Juan 11
1 Isang tao nga na may-sakit, si Lazaro na taga Betania, na nayon ni Maria at ni Marta na kaniyang kapatid.2 At ito'y yaong si Maria na nagpahid sa Panginoon ng unguento, at kinuskos ang kaniyang mga paa ng kaniyang mga buhok, na ang kaniyang kapatid na si Lazaro ay may-sakit.3 Nagpasugo nga sa kaniya ang mga kapatid na babae, na nagsasabi, Panginoon, narito, siya na iyong iniibig ay may-sakit.4 Nguni't pagkarinig ni Jesus nito, ay sinabi niya, Ang sakit na ito'y hindi sa ikamamatay, kundi sa ikaluluwalhati ng Dios, upang ang Anak ng Dios ay luwalhatiin sa pamamagitan niyaon.5 Iniibig nga ni Jesus si Marta, at ang kaniyang kapatid na babae, at si Lazaro.6 Nang mabalitaan nga niya na siya'y may-sakit, siya'y tumahang dalawang araw nang panahong yaon sa dating kinaroroonan niya.7 Saka pagkatapos nito ay sinabi niya sa mga alagad, Tayo nang muli sa Judea.8 Sinabi sa kaniya ng mga alagad, Rabi, ngayo'y pinagsisikapang batuhin ka ng mga Judio; at muli kang paroroon doon?9 Sumagot si Jesus, Hindi baga ang araw ay may labingdalawang oras? Kung ang isang tao'y lumalakad samantalang araw, ay hindi siya natitisod, sapagka't nakikita niya ang ilaw ng sanglibutang ito.10 Nguni't ang isang taong lumalakad samantalang gabi, ay natitisod siya, sapagka't walang ilaw sa kaniya.11 Ang mga bagay na ito'y sinalita niya: at pagkatapos nito'y sinabi niya sa kanila, Si Lazaro na ating kaibigan ay natutulog; nguni't ako'y paroroon, upang gisingin ko siya sa pagkakatulog.12 Sinabi nga ng mga alagad sa kaniya, Panginoon, kung siya'y natutulog, ay siya'y gagaling.13 Sinalita nga ni Jesus ang tungkol sa kaniyang pagkamatay: datapuwa't sinapantaha nila na ang sinalita ay ang karaniwang pagtulog.14 Nang magkagayon nga ay sinabi sa kanila ni Jesus ng malinaw, Si Lazaro ay patay.15 At ikinagagalak ko dahil sa inyo rin na ako'y wala roon, upang kayo'y magsipaniwala; gayon ma'y tayo na sa kaniya.16 Si Tomas nga, na tinatawag na Didimo, ay nagsabi sa mga kapuwa niya alagad, Tayo'y magsiparoon din naman, upang tayo'y mangamatay na kasama niya.17 Kaya't nang dumating si Jesus, ay naratnan niyang apat na araw na siya'y nalilibing.18 Ang Betania nga'y malapit sa Jerusalem, na may layong labing-limang estadio;19 At marami sa mga Judio ang nangakaparoon na kay Marta at kay Maria, upang sila'y aliwin tungkol sa kanilang kapatid.20 Si Marta nga, nang marinig niyang si Jesus ay dumarating, ay yumaon at sumalubong sa kaniya: nguni't si Maria ay nanatiling nakaupo sa bahay.21 Sinabi nga ni Marta kay Jesus, Panginoon, kung ikaw sana'y narito, disin ang kapatid ko ay hindi namatay.22 At ngayon man nama'y nalalaman ko na, anomang hingin mo sa Dios, ay ipagkakaloob sa iyo ng Dios.23 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Magbabangon uli ang iyong kapatid.24 Si Marta ay nagsabi sa kaniya, Nalalaman ko na siya'y magbabangon uli sa pagkabuhay na maguli sa huling araw.25 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ako ang pagkabuhay na maguli, at ang kabuhayan: ang sumasampalataya sa akin, bagama't siya'y mamatay, gayon ma'y mabubuhay siya;26 At ang sinomang nabubuhay at sumasampalataya sa akin ay hindi mamamatay magpakailan man. Sinasampalatayanan mo baga ito?27 Sinabi niya sa kaniya, Oo, Panginoon: sumasampalataya ako na ikaw ang Cristo ang Anak ng Dios, sa makatuwid baga'y ang naparirito sa sanglibutan.28 At nang masabi na niya ito, ay yumaon siya, at tinawag ng lihim si Maria na kapatid niya, na sinasabi, Ang Guro ay narito, at tinatawag ka.29 At siya, nang marinig niya ito, ay nagtindig na madali, at pumaroon sa kaniya.30 (Hindi pa nga dumarating si Jesus sa nayon, kundi naroroon pa sa dakong kinasalubungan sa kaniya ni Marta.)31 Ang mga Judio nga na kaniyang mga kasama sa bahay, at nangagsisialiw sa kaniya, pagkakita nilang si Maria, na siya'y nagtindig na madali at lumabas, ay nagsisunod sa kaniya, na inaakalang paroroon siya sa libingan upang doo'y tumangis.32 Si Maria nga, pagdating niya sa kinaroroonan ni Jesus, at