previous next

Mga Taga-Efeso 4

Ang Pagkakaisa sa Espiritu

1 Kaya't ako, na isang bilanggo dahil sa Panginoon, ay nakikiusap sa inyo na mamuhay kayo gaya ng nararapat sa mga tinawag ng Diyos. 2 Kayo'yt maging mapagpakumbabá, mahinahon at matiyaga. Magmahalan kayo at magpasensiya sa isa't isa. 3 Sikapin ninyong mapanatili ang pagkakaisa na kaloob ng Espiritu, sa pamamagitan ng kapayapaang nagbubuklod sa inyo. 4 May iisang katawan at iisang Espiritu, tulad ng may iisang pag-asa nang kayo'y tawagin ng Diyos. 5 Tayo'y may iisang Panginoon, iisang pananampalataya at iisang bautismo,

6 iisang Diyos at Ama nating lahat. Siya ay higit sa lahat, kumikilos sa lahat, at nananatili sa lahat.
7 Ang bawat isa sa ati'y nakatanggap ng tanging kaloob, ayon sa sukat na ibinigay ni Cristo.

8 Ganitot ang sinasabi ng kasulatan:
“Nang umakyat siya sa kalangitan,
nagdala siya ng maraming bihag,
at nagbigay ng mga kaloob sa mga tao.”
9 Anong ibig sabihin ng “umakyat siya”? Ang ibig sabihin niyan ay bumabâ muna siya sa mga kailalimang bahagi ng lupa.t 10 Ang bumabâ ay siya rin namang umakyat sa kaitaasan ng kalangitan upang mapuno ng kanyang presensya ang lahat ng nilikha. 11 At binigyan niya ang ilan ng kaloob upang maging mga apostol, ang iba nama'y mga propeta, ang iba'y ebanghelista, at ang iba'y pastor at guro. 12 Ginawa niya ito upang ihanda sa paglilingkod ang lahat ng mga banal, para sa ikatitibay ng katawan ni Cristo, ang iglesya, 13 hanggang makamtan natin ang iisang pananampalataya at pagkakilala sa Anak ng Diyos, at maging ganap ang ating pagkatao ayon sa pagiging-ganap ni Cristo. 14 Nang sa gayon, hindi na tayo magiging tulad sa mga batang madaling matangay ng sari-saring aral. Hindi na tayo maililigaw ng mga taong ang hangad ay dalhin tayo sa kamalian sa pamamagitan ng kanilang katusuhan at panlilinlang. 15 Sa halip, sa pamamagitan ng pagsasalita ng katotohanan sa diwa ng pag-ibig, tayo'y dapat maging lubos na katulad ni Cristo na siyang ulo nating lahat.

16 Sat pamamagitan niya, ang mga bahaging pinag-ugnay-ugnay ng kasukasuan ay magiging isang katawan; at kung maayos na gumaganap ng tungkulin ang bawat bahagi, ang buong katawan ay lálaki at lalakas sa pamamagitan ng pag-ibig.

Ang Bagong Buhay kay Cristo


17 Sa pangalan ng Panginoon, ito ang sinasabi ko sa inyo: huwag na kayong mamuhay tulad ng pamumuhay ng mga walang pananampalataya sa Diyos. Walang kabuluhan ang kanilang iniisip, 18 at wala silang pang-unawa. Dahil sa kanilang kamangmangan at katigasan ng ulo, wala silang bahagi sa buhay na kaloob ng Diyos.

19 Sila'y naging alipin ng kahalayan, at wala na silang kahihiyan kaunti man lamang. Wala na silang inaatupag kundi pawang kalaswaan.
20 Hindi ganyan ang natutuhan ninyo tungkol kay Cristo. 21 Napakinggan na ninyo ang aral ni Jesus at natutuhan na ninyo ang katotohanang nasa kanya. 22 Iwanant na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao na napapahamak dahil sa masasamang pagnanasa. 23 Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip;

