previous next

Santiago 1

1 Si Santiago, na alipin ng Dios at ng Panginoon Jesucristo, ay bumabati sa labingdalawang angkan na nasa Pangangalat.2 Mga kapatid ko, ariin ninyong buong kagalakan, kung kayo'y mangahulog sa sarisaring tukso;3 Yamang nalalaman na ang pagsubok sa inyong pananampalataya ay gumagawa ng pagtitiis.4 At inyong pabayaan na ang pagtitiis ay magkaroon ng sakdal na gawa, upang kayo'y maging sakdal at ganap, na walang anoman kakulangan.5 Nguni't kung nagkukulang ng karunungan ang sinoman sa inyo, ay humingi sa Dios, na nagbibigay ng sagana sa lahat at hindi nanunumbat; at ito'y ibibigay sa kaniya.6 Nguni't humingi siyang may pananampalataya, na walang anomang pagaalinlangan: sapagka't yaong nagaalinlangan ay katulad ng isang alon ng dagat na itinutulak ng hangin at ipinapadpad sa magkabikabila.7 Sapagka't huwag isipin ng taong yaon na siya'y tatanggap ng anoman bagay sa Panginoon;8 Ang taong may dalawang akala, ay walang tiyaga sa lahat ng kaniyang mga paglakad.9 Datapuwa't ang kapatid na mababang kapalaran ay magmapuri sa kaniyang mataas na kalagayan:10 At ang mayaman, dahil sa siya'y pinababa: sapagka't siya'y lilipas na gaya ng bulaklak ng damo.11 Sapagka't sumisikat ang araw na may hanging nakakasunog, at naluluoy ang damo; at nangalalagas ang bulaklak nito, at nawawala ang karikitan ng kaniyang anyo: gayon din naman ang taong mayaman na malalanta sa lahat ng kaniyang mga paglakad.12 Mapalad ang taong nagtitiis ng tukso; sapagka't pagkasubok sa kaniya, siya'y tatanggap ng putong ng buhay, na ipinangako ng Panginoon sa mga nagsisiibig sa kaniya.13 Huwag sabihin ng sinoman pagka siya'y tinutukso, Ako'y tinutukso ng Dios; sapagka't ang Dios ay hindi matutukso sa masamang bagay, at hindi rin naman siya nanunukso sa kanino man:14 Kundi ang bawa't tao ay natutukso, pagka nahihila ng sariling masamang pita at nahihikayat.15 Kung magkagayo'y ang kahalayan, kung maipaglihi ay nanganganak ng kasalanan: at ang kasalanan, pagka malaki na ay namumunga ng kamatayan.16 Huwag kayong padaya, mga minamahal kong kapatid.17 Ang bawa't mabuting kaloob at ang bawa't sakdal na kaloob ay pawang buhat sa itaas, na bumababa mula sa Ama ng mga ilaw, na walang pagbabago, ni kahit anino man ng pagiiba.18 Sa kaniyang sariling kalooban ay kaniya tayong ipinanganak sa pamamagitan ng salita ng katotohanan, upang tayo'y maging isang uri ng mga pangunahing bunga ng kaniyang mga nilalang.19 Nalalaman ninyo ito, minamahal kong mga kapatid. Nguni't magmaliksi ang bawa't tao sa pakikinig, magmakupad sa pananalita, magmakupad sa pagkagalit;20 Sapagka't ang galit ng tao ay hindi gumagawa ng katuwiran ng Dios.21 Kaya't ihiwalay ninyo ang lahat na karumihan at ang pagapaw ng kasamaan, at tanggapin ninyo na may kaamuan ang salitang itinanim, na makapagliligtas ng inyong mga kaluluwa.22 Datapuwa't maging tagatupad kayo ng salita, at huwag tagapakinig lamang, na inyong dinadaya ang inyong sarili.23 Sapagka't kung ang sinoman ay tagapakinig ng salita at hindi tagatupad, ay katulad siya ng isang tao na tinitingnan ang kaniyang talagang mukha sa salamin:24 Sapagka't minamasdan niya ang kaniyang sarili, at siya'y umaalis at pagdaka'y kaniyang nalilimutan kung ano siya.25 Nguni't ang nagsisiyasat ng sakdal na kautusan, ang kautusan ng kalayaan, at nananatiling gayon, na hindi tagapakinig na lumilimot, kundi tagatupad na gumagawa, ay pagpapalain ang taong ito sa kaniyang ginagawa.26 Kung ang sinoman ay nagiisip na siya'y relihioso samantalang hindi pinipigil ang kaniyang dila, kundi dinadaya ang kaniyang puso, ang relihion ng taong ito ay walang kabuluhan.27 Ang dalisay na relihion at walang dungis sa harapan ng ating Dios at Ama ay ito, dalawin ang mga ulila at mga babaing bao sa kanilang kapighatian, at pagingatang walang dungis ang kaniyang sarili sa sanglibutan.

JAMES 1

1  t From James, a servant of God and of our Lord Jesus Christ.
Greetings to the twelve tribes scattered all over the world.t

Faith and Wisdom


2  t My friends, be glad, even if you have a lot of trouble. 3 You know you learn to endure by having your faith tested.

4 But you must learn to endure everything, so you will be completely mature and not lacking in anything.
5  t If any of you need wisdom, you should ask God, and it will be given to you. God is generous and won't correct you for asking. 6 But when you ask for something, you must have faith and not doubt. Anyone who doubts is like an ocean wave tossed around in a storm.

7-8 If you are that kind of person, you can't make up your mind, and you surely can't be trusted. So don't expect the Lord to give you anything at all.

Poor People and //Rich People


9 Any of God's people who are poor should be glad he thinks so highly of them. 10 t But any who are rich should be glad when God makes them humble. Rich people will disappear like wild flowers

11 scorched by the burning heat of the sun. The flowers lose their blossoms, and their beauty is destroyed. This is how the rich will disappear, as they go about their business.

Trials and Temptations


12  t God will bless you, if you don't give up when your faith is being tested. He will reward you with a glorious life, t just as he rewards everyone who loves him.
13  t Don't blame God when you are tempted! God cannot be tempted by evil, and he doesn't use evil to tempt others. 14 We are tempted by our own desires that drag us off and trap us.

15 Our desires make us sin, and when sin is finished with us, it leaves us dead.
16 Don't be fooled, my dear friends. 17 Every good and perfect gift comes down from the Father who created all the lights in the heavens. He is always the same and never makes dark shadows by changing.

18 He wanted us to be his own special people, t and so he sent the true message to give us new birth.

Hearing and Obeying


19  t My dear friends, you should be quick to listen and slow to speak or to get angry. 20 If you are angry, you cannot do any of the good things God wants done.

21 You must stop doing anything immoral or evil. Instead be humble and accept the message planted in you to save you.
22 Obey God's message! Don't fool yourselves by just listening to it. 23 If you hear the message and don't obey it, you are like people who stare at themselves in a mirror 24 and forget what they look like as soon as they leave.

25 But you must never stop looking at the perfect law that sets you free. God will bless you in everything you do, if you listen and obey, and don't just hear and forget.
26 If you think you are being religious, but can't control your tongue, you are fooling yourself, and your religion is useless. 27 Religion that pleases God the Father must be pure and spotless. You must help needy orphans and widows and not let this world make you evil.