Mga Hebreo 6
1 Kaya't tayo'y tumigil na ng pagsasalita ng mga unang simulain ng aral ni Cristo, at tayo'y mangagpatuloy sa kasakdalan; na huwag nating ilagay na muli ang kinasasaligan ng pagsisisi sa mga patay na gawa, at ng pananampalataya sa Dios,2 Ng aral na tungkol sa mga paglilinis, at ng pagpapatong ng mga kamay, at ng pagkabuhay na maguli ng mga patay, at ng paghuhukom na walang hanggan.3 At ating gagawin ito, kung ipahihintulot ng Dios.4 Sapagka't tungkol sa mga minsang naliwanagan at nakalasap ng kaloob ng kalangitan, at mga nakabahagi ng Espiritu Santo,5 At nakalasap ng mabuting salita ng Dios, at ng mga kapangyarihan ng panahong darating,6 At saka nahiwalay sa Dios ay di maaaring baguhin silang muli sa pagsisisi; yamang kanilang ipinapapakong muli sa ganang kanilang sarili ang Anak ng Dios, at inilalagay na muli siya sa hayag na kahihiyan.7 Sapagka't ang lupang humitit ng ulang madalas na lumalagpak sa kaniya, at tinutubuan ng mga damong pakikinabangan ng mga yaon na dahil sa kanila'y binukid, ay tumanggap ng pagpapalang mula sa Dios:8 Datapuwa't kung namumunga ng mga tinik at dawag, ay itinatakuwil at malapit sa sumpa; at ang kaniyang kahihinatnan ay ang sunugin.9 Nguni't, mga minamahal, naniniwala kaming lubos sa magagaling na bagay tungkol sa inyo, at sa mga bagay na kalakip ng pagkaligtas, bagama't kami ay nagsasalita ng ganito:10 Sapagka't ang Dios ay hindi liko upang limutin ang inyong gawa at ang pagibig na inyong ipinakita sa kaniyang pangalan, sa inyong paglilingkod sa mga banal, at hanggang ngayo'y nagsisipaglingkod kayo.11 At ninanasa namin na ang bawa't isa sa inyo ay magpakita ng gayon ding sikap sa ikalulubos ng pagasa hanggang sa katapusan:12 Na huwag kayong mga tamad, kundi mga taga tulad kayo sa mga na sa pamamagitan ng pananampalataya at ng pagtitiis ay nagsisipagmana ng mga pangako.13 Sapagka't nang mangako ang Dios kay Abraham, palibhasa'y hindi niya maipanumpa ang anomang lalong mataas, ay ipinanumpa ang kaniyang sarili,14 Na sinasabi, Tunay sa pagpapala ay pagpapalain kita, at sa pagpaparami ay pararamihin kita.15 At sa ganito, nang makapaghintay na may pagtitiis, ay nagtamo siya ng pangako.16 Sapagka't ipinanunumpa ng mga tao ang lalong mataas: at sa bawa't pagtatalo nila'y ang sumpa sa pagpapatotoo ang siyang katapusan.17 Sa ganito, sa pagkaibig ng Dios na maipakitang lalong sagana sa mga tagapagmana ng pangako ang kawalan ng pagbabago ng kaniyang pasiya, ay ipinamagitan ang sumpa;18 Upang sa dalawang bagay na di mababago, na diya'y di maaaring ang Dios ay magbulaan, ay mangagkaroon tayo ng isang matibay na kasiglahan, tayong nangagsitakas na sumakanlong upang mangapit sa pagasang nalalagay sa ating unahan:19 Na ating inaring tulad sa sinepete ng kaluluwa, isang pagasa na matibay at matatag at pumapasok sa nasa loob ng tabing;20 Na doo'y pumasok dahil sa atin si Jesus, na gaya ng pangunahin, na naging dakilang saserdote magpakailan man ayon sa pagkasaserdote ni Melquisedec.
HEBREWS 6
1 We must try to become mature and start thinking about more than just the basic things we were taught about Christ. We shouldn't need to keep talking about why we ought to turn from deeds that bring death and why we ought to have faith in God. 2 And we shouldn't need to keep teaching about baptismst or about the laying on of handst or about people being raised from death and the future judgment.
3 Let's grow up, if God is willing.
4-6 But what about people who turn away after they have already seen the light and have received the gift from heaven and have shared in the Holy Spirit? What about those who turn away after they have received the good message of God and the powers of the future world? There is no way to bring them back. What they are doing is the same as nailing the Son of God to a cross and insulting him in public!
7 A field is useful to farmers, if there is enough rain to make good crops grow. In fact, God will bless such a field.
8 t But land that produces only thornbushes is worthless. It is likely to fall under God's curse, and in the end it will be set on fire.
9 My friends, we are talking this way. But we are sure that you are doing those really good things people do when they are being saved. 10 God is always fair. He will remember how you helped his people in the past and how you are still helping them. You belong to God, and he won't forget the love you have shown his people. 11 We wish each of you would always be eager to show how strong and lasting your hope really is.
12 Then you would never be lazy. You would be following the example of those who had faith and were patient until God kept his promise to them.God's Promise Is Sure
13 No one is greater than God. So he made a promise in his own name when he said to Abraham, 14 t “I, the Lord, will bless you with many descendants!” 15 Then after Abraham had been very patient, he was given what God had promised. 16 When anyone wants to settle an argument, they make a vow by using the name of someone or something greater than themselves. 17 So when God wanted to prove for certain his promise to his people could not be broken, he made a vow.
18 God cannot tell lies! And so his promises and vows are two things that can never be changed.
We have run to God for safety. Now his promises should greatly encourage us to take hold of the hope that is right in front of us. 19 t This hope is like a firm and steady anchor for our souls. In fact, hope reaches behind the curtaint and into the most holy place. 20 t Jesus has gone there ahead of us, and he is our high priest forever, just like Melchizedek.t