Mga Hebreo 12
Ama Natin ang Diyos
1 Kaya nga, dahil napapaligiran tayo ng napakaraming saksi, talikuran natin ang kasalanan at ang anumang balakid na pumipigil sa atin. Buong tiyaga tayong tumakbo sa paligsahang ating sinalihan.
2 Ituon natin ang ating paningin kay Jesus na siyang pinagmumulan at kabuuan ng ating pananampalataya. Dahil sa kagalakang naghihintay sa kanya, hindi niya ikinahiya ang mamatay sa krus, at siya ngayo'y nakaupo sa kanan ng trono ng Diyos.
3 Isip-isipin ninyo kung gaano ang tiniis niyang pag-uusig ng mga makasalanan, upang hindi kayo manlupaypay o panghinaan ng loob. 4 Hindi pa humahantong sa pag-aalay ng dugo ang pakikipaglaban ninyo sa kasalanan.
5 Nalimutant na ba ninyo ang panawagan ng Diyos sa inyo bilang mga anak niya, mga salitang nagpapalakas ng loob?
“Anak ko, huwag mong bale-walain ang pagtutuwid ng Panginoon,
at huwag mong mamasamain kapag ikaw ay dinidisiplina niya.
6 Sapagkat dinidisiplina ng Panginoon ang mga minamahal niya,
at pinapalo ang itinuturing niyang anak.”
7 Tiisin ninyo ang lahat ng hirap bilang pagtutuwid ng isang ama, dahil ito'y nagpapakilalang kayo'y tinatanggap ng Diyos bilang tunay niyang mga anak. Sinong anak ang hindi dinidisiplina ng kanyang ama? 8 Kung ang pagdidisiplina na ginagawa sa lahat ng anak ay hindi gagawin sa inyo, hindi kayo tunay na mga anak kundi kayo'y mga anak sa labas. 9 Hindi ba't dinidisiplina tayo ng ating mga magulang, at dahil diyan ay iginagalang natin sila? Hindi ba't upang tayo'y mabuhay, mas nararapat na tayo'y pasakop sa Diyos na ating Ama sa espiritu? 10 Sa loob ng maikling panahon, dinisiplina tayo ng ating mga magulang para sa ating ikabubuti. Gayundin naman, itinutuwid tayo ng Diyos sa ikabubuti natin upang tayo'y maging banal tulad niya.
11 Habang tayo'y itinutuwid, hindi tayo natutuwa kundi naghihinagpis, ngunit pagkatapos niyon, mararanasan natin ang kapayapaang bunga ng matuwid na pamumuhay.Mga Babala at mga Tagubilin
12 Dahilt dito'y itaas ninyo ang inyong mga nanghihinang kamay at patatagin ang mga nangangalog na tuhod.
13 Lumakadt kayo sa daang matuwid upang hindi lumala ang mga paang napilay at sa halip ay gumaling.
14 Sikapin ninyong makasundo ang lahat, at magpakabanal sapagkat hindi ninyo makikita ang Panginoon kung hindi kayo mamumuhay nang ganito. 15 Pag-ingatant ninyong huwag tumalikod ang sinuman sa inyo sa pag-ibig ng Diyos. Huwag kayong magtanim ng samâ ng loob na dahil dito'y napapasamâ ang iba. 16 Pag-ingatant ninyo na huwag makiapid ang sinuman sa inyo, o pawalang-halaga ang mga bagay na espirituwal, tulad ng ginawa ni Esau. Ipinagpalit niya sa pagkain ang kanyang karapatan bilang panganay.
17 Alamt ninyo ang nangyari pagkatapos. Hiningi niya sa kanyang ama na igawad sa kanya ang pagpapalang nauukol sa panganay, ngunit ito'y itinanggi sa kanya sapagkat hindi na niya mababago ang kanyang ginawa, anuman ang gawin niyang pakiusap at pagluha.
18 Hindit kayo lumapit sa isang bundok na nakikita, gaya ng mga Israelita sa bundok ng Sinai. Ito'y may apoy na nagliliyab at nababalutan ng dilim at malakas na hangin. 19 Doon ay may tunog ng trumpeta at tinig na nagsasalita. Nang ang tinig na iyon ay marinig ng mga tao, nakiusap silang tumigil na iyon ng pagsasalita sa kanila, 20 sapagkatt hindi nila matagalan ang utos na ito, “Ang sinumang tumapak sa bundok, kahit hayop, ay babatuhin hanggang sa mamatay.”
21 Talagangt nakakakilabot ang kanilang natatanaw, kaya't pati si Moises ay nagsabing, “Nanginginig ako sa takot!”
22 Sa halip, ang nilapitan ninyo ay ang Bundok ng Zion at ang lunsod ng Diyos na buháy, ang Jerusalem sa langit, na kinaroroonan ng di mabilang na anghel. 23 Dumalo kayo sa masayang pagtitipont ng mga itinuring na panganay. Ang kanilang mga pangalan ay nakatala sa langit. Lumapit kayo sa Diyos na hukom ng lahat, at sa mga espiritu ng mga taong ginawang ganap.
