previous next

Mga Taga-Galacia 3

Kautusan o Pananampalataya?

1 Mga hangal kayong mga taga-Galacia! Sino ang nakagayuma sa inyo? Maliwanag na ipinahayag na sa inyo kung paano namatay si Jesu-Cristo sa krus! 2 Sabihin nga ninyo, tinanggap ba ninyo ang Espiritu sa pamamagitan ng mga gawa ayon sa Kautusan o sa pamamagitan ng inyong pananalig sa inyong narinig tungkol kay Cristo? 3 Talagang napakahangal ninyo! Nagsimula na kayo sa Espiritu, at ngayo'y nais pa ninyong magtapos sa pamamagitan ng inyong sariling lakas! 4 Wala na bang halaga sa inyo ang maraming bagay na pinagtiisan ninyo? Mayroon pa naman siguro.

5 Bakit ipinagkaloob sa inyo ng Diyos ang Espiritu? Bakit siya gumagawa ng mga himala? Dahil ba sa inyong mga gawa ayon sa Kautusan, o dahil sa inyong pananalig sa inyong narinig tungkol kay Cristo?
6 Tuladt ng nangyari kay Abraham, “Sumampalataya siya sa Diyos, at dahil dito, siya'y itinuring ng Diyos na taong matuwid.” 7 Kungt gayon, maliwanag na ang mga nananalig sa Diyos ang siyang tunay na lahi ni Abraham. 8 Bagot pa ito nangyari ay ipinahayag na ng kasulatan na ipawawalang-sala ng Diyos ang mga Hentil sa pamamagitan ng kanilang pananalig sa kanya at ang Magandang Balitang ito ay inihayag kay Abraham, “Sa pamamagitan mo'y pagpapalain ng Diyos ang lahat ng bansa.”

9 Sumampalataya sa Diyos si Abraham kaya't siya'y pinagpala, at pagpapalain ding tulad niya ang lahat ng nananalig sa Diyos.
10 Angt lahat ng umaasa sa mga gawa ayon sa Kautusan ay nasa ilalim ng isang sumpa. Sapagkat nasusulat, “Sumpain ang hindi sumusunod at hindi gumagawa ng lahat ng nakasulat sa aklat ng Kautusan.” 11 Malinawt na walang taong pinapawalang-sala sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng Kautusan, sapagkat sinasabi ng kasulatan, “Ang pinawalang-sala ay mabubuhay dahil sa pananampalataya.”t

12 Angt Kautusan ay walang kinalaman sa pananampalataya sa Diyos, sapagkat sinasabi ng kasulatan, “Ang tumutupad sa lahat ng hinihingi ng Kautusan ay mabubuhay sa pamamagitan ng mga ito.”
13 Tinubost tayo ni Cristo mula sa sumpa ng Kautusan nang siya ay isinumpa para sa atin, sapagkat nasusulat, “Isinumpa ang bawat ibinitin sa punongkahoy.”

14 Ginawa ito ni Cristo upang ang mga pagpapalang ipinangako ng Diyos kay Abraham ay makamtan din ng mga Hentil sa pamamagitan ni Cristo Jesus. Sa pamamagitan ng pananalig sa kanya ay matatanggap natin ang Espiritung ipinangako ng Diyos.

Ang Kautusan at ang Pangako


15 Mga kapatid, narito ang isang pangkaraniwang halimbawa. Kapag nalagdaan na ang isang kasunduan, hindi na ito mapapawalang-kabuluhan ninuman. Hindi rin ito maaaring dagdagan. 16 Ngayon, nangako ang Diyos kay Abraham at sa kanyang supling. Hindi sinasabi, “At sa kanyang mga supling,” na ang tinutukoy ay marami kundi, “At sa iyong supling,” na iisa ang tinutukoy at ito'y si Cristo. 17 Itot ang ibig kong sabihin, pinagtibay ng Diyos ang kanyang kasunduan at ipinangako niyang tutuparin ito. Ang kasunduang iyon ay hindi mapapawalang-saysay ng Kautusan na dumating pagkaraan ng 430 taon, ni hindi rin mapapawalang-saysay ng Kautusang ito ang mga pangako ng Diyos.

18 Kungt ang pamana ay ipinagkakaloob dahil sa Kautusan, hindi na ito dahil sa pangako. Ngunit ang pamana ay ibinigay ng Diyos kay Abraham bilang katuparan ng kanyang pangako.
19 Kung ganoon, bakit pa ibinigay ang Kautusan? Ibinigay ito upang maipakita kung ano ang paglabag. Bago dumating ang anak na pinangakuan, ibinigay ang Kautusang ito sa pamamagitan ng mga anghel, sa tulong ng isang tagapamagitan.

