiritu. 17 Nawa'y manatili si Cristo sa inyong mga puso sa pamamagitan ng inyong pananalig sa kanya. Dalangin ko na ang lahat ng inyong gawain ay nag-uugat sa pag-ibig 18 upangt lubusang maunawaan ninyo, kasama ng mga hinirang ng Diyos, kung gaano kalawak, gaano kahaba, gaano kataas, at gaano kalalim ang kanyang pag-ibig.
19 At nawa'y malaman ninyo ang buong pag-ibig ni Cristo na hindi kayang abutin ng pag-iisip upang kayo'y mapuspos ng kapuspusan ng Diyos.
20 Sa kanya na makakagawa nang higit pa kaysa maaari nating hilingin at isipin, sa pamamagitan ng kanyang kapangyarihang naghahari sa atin; 21 sa kanya ang kaluwalhatian sa pamamagitan ng iglesya at ni Cristo Jesus magpakailanman! Amen.
EPHESIANS 3
Paul's Mission to //the Gentiles
1 Christ Jesus made me his prisoner, so I could help you Gentiles. 2 You have surely heard about God's gift of undeserved grace in choosing me to help you. 3 In fact, this letter tells you a little about how God has shown me his mysterious ways. 4 t As you read the letter, you will also find out how well I really do understand the mystery about Christ. 5 No one knew about this mystery until God's Spirit told it to his holy apostles and prophets.
6 And the mystery is this: Because of Christ Jesus, the good news has given the Gentiles a share in the promises God gave to the Jews. God has also let the Gentiles be part of the same body.
7 God treated me with kindness. His power worked in me, and it became my job to spread the good news. 8 I am the least important of all God's people. But God was kind and chose me to tell the Gentiles that because of Christ there are blessings that cannot be measured. 9 t God, who created everything, wanted me to help everyone understand the mysterious plan that had always been hidden in his mind.
10 Then God would use the church to show the powers and authorities in the spiritual world that he has many different kinds of wisdom.
11 God did this according to his eternal plan. And he was able to do what he had planned because of all Christ Jesus our Lord had done. 12 Christ now gives us courage and confidence, so we can come to God by faith.
13 This is why you should not be discouraged when I suffer for you. After all, it will bring honor to you.Christ's Love for Us
14 I kneel in prayer to the Father. 15 All beings in heaven and on earth receive their life from him.t 16 God is wonderful and glorious. I pray that his Spirit will make you become strong followers 17 and that Christ will live in your hearts because of your faith. Stand firm and be deeply rooted in his love. 18 t I pray that you and all God's people will understand what is called wide or long or high or deep.t
19 I want you to know all about Christ's love, although it is too wonderful to be measured. Then your lives will be filled with all that God is.
20-21 I pray that Christ Jesus and the church will forever bring praise to God. His power at work in us can do far more than we dare ask or imagine. Amen.