previous next

Juan 13

1 Bago nga magpista ng paskua, sa pagkaalam ni Jesus na dumating na ang kaniyang oras ng paglipat niya mula sa sanglibutang ito hanggang sa Ama, sa pagkaibig sa mga kaniya na nangasa sanglibutan, ay inibig niya sila hanggang sa katapusan.2 At habang humahapon, nang mailagay na ng diablo sa puso ni Judas Iscariote, na anak ni Simon, ang pagkakanulo sa kaniya.3 Si Jesus, sa pagkatalastas na ibinigay na ng Ama ang lahat ng mga bagay sa kaniyang mga kamay, at siya'y nanggaling sa Dios, at sa Dios din paroroon,4 Ay nagtindig sa paghapon, at itinabi ang kaniyang mga damit; at siya'y kumuha ng isang toalya, at ibinigkis sa kaniyang sarili.5 Nang magkagayo'y nagsalin ng tubig sa kamaw, at pinasimulang hugasan ang mga paa ng mga alagad, at kinuskos ng toalya na sa kaniya'y nakabigkis.6 Sa gayo'y lumapit siya kay Simon Pedro. Sinabi niya sa kaniya, Panginoon, huhugasan mo baga ang aking mga paa?7 Sumagot si Jesus at sa kaniya'y sinabi, Ang ginagawa ko'y hindi mo nalalaman ngayon; datapuwa't mauunawa mo pagkatapos.8 Sinabi sa kaniya ni Pedro, Huwag mong huhugasan ang aking mga paa kailan man. Sinagot siya ni Jesus, Kung hindi kita huhugasan, ay hindi ka magkakaroon ng bahagi sa akin.9 Sinabi sa kaniya ni Simon Pedro, Panginoon, hindi ang aking mga paa lamang, kundi pati ng aking mga kamay at ang aking ulo.10 Sinabi sa kaniya ni Jesus, Ang napaliguan na ay walang kailangang hugasan maliban ang kaniyang mga paa, sapagka't malinis nang lubos: at kayo'y malilinis na, nguni't hindi ang lahat.11 Sapagka't nalalaman niya ang sa kaniya'y magkakanulo; kaya't sinabi niya, Hindi kayong lahat ay malilinis.12 Kaya't nang mahugasan niya ang kanilang mga paa, at makuha ang kaniyang mga damit at muling maupo, ay sinabi niya sa kanila, Nalalaman baga ninyo kung ano ang ginawa ko sa inyo?13 Tinatawag ninyo akong Guro, at Panginoon: at mabuti ang inyong sinasabi; sapagka't ako nga.14 Kung ako nga, na Panginoon at Guro, ay naghugas ng inyong mga paa, kayo naman ay nararapat ding mangaghugasan ng mga paa ng isa't isa.15 Sapagka't kayo'y binigyan ko ng halimbawa, upang gawin naman ninyo ayon sa ginawa ko sa inyo.16 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang alipin ay hindi dakila kay sa kaniyang panginoon; ni ang sinugo man ay dakila kay sa nagsugo sa kaniya.17 Kung nalalaman ninyo ang mga bagay na ito, kayo ay mapapalad kung inyong mga gawin.18 Hindi ko sinasalita tungkol sa inyong lahat: nalalaman ko ang aking mga hinirang: nguni't upang matupad ang kasulatan, Ang kumakain ng aking tinapay ay nagtaas ng kaniyang sakong laban sa akin.19 Mula ngayon ay sinasalita ko sa inyo bago mangyari, upang, pagka nangyari, kayo'y magsisampalataya na ako nga.20 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang tumatanggap sa sinoman sinusugo ko ay