24 att ang dapat ninyong isuot ay ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, at nahahayag sa matuwid at banal na pamumuhay ayon sa katotohanan.
25 Dahilt dito, itakwil na natin ang pagsisinungaling at tayong lahat ay magsabi ng totoo sa isa't isa, sapagkat tayo'y bahagi ng iisang katawan. 26 Kungt magagalit man kayo, iwasan ninyo ang kayo'y magkasala. Huwag ninyong hayaang lumubog ang araw na galit pa rin kayo. 27 Huwag ninyong bigyan ng pagkakataon ang diyablo. 28 Ang magnanakaw ay huwag nang magnakaw; sa halip, maghanap siya ng marangal na ikabubuhay para makatulong sa mga nangangailangan. 29 Huwag kayong gumamit ng masasamang salita; lagi ninyong sikapin na ang pangungusap ninyo'y makakabuti at angkop sa pagkakataon upang pakinabangan ng mga makakarinig. 30 At huwag na ninyong saktan ang kalooban ng Espiritu Santo ng Diyos, sapagkat siya ang tatak ng Diyos sa inyo, ang katibayan na kayo'y tutubusin pagdating ng takdang araw. 31 Alisin na ninyo ang lahat ng sama ng loob, poot at galit; huwag na kayong mambubulyaw, manlalait at mananakit ng damdamin ng kapwa. 32 Sat halip, maging mabait kayo at maawain; magpatawad kayo sa isa't isa tulad ng pagpapatawad sa inyo ng Diyos dahil kay Cristo.

EPHESIANS 4

Unity with Christ

1 As a prisoner of the Lord, I beg you to live in a way that is worthy of the people God has chosen to be his own. 2 t Always be humble and gentle. Patiently put up with each other and love each other. 3 Try your best to let God's Spirit keep your hearts united. Do this by living at peace. 4 All of you are part of the same body. There is only one Spirit of God, just as you were given one hope when you were chosen to be God's people. 5 We have only one Lord, one faith, and one baptism.

6 There is one God who is the Father of all people. Not only is God above all others, but he works by using all of us, and he lives in all of us.
7 Christ has generously divided out his gifts to us.

8 t As the Scriptures say,
“When he went up
to the highest place,
he led away many prisoners
and gave gifts to people.”
9 When it says, “he went up,” it means that Christ had been deep in the earth.

10 This also means that the one who went deep into the earth is the same one who went into the highest heaven, so he would fill the whole universe.
11 Christ chose some of us to be apostles, prophets, missionaries, pastors, and teachers, 12 so his people would learn to serve and his body would grow strong.

13 This will continue until we are united by our faith and by our understanding of the Son of God. Then we will be mature, just as Christ is, and we will be completely like him.t
14 We must stop acting like children. We must not let deceitful people trick us by their false teachings, which are like winds that toss us around from place to place. 15 Love should always make us tell the truth. Then we will grow in every way and be more like Christ, the head

16 t of the body. Christ holds it together and makes all of its parts work perfectly, as it grows and becomes strong because of love.

The Old Life and //the New Life


17 As a follower of the Lord, I order you to stop living like stupid, godless people. 18 Their minds are in the dark, and they are stubborn and ignorant and have missed out on the life that comes from God. They no longer have any feelings about what is right,

19 and they are so greedy they do all kinds of indecent things.
20-21 But this isn't what you were taught about Jesus Christ. He is the truth, and you heard about him and learned about him. 22 t You were told that your foolish desires will destroy you and that you must give up your old way of life with all its bad habits. 23 Let the Spirit change your way of thinking

24 t and make you into a new person. You were created to be like God, and so you must please him and be truly holy.

Rules for the New Life


25  t We are part of the same body. Stop lying and start telling each other the truth. 26 t Don't get so angry that you sin. Don't go to bed angry

27 and don't give the devil a chance.

28 If you are a thief, quit stealing. Be honest and work hard, so you will have something to give to people in need.

29 Stop all your dirty talk. Say the right thing at the right time and help others by what you say.

30 Don't make God's Spirit sad. The Spirit makes you sure that someday you will be free from your sins.
31 Stop being bitter and angry and mad at others. Don't yell at one another or curse each other or ever be rude. 32 t Instead, be kind and merciful, and forgive others, just as God forgave you because of Christ.