previous next

Mga Hebreo 5

1 Ang bawat pinakapunong pari ay pinili mula sa mga tao at inilagay sa ganoong tungkulin upang maglingkod sa Diyos para sa mga tao. Siya ang nag-aalay ng mga kaloob at mga handog para mapatawad ang mga kasalanan. 2 Nadarama niya ang kahinaan ng mga mangmang at ng mga naliligaw ng landas sapagkat siya'y mahina ring tulad nila. 3 Att dahil sa kanyang kahinaan, kinakailangang siya'y mag-alay ng handog, hindi lamang para sa kasalanan ng iba, kundi para sa kanya ring mga kasalanan.

4 Angt karangalan ng pagiging pinakapunong pari ay hindi maaaring makamtan ninuman sa kanyang sariling kagustuhan. Ang Diyos ang pumipili sa kanya, tulad ng pagkapili kay Aaron.

5 Gayundint naman, hindi itinaas ni Cristo ang kanyang sarili upang maging Pinakapunong Pari. Siya'y pinili ng Diyos na nagsabi sa kanya,
“Ikaw ang aking Anak,
mula ngayo'y ako na ang iyong Ama.”

6 Sinabit rin niya sa ibang bahagi ng kasulatan,
“Ikaw ay pari magpakailanman,
ayon sa pagkapari ni Melquisedec.”
7 Noongt si Jesus ay namumuhay pa rito sa lupa, siya'y nanalangin at lumuluhang nakiusap sa Diyos na makakapagligtas sa kanya sa kamatayan. At dininig siya ng Diyos dahil lubusan siyang nagpakumbabá. 8 Kahit na siya'y Anak ng Diyos, natutuhan niya ang tunay na kahulugan ng pagsunod sa pamamagitan ng pagtitiis. 9 At nang siya'y maging ganap, siya'y naging walang hanggang Tagapagligtas ng lahat ng mga sumusunod sa kanyang kalooban.

10 Minarapat ng Diyos na siya'y gawing Pinakapunong Pari ayon sa pagkapari ni Melquisedec.

Babala Laban sa Pagtalikod


11 Marami pa kaming masasabi tungkol sa bagay na ito, ngunit mahirap ipaliwanag sa inyo sapagkat napakabagal ninyong umunawa. 12 Dapatt sana'y mga tagapagturo na kayo, subalit hanggang ngayo'y kailangan pa kayong turuan ng mga panimulang aralin tungkol sa mga Salita ng Diyos. Dapat sana'y kumakain na kayo ng matigas na pagkain ngunit hanggang ngayon, gatas pa lamang ang inyong kaya. 13 Ang sanggol pa ay nabubuhay sa gatas at kulang pa ang kaalaman sa salita ng katuwiran. 14 Ang matigas na pagkain ay para sa may sapat na gulang at marunong nang kumilala ng mabuti't masama.

HEBREWS 5

1 Every high priest is appointed to help others by offering gifts and sacrifices to God because of their sins. 2 A high priest has weaknesses of his own, and he feels sorry for foolish and sinful people. 3 t This is why he must offer sacrifices for his own sins and for the sins of others.

4 t But no one can have the honor of being a high priest simply by wanting to be one. Only God can choose a priest, and God is the one who chose Aaron.

5  t This is how it was with Christ. He became a high priest, but not just because he wanted the honor of being one. It was God who told him,
“You are my Son, because today
I have become your Father!”

6  t In another place, God says,
“You are a priest forever
just like Melchizedek.”t
7  t God had the power to save Jesus from death. And while Jesus was on earth, he begged God with loud crying and tears to save him. He truly worshiped God, and God listened to his prayers. 8 Jesus is God's own Son, but still he had to suffer before he could learn what it really means to obey God. 9 Suffering made Jesus perfect, and now he can save forever all who obey him.

10 This is because God chose him to be a high priest like Melchizedek.

Warning against Turning Away


11 Much more could be said about this subject. But it is hard to explain, and all of you are slow to understand. 12 t By now you should have been teachers, but once again you need to be taught the simplest things about what God has said. You need milk instead of solid food. 13 People who live on milk are like babies who don't really know what is right. 14 Solid food is for mature people who have been trained to know right from wrong.