previous next

Mga Taga-Galacia 6

1 Mga kapatid, kung ang sinoman ay masumpungan sa anomang pagsuway, kayong mga sa espiritu, ay inyong papanumbalikin ang gayon sa espiritu ng kahinhinan; na iyong pagwariin ang iyong sarili, baka ikaw naman ay matukso.2 Mangagdalahan kayo ng mga pasanin ng isa't isa, at tuparin ninyong gayon ang kautusan ni Cristo.3 Sapagka't kung ang sinoman ay nagaakala na siya'y may kabuluhan bagaman siya ay walang kabuluhan, ang kaniyang sarili ang dinadaya niya.4 Nguni't siyasatin ng bawa't isa ang kaniyang sariling gawa, at kung magkagayon ay magkakaroon siya ng kaniyang kapurihan tungkol sa kaniyang sarili lamang, at hindi tungkol sa kapuwa.5 Sapagka't ang bawa't tao ay magpapasan ng kaniyang sariling pasan.6 Datapuwa't ang tinuturuan sa aral ng Dios ay makidamay doon sa nagtuturo sa lahat ng mga bagay na mabuti.7 Huwag kayong padaya; ang Dios ay hindi napabibiro: sapagka't ang lahat na ihasik ng tao, ay siya namang aanihin niya.8 Sapagka't ang naghahasik ng sa kaniyang sariling laman ay sa laman magaani ng kasiraan; datapuwa't ang naghahasik ng sa Espiritu ay sa Espiritu magaani ng buhay na walang hanggan.9 At huwag tayong mangapagod sa paggawa ng mabuti: sapagka't sa kapanahunan ay magsisipagani tayo, kung hindi tayo manganghihimagod.10 Kaya nga, samantalang tayo'y may pagkakataon, ay magsigawa tayo ng mabuti sa lahat, at lalong lalo na sa mga kasangbahay sa pananampalataya.11 Tingnan ninyo kung gaano kalalaking mga titik ang isinulat ko sa inyo ng aking sariling kamay.12 Yaong lahat na may ibig magkaroon ng isang mabuting anyo sa laman, ay siyang pumipilit sa inyo na mangagtuli; upang huwag lamang silang pagusigin dahil sa krus ni Cristo.13 Sapagka't yaon mang nangatuli na ay hindi rin nagsisitupad ng kautusan; nguni't ibig nilang kayo'y ipatuli, upang sila'y mangagmapuri sa inyong laman.14 Datapuwa't malayo nawa sa akin ang pagmamapuri, maliban na sa krus ng ating Panginoong Jesucristo, na sa pamamagitan niyao'y ang sanglibutan ay napako sa krus sa ganang akin, at ako'y sa sanglibutan.15 Sapagka't ang pagtutuli ay walang anoman, kahit man ang di-pagtutuli, kundi ang bagong nilalang.16 At ang lahat na mangagsisilakad ayon sa alituntuning ito, kapayapaan at kaawaan nawa ang sumakanila, at sa Israel ng Dios.17 Buhat ngayon sinoman ay huwag bumagabag sa akin; sapagka't dala kong nakalimbag sa aking katawan ang mga tanda ni Jesus.18 Mga kapatid, ang biyaya ng ating Panginoong Jesucristo ay sumainyo nawang espiritu. Siya nawa.

GALATIANS 6

Help Each Other

1 My friends, you are spiritual. So if someone is trapped in sin, you should gently lead that person back to the right path. But watch out, and don't be tempted yourself.

2 You obey the law of Christ when you offer each other a helping hand.
3 If you think you are better than others, when you really aren't, you are wrong. 4 Do your own work well, and then you will have something to be proud of. But don't compare yourself with others.

5 We each must carry our own load.

6 Share every good thing you have with anyone who teaches you what God has said.
7 You cannot fool God, so don't make a fool of yourself! You will harvest what you plant. 8 If you follow your selfish desires, you will harvest destruction, but if you follow the Spirit, you will harvest eternal life. 9 Don't get tired of helping others. You will be rewarded when the time is right, if you don't give up.

10 We should help people whenever we can, especially if they are followers of the Lord.

Final Warnings


11 You can see what big letters I make when I write with my own hand.
12 Those people who are telling you to get circumcised are only trying to show how important they are. And they don't want to get into trouble for preaching about the cross of Christ. 13 They are circumcised, but they don't obey the Law of Moses. All they want is to brag about having you circumcised.

14 But I will never brag about anything except the cross of our Lord Jesus Christ. Because of his cross, the world is dead as far as I am concerned, and I am dead as far as the world is concerned.

15 It doesn't matter if you are circumcised or not. All that matters is that you are a new person.

16 If you follow this rule, you will belong to God's true people. God will treat you with undeserved kindness and will bless you with peace.

17  t On my own body are scars that prove I belong to Christ Jesus. So I don't want anyone to bother me anymore.
18 My friends, I pray that the Lord Jesus Christ will be kind to you! Amen.