previous next

Mga Hebreo 6

1 Kaya't iwanan na natin ang mga panimulang aralin tungkol kay Cristo at magpatuloy na tayo sa mga araling para sa mga may sapat na pang-unawa na. Tigilan na natin ang muling paglalagay ng pundasyon tungkol sa pagtalikod sa mga gawang walang kabuluhan at tungkol sa pananampalataya sa Diyos, 2 tungkol sa mga iba't ibang seremonya ng paglilinis at pagpapatong ng mga kamay, at tungkol sa muling pagkabuhay ng mga patay at sa hatol na walang hanggan.

3 Magpatuloy na tayo; at iyan ang gagawin namin kung loloobin ng Diyos.
4 Sapagkat paano pang magsisisi at manunumbalik ang mga tumalikod na sa kanilang pananampalataya? Dati'y naliwanagan na sila, nakalasap ng makalangit na kaloob at naging kabilang sa mga tumanggap ng Espiritu Santo. 5 Nakalasap na rin sila ng kabutihan ng Salita ng Diyos, at nakadama ng kapangyarihan ng Diyos na lubusang mahahayag sa panahong darating.

6 Kapag sila'y tumalikod pagkatapos malasap ang lahat, hindi na sila maaari pang maakay sa pagsisisi at mapanumbalik sapagkat muli nilang ipinapako sa krus at inilalantad sa kahihiyan ang Anak ng Diyos.
7 Sapagkat pinagpapala ng Diyos ang lupang pagkatapos tumanggap ng masaganang ulan ay sinisibulan ng halamang pinapakinabangan ng mga magsasaka.

8 Subalitt kung mga damo at halamang matitinik ang tumutubo doon, walang kabuluhan ang lupang iyon at ito ay nanganganib pang sumpain ng Diyos. Ito ay tutupukin sa apoy.
9 Mga minamahal, kahit ganito ang sinasabi namin, natitiyak namin na nasa mas mabuti kayong kalagayan patungkol sa inyong kaligtasan. 10 Makatarungan ang Diyos; hindi niya malilimutan ang inyong ginawa at ang pagmamahal na inyong ipinakita at hanggang ngayo'y ipinapakita sa pamamagitan ng paglilingkod ninyo sa mga hinirang ng Diyos. 11 Ang nais namin ay patuloy na magsumikap hanggang wakas ang bawat isa sa inyo upang makamtan ninyo ang inyong inaasahan.

12 Kaya't huwag kayong maging tamad. Tularan ninyo ang mga taong dahil sa kanilang pagtitiis at pananalig sa Diyos ay tumatanggap ng mga ipinangako niya.

Tiyak ang Pangako ng Diyos


13 Nang mangako ang Diyos kay Abraham, siya'y nanumpa na tutuparin niya ang kanyang pangako. Dahil wala nang nakakahigit pa sa kanya, nanumpa siya sa sarili niyang pangalan. 14 Sinabit niya, “Ipinapangako ko na lubos kitang pagpapalain at ang lahing magmumula sa iyo ay aking pararamihin.” 15 Matiyagang naghintay si Abraham at natanggap naman niya ang ipinangako sa kanya. 16 Nanunumpa ang mga tao sa pangalan ng isang nakakahigit sa kanila, at sa pamamagitan ng panunumpang ito'y pinapagtibay ang usapan. 17 Gayundin naman, pinagtibay ng Diyos ang kanyang pangako sa pamamagitan ng panunumpa, upang ipakita sa kanyang mga pinangakuan na hindi mababago ang kanyang layunin. 18 Hindi nagbabago at hindi man lang nagsisinungaling ang Diyos tungkol sa dalawang bagay na ito: ang kanyang pangako at sumpa. Kaya't tayong nakatagpo ng kanyang kalinga ay panatag ang loob na umaasa sa mga pangako niya. 19 Angt pag-asang ito ang siyang matibay at matatag na angkla ng ating buhay, at ito'y umaabot hanggang sa kabila ng tabing ng templo, hanggang sa Dakong Kabanal-banalan. 20 Sit Jesus ay naunang pumasok doon alang-alang sa atin, at naging Pinakapunong Pari magpakailanman, ayon sa pagkapari ni Melquisedec.

HEBREWS 6

1 We must try to become mature and start thinking about more than just the basic things we were taught about Christ. We shouldn't need to keep talking about why we ought to turn from deeds that bring death and why we ought to have faith in God. 2 And we shouldn't need to keep teaching about baptismst or about the laying on of handst or about people being raised from death and the future judgment.

3 Let's grow up, if God is willing.

4-6 But what about people who turn away after they have already seen the light and have received the gift from heaven and have shared in the Holy Spirit? What about those who turn away after they have received the good message of God and the powers of the future world? There is no way to bring them back. What they are doing is the same as nailing the Son of God to a cross and insulting him in public!
7 A field is useful to farmers, if there is enough rain to make good crops grow. In fact, God will bless such a field.

8 t But land that produces only thornbushes is worthless. It is likely to fall under God's curse, and in the end it will be set on fire.
9 My friends, we are talking this way. But we are sure that you are doing those really good things people do when they are being saved. 10 God is always fair. He will remember how you helped his people in the past and how you are still helping them. You belong to God, and he won't forget the love you have shown his people. 11 We wish each of you would always be eager to show how strong and lasting your hope really is.

12 Then you would never be lazy. You would be following the example of those who had faith and were patient until God kept his promise to them.

God's Promise Is Sure


13 No one is greater than God. So he made a promise in his own name when he said to Abraham, 14 t “I, the Lord, will bless you with many descendants!” 15 Then after Abraham had been very patient, he was given what God had promised. 16 When anyone wants to settle an argument, they make a vow by using the name of someone or something greater than themselves. 17 So when God wanted to prove for certain his promise to his people could not be broken, he made a vow.

18 God cannot tell lies! And so his promises and vows are two things that can never be changed.
We have run to God for safety. Now his promises should greatly encourage us to take hold of the hope that is right in front of us.
19 t This hope is like a firm and steady anchor for our souls. In fact, hope reaches behind the curtaint and into the most holy place. 20 t Jesus has gone there ahead of us, and he is our high priest forever, just like Melchizedek.t