Mga Hebreo 13
1 Mamalagi nawa ang pagibig sa mga kapatid.2 Huwag ninyong limutin ang pagpapakita ng pagibig sa mga taga ibang lupa: sapagka't sa pamamagitan nito ang iba'y walang malay na nakapagpapatuloy ng mga anghel.3 Alalahanin ninyo ang mga may tanikala, gaya ng kayo'y nangagagapos na kasama nila; ang mga tinatampalasan na gaya ng kayo naman ay tinatampalasan sa katawan.4 Maging marangal nawa sa lahat ang pagaasawa, at huwag nawang magkadungis ang higaan: sapagka't ang mga mapakiapid at ang mga mapangalunya ay pawang hahatulan ng Dios.5 Mangilag kayo sa pagibig sa salapi; mangagkasiya kayo sa inyong tinatangkilik: sapagka't siya rin ang nagsabi, Sa anomang paraan ay hindi kita papagkukulangin, sa anomang paraan ni hindi kita pababayaan.6 Ano pa't ating masasabi ng buong tapang, Ang Panginoon ang aking katulong; hindi ako matatakot: Anong magagawa sa akin ng tao?7 Alalahanin ninyo ang nangagkaroon ng pagpupuno sa inyo na siyang nangagsalita sa inyo ng salita ng Dios; at sa pagdidilidili ng wakas ng kanilang pamumuhay, ay inyong tularan ang kanilang pananampalataya.8 Si Jesucristo ay siya ring kahapon at ngayon, oo at magpakailan man.9 Huwag nga kayong padala sa mga turong sarisari at di kilala: sapagka't mabuti na ang puso ay patibayin sa pamamagitan ng biyaya; hindi sa pamamagitan ng mga pagkain, na di pinakikinabangan ng mga nagabala sa kanila.10 Tayo ay may isang dambana, na hindi matuwid kainan ng mga nagsisipaglingkod sa tabernakulo.11 Sapagka't ang mga katawan ng mga hayop na ang mga dugo'y dinadala ng dakilang saserdote sa dakong banal na handog na patungkol sa kasalanan, ay sinusunog sa labas ng kampamento.12 Kaya naman si Jesus, upang mapaging banal sa pamamagitan ng kanilang sariling dugo ang bayan, ay nagbata sa labas ng pintuan.13 Atin nga siyang labasin sa labas ng kampamento na dalhin natin ang kaniyang pagkadusta.14 Sapagka't dito'y wala tayong bayan na namamalagi, nguni't hinahanap natin ang bayan na darating.15 Sa pamamagitan nga niya ay maghandog tayong palagi ng hain ng pagpupuri sa Dios, sa makatuwid baga, ay ng bunga ng mga labi na nagpapahayag ng kaniyang pangalan.16 Datapuwa't ang paggawa ng mabuti at ang pagabuloy ay huwag ninyong kalimutan: sapagka't sa mga gayong hain ang Dios ay totoong nalulugod.17 Magsitalima kayo sa namiminuno sa inyo, at kayo'y pasakop sa kanila: sapagka't pawang nangagpupuyat dahil sa inyong mga kaluluwa, na parang sila ang mangagsusulit; upang ito'y gawin nilang may kagalakan, at huwag may hapis: sapagka't sa ganito'y di ninyo mapapakinabangan.18 Idalangin ninyo kami: sapagka't kami'y naniniwalang lubos na kami ay may mabuting budhi, na nagnanasang mabuhay na marangal sa lahat ng mga bagay.19 At iniaaral ko sa inyong malabis na inyong gawin ito, upang ako'y masauli na lalong madali sa inyo.20 Ngayon ang Dios ng kapayapaan na muling nagdala mula sa mga patay sa dakilang pastor ng mga tupa sa pamamagitan ng dugo ng walang hanggang tipan, sa makatuwid baga'y ang Panginoon nating si Jesus,21 Ay pakasakdalin nawa niya kayo sa bawa't mabuting gawa upang gawin ang kanyang kalooban, na gawin sa atin ang nakalulugod sa paningin niya, sa pamamagitan ni Jesucristo; na mapasa kaniya nawa ang kaluwalhatian magpakailan man. Siya nawa.22 Datapuwa't ipinamamanhik ko sa inyo, mga kapatid, na inyong pagtiisan ang salitang iniaral: sapagka't kayo'y sinulatan ko ng ilang salita.23 Inyong talastasin na ang ating kapatid na si Timoteo ay pinawalan na; na kung siya'y dumating na madali, kayo'y makikita kong kasama niya.24 Batiin ninyo ang lahat ng mga namiminuno sa inyo, at ang lahat ng mga banal. Kayo'y binabati ng nangasa Italia.25 Ang biyaya'y sumainyo nawang lahat. Siya nawa.
HEBREWS 13
Service That Pleases God
1 Keep being concerned about each other as the Lord's followers should.
2 t Be sure to welcome strangers into your home. By doing this, some people have welcomed angels as guests, without even knowing it.
3 Remember the Lord's people who are in jail and be concerned for them. Don't forget those who are suffering, but imagine you are there with them.
4 t Have respect for marriage. Always be faithful to your partner, because God will punish anyone who is immoral or unfaithful in marriage.
5 t Don't fall in love with money. Be satisfied with what you have. The Lord has promised that he will not leave us or desert us.
6 t This should make you feel like saying,
“The Lord helps me!
Why should I be afraid
of what people
can do to me?”
7 Don't forget about your leaders who taught you God's message. Remember what kind of lives they lived and try to have faith like theirs.
8 Jesus Christ never changes! He is the same yesterday, today, and forever. 9 Don't be fooled by any kind of strange teachings. It is better to receive strength from God's gift of undeserved grace than to depend on certain foods. After all, these foods don't really help the people who eat them.
10 But we have an altar where even the priests who serve in the place of worship have no right to eat.
11 t After the high priest offers the blood of animals as a sin offering, the bodies of those animals are burned outside the camp. 12 Jesus himself suffered outside the city gate, so his blood would make people holy. 13 This is why we should go outside the camp to Jesus and share in his disgrace.
14 On this earth we don't have a city that lasts forever, but we are waiting for such a city.
15 Our sacrifice is to keep offering praise to God in the name of Jesus.
16 But don't forget to help others and to share your possessions with them. This too is like offering a sacrifice that pleases God.
17 Obey your leaders and do what they say. They are watching over you, and they must answer to God. So don't make them sad as they do their work. Make them happy. Otherwise, they won't be able to help you at all.
18 Pray for us. Our consciences are clear, and we always try to live right.
19 I especially want you to pray that I can visit you again soon.Final Prayers and Greetings
20 God gives peace, and he raised our Lord Jesus Christ from death. Now Jesus is like a Great Shepherd whose blood was used to make God's eternal agreement with his flock.t
21 t I pray God will make you ready to obey him and that you will always be eager to do right. May Jesus help you do what pleases God. To Jesus Christ be glory forever and ever! Amen.
22 My friends, I have written only a short letter to encourage you, and I beg you to pay close attention to what I have said.
23 By now you surely must know that our friend Timothy is out of jail. If he gets here in time, I will bring him with me when I come to visit you.
24 Please give my greetings to your leaders and to the rest of the Lord's people.
His followers from Italy send you their greetings.
25 I pray that God will be kind to all of you!t