20 Ngunit hindi kailangan ang tagapamagitan kung iisang panig lamang ang gumagawa ng kasunduan—at ang Diyos ay iisa.

Ang mga Anak at ang mga Alipin


21 Ang ibig bang sabihin nito'y sumasalungat ang Kautusan sa mga pangako ng Diyos?t Hinding-hindi! Kung nakapagbibigay-buhay sana ang Kautusan, ang tao'y magiging matuwid sa paningin ng Diyos sa pamamagitan ng pagsunod niya rito.

22 Ngunit ayon sa kasulatan, ang lahat ng tao'y alipin ng kasalanan, kaya't ang ipinangako ng Diyos ay matatanggap sa pamamagitan ng pananalig kay Jesu-Cristo na ibibigay sa lahat ng sumampalataya.
23 Bago dumating ang panahon ng pananampalataya, tayo'y ikinulong ng Kautusan hanggang sa ang pananampalatayang ito kay Cristo ay mahayag. 24 Kaya't ang Kautusan ang naging tagapangalaga natin hanggang sa dumating si Cristo upang tayo'y mabilang na matuwid sa pamamagitan ng pananalig sa kanya.

25 Ngayong sumasampalataya na tayo kay Cristo, wala na tayo sa pangangalaga ng Kautusan.
26 Dahil sa inyong pananalig kay Cristo Jesus, kayong lahat ay anak ng Diyos. 27 Ang buhay mismo ni Cristo ang isinuot sa inyo na parang damit nang kayo'y mabautismuhan sa kanya. 28 Wala nang pagkakaiba ang Judio at ang Griego, ang alipin at ang malaya, ang lalaki at ang babae. Kayong lahat ay iisa na dahil sa inyong pakikipag-isa kay Cristo Jesus. 29 Att kung kayo'y kay Cristo, kayo'y lahi ni Abraham at tagapagmana ng mga pangako ng Diyos.

GALATIANS 3

Faith Is the Only Way

1 You stupid Galatians! I told you exactly how Jesus Christ was nailed to a cross. Has someone now put an evil spell on you? 2 I want to know only one thing. How were you given God's Spirit? Was it by obeying the Law of Moses or by hearing about Christ and having faith in him? 3 How can you be so stupid? Do you think that by yourself you can complete what God's Spirit started in you? 4 Have you gone through all of this for nothing? Is it all really for nothing?

5 God gives you his Spirit and works miracles in you. But does he do this because you obey the Law of Moses or because you have heard about Christ and have faith in him?
6  t The Scriptures say that God accepted Abraham because Abraham had faith. 7 t And so, you should understand that everyone who has faith is a child of Abraham.t 8 t Long ago the Scriptures said God would accept the Gentiles because of their faith. This is why God told Abraham the good news that all nations would be blessed because of him.

9 This means everyone who has faith will share in the blessings given to Abraham because of his faith.
10  t Anyone who tries to please God by obeying the Law is under a curse. The Scriptures say, “Everyone who doesn't obey everything in the Law is under a curse.”

11 t No one can please God by obeying the Law. The Scriptures also say, “The people God accepts because of their faith will live.”t
12  t The Law isn't based on faith. It promises life only to people who obey its commands. 13 t But Christ rescued us from the Law's curse, when he became a curse in our place. This is because the Scriptures say that anyone who is nailed to a tree is under a curse.

14 And because of what Jesus Christ has done, the blessing promised to Abraham was taken to the Gentiles. This happened so that by faith we would be given the promised Holy Spirit.

The Law and the Promise


15 My friends, I will use an everyday example to explain what I mean. Once someone agrees to something, no one else can change or cancel the agreement.t 16 That is how it is with the promises God made to Abraham and his descendant.t The promises were not made to many descendants, but only to one, and that one is Christ. 17 t What I am saying is that the Law cannot change or cancel God's promise made 430 years before the Law was given.

18 t If we have to obey the Law in order to receive God's blessings, those blessings don't really come to us because of God's promise. But God was kind to Abraham and made him a promise.
19 What is the use of the Law? It was given later to show that we sin. But it was only supposed to last until the coming of that descendantt who was given the promise. In fact, angels gave the Law to Moses, and he gave it to the people.

20 There is only one God, and the Law did not come directly from him.

Slaves and Children


21 Does the Law disagree with God's promises? No, it doesn't! If any law could give life to us, we could become acceptable to God by obeying that law.

22 But the Scriptures say that sin controls everyone, so that God's promises will be for anyone who has faith in Jesus Christ.
23 The Law controlled us and kept us under its power until the time came when we would have faith. 24 In fact, the Law was to be our teacher until Christ came. Then we could have faith and be acceptable to God.

25 But once a person has learned to have faith, there is no more need to have the Law as a teacher.
26 All of you are God's children because of your faith in Christ Jesus. 27 And when you were baptized, it was as though you had put on Christ in the same way you put on new clothes. 28 Faith in Christ Jesus is what makes each of you equal with each other, whether you are a Jew or a Greek, a slave or a free person, a man or a woman. 29 t So if you belong to Christ, you are now part of Abraham's family, t and you will be given what God has promised.