pagkakita sa kaniya, ay nagpatirapa sa kaniyang paanan, na sinabi sa kaniya, Panginoon, kung ikaw sana'y narito, disin ay hindi namatay ang aking kapatid.33 Nang makita nga ni Jesus na siya'y tumatangis, at gayon din ang mga Judiong nagsisitangis na kasama niyang dumating, ay nalagim siya sa espiritu, at nagulumihanan,34 At sinabi, Saan ninyo siya inilagay? Sinabi nila sa kaniya, Panginoon, halika at tingnan mo.35 Tumangis si Jesus.36 Sinabi nga ng mga Judio, Tingnan ninyo kung gaano ang pagibig niya sa kaniya!37 Datapuwa't ang ilan sa kanila'y nagsipagsabi, Hindi baga magagawa ng taong ito, na nagpadilat ng mga mata ng bulag, na ang taong ito naman ay huwag mamatay?38 Si Jesus nga sa muling pagkalagim sa kaniyang sarili ay naparoon sa libingan. Yaon nga'y isang yungib, at mayroong isang batong nakatakip sa ibabaw noon.39 Sinabi ni Jesus, Alisin ninyo ang bato. Si Marta, na kapatid niyaong namatay, ay nagsabi sa kaniya, Panginoon, sa ngayon ay nabubulok na ang bangkay sapagka't may apat na araw nang siya'y namamatay.40 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Di baga sinabi ko sa iyo, na, kung ikaw ay sasampalataya, ay makikita mo ang kaluwalhatian ng Dios?41 Kaya't inalis nila ang bato. At itiningin ni Jesus sa itaas ang kaniyang mga mata, at sinabi, Ama, nagpapasalamat ako sa iyo, na ako'y iyong dininig.42 At nalalaman ko na ako'y lagi mong dinirinig: nguni't ito'y sinabi ko dahil sa karamihang nasa palibot, upang sila'y magsisampalataya na ikaw ang nagsugo sa akin.43 At nang masabi niya ang gayon, ay sumigaw siya ng malakas na tinig, Lazaro, lumabas ka.44 Siya na patay ay lumabas, na natatalian ang mga kamay at mga paa ng mga kayong panglibing; at ang kaniyang mukha ay nababalot ng isang panyo. Sinabi sa kanila ni Jesus, Siya'y inyong kalagan, at bayaan ninyo siyang yumaon.45 Marami nga sa mga Judio ang nagsiparoon kay Maria at nangakakita ng ginawa niya, ay nagsisampalataya sa kaniya.46 Datapuwa't ang ilan sa kanila ay nagsiparoon sa mga Fariseo, at sinaysay sa kanila ang mga bagay na ginawa ni Jesus.47 Ang mga pangulong saserdote nga at ang mga Fariseo ay nangagpulong, at nagsipagsabi, Ano ang ginagawa natin? sapagka't ang taong ito'y gumagawa ng maraming tanda.48 Kung siya'y ating pabayaang gayon, ang lahat ng mga tao ay magsisisampalataya sa kaniya: at magsisiparito ang mga Romano at pagkukunin ang ating kinaroroonan at gayon din naman ang ating bansa.49 Nguni't ang isa sa kanila na si Caifas, na dakilang saserdote nang taong yaon, ay nagsabi sa kanila, Kayo'y walang nalalamang anoman.50 Ni inyong niwawari na sa inyo'y nararapat na ang isang tao ay mamatay dahil sa bayan, at hindi ang buong bansa ay mapahamak.51 Ito nga'y sinabi niya na hindi sa kaniyang sarili: kundi palibhasa ay dakilang saserdote nang taong yaon, ay hinulaan niya na si Jesus ay dapat mamatay dahil sa bansa;52 At hindi dahil sa bansa lamang, kundi upang matipon din naman niya sa isa ang mga anak ng Dios na nagsisipangalat.53 Kaya't mula nang araw na yaon ay pinagsanggunianan nilang ipapatay siya.54 Si Jesus ay hindi na naglalakad ng hayag sa gitna ng mga Judio, kundi naparoon doon sa lupaing malapit sa ilang, sa isang bayan na tinatawag na Efraim; at siya'y nanahanan doong kasama ng mga alagad.55 Ang paskua nga ng mga Judio ay malapit na: at maraming nagsiahon sa Jerusalem mula sa lupaing yaon bago magpaskua, upang magsipaglinis.56 Pinaghahanap nga nila si Jesus, at pinaguusapan ng isa't isa, samantalang nangakatayo sila sa templo, Anong akala ninyo? Na hindi na kaya siya paririto sa pista?57 Ang mga pangulong saserdote at ang mga Fariseo nga ay nangagutos, na, kung ang sinomang tao'y nakakaalam ng kung saan siya naroroon, ay dapat niyang ihayag, upang kanilang madakip siya.
JOHN 11
The Death of Lazarus
1-2 t A man by the name of Lazarus was sick in the village of Bethany. He had two sisters, Mary and Martha. This was the same Mary who later poured perfume on the Lord's head and wiped his feet with her hair.
