Mga Taga-Efeso 4
1 Namamanhik nga sa inyo akong bilanggo sa Panginoon, na kayo'y magsilakad ng nararapat sa pagkatawag na sa inyo'y itinawag,2 Ng buong kapakumbabaan at kaamuan, na may pagpapahinuhod, na mangagbatahan kayo-kayo sa pagibig;3 Na pagsakitan ninyong ingatan ang pakikipagkaisa sa Espiritu sa tali ng kapayapaan.4 May isang katawan, at isang Espiritu, gaya naman ng pagkatawag sa inyo sa isang pagasa ng pagtawag sa inyo;5 Isang Panginoon, isang pananampalataya, isang bautismo,6 Isang Dios at Ama ng lahat, na siyang sumasa ibabaw sa lahat, at sumasa lahat, at nasa lahat.7 Datapuwa't ang bawa't isa sa atin ay binigyan ng biyaya ayon sa sukat na kaloob ni Cristo.8 Kaya't sinasabi niya, Nang umakyat siya sa itaas ay dinala niyang bihag ang pagkabihag, At nagbigay ng mga kaloob sa mga tao.9 (Ngayon ito, Umakyat Siya, ano ito, kundi siya'y bumaba rin naman sa mga dakong kalaliman ng lupa?10 Ang bumaba ay siya rin namang umakyat sa kaitaasan ng buong sangkalangitan, upang kaniyang mapuspos ang lahat ng mga bagay.)11 At pinagkalooban niya ang mga iba na maging mga apostol; at ang mga iba'y propeta; at ang mga iba'y evangelista; at ang mga iba'y pastor at mga guro;12 Sa ikasasakdal ng mga banal, sa gawaing paglilingkod sa ikatitibay ng katawan ni Cristo:13 Hanggang sa abutin nating lahat ang pagkakaisa ng pananampalataya, at ang pagkakilala sa Anak ng Dios, hanggang sa lubos na paglaki ng tao, hanggang sa sukat ng pangangatawan ng kapuspusan ni Cristo:14 Upang tayo'y huwag nang maging mga bata pa, na napapahapay dito't doon at dinadala sa magkabikabila ng lahat na hangin ng aral, sa pamamagitan ng mga daya ng mga tao, sa katusuhan, ayon sa mga lalang ng kamalian;15 Kundi sa pagsasalita ng katotohanan na may pagibig, ay mangagsilaki sa lahat ng mga bagay sa kaniya, na siyang pangulo, sa makatuwid baga'y si Cristo;16 Na dahil sa kaniya'y ang buong katawan na nakalapat na mabuti at nagkakalakip sa pamamagitan ng tulong ng bawa't kasukasuan, ayon sa paggawang nauukol sa bawa't iba't ibang sangkap, ay nagpapalaki sa katawan sa ikatitibay ng kaniyang sarili sa pagibig.17 Ito nga ang sinasabi ko, at sinasaksihan sa Panginoon, na kayo'y hindi na nagsisilakad pa na gaya naman ng lakad ng mga Gentil, sa pagpapalalo sa kanilang pagiisip,18 Na sa kadiliman ng kanilang pagiisip, ay nangahiwalay sa buhay ng Dios, dahil sa kahangalang nasa kanila, dahil sa pagmamatigas ng kanilang puso;19 Na sila sa di pagkaramdam ng kahihiyan ay napahikayat sa kalibugan, upang kalakalin ang lahat ng karumihan ng buong kasakiman.20 Nguni't kayo'y hindi nangatuto ng ganito kay Cristo;21 Kung tunay na siya'y inyong pinakinggan, at kayo'y tinuruan sa kaniya, gaya ng katotohanan na kay Jesus.22 At inyong iwan, tungkol sa paraan ng inyong pamumuhay na nakaraan, ang dating pagkatao, na sumama ng sumama ayon sa mga kahalayan ng pagdaraya;23 At kayo'y mangagbago sa espiritu ng inyong pagiisip,24 At kayo'y mangagbihis ng bagong pagkatao, na ayon sa Dios ay nilalang sa katuwiran at sa kabanalan ng katotohanan.25 Kaya nga, pagkatakuwil ng kasinungalingan, ay magsasalita ang bawa't isa sa inyo ng katotohanan sa kaniyang kapuwa: sapagka't tayo'y mga sangkap na isa't isa sa atin.26 Kayo'y mangagalit at huwag kayong mangakasala: huwag lumubog ang araw sa inyong galit:27 Ni bigyan daan man ang diablo.28 Ang nagnanakaw ay huwag nang magnakaw pa: bagkus magpagal, na igawa ang kaniyang mga kamay ng mabuting bagay, upang siya'y may maibigay sa nangangailangan.29 Anomang salitang mahalay ay huwag lumabas sa inyong bibig, kundi ang mabuting ikatitibay ayon sa pangangailangan, upang makinabang ng biyaya ang mga nagsisipakinig.30 At huwag ninyong pighatiin ang Espiritu Santo ng Dios, na sa kaniya kayo'y tinatakan hanggang sa kaarawan ng pagkatubos.31 Ang lahat ng kapaitan, at kagalitan, at pagkakaalit, at kadaldalan, at panglilibak, ay mangaalis nawa sa inyo, pati ng lahat ng masasamang akala:32 At magmagandang-loob kayo sa isa't isa, mga mahabagin, na mangagpatawaran kayo sa isa't isa, gaya naman ng pagpapatawad sa inyo ng Dios kay Cristo.
