previous next

Mga Taga-Galacia 3

1 Oh mga mangmang na taga Galacia, sino ang mga nagsigayuma sa inyo, na sa harapan ng inyong mga mata'y si Jesucristo, na napako sa krus, ay maliwanag na inihayag?2 Ito lamang ang ibig kong maalaman sa inyo, Tinanggap baga ninyo ang Espiritu sa pamamagitan ng mga gawang ayon sa kautusan, o sa pamamagitan ng pakikinig ng tungkol sa pananampalataya?3 Napakamangmang na baga kayo? kayong nagpasimula sa Espiritu, ngayo'y nangagpapakasakdal kayo sa laman?4 Tiniis baga ninyong walang kabuluhan ang lubhang maraming mga bagay? kung tunay na walang kabuluhan.5 Siya na nagbibigay nga sa inyo ng Espiritu, at gumagawa ng mga himala sa gitna ninyo, ginagawa baga sa pamamagitan ng mga gawang ayon sa kautusan, o sa pakikinig ng tungkol sa pananampalataya?6 Gaya nga ni Abraham na sumampalataya sa Dios, at ito'y ibinilang sa kaniya na katuwiran.7 Talastasin nga ninyo na ang mga sa pananampalataya, ang mga yaon ay mga anak ni Abraham.8 At sapagka't ipinakita na ng kasulatan, na aariing-ganap ng Dios ang mga Gentil sa pamamagitan ng pananampalataya, ay ipinangaral na nang una ang evangelio kay Abraham, na sinasabi, Sa iyo ay pagpapalain ang lahat ng mga bansa.9 Kaya't ang mga sa pananampalataya ay pinagpapala kay Abraham na may pananampalataya.10 Sapagka't ang lahat na sa mga gawang ayon sa kautusan ay nasa ilalim ng sumpa: sapagka't nasusulat, Sinusumpa ang bawa't hindi nananatili sa lahat ng mga bagay na nasusulat sa aklat ng kautusan, upang gawin nila.11 Maliwanag nga na sinoman ay hindi inaaring-ganap sa kautusan sa harapan ng Dios; sapagka't, Ang ganap ay mabubuhay sa pananampalataya.12 At ang kautusan ay hindi sa pananampalataya; kundi, Ang gumaganap ng mga yaon ay mabubuhay sa mga yaon.13 Sa sumpa ng kautusan ay tinubos tayo ni Cristo, na naging sumpa sa ganang atin; sapagka't nasusulat, Sinusumpa ang bawa't binibitay sa punong kahoy:14 Upang sa mga Gentil ay dumating ang pagpapala ni Abraham na kay Cristo Jesus; upang sa pamamagitan ng pananampalataya ay tanggapin natin ang pangako ng Espiritu.15 Mga kapatid, nagsasalita ako ayon sa kaugalian ng mga tao: Bagama't ang pakikipagtipan ay gawa lamang ng tao, gayon ma'y pagka pinagtibay, sinoman ay hindi makapagpapawalang kabuluhan, o makapagdaragdag man.16 Ngayon kay Abraham nga sinabi ang mga pangako, at sa kaniyang binhi. Hindi sinasabi ng Dios, At sa mga binhi, na gaya baga sa marami; kundi gaya sa iisa lamang, At sa iyong binhi, na si Cristo.17 Ito nga ang aking sinasabi: Ang isang pakikipagtipang pinagtibay na nang una ng Dios, ay hindi mapawawalang kabuluhan ng kautusan, na sumipot nang makaraan ang apat na raan at tatlongpung taon, ano pa't upang pawalang kabuluhan ang pangako.18 Sapagka't kung ang mana ay sa pamamagitan ng kautusan, ay hindi na sa pamamagitan ng pangako: datapuwa't ipinagkaloob ng Dios kay Abraham sa pamamagitan ng pangako.19 Ano nga ang kabuluhan ng kautusan? Idinagdag dahil sa mga pagsalangsang, hanggang sa pumarito ang binhi na siyang pinangakuan; at ito'y iniutos sa pamamagitan ng mga anghel sa kamay ng isang tagapamagitan.20 Ngayon ang isang tagapamagitan ay hindi tagapamagitan ng iisa; datapuwa't ang Dios ay iisa.21 Ang kautusan nga baga ay laban sa mga pangako ng Dios? Huwag nawang mangyari: sapagka't kung ibinigay sana ang isang kautusang may kapangyarihang magbigay buhay, tunay ngang ang katuwiran sana ay naging dahil sa kautusan.22 Datapuwa't kinulong ng kasulatan ang lahat ng mga bagay sa ilalim ng kasalanan, upang ang pangako sa pamamagitan ng pananampalataya kay Jesucristo ay maibigay sa mga nagsisisampalataya.23 Nguni't bago dumating ang pananampalataya, ay nabibilanggo tayo sa ilalim ng kautusan, na nakukulong tayo hanggang sa ang pananampalataya ay ipahahayag pagkatapos.24 Ano pa't ang kautusan ay siyang naging tagapagturo natin upang ihatid tayo kay Cristo, upang tayo'y ariing-ganap sa pamamagitan ng pananampalataya.25 Datapuwa't ngayong dumating na ang pananampalataya, ay wala na tayo sa ilalim ng tagapagturo.26 Sapagka't kayong lahat ay mga anak ng Dios, sa pamamagitan ng pananampalataya, kay Cristo Jesus.27 Sapagka't ang lahat na sa inyo ay binautismuhan kay Cristo ay ibinihis si Cristo.28 Walang magiging Judio o Griego man, walang magiging alipin o malaya man, walang magiging lalake o babae man; sapagka't kayong lahat ay iisa kay Cristo Jesus.29 At kung kayo'y kay Cristo, kayo nga'y binhi ni Abraham, at mga tagapagmana ayon sa pangako.