24 Lumapitt kayo kay Jesus, ang tagapamagitan ng bagong tipan. Ang dugo niyang dumanak ay may pangako ng mas mabubuting bagay kaysa sa isinisigaw ng dugo ni Abel.
25 Kaya'tt makinig kayong mabuti sa kanya na nagsasalita. Ang tumangging makinig sa nagsalita sa kanila dito sa lupa ay hindi nakaligtas sa parusa! Gaano pa kaya tayo, kung tayo'y tatangging makinig sa nagsasalita mula sa langit! 26 Dahilt sa kanyang tinig, nayanig noon ang lupa; ngunit ipinangako niya ngayon, “Minsan ko pang yayanigin, hindi lamang ang lupa, pati na rin ang langit.”
27 Ang mga salitang “Minsan pa” ay maliwanag na nagsasabing aalisin ang mga nilikhang nayayanig, upang manatili ang mga bagay na di-nayayanig.
28 Kaya magpasalamat tayo sa Diyos sapagkat tumanggap tayo ng isang kahariang hindi mayayanig. Sambahin natin ang Diyos sa paraang kalugud-lugod sa kanya, sa paraang may paggalang at pagkatakot, 29 sapagkatt tunay nga na ang ating Diyos ay parang apoy na nakakatupok.
HEBREWS 12
A Large Crowd of Witnesses
1 t Such a large crowd of witnesses is all around us! So we must get rid of everything that slows us down, especially the sin that just won't let go. And we must be determined to run the race that is ahead of us. 2 t We must keep our eyes on Jesus, who leads us and makes our faith complete. He endured the shame of being nailed to a cross, because he knew later on he would be glad he did. Now he is seated at the right sidet of God's throne!
3 So keep your mind on Jesus, who put up with many insults from sinners. Then you won't get discouraged and give up.
4 None of you have yet been hurtt in your battle against sin.
5 t But you have forgotten that the Scriptures say to God's children,
“When the Lord punishes you,
don't make light of it,
and when he corrects you,
don't be discouraged.
6 The Lord corrects the people
he loves
and disciplines those
he calls his own.”
7 Be patient when you are being corrected! This is how God treats his children. Don't all parents correct their children? 8 God corrects all his children, and if he doesn't correct you, then you don't really belong to him.
9 Our earthly fathers correct us, and we still respect them. Isn't it even better to be given true life by letting our spiritual Father correct us?
10 Our human fathers correct us for a short time, and they do it as they think best. But God corrects us for our own good, because he wants us to be holy, as he is.
11 It is never fun to be corrected. In fact, at the time it is always painful. But if we learn to obey by being corrected, we will do right and live at peace.
12 t Now stand up straight! Stop your knees from shaking
13 t and walk a straight path. Then lame people will be healed, instead of getting worse.Warning against Turning from God
14 Try to live at peace with everyone! Live a clean life. If you don't, you will never see the Lord. 15 t Make sure no one misses out on God's wonderful kindness. Don't let anyone become bitter and cause trouble for the rest of you. 16 t Watch out for immoral and ungodly people like Esau, who sold his future blessingt for only one meal.
17 t You know how he later wanted it back. But there was nothing he could do to change things, even though he begged his father and cried.
18 t You have not come to a place like Mount Sinait that can be seen and touched. There is no flaming fire or dark cloud or storm 19 or trumpet sound. The people of Israel heard a voice speak. But they begged it to stop, 20 t because they could not obey its commands. They were even told to kill any animal that touched the mountain.
21 The sight was so frightening that Moses said he shook with fear.
22 You have now come to Mount Zion and to the heavenly Jerusalem. This is the city of the living God, where thousands and thousands of angels have come to celebrate. 23 Here you will find all of God's dearest children, t whose names are written in heaven. And you will find God himself, who judges everyone. Here also are the spirits of those good people who have been made perfect.
24 t And Jesus is here! He is the one who makes God's new agreement with us, and his sprinkled blood says much better things than the blood of Abel.t
25 t Make sure you obey the one who speaks to you. The people did not escape, when they refused to obey the one who spoke to them at Mount Sinai. Do you think you can possibly escape, if you refuse to obey the one who speaks to you from heaven?
26 t When God spoke the first time, his voice shook only the earth. This time he has promised to shake the earth once again, and heaven too.
27 The words “once again” mean that these created things will someday be shaken and removed. Then what cannot be shaken will last. 28 We should be grateful we were given a kingdom that cannot be shaken. And in this kingdom we please God by worshiping him and by showing him great honor and respect. 29 t Our God is like a destructive fire!