previous next

Mga Hebreo 13

Paglilingkod na Nakalulugod sa Diyos

1 Patuloy kayong magmahalan bilang magkakapatid kay Cristo. 2 Palagingt maging bukás ang inyong pinto sa mga taga-ibang bayan. Lingid sa kanilang kaalaman, may ilang nakapagpatuloy na ng mga anghel.

3 Alalahanin ninyo ang mga nakabilanggo, na parang kayo'y nakabilanggo ring kasama nila. Damayan din ninyo ang mga pinagmamalupitan, na parang kayo'y dumaranas din ng ganoon.

4 Dapatt igalang ng lahat ang pagsasama ng mag-asawa at maging tapat kayo sa isa't isa, sapagkat hahatulan ng Diyos ang mga nakikiapid at nangangalunya.
5 Huwagt kayong magmukhang pera; at masiyahan na kayo sa anumang nasa inyo. Sapagkat sinabi ng Diyos, “Hindi kita iiwan ni pababayaan man.”

6 Kaya'tt buong tapang nating masasabi,
“Ang Panginoon ang tumutulong sa akin,
hindi ako matatakot.
Ano ang magagawa sa akin ng tao?”
7 Alalahanin ninyo ang mga dating namumuno sa inyo, ang mga nagpahayag sa inyo ng salita ng Diyos. Isipin ninyo kung paano sila namuhay, at tularan ninyo ang kanilang pananampalataya sa Diyos. 8 Si Jesu-Cristo ay hindi magbabago kailanman; siya ay kahapon, ngayon, at bukas.

9 Huwag kayong patangay sa mga sari-sari at kakaibang katuruan. Mas mabuti para sa atin ang mapanatag ang ating kalooban sa pamamagitan ng kagandahang-loob ng Diyos kaysa sa pamamagitan ng pagsunod sa mga utos tungkol sa pagkain. Ang mga sumusunod sa mga utos na iyan ay wala namang natamong pakinabang.
10 Tayo'y may isang dambana, at ang mga paring naglilingkod sa tabernakulo ay hindi maaaring kumain ng mga inihandog sa dambana na ito. 11 Angt dugo ng mga hayop ay dinadala ng pinakapunong pari sa Dakong Kabanal-banalan upang ialay bilang handog dahil sa kasalanan, ngunit ang katawan ng mga hayop ay sinusunog sa labas ng bayan. 12 Gayundin naman, namatay si Jesus sa labas ng bayan upang linisin niya ang tao sa kanilang kasalanan, sa pamamagitan ng kanyang dugo. 13 Kaya't pumunta tayo sa kanya sa labas ng bayan at magtiis din ng kahirapang kanyang tiniis. 14 Sapagkat hindi rito sa lupa ang tunay na bayan natin, at ang hinahanap natin ay ang bayang darating. 15 Kaya'tt lagi tayong mag-alay ng papuri bilang handog sa Diyos sa pamamagitan ni Jesus, papuring nagpapahayag ng ating pagkilala sa kanyang pangalan.

16 At huwag nating kaligtaan ang paggawa ng mabuti at ang pagtulong sa kapwa, sapagkat iyan ang alay na kinalulugdan ng Diyos.

17 Pasakop kayo at sumunod sa mga namamahala sa inyo. Sila'y may pananagutang mangalaga sa inyo, at mananagot sila sa Diyos ukol diyan. Kung sila'y susundin ninyo, magagalak sila sa pagtupad ng kanilang tungkulin; kung hindi, sila'y mamimighati, at hindi ito makakabuti sa inyo.
18 Ipanalangin ninyo kami. Nakakatiyak kaming malinis ang aming budhi at hinahangad naming mabuhay nang matuwid sa lahat ng panahon.

19 Higit sa lahat, hinihiling kong ipanalangin ninyo na ako'y makabalik agad sa inyo.

Panalangin


20 Ang Diyos na pinagmumulan ng kapayapaan na siyang muling bumuhay sa ating Panginoong Jesus na naging Dakilang Pastol ng mga tupa dahil sa kanyang dugo ang nagpatibay sa walang hanggang tipan.

21 Nawa'y ipagkaloob niya sa inyo ang lahat ng kailangan ninyo upang maisagawa ang kanyang kalooban, at sa pamamagitan ni Jesu-Cristo ay gawin niya sa atin ang nakalulugod sa kanya. Papurihan nawa si Cristo magpakailanman! Amen.

Panghuling Pangungusap


22 Mga kapatid, hinihiling ko na pakinggan ninyong mabuti ang mga sinasabi ko sapagkat maikli lang naman ang sulat na ito.

23 Nais ko ring malaman ninyo na nakalaya na ang ating kapatid na si Timoteo, at kung darating siya agad, isasama ko siya pagpunta ko riyan.

24 Ikumusta ninyo kami sa mga namumuno sa inyo at sa lahat ng kapatid. Kinukumusta kayo ng mga kapatid sa Italia.
25 Nawa'y sumainyong lahat ang pagpapala ng Diyos.

HEBREWS 13

Service That Pleases God

1 Keep being concerned about each other as the Lord's followers should.

2  t Be sure to welcome strangers into your home. By doing this, some people have welcomed angels as guests, without even knowing it.

3 Remember the Lord's people who are in jail and be concerned for them. Don't forget those who are suffering, but imagine you are there with them.

4  t Have respect for marriage. Always be faithful to your partner, because God will punish anyone who is immoral or unfaithful in marriage.
5  t Don't fall in love with money. Be satisfied with what you have. The Lord has promised that he will not leave us or desert us.

6 t This should make you feel like saying,
“The Lord helps me!
Why should I be afraid
of what people
can do to me?”

7 Don't forget about your leaders who taught you God's message. Remember what kind of lives they lived and try to have faith like theirs.
8 Jesus Christ never changes! He is the same yesterday, today, and forever. 9 Don't be fooled by any kind of strange teachings. It is better to receive strength from God's gift of undeserved grace than to depend on certain foods. After all, these foods don't really help the people who eat them.

10 But we have an altar where even the priests who serve in the place of worship have no right to eat.
11  t After the high priest offers the blood of animals as a sin offering, the bodies of those animals are burned outside the camp. 12 Jesus himself suffered outside the city gate, so his blood would make people holy. 13 This is why we should go outside the camp to Jesus and share in his disgrace.

14 On this earth we don't have a city that lasts forever, but we are waiting for such a city.
15 Our sacrifice is to keep offering praise to God in the name of Jesus.

16 But don't forget to help others and to share your possessions with them. This too is like offering a sacrifice that pleases God.

17 Obey your leaders and do what they say. They are watching over you, and they must answer to God. So don't make them sad as they do their work. Make them happy. Otherwise, they won't be able to help you at all.
18 Pray for us. Our consciences are clear, and we always try to live right.

19 I especially want you to pray that I can visit you again soon.

Final Prayers and Greetings


20 God gives peace, and he raised our Lord Jesus Christ from death. Now Jesus is like a Great Shepherd whose blood was used to make God's eternal agreement with his flock.t

21 t I pray God will make you ready to obey him and that you will always be eager to do right. May Jesus help you do what pleases God. To Jesus Christ be glory forever and ever! Amen.

22 My friends, I have written only a short letter to encourage you, and I beg you to pay close attention to what I have said.

23 By now you surely must know that our friend Timothy is out of jail. If he gets here in time, I will bring him with me when I come to visit you.

24 Please give my greetings to your leaders and to the rest of the Lord's people.
His followers from Italy send you their greetings.
25 I pray that God will be kind to all of you!t