previous next

Santiago 3

1 Huwag maging guro ang marami sa inyo, mga kapatid ko, yamang nalalamang tayo'y tatanggap ng lalong mabigat na hatol.2 Sapagka't sa maraming mga bagay tayong lahat ay nangatitisod. Kung ang sinoman ay hindi natitisod sa salita, ay isang taong sakdal ang gayon, may kaya rin namang makapigil ng buong katawan.3 Kung atin ngang inilalagay ang mga preno ng kabayo sa kanilang mga bibig, upang tayo'y talimahin, ay ibinabaling din naman natin ang kanilang buong katawan.4 Narito, ang mga daong naman, bagama't lubhang malalaki at itinutulak ng malalakas na hangin, gayon ma'y sa pamamagitan ng isang lubhang maliit na ugit ay napapabaling kung saan ibig ng tagaugit.5 Gayon din naman ang dila ay isang maliit na sangkap, at nagpapalalo ng malalaking bagay. Narito, kung gaano kalaking gubat ang pinagaalab ng lubhang maliit na apoy!6 At ang dila'y isang apoy: ang sanglibutan ng kasamaan sa ating mga sangkap ay dili iba't ang dila, na nakakahawa sa buong katawan, at pinagningas ang gulong ng katalagahan, at ang dila'y pinagniningas ng impierno.7 Sapagka't ang bawa't uri ng mga hayop at mga ibon, ng mga nagsisiusad at mga bagay sa dagat, ay pinaaamo, at napaaamo ng tao:8 Datapuwa't ang dila ay hindi napaaamo ng sinomang tao; isang masamang hindi nagpapahinga, na puno ng lasong nakamamatay.9 Siyang ating ipinagpupuri sa Panginoon at Ama; at siyang ating ipinanglalait sa mga taong ginawang ayon sa larawan ng Dios:10 Sa bibig din lumalabas ang pagpuri't paglait. Mga kapatid ko, ang mga bagay na ito ay hindi nararapat magkagayon.11 Ang bukal baga'y sa isa lamang siwang ay binubukalan ng matamis at mapait?12 Maaari baga, mga kapatid ko, na ang puno ng igos ay magbunga ng aseitunas, o ng mga igos ang puno ng ubas? hindi rin naman babalungan ng matamis ang maalat na tubig.13 Sino ang marunong at matalino sa inyo? ipakita niya sa pamamagitan ng mabuting kabuhayan ang kaniyang mga gawa sa kaamuan ng karunungan.14 Nguni't kung kayo'y mayroong mapapait na paninibugho at pagkakampikampi sa inyong puso, ay huwag ninyong ipagmapuri at huwag magsinungaling laban sa katotohanan.15 Hindi ito ang karunungang bumababa mula sa itaas, kundi ang nauukol sa lupa, sa laman, sa diablo.16 Sapagka't kung saan mayroong paninibugho at pagkakampikampi, ay doon mayroong kaguluhan at lahat ng gawang masama.17 Nguni't ang karunungang buhat sa itaas, ay una-una'y malinis saka mapayapa, banayad, madaling panaingan, puspos ng kaawaan at ng mabubuting bunga, walang inaayunan, walang pagpapaimbabaw.18 At ang bunga ng katuwiran ay natatanim sa kapayapaan sa mga nagsisigawa ng kapayapaan.

JAMES 3

The Tongue

1 My friends, we should not all try to become teachers. In fact, teachers will be judged more strictly than others.

2 t All of us do many wrong things. But if you can control your tongue, you are mature and able to control your whole body.
3 By putting a bit into the mouth of a horse, we can turn the horse in different directions. 4 It takes strong winds to move a large sailing ship, but the captain uses only a small rudder to make it go in any direction.

5 Our tongues are small too, and yet they brag about big things.
It takes only a spark to start a forest fire!
6 t The tongue is like a spark. It is an evil power that dirties the rest of the body and sets a person's entire life on fire with flames that come from hell itself. 7 All kinds of animals, birds, reptiles, and sea creatures can be tamed and have been tamed.

8 But our tongues get out of control. They are restless and evil, and always spreading deadly poison.
9-10  t My dear friends, with our tongues we speak both praises and curses. We praise our Lord and Father, and we curse people who were created to be like God, and this isn't right. 11 Can clean water and dirty water both flow from the same spring?

12 Can a fig tree produce olives or a grapevine produce figs? Does fresh water come from a well full of salt water?

Wisdom from Above


13  t Are any of you wise or sensible? Then show it by living right and by being humble and wise in everything you do. 14 But if your heart is full of bitter jealousy and selfishness, don't brag or lie to cover up the truth. 15 This kind of wisdom doesn't come from above. It is earthly and selfish and comes from the devil himself. 16 Whenever people are jealous or selfish, they cause trouble and do all sorts of cruel things. 17 But the wisdom that comes from above leads us to be pure, friendly, gentle, sensible, kind, helpful, genuine, and sincere. 18 When peacemakers plant seeds of peace, they will harvest justice.