EPHESIANS 4
Unity with Christ
1 As a prisoner of the Lord, I beg you to live in a way that is worthy of the people God has chosen to be his own. 2 t Always be humble and gentle. Patiently put up with each other and love each other. 3 Try your best to let God's Spirit keep your hearts united. Do this by living at peace. 4 All of you are part of the same body. There is only one Spirit of God, just as you were given one hope when you were chosen to be God's people. 5 We have only one Lord, one faith, and one baptism.
6 There is one God who is the Father of all people. Not only is God above all others, but he works by using all of us, and he lives in all of us.
7 Christ has generously divided out his gifts to us.
8 t As the Scriptures say,
“When he went up
to the highest place,
he led away many prisoners
and gave gifts to people.”
9 When it says, “he went up,” it means that Christ had been deep in the earth.
10 This also means that the one who went deep into the earth is the same one who went into the highest heaven, so he would fill the whole universe.
11 Christ chose some of us to be apostles, prophets, missionaries, pastors, and teachers, 12 so his people would learn to serve and his body would grow strong.
13 This will continue until we are united by our faith and by our understanding of the Son of God. Then we will be mature, just as Christ is, and we will be completely like him.t
14 We must stop acting like children. We must not let deceitful people trick us by their false teachings, which are like winds that toss us around from place to place. 15 Love should always make us tell the truth. Then we will grow in every way and be more like Christ, the head
16 t of the body. Christ holds it together and makes all of its parts work perfectly, as it grows and becomes strong because of love.The Old Life and //the New Life
17 As a follower of the Lord, I order you to stop living like stupid, godless people. 18 Their minds are in the dark, and they are stubborn and ignorant and have missed out on the life that comes from God. They no longer have any feelings about what is right,
19 and they are so greedy they do all kinds of indecent things.
20-21 But this isn't what you were taught about Jesus Christ. He is the truth, and you heard about him and learned about him. 22 t You were told that your foolish desires will destroy you and that you must give up your old way of life with all its bad habits. 23 Let the Spirit change your way of thinking
24 t and make you into a new person. You were created to be like God, and so you must please him and be truly holy.Rules for the New Life
25 t We are part of the same body. Stop lying and start telling each other the truth. 26 t Don't get so angry that you sin. Don't go to bed angry
27 and don't give the devil a chance.
28 If you are a thief, quit stealing. Be honest and work hard, so you will have something to give to people in need.
29 Stop all your dirty talk. Say the right thing at the right time and help others by what you say.
30 Don't make God's Spirit sad. The Spirit makes you sure that someday you will be free from your sins.
31 Stop being bitter and angry and mad at others. Don't yell at one another or curse each other or ever be rude. 32 t Instead, be kind and merciful, and forgive others, just as God forgave you because of Christ.