GALATIANS 3

Faith Is the Only Way

1 You stupid Galatians! I told you exactly how Jesus Christ was nailed to a cross. Has someone now put an evil spell on you? 2 I want to know only one thing. How were you given God's Spirit? Was it by obeying the Law of Moses or by hearing about Christ and having faith in him? 3 How can you be so stupid? Do you think that by yourself you can complete what God's Spirit started in you? 4 Have you gone through all of this for nothing? Is it all really for nothing?

5 God gives you his Spirit and works miracles in you. But does he do this because you obey the Law of Moses or because you have heard about Christ and have faith in him?
6  t The Scriptures say that God accepted Abraham because Abraham had faith. 7 t And so, you should understand that everyone who has faith is a child of Abraham.t 8 t Long ago the Scriptures said God would accept the Gentiles because of their faith. This is why God told Abraham the good news that all nations would be blessed because of him.

9 This means everyone who has faith will share in the blessings given to Abraham because of his faith.
10  t Anyone who tries to please God by obeying the Law is under a curse. The Scriptures say, “Everyone who doesn't obey everything in the Law is under a curse.”

11 t No one can please God by obeying the Law. The Scriptures also say, “The people God accepts because of their faith will live.”t
12  t The Law isn't based on faith. It promises life only to people who obey its commands. 13 t But Christ rescued us from the Law's curse, when he became a curse in our place. This is because the Scriptures say that anyone who is nailed to a tree is under a curse.

14 And because of what Jesus Christ has done, the blessing promised to Abraham was taken to the Gentiles. This happened so that by faith we would be given the promised Holy Spirit.

The Law and the Promise


15 My friends, I will use an everyday example to explain what I mean. Once someone agrees to something, no one else can change or cancel the agreement.t 16 That is how it is with the promises God made to Abraham and his descendant.t The promises were not made to many descendants, but only to one, and that one is Christ. 17 t What I am saying is that the Law cannot change or cancel God's promise made 430 years before the Law was given.

18 t If we have to obey the Law in order to receive God's blessings, those blessings don't really come to us because of God's promise. But God was kind to Abraham and made him a promise.
19 What is the use of the Law? It was given later to show that we sin. But it was only supposed to last until the coming of that descendantt who was given the promise. In fact, angels gave the Law to Moses, and he gave it to the people.

20 There is only one God, and the Law did not come directly from him.

Slaves and Children


21 Does the Law disagree with God's promises? No, it doesn't! If any law could give life to us, we could become acceptable to God by obeying that law.

22 But the Scriptures say that sin controls everyone, so that God's promises will be for anyone who has faith in Jesus Christ.
23 The Law controlled us and kept us under its power until the time came when we would have faith. 24 In fact, the Law was to be our teacher until Christ came. Then we could have faith and be acceptable to God.

25 But once a person has learned to have faith, there is no more need to have the Law as a teacher.
26 All of you are God's children because of your faith in Christ Jesus. 27 And when you were baptized, it was as though you had put on Christ in the same way you put on new clothes. 28 Faith in Christ Jesus is what makes each of you equal with each other, whether you are a Jew or a Greek, a slave or a free person, a man or a woman. 29 t So if you belong to Christ, you are now part of Abraham's family, t and you will be given what God has promised.