Santiago 2
Babala Laban sa Pagtatangi
1 Mga kapatid ko, bilang mga mananampalataya kay Jesu-Cristo na ating maluwalhating Panginoon, dapat maging pantay-pantay ang tingin ninyo sa lahat ng tao. 2 Kung may pumasok sa inyong kapulungan na isang lalaking may mga singsing na ginto at nakadamit nang magara, at dumating din doon ang isang mahirap na puro sulsi ang damit, 3 at inasikaso ninyong mabuti ang nakadamit nang magara at sinabi sa kanya, “Dito kayo maupo,” at sinabi naman ninyo sa mahirap, “Tumayo ka na lang diyan,” o kaya'y, “Sa sahig ka na lang umupo,”
4 nagtatangi na kayo at humahatol nang mali.
5 Mga kapatid kong minamahal, tingnan ninyo nang mabuti! Hindi ba't ang pinili ng Diyos ay ang mga mahihirap sa mundong ito upang maging mayaman sa pananampalataya at maging kasama sa kahariang ipinangako niya sa mga umiibig sa kanya? 6 Ngunit hinahamak ninyo ang mahihirap. Hindi ba't ang mayayaman ang umaapi sa inyo at sila ang nagsasakdal sa inyo sa hukuman?
7 Hindi ba't sila rin ang lumalait sa marangal na pangalang ibinigay sa inyo ng Diyos?
8 Mabutit ang inyong ginagawa kung tinutupad ninyo ang utos sa kaharian ng Diyos, ayon sa Kasulatan, “Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.” 9 Ngunit kung nagtatangi kayo ng tao, kayo'y nagkakasala, at batay sa Kautusan, dapat kayong parusahan. 10 Ang lumalabag sa isa, kahit tumupad sa iba pang mga utos ay lumalabag pa rin sa buong Kautusan, 11 sapagkatt ang Diyos na nagsabing, “Huwag kang mangangalunya,” ay siya ring nagsabing, “Huwag kang papatay.” Kung hindi ka man nangangalunya, ngunit pumapatay ka naman, nilalabag mo na rin ang Kautusan. 12 Kaya't mag-ingat kayo sa inyong pagkilos at pananalita, sapagkat hahatulan kayo ayon sa kautusang nagpapalaya sa inyo.
13 Walang awa na hahatulan ng Diyos ang di-marunong maawa; ngunit ang maawain ay walang dapat ikatakot sa oras ng paghatol.Pananampalataya at mga Gawa
14 Mga kapatid, ano ang mapapala ng isang tao kung sabihin man niyang siya'y may pananampalataya, ngunit hindi naman niya ito pinapatunayan sa gawa? Maililigtas ba siya ng ganoong uri ng pananampalataya? 15 Halimbawa, may isang kapatid na walang maisuot at walang makain. 16 Kung sasabihin ninyo sa kanya, “Patnubayan ka nawa ng Diyos; magbihis ka't magpakabusog,” ngunit hindi naman ninyo siya binibigyan ng kanyang kailangan, may mabuti bang naidudulot sa kanya iyon?
17 Gayundin naman, patay ang pananampalatayang walang kalakip na gawa.
18 Ngunit may nagsasabi, “May pananampalataya ka at may gawa naman ako.” Ipakita mo sa akin ang iyong pananampalatayang walang kasamang gawa, at ipapakita ko naman sa iyo ang aking pananampalataya sa pamamagitan ng aking mga gawa. 19 Sumasampalataya ka na ang Diyos ay iisa, hindi ba? Mabuti iyan! Ang mga demonyo man ay sumasampalataya rin, at nanginginig pa. 20 Isa kang hangal! Nais mo pa bang patunayan ko sa iyo na walang kabuluhan ang pananampalatayang walang kasamang gawa? 21 Angt ating amang si Abraham ay kinalugdan ng Diyos dahil sa kanyang mga gawa, nang ihandog niya sa dambana ang anak niyang si Isaac, hindi ba? 22 Dito ay makikita mong magkalakip ang kanyang pananampalataya at mga gawa, at naging ganap ang kanyang pananampalataya dahil sa kanyang mga gawa. 23 Natupadt ang sinasabi ng kasulatan, “Si Abraham ay sumampalataya sa Diyos, at dahil dito, siya'y itinuring ng Diyos bilang isang taong matuwid,” at tinawag siyang “kaibigan ng Diyos.”
24 Diyan ninyo makikita na itinuturing na matuwid ang isang tao dahil sa kanyang mga gawa at di dahil sa kanyang pananampalataya lamang.
25 Gayundint si Rahab, ang babaing bayaran; pinatuloy niya ang mga espiya ng Israel at itinuro pa sa kanila ang ibang daan upang sila'y makatakas. Dahil sa ginawa niyang iyon, siya'y tinanggap bilang matuwid.
26 Patay ang katawang walang espiritu; gayundin naman, patay ang pananampalatayang walang kasamang gawa.
JAMES 2
Warning against Having //Favorites
1 My friends, if you have faith in our glorious Lord Jesus Christ, you won't treat some people better than others. 2 Suppose a rich person wearing fancy clothes and a gold ring comes to one of your meetings. And suppose a poor person dressed in worn-out clothes also comes. 3 You must not give the best seat to the one in fancy clothes and tell the one who is poor to stand at the side or sit on the floor.
4 This is the same as saying that some people are better than others, and you would be acting like a crooked judge.
5 My dear friends, pay attention. God has given a lot of faith to the poor people in this world. God has also promised them a share in his kingdom that he will give to everyone who loves him. 6 You mistreat the poor. But isn't it the rich who boss you around and drag you off to court?
7 Aren't they the ones who make fun of your Lord?
8 t You will do all right, if you obey the most important lawt in the Scriptures. It is the law that commands us to love others as much as we love ourselves.
9 But if you treat some people better than others, you have done wrong, and the Scriptures teach that you have sinned.
10 t If you obey every law except one, you are still guilty of breaking them all.
11 t The same God who told us to be faithful in marriage also told us not to murder. So even if you are faithful in marriage, but murder someone, you still have broken God's Law.
12 Speak and act like people who will be judged by the law that sets us free.
13 Do this, because on the day of judgment there will be no pity for those who have not had pity on others. But even in judgment, God is merciful!tFaith and Works
14 My friends, what good is it to say you have faith, when you don't do anything to show you really do have faith? Can this kind of faith save you? 15 If you know someone who doesn't have any clothes or food, 16 you shouldn't just say, “I hope all goes well for you. I hope you will be warm and have plenty to eat.” What good is it to say this, unless you do something to help?
17 Faith that doesn't lead us to do good deeds is all alone and dead!
18 Suppose someone disagrees and says, “It is possible to have faith without doing kind deeds.”
I would answer, “Prove that you have faith without doing kind deeds, and I will prove that I have faith by doing them.”
19 You surely believe there is only one God. That's fine. Even demons believe this, and it makes them shake with fear.
20 Does some stupid person want proof that faith without deeds is useless? 21 t Well, our ancestor Abraham pleased God by putting his son Isaac on the altar to sacrifice him. 22 Now you see how Abraham's faith and deeds worked together. He proved his faith was real by what he did.
23 t This is what the Scriptures mean by saying, “Abraham had faith in God, and God accepted him.” That's how Abraham became God's friend.
24 You can now see that we please God by what we do and not only by what we believe.
25 t For example, Rahab had been a prostitute. But she pleased God when she welcomed the spies and sent them home by another way.
26 Anyone who doesn't breathe is dead, and faith that doesn't do anything is just as dead!