previous next

Mga Hebreo 10

1 Ang Kautusan ay anino lamang at hindi lubos na naglalarawan ng mabubuting bagay na darating. Hindi ito nagpapabanal sa mga lumalapit sa Diyos sa pamamagitan ng mga handog na iniaalay taun-taon. 2 Kung napatawad na nga ang mga lumalapit sa Diyos sa pamamagitan ng ganoong mga handog, wala na sana silang dapat alalahanin, at hindi na sila kailangang mag-alay pang muli. 3 Ngunit ang mga alay na ito ang nagpapagunita sa mga tao ng kanilang mga kasalanan taun-taon,

4 sapagkat ang dugo ng mga toro at mga kambing ay hindi makakapawi ng mga kasalanan.

5-6 Dahilt diyan, nang si Cristo'y naparito sa daigdig, sinabi niya sa Diyos:
“Ang mga pang-alay, pati mga handog, at ang mga hayop na handang sunugin,
hindi mo na ibig sa dambana dalhin,
hindi mo kinalugdan ang mga handog na sinusunog,
at ang mga handog upang pawiin ang kasalanan.
Kaya't inihanda mo ang aking katawan upang maging handog.

7 Kaya't sinabi ko, ‘Ako'y narito, O Diyos,
upang sundin ang iyong kalooban,’
ayon sa sinasabi ng kasulatan tungkol sa akin.”
8 Sinabi muna niya, “Hindi mo ninais o kinalugdan ang mga alay at handog na hayop, mga handog na susunugin, at mga handog dahil sa kasalanan” kahit ito'y inihahandog ayon sa Kautusan. 9 Saka niya idinugtong, “Ako'y narito upang sundin ang iyong kalooban.” Sa ganitong paraan, inalis nga ng Diyos ang unang handog at pinalitan ng handog ni Cristo.

10 At dahil sinunod niya ang kalooban ng Diyos, tayo ay ginawang banal ni Jesu-Cristo sa pamamagitan ng minsanan at sapat na paghahandog ng kanyang sarili.
11 Bawatt pari ay naglilingkod araw-araw at naghahandog ng ganoon ding mga handog, subalit ang mga iyon ay hindi naman nakakapawi ng kasalanan. 12 Ngunitt si Cristo ay minsan lamang naghandog para sa mga kasalanan, at pagkatapos ay umupo na sa kanan ng Diyos. 13 Ngayo'y naghihintay siya roon hanggang sa lubusang pasukuin sa kanya ng Diyos ang kanyang mga kaaway.

14 Samakatuwid, sa pamamagitan lamang ng isang paghahandog ay kanyang ginawang ganap magpakailanman ang mga pinaging-banal ng Diyos.

15 Ang Espiritu Santo'y nagpapatotoo rin sa atin tungkol dito. Sinabi niya,

16 “Ganitot ang gagawin kong kasunduan sa kanila
pagdating ng mga araw na iyon, sabi ng Panginoon:
Itatanim ko sa kanilang puso ang aking mga utos,
at isusulat ko ang mga iyon sa kanilang mga isip.”
17 Pagkatapost ay sinabi pa niya, “Kalilimutan ko na ang kanilang mga kasalanan at kasamaan.”

18 Sapagkat ipinatawad na ang mga kasalanan, hindi na kailangan pang maghandog dahil sa kasalanan.

Lumapit Tayo sa Diyos


19 Kaya nga, mga kapatid, tayo'y malaya nang makakapasok sa Dakong Kabanal-banalan dahil sa dugo ni Jesus. 20 Binuksan niya para sa atin ang isang bago at buháy na daang naglalagos hanggang sa kabila ng tabing, at ang tabing na ito'y ang kanyang katawan. 21 Tayo ay may isang Pinakapunong Pari na namamahala sa sambahayan ng Diyos. 22 Kaya'tt lumapit tayo sa Diyos nang may pusong tapat at may matibay na pananampalataya sa kanya. Lumapit tayong may malinis na budhi sapagkat nilinis na ang ating mga puso at hinugasan na ng dalisay na tubig ang ating mga katawan. 23 Magpakatatag tayo sa ating pag-asa at huwag nang mag-alinlangan pa, sapagkat ang nangako sa atin ay maaasahan. 24 Sikapin din nating gisingin ang damdamin ng bawat isa sa pagmamahal sa kapwa at sa paggawa ng mabuti.

25 Huwag nating kaliligtaan ang pagdalo sa ating mga pagtitipon, gaya ng ginagawa ng ilan. Sa halip, palakasin natin ang loob ng isa't isa, lalo na ngayong nakikita nating malapit na ang araw ng Panginoon.
26 Matapos nating malaman at tanggapin ang katotohanan at magpatuloy pa rin tayo sa pagkakasala, wala nang handog na maiaalay pa para sa ikapagpapatawad ng ating mga kasalanan. 27 Angt naghihintay na lamang sa atin ay ang kakila-kilabot na paghuhukom at ang naglalagablab na apoy na tutupok sa mga kaaway ng Diyos! 28 Angt mapatunayang lumabag sa Kautusan ni Moises batay sa patotoo ng dalawa o tatlong saksi ay walang awang pinapatay. 29 Gaanot kabigat, sa akala ninyo, ang parusang nararapat sa taong humamak sa Anak ng Diyos, lumapastangan sa dugong nagpatibay sa tipan at nagpabanal sa kanya, at humamak sa mahabaging Espiritu? 30 Sapagkatt kilala natin ang nagsabi, “Akin ang paghihiganti; ako ang magpaparusa.” At siya rin ang nagsabi, “Hahatulan ng Panginoon ang kanyang bayan.”