3 The sisters sent a message to the Lord and told him that his good friend Lazarus was sick.
4 When Jesus heard this, he said, “His sickness won't end in death. It will bring glory to God and his Son.”
5 Jesus loved Martha and her sister and brother. 6 But he stayed where he was for two more days.
7 Then he said to his disciples, “Now we will go back to Judea.”
8 “Teacher,” they said, “the people there want to stone you to death! Why do you want to go back?”
9 Jesus answered, “Aren't there twelve hours in each day? If you walk during the day, you will have light from the sun, and you won't stumble. 10 But if you walk during the night, you will stumble, because you don't have any light.”
11 Then he told them, “Our friend Lazarus is asleep, and I am going there to wake him up.”
12 They replied, “Lord, if he is asleep, he will get better.”
13 Jesus really meant that Lazarus was dead, but they thought he was talking only about sleep.
14 Then Jesus told them plainly, “Lazarus is dead!
15 I am glad I wasn't there, because now you will have a chance to put your faith in me. Let's go to him.”
16 Thomas, whose nickname was “Twin,” said to the other disciples, “Come on. Let's go, so we can die with him.”Jesus Brings Lazarus to Life
17 When Jesus got to Bethany, he found that Lazarus had already been in the tomb four days. 18 Bethany was less than three kilometers from Jerusalem,
19 and many people had come from the city to comfort Martha and Mary because their brother had died.
20 When Martha heard that Jesus had arrived, she went out to meet him, but Mary stayed in the house. 21 Martha said to Jesus, “Lord, if you had been here, my brother would not have died.
22 Yet even now I know that God will do anything you ask.”
23 Jesus told her, “Your brother will live again!”
24 t Martha answered, “I know he will be raised to life on the last day, t when all the dead are raised.”
25 Jesus then said, “I am the one who raises the dead to life! Everyone who has faith in me will live, even if they die.
26 And everyone who lives because of faith in me will never really die. Do you believe this?”
27 “Yes, Lord!” she replied. “I believe you are the Christ, the Son of God. You are the one we hoped would come into the world.”
28 After Martha said this, she went and privately said to her sister Mary, “The Teacher is here, and he wants to see you.” 29 As soon as Mary heard this, she got up and went out to Jesus. 30 He was still outside the village where Martha had gone to meet him.
31 Many people had come to comfort Mary, and when they saw her quickly leave the house, they thought she was going out to the tomb to cry. So they followed her.
32 Mary went to where Jesus was. Then as soon as she saw him, she knelt at his feet and said, “Lord, if you had been here, my brother would not have died.”
33 When Jesus saw that Mary and the people with her were crying, he was terribly upset
34 and asked, “Where have you put his body?”
They replied, “Lord, come and you will see.”
35 Jesus started crying,
36 and the people said, “See how much he loved Lazarus.”
37 Some of them said, “He gives sight to the blind. Why couldn't he have kept Lazarus from dying?”
38 Jesus was still terribly upset. So he went to the tomb, which was a cave with a stone rolled against the entrance.
39 Then he told the people to roll the stone away. But Martha said, “Lord, you know that Lazarus has been dead four days, and there will be a bad smell.”
40 Jesus replied, “Didn't I tell you that if you had faith, you would see the glory of God?”
41 After the stone had been rolled aside, Jesus looked up toward heaven and prayed, “Father, I thank you for answering my prayer.
42 I know that you always answer my prayers. But I said this, so the people here would believe you sent me.”
43 When Jesus had finished praying, he shouted, “Lazarus, come out!”
44 The man who had been dead came out. His hands and feet were wrapped with strips of burial cloth, and a cloth covered his face.
Jesus then told the people, “Untie him and let him go.”The Plot To Kill Jesus
(Matthew 26.1-5; Mark 14.1,2; Luke 22.1,2)
45 Many of the people who had come to visit Mary saw the things Jesus did, and they put their faith in him. 46 Others went to the Pharisees and told what Jesus had done. 47 Then the chief priests and the Pharisees called the council together and said, “What should we do? This man is working a lot of miracles.t
48 If we don't stop him now, everyone will put their faith in him. Then the Romans will come and destroy our temple and our nation.”t
49 One of the council members was Caiaphas, who was also high priest that year. He spoke up and said, “You people don't have any sense at all! 50 Don't you know it is better for one person to die for the people than for the whole nation to be destroyed?” 51 Caiaphas did not say this on his own. As high priest that year, he was prophesying that Jesus would die for the nation. 52 Yet Jesus would not die just for the Jewish nation. He would die to bring together all of God's scattered people.
53 From that day on, the council started making plans to put Jesus to death.
54 Because of this plot against him, Jesus stopped going around in public. He went to the town of Ephraim, which was near the desert, and he stayed there with his disciples.
55 It was almost time for Passover. Many of the Jewish people who lived out in the country had come to Jerusalem to get themselves readyt for the festival.
56 They looked around for Jesus. Then when they were in the temple, they asked each other, “You don't think he will come here for Passover, do you?”
57 The chief priests and the Pharisees told the people to let them know if any of them saw Jesus. This is how they hoped to arrest him.