previous next

Mga Taga-Galacia 5

1 Sa kalayaan ay pinalaya tayo ni Cristo: magsitibay nga kayo, at huwag na kayong pasakop na muli sa pamatok ng pagkaalipin.2 Narito, akong si Pablo ay nagsasabi sa inyo, na, kung inyong tinatanggap ang pagtutuli, ay wala kayong mapapakinabang na anoman kay Cristo.3 Oo, pinatotohanan kong muli sa bawa't taong tumatanggap ng pagtutuli, na siya'y may kautangang tumupad ng buong kautusan.4 Kayo'y hiwalay kay Cristo, kayong nangagiibig na ariing-ganap ng kautusan; nangahulog kayo mula sa biyaya.5 Sapagka't tayo sa pamamagitan ng Espiritu sa pananampalataya ay naghihintay ng pangako ng katuwiran.6 Sapagka't kay Cristo Jesus, kahit ang pagtutuli ay walang kabuluhan, kahit man ang di-pagtutuli; kundi ang pananampalataya na gumagawa sa pamamagitan ng pagibig.7 Nagsisitakbo kayong mabuti nang una; sino ang gumambala sa inyo upang kayo'y huwag magsisunod sa katotohanan?8 Ang paghikayat na ito ay hindi nagmula doon sa tumawag sa inyo.9 Ang kaunting lebadura ay nagpapakumbo sa buong limpak.10 Ako'y may pagkakatiwala sa inyo sa Panginoon, na hindi kayo nagsipagisip ng ibang paraan: datapuwa't ang gumagambala sa inyo ay magtataglay ng kaniyang kahatulan, maging sinoman siya.11 Nguni't ako, mga kapatid, kung ipinangangaral ko pa ang pagtutuli, bakit ako'y pinaguusig pa? kung gayon ay natapos na ang katitisuran sa krus.12 Ibig ko sana na ang mga nagsisigulo sa inyo ay gumawa ng higit sa pagtutuli.13 Sapagka't kayo, mga kapatid, ay tinawag sa kalayaan; huwag lamang gamitin ang inyong kalayaan, upang magbigay kadahilanan sa laman, kundi sa pamamagitan ng pagibig ay mangaglingkuran kayo.14 Sapagka't ang buong kautusan ay natutupad sa isang salita, sa makatuwid ay dito: Iibigin mo ang inyong kapuwa na gaya ng inyong sarili.15 Nguni't kung kayo-kayo rin ang nangagkakagatan at nangagsasakmalan, magsipagingat kayo na baka kayo'y mangaglipulan sa isa't isa.16 Sinasabi ko nga, Magsilakad kayo ayon sa Espiritu, at hindi ninyo gagawin ang mga pita ng laman.17 Sapagka't ang laman ay nagnanasa ng laban sa Espiritu, at ang Espiritu ay laban sa laman; sapagka't ang mga ito ay nagkakalaban; upang huwag ninyong gawin ang bagay na inyong ibigin.18 Datapuwa't kung kayo'y pinapatnubayan ng Espiritu, ay wala kayo sa ilalim ng kautusan.19 At hayag ang mga gawa ng laman, sa makatuwid ay ang mga ito: pakikiapid, karumihan, kalibugan,20 Pagsamba sa diosdiosan, pangkukulam, mga pagtataniman, mga pagtatalo, mga paninibugho, mga pagkakaalitan, mga pagkakampikampi, mga pagkakabahabahagi, mga hidwang pananampalataya,21 Mga kapanaghilian, mga paglalasing, mga kalayawan, at ang mga katulad nito; tungkol sa mga bagay na ito ay aking ipinagpapaunang ipaalaala sa inyo, tulad sa aking pagpapaalaala nang una sa inyo, na ang mga nagsisigawa ng gayong mga bagay ay hindi magsisipagmana ng kaharian ng Dios.22 Datapuwa't ang bunga ng Espiritu ay pagibig, katuwaan, kapayapaan, pagpapahinuhod, kagandahang-loob, kabutihan, pagtatapat,23 Kaamuan, pagpipigil; laban sa mga gayong bagay ay walang kautusan.24 At ipinako sa krus ng mga na kay Cristo Jesus ang laman na kasama ang mga masasamang pita at mga kahalayan nito.25 Kung tayo'y nangabubuhay sa pamamagitan ng Espiritu, ay mangagsilakad naman tayo ayon sa Espiritu.26 Huwag tayong maging mga palalo, na tayo-tayo'y nangagmumungkahian sa isa't isa, nangagiinggitan sa isa't isa.

GALATIANS 5

Christ Gives Freedom

1 Christ has set us free! This means we are really free. Now hold on to your freedom and don't ever become slaves of the Law again.
2 I, Paul, promise you that Christ won't do you any good if you get circumcised. 3 If you do, you must obey the whole Law. 4 And if you try to please God by obeying the Law, you have cut yourself off from Christ and his gift of undeserved grace. 5 But the Spirit makes us sure God will accept us because of our faith in Christ.

6 If you are a follower of Christ Jesus, it makes no difference whether you are circumcised or not. All that matters is your faith that makes you love others.
7 You were doing so well until someone made you turn from the truth. 8 And that person was certainly not sent by the one who chose you. 9 t A little yeast can change a whole batch of dough,

10 but you belong to the Lord. This makes me certain you will do what I say, instead of what someone else tells you to do. Whoever is causing trouble for you will be punished.
11 My friends, if I still preach that people need to be circumcised, why am I in so much trouble? The message about the cross would no longer be a problem, if I told people to be circumcised.

12 I wish everyone who is upsetting you would not only get circumcised, but would cut off much more!
13 My friends, you were chosen to be free. So don't use your freedom as an excuse to do anything you want. Use it as an opportunity to serve each other with love. 14 t All the Law says can be summed up in the command to love others as much as you love yourself.

15 But if you keep attacking each other like wild animals, you had better watch out or you will destroy yourselves.

God's Spirit //and Our Own Desires


16 If you are guided by the Spirit, you won't obey your selfish desires. 17 t The Spirit and your desires are enemies of each other. They are always fighting each other and keeping you from doing what you feel you should.

18 But if you obey the Spirit, the Law of Moses has no control over you.
19 People's desires make them give in to immoral ways, filthy thoughts, and shameful deeds. 20 They worship idols, practice witchcraft, hate others, and are hard to get along with. People become jealous, angry, and selfish. They not only argue and cause trouble, but they are

21 envious. They get drunk, carry on at wild parties, and do other evil things as well. I told you before, and I am telling you again: No one who does these things will share in the blessings of God's kingdom.
22 God's Spirit makes us loving, happy, peaceful, patient, kind, good, faithful, 23 gentle, and self-controlled. There is no law against behaving in any of these ways. 24 And because we belong to Christ Jesus, we have killed our selfish feelings and desires. 25 God's Spirit has given us life, and so we should follow the Spirit. 26 But don't be conceited or make others jealous by claiming to be better than they are.