31 Kakila-kilabot ang mahulog sa kamay ng Diyos na buháy!
32 Alalahanin ninyo ang mga araw na nagdaan, kung paanong kayo'y nagtiis ng matinding hirap matapos na kayo'y maliwanagan, ngunit hindi kayo nagpadaig. 33 Kung minsan, kayo ang iniinsulto at pinapahirapan sa harap ng madla; kung minsan nama'y kayo ang umaalalay sa mga kasamahan ninyo na pinapahirapan. 34 Dinamayan ninyo ang mga nakabilanggo at hindi kayo nalungkot nang kayo'y agawan ng kayamanan, sapagkat alam ninyong higit na mabuti at nananatili ang kayamanang nakalaan sa inyo. 35 Kaya't huwag kayong mawawalan ng pananampalataya sa Diyos, sapagkat dakila ang naghihintay na gantimpala para sa inyo. 36 Kinakailangang kayo'y magtiis upang masunod ninyo ang kalooban ng Diyos at matanggap ninyo ang kanyang ipinangako.

37 Sapagkat,t
“Kaunting panahon na lamang;
hindi na magtatagal, at si Cristo ay darating na.

38 Ang matuwid kong lingkod ay mabubuhay sa pamamagitan ng pananampalataya,t
ngunit kung siya'y tatalikod,
hindi ko siya kalulugdan.”
39 Ngunit hindi tayo kabilang sa mga tumatalikod at napapahamak; kundi sa mga sumasampalataya sa Diyos at naliligtas.

HEBREWS 10

1 The Law of Moses is like a shadow of the good things to come. This shadow isn't the good things themselves, because it cannot free people from sin by the sacrifices offered year after year. 2 If there were worshipers who already have their sins washed away and their consciences made clear, there would not be any need to go on offering sacrifices.

3-4 But the blood of bulls and goats cannot take away sins. It only reminds people of their sins from one year to the next.

5  t When Christ came into the world, he said to God,
“Sacrifices and offerings
are not what you want,
but you have given me
my body.

6 No, you are not pleased
with animal sacrifices
and offerings for sin.”

7 Then Christ said,
“And so, my God,
I have come to do
what you want,
as the Scriptures say.”
8 The Law teaches that offerings and sacrifices must be made because of sin. But why did Christ mention these things and say that God did not want them? 9 Well, it was to do away with offerings and sacrifices and to replace them. This is what he meant by saying to God, “I have come to do what you want.”

10 So we are made holy because Christ obeyed God and offered himself once for all.
11  t The priests do their work each day, and they keep on offering sacrifices that can never take away sins. 12 t But Christ offered himself as a sacrifice that is good forever. Now he is sitting at God's right side, t 13 and he will stay there until his enemies are put under his power.

14 By his one sacrifice he has forever set free from sin the people he brings to God.

15 The Holy Spirit also speaks of this by telling us that the Lord said,

16  t “When the time comes,
I will make an agreement
with them.
I will write my laws
on their minds and hearts.

17  t Then I will forget
about their sins
and no longer remember
their evil deeds.”

18 When sins are forgiven, there is no more need to offer sacrifices.

Encouragement and Warning


19 My friends, the blood of Jesus gives us courage to enter the most holy place

20 by a new way that leads to life! And this way takes us through the curtain that is Christ himself.
21 We have a great high priest who is in charge of God's house. 22 t So let's come near God with pure hearts and a confidence that comes from having faith. Let's keep our hearts pure, our consciences free from evil, and our bodies washed with clean water. 23 We must hold tightly to the hope we say is ours. After all, we can trust the one who made the agreement with us. 24 We should keep on encouraging each other to be thoughtful and to do helpful things.

25 Some people have given up the habit of meeting for worship, but we must not do that. We should keep on encouraging each other, especially since you know that the day of the Lord's coming is getting closer.
26 No sacrifices can be made for people who decide to sin after they find out about the truth. 27 t They are God's enemies, and all they can look forward to is a terrible judgment and a furious fire. 28 t If two or more witnesses accused someone of breaking the Law of Moses, that person could be put to death. 29 t But it is much worse to dishonor God's Son and to disgrace the blood of the promise that made us holy. And it is just as bad to insult the Holy Spirit, who shows us mercy. 30 t We know that God has said he will punish and take revenge. We also know that the Scriptures say the Lord will judge his people.

31 It is a terrible thing to fall into the hands of the living God!
32 Don't forget all the hard times you went through when you first received the light. 33 Sometimes you were abused and mistreated in public, and at other times you shared in the sufferings of others.

34 You were kind to people in jail. And you gladly let your possessions be taken away, because you knew you had something better, something that would last forever.
35 Keep on being brave! It will bring you great rewards. 36 Learn to be patient, so you will please God and be given what he has promised.

37 t As the Scriptures say,
“God is coming soon!
It won't be very long.

38 The people God accepts
will live because
of their faith.t
But he isn't pleased
with anyone
who turns back.”
39 We are not like those people who turn back and get destroyed. We will keep on having faith until we are saved.