Mga Taga-Galacia 6
Magtulungan sa Pagdadala ng Pasanin
1 Mga kapatid, kung may makagawa ng kasalanan, kayong pinapatnubayan ng Espiritu ang magtuwid sa kanya. Gawin ninyo iyon nang mahinahon, at mag-ingat kayo, baka kayo naman ang matukso. 2 Magtulungan kayo sa pagdadala ng pasanin ng bawat isa, sa gayong paraan ay matutupadt ninyo ang utos ni Cristo. 3 Dahil inaakala ninyong kayo'y nakakahigit sa iba, subalit hindi naman, dinadaya ninyo ang inyong sarili. 4 Suriin ng bawat isa ang kanyang sarili. Magalak siya kung mabuti ang kanyang ginagawa, huwag na niyang ihambing pa iyon sa gawa ng iba,
5 sapagkat ang pananagutan ng bawat isa ay ang kanyang sariling gawain.
6 Dapat bahaginan ng lahat ng mga pagpapalang tinatamasa ng mga tinuturuan ang mga nagtuturo ng salita ng Diyos.
7 Huwag ninyong akalaing madadaya ninyo ang Diyos. Kung ano ang itinanim ng tao, iyon din ang kanyang aanihin. 8 Ang sumusunod sa nasa ng kanyang laman ay mag-aani ng kapahamakan. Ngunit ang sumusunod naman sa Espiritu ay mag-aani ng buhay na walang hanggan. 9 Kaya't huwag tayong magsawa sa paggawa ng mabuti; pagdating ng takdang panahon tayo ay aani kung hindi tayo magsasawa.
10 Kaya nga, sa lahat ng pagkakataon ay gumawa tayo ng mabuti sa lahat ng tao, lalo na sa mga kapatid natin sa pananampalataya.Pangwakas na Babala at Pagbati
11 Mapapansin ninyo na malalaki ang titik ng sulat na ito. Ako ang siyang sumulat nito!
12 Ang mga taong naghahangad na mapuri ng kapwa ang namimilit sa inyong kayo'y magpatuli. Ginagawa nila iyon upang huwag silang usigin dahil sa krus ni Cristo. 13 Kahit na silang mga tuli ay hindi naman tumutupad sa Kautusan; nais lamang nilang patuli kayo upang maipagmalaki nila na kayo man ay tumutupad sa tuntuning iyon. 14 Huwag nawang mangyari sa akin ang ganon. Ang ipinagmamalaki ko ay ang kamatayan ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Sapagkat sa pamamagitan nito, ang mundong ito'y patay na para sa akin, at ako nama'y patay na rin sa mundo. 15 Hindi mahalaga kung tuli man o hindi ang isang tao. Ang mahalaga'y kung siya nga ay naging bagong nilalang.
16 Manatili nawa ang kapayapaan at habag ng Diyos sa lahat ng namumuhay ayon sa tuntuning ito, at sa buong bayan ng Diyos.
17 Kaya mula ngayon, huwag nang dagdagan ninuman ang aking mga paghihirap. Sapat na ang mga pilat na taglay ko para makilalang ako'y lingkod ni Jesus.
18 Mga kapatid, sumainyo nawang lahat ang pagpapala ng ating Panginoong Jesu-Cristo. Amen.
GALATIANS 6
Help Each Other
1 My friends, you are spiritual. So if someone is trapped in sin, you should gently lead that person back to the right path. But watch out, and don't be tempted yourself.
2 You obey the law of Christ when you offer each other a helping hand.
3 If you think you are better than others, when you really aren't, you are wrong. 4 Do your own work well, and then you will have something to be proud of. But don't compare yourself with others.
5 We each must carry our own load.
6 Share every good thing you have with anyone who teaches you what God has said.
7 You cannot fool God, so don't make a fool of yourself! You will harvest what you plant. 8 If you follow your selfish desires, you will harvest destruction, but if you follow the Spirit, you will harvest eternal life. 9 Don't get tired of helping others. You will be rewarded when the time is right, if you don't give up.
10 We should help people whenever we can, especially if they are followers of the Lord.Final Warnings
11 You can see what big letters I make when I write with my own hand.
12 Those people who are telling you to get circumcised are only trying to show how important they are. And they don't want to get into trouble for preaching about the cross of Christ. 13 They are circumcised, but they don't obey the Law of Moses. All they want is to brag about having you circumcised.
14 But I will never brag about anything except the cross of our Lord Jesus Christ. Because of his cross, the world is dead as far as I am concerned, and I am dead as far as the world is concerned.
15 It doesn't matter if you are circumcised or not. All that matters is that you are a new person.
16 If you follow this rule, you will belong to God's true people. God will treat you with undeserved kindness and will bless you with peace.
17 t On my own body are scars that prove I belong to Christ Jesus. So I don't want anyone to bother me anymore.
18 My friends, I pray that the Lord Jesus Christ will be kind to you! Amen.