previous next

Santiago 1

1 Mulat kay Santiago, alipin ng Diyos at ng Panginoong Jesu-Cristo:
Ipinapaabot ko ang aking pagbati sa labindalawang liping hinirang ng Diyos na nasa iba't ibang bansa.

Pananampalataya at Karunungan


2 Mgat kapatid, magalak kayo kapag kayo'y dumaranas ng iba't ibang uri ng pagsubok. 3 Dapat ninyong malaman na napatatatag ang ating pananampalataya sa pamamagitan ng mga pagsubok.

4 At dapat kayong magpakatatag hanggang wakas upang kayo'y maging ganap at walang pagkukulang.
5 Ngunitt kung ang sinuman sa inyo ay kulang sa karunungan, humingi siya sa Diyos at siya'y bibigyan, sapagkat ang Diyos ay nagbibigay ng sagana at di nanunumbat. 6 Subalit ang humihingi ay dapat magtiwala sa Diyos at huwag mag-alinlangan, sapagkat ang nag-aalinlangan ay parang alon sa dagat na itinataboy ng hangin kahit saan. 7 Huwag umasang tatanggap ng anuman mula sa Panginoon ang taong

8 pabagu-bago ang isip at di alam kung ano talaga ang nais niya.

Ang Mahirap at ang Mayaman


9 Dapat magalak ang mahirap na kapatid kapag siya'y itinataas ng Diyos, 10 att gayundin naman ang mayamang kapatid kapag siya'y ibinababâ, sapagkat ang mayaman ay lilipas na gaya ng bulaklak ng damo.

11 Ang damo ay nalalanta sa matinding sikat ng araw, nalalagas ang kanyang mga bulaklak at kumukupas ang kanyang kagandahan. Gayundin naman, ang mayaman ay mamamatay sa gitna ng kanyang mga kaabalahan.

Ang Pagsubok at ang Pagtukso


12 Mapalad ang taong nananatiling tapat sa kabila ng mga pagsubok; sapagkat matapos siyang subukin, tatanggap siya ng gantimpala ng buhay, na ipinangako ng Panginoont sa mga umiibig sa kanya. 13 Huwagt sabihin ninuman na tinutukso siya ng Diyos kapag siya'y dumaranas ng pagsubok, sapagkat ang Diyos ay hindi maaaring matukso at hindi rin naman niya tinutukso ang kahit sino. 14 Natutukso ang tao kapag siya'y naaakit at nagpapatangay sa kanyang sariling nasa.

15 Kapag ang nasa ay tumubo at nag-ugat sa kanyang puso, magbubunga ito ng pagkakasala. Kapag ang kasalanan ay lumala, ito'y hahantong sa kamatayan.
16 Huwag kayong padaya, mga kapatid kong minamahal. 17 Ang lahat ng mabuti at ganap na kaloob ay buhat sa Diyos, mula sa Ama na lumikha ng mga tanglaw sa kalangitan. Hindi siya nagbabago, o nagpapakita ng bahagya mang pagbabago.

18 Niloob niyang tayo'y maging anak niya sa pamamagitan ng salita ng katotohanan, upang tayo'y maging pangunahin higit kaysa lahat ng kanyang mga nilalang.

Pakikinig at Pagsasagawa


19 Mgat kapatid kong minamahal, unawain ninyo ito: maging alisto kayo sa pakikinig, dahan-dahan sa pagsasalita at huwag agad magagalit. 20 Dahil ang galit ay hindi nakakatulong upang ang tao'y maging kalugud-lugod sa paningin ng Diyos.

21 Kaya't talikuran na ninyo ang inyong maruruming gawa at alisin ang masasamang asal. Mapagpakumbabáng tanggapin ninyong taimtim sa inyong puso ang salita ng Diyos sapagkat ang salitang ito ang makakapagligtas sa inyo.
22 Mamuhay kayo ayon sa salita ng Diyos. Kung ito'y pinapakinggan lamang ninyo ngunit hindi isinasagawa, dinadaya ninyo ang inyong sarili. 23 Sapagkat ang nakikinig ng salita ngunit hindi sumusunod dito ay katulad ng isang taong tumingin sa salamin, 24 at pagkatapos tingnang mabuti ang sarili ay umalis at kinakalimutan ang kanyang hitsura.

25 Ang taong nagsasaliksik at nagpapatuloy sa pagsunod sa Kautusang ganap na nagpapalaya sa tao ang pagpapalain ng Diyos sa lahat ng kanyang gawain. Siya ang taong gumagawa at hindi nakikinig lamang, at pagkatapos ay nakakalimot.
26 Kung inaakala ninuman na siya'y relihiyoso, ngunit hindi naman siya marunong magpigil ng dila, dinadaya lamang niya ang kanyang sarili. Walang kabuluhan ang kanyang pagiging relihiyoso. 27 Ang pagiging relihiyoso na dalisay at walang dungis sa harap ng ating Diyos at Ama ay ang pagtulong sa mga ulila at sa mga biyuda sa kanilang kahirapan, at pag-iingat sa sarili upang huwag mahawa sa kasamaan ng mundong ito.

JAMES 1

1  t From James, a servant of God and of our Lord Jesus Christ.
Greetings to the twelve tribes scattered all over the world.t

Faith and Wisdom


2  t My friends, be glad, even if you have a lot of trouble. 3 You know you learn to endure by having your faith tested.

4 But you must learn to endure everything, so you will be completely mature and not lacking in anything.
5  t If any of you need wisdom, you should ask God, and it will be given to you. God is generous and won't correct you for asking. 6 But when you ask for something, you must have faith and not doubt. Anyone who doubts is like an ocean wave tossed around in a storm.

7-8 If you are that kind of person, you can't make up your mind, and you surely can't be trusted. So don't expect the Lord to give you anything at all.

Poor People and //Rich People


9 Any of God's people who are poor should be glad he thinks so highly of them. 10 t But any who are rich should be glad when God makes them humble. Rich people will disappear like wild flowers

11 scorched by the burning heat of the sun. The flowers lose their blossoms, and their beauty is destroyed. This is how the rich will disappear, as they go about their business.

Trials and Temptations


12  t God will bless you, if you don't give up when your faith is being tested. He will reward you with a glorious life, t just as he rewards everyone who loves him.
13  t Don't blame God when you are tempted! God cannot be tempted by evil, and he doesn't use evil to tempt others. 14 We are tempted by our own desires that drag us off and trap us.

15 Our desires make us sin, and when sin is finished with us, it leaves us dead.
16 Don't be fooled, my dear friends. 17 Every good and perfect gift comes down from the Father who created all the lights in the heavens. He is always the same and never makes dark shadows by changing.

18 He wanted us to be his own special people, t and so he sent the true message to give us new birth.

Hearing and Obeying


19  t My dear friends, you should be quick to listen and slow to speak or to get angry. 20 If you are angry, you cannot do any of the good things God wants done.

21 You must stop doing anything immoral or evil. Instead be humble and accept the message planted in you to save you.
22 Obey God's message! Don't fool yourselves by just listening to it. 23 If you hear the message and don't obey it, you are like people who stare at themselves in a mirror 24 and forget what they look like as soon as they leave.

25 But you must never stop looking at the perfect law that sets you free. God will bless you in everything you do, if you listen and obey, and don't just hear and forget.
26 If you think you are being religious, but can't control your tongue, you are fooling yourself, and your religion is useless. 27 Religion that pleases God the Father must be pure and spotless. You must help needy orphans and widows and not let this world make you evil.