Santiago 3
Ang Dila
1 Mga kapatid, hindi dapat na maging guro ang marami sa inyo, dahil alam ninyo na tayong mga nagtuturo ay hahatulan nang mas mahigpit kaysa iba.
2 Tayongt lahat ay nagkakamali sa iba't ibang paraan. Ang sinumang hindi nagkakamali sa kanyang pananalita ay isang taong ganap at marunong magpigil sa sarili.
3 Kapag nilagyan ng pakagatt ang bibig ng kabayo, ito'y napapasunod natin at napapabaling saanman natin naisin. 4 Tingnan ninyo ang barko, kahit na ito'y napakalaki at itinutulak ng malalakas na hangin, ay naibabaling saanman naisin ng piloto sa pamamagitan ng napakaliit na timón.
5 Ganyan din ang dila ng tao; maliit na bahagi lamang ng katawan, ngunit napakalaki ng nagagawang kayabangan.
Isipin na lamang ninyo kung paano napapalagablab ng isang maliit na apoy ang isang malawak na kagubatan. 6 Angt dila ay parang apoy, isang daigdig ng kasamaang nagpaparumi sa ating buong pagkatao. Ang apoy nito ay mula sa impiyerno at sinusunog ang lahat sa buhay ng tao. 7 Lahat ng uri ng ibon at hayop na lumalakad, o gumagapang, o nakatira sa tubig ay kayang paamuin, at talagang napapaamo ng tao, 8 ngunit wala pang nakakapagpaamo sa dila. Ito ay kasamaang hindi mapigil, at puno ng kamandag na nakamamatay. 9 Itot ang ginagamit natin sa pagpupuri sa ating Panginoon at Ama, at ito rin ang ginagamit natin sa paglait sa taong nilalang na kalarawan ng Diyos. 10 Sa iisang bibig nanggagaling ang pagpupuri't panlalait. Hindi ito dapat mangyari, mga kapatid. 11 Hindi lumalabas sa iisang bukal ang tubig-tabang at tubig-alat.
12 Mga kapatid, hinding-hindi makakapamunga ng olibo ang puno ng igos, o ng igos ang puno ng ubas, at lalong hindi rin bumubukal ang tubig-tabang sa bukal ng tubig-alat.Ang Karunungang Mula sa Diyos
13 Sinot sa inyo ang marunong at nakakaunawa? Ipakita niya ito sa pamamagitan ng wastong pamumuhay na bunga ng kapakumbabaan at karunungan. 14 Ngunit kung ang naghahari sa inyong puso ay inggit at makasariling hangarin, huwag ninyo iyang ipagmalaki at huwag ninyong ikaila ang katotohanan. 15 Ang ganyang karunungan ay hindi galing sa Diyos, kundi makasanlibutan, makalaman at mula sa diyablo.
16 Sapagkat saanman naghahari ang inggit at makasariling hangarin, naghahari din doon ang kaguluhan at lahat ng uri ng masamang gawa.
17 Ngunit ang may karunungang mula sa Diyos, una sa lahat, ay malinis ang pamumuhay, maibigin sa kapayapaan, mahinahon, mapagbigay, mahabagin, masipag sa paggawa ng mabuti, hindi nagtatangi at hindi nagkukunwari. 18 Namumunga ng katuwiran ang binhi ng kapayapaang itinatanim ng taong maibigin sa kapayapaan.
JAMES 3
The Tongue
1 My friends, we should not all try to become teachers. In fact, teachers will be judged more strictly than others.
2 t All of us do many wrong things. But if you can control your tongue, you are mature and able to control your whole body.
3 By putting a bit into the mouth of a horse, we can turn the horse in different directions. 4 It takes strong winds to move a large sailing ship, but the captain uses only a small rudder to make it go in any direction.
5 Our tongues are small too, and yet they brag about big things.
It takes only a spark to start a forest fire! 6 t The tongue is like a spark. It is an evil power that dirties the rest of the body and sets a person's entire life on fire with flames that come from hell itself. 7 All kinds of animals, birds, reptiles, and sea creatures can be tamed and have been tamed.
8 But our tongues get out of control. They are restless and evil, and always spreading deadly poison.
9-10 t My dear friends, with our tongues we speak both praises and curses. We praise our Lord and Father, and we curse people who were created to be like God, and this isn't right. 11 Can clean water and dirty water both flow from the same spring?
12 Can a fig tree produce olives or a grapevine produce figs? Does fresh water come from a well full of salt water?Wisdom from Above
13 t Are any of you wise or sensible? Then show it by living right and by being humble and wise in everything you do. 14 But if your heart is full of bitter jealousy and selfishness, don't brag or lie to cover up the truth. 15 This kind of wisdom doesn't come from above. It is earthly and selfish and comes from the devil himself. 16 Whenever people are jealous or selfish, they cause trouble and do all sorts of cruel things. 17 But the wisdom that comes from above leads us to be pure, friendly, gentle, sensible, kind, helpful, genuine, and sincere. 18 When peacemakers plant seeds of peace, they will harvest justice.