Mga Taga-Galacia 5
Manatili Kayong Malaya
1 Malaya na tayo dahil pinalaya tayo ni Cristo. Kaya magpakatatag kayo at huwag nang paalipin pang muli!
2 Akong si Pablo ang nagsasabi sa inyo, kapag nagpatuli kayo, binabale-wala ninyo si Cristo. 3 Inuulit ko, ang lahat ng taong nagpatuli ay kailangang sumunod sa buong Kautusan. 4 Kayong nagsisikap na maging matuwid sa pamamagitan ng pagtupad sa Kautusan, inihiwalay ninyo ang inyong sarili kay Cristo at tinanggihan ninyo ang kagandahang-loob ng Diyos, 5 ngunit kami'y umaasa na kami'y magiging matuwid sa pamamagitan ng pananampalataya at ito'y sa kapangyarihan ng Espiritu Santo.
6 Sa mga nakipag-isa na kay Cristo Jesus, hindi na mahalaga kung ang isang tao ay tuli o hindi. Ang mahalaga'y ang pananampalatayang nakikita sa mga gawaing udyok ng pag-ibig.
7 Mabuti na sana ang inyong ginagawa. Sino ang pumigil sa inyong pagsunod sa katotohanan? 8 Hindi iyan gagawin ng Diyos na tumawag sa inyo. 9 Angt sabi nga, “Napapaalsa ng kaunting pampaalsa ang buong masa ng harina.”
10 Naniniwala akong sasang-ayon kayo sa akin sa bagay na ito, dahil sa ating kaugnayan sa Panginoon. At natitiyak kong paparusahan ng Diyos ang sinumang nanggugulo sa inyo.
11 Mga kapatid, kung talagang nangangaral pa ako na kailangan ang pagtutuli, bakit pa ako inuusig hanggang ngayon? Kung iyo'y totoo, hindi na sana nila ikinagagalit ang aking pangangaral tungkol sa pagkamatay ni Cristo sa krus.
12 Mabuti pa'y tuluyan nang magpakapon ang mga nanggugulo sa inyo at hindi lang magpatuli.
13 Mga kapatid, tinawag kayo upang maging malaya. Ngunit huwag naman ninyong gamitin ang inyong kalayaan upang masunod ang hilig ng laman, kundi maglingkod kayo sa isa't isa sa diwa ng pag-ibig. 14 Sapagkatt ang buong Kautusan ay nauuwi sa isang pangungusap, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.”
15 Ngunit kung kayo'y nagkakagatan at nagsasakmalang parang mga hayop, mauubos kayo.Ang Espiritu Santo at ang Likas ng Tao
16 Sinasabi ko sa inyo, ang Espiritu ang gawin ninyong patnubay sa inyong buhay at hindi kayo magiging alipin ng hilig ng laman. 17 Sapagkatt ang mga nasa ng laman ay laban sa kalooban ng Espiritu, at ang kalooban ng Espiritu ay laban sa mga nasa ng laman. Laging naglalaban ang dalawang ito kaya't hindi ninyo magawâ ang nais ninyong gawin.
18 Kung pinapatnubayan kayo ng Espiritu, wala na kayo sa ilalim ng Kautusan.
19 Hindi maikakaila ang mga hilig ng laman: pakikiapid, kahalayan at kalaswaan; 20 pagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, pagkapoot sa isa't isa, pag-aaway-away, pagseselos, pagkakagalit at kasakiman, pagkakampi-kampi at pagkakabaha-bahagi,
21 pagkainggit,t paglalasing, kalayawan, at iba pang katulad nito. Muli ko kayong binabalaan: ang gumagawa ng mga ito ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos.
22 Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan, 23 kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ito. 24 At pinatayt na ng mga nakipag-isa kay Cristo Jesus ang kanilang makasariling pagkatao, pati na ang mga masasamang hilig nito. 25 Kung ang Espiritu ang nagbibigay-buhay sa atin, siya na rin ang paghariin natin sa ating buhay. 26 Huwag na tayong maging palalo, huwag na nating galitin ang isa't isa, at huwag na rin tayong mag-inggitan.
GALATIANS 5
Christ Gives Freedom
1 Christ has set us free! This means we are really free. Now hold on to your freedom and don't ever become slaves of the Law again.
2 I, Paul, promise you that Christ won't do you any good if you get circumcised. 3 If you do, you must obey the whole Law. 4 And if you try to please God by obeying the Law, you have cut yourself off from Christ and his gift of undeserved grace. 5 But the Spirit makes us sure God will accept us because of our faith in Christ.
6 If you are a follower of Christ Jesus, it makes no difference whether you are circumcised or not. All that matters is your faith that makes you love others.
7 You were doing so well until someone made you turn from the truth. 8 And that person was certainly not sent by the one who chose you. 9 t A little yeast can change a whole batch of dough,
10 but you belong to the Lord. This makes me certain you will do what I say, instead of what someone else tells you to do. Whoever is causing trouble for you will be punished.
11 My friends, if I still preach that people need to be circumcised, why am I in so much trouble? The message about the cross would no longer be a problem, if I told people to be circumcised.
12 I wish everyone who is upsetting you would not only get circumcised, but would cut off much more!
13 My friends, you were chosen to be free. So don't use your freedom as an excuse to do anything you want. Use it as an opportunity to serve each other with love. 14 t All the Law says can be summed up in the command to love others as much as you love yourself.
15 But if you keep attacking each other like wild animals, you had better watch out or you will destroy yourselves.God's Spirit //and Our Own Desires
16 If you are guided by the Spirit, you won't obey your selfish desires. 17 t The Spirit and your desires are enemies of each other. They are always fighting each other and keeping you from doing what you feel you should.
18 But if you obey the Spirit, the Law of Moses has no control over you.
19 People's desires make them give in to immoral ways, filthy thoughts, and shameful deeds. 20 They worship idols, practice witchcraft, hate others, and are hard to get along with. People become jealous, angry, and selfish. They not only argue and cause trouble, but they are
21 envious. They get drunk, carry on at wild parties, and do other evil things as well. I told you before, and I am telling you again: No one who does these things will share in the blessings of God's kingdom.
22 God's Spirit makes us loving, happy, peaceful, patient, kind, good, faithful, 23 gentle, and self-controlled. There is no law against behaving in any of these ways. 24 And because we belong to Christ Jesus, we have killed our selfish feelings and desires. 25 God's Spirit has given us life, and so we should follow the Spirit. 26 But don't be conceited or make others jealous by claiming to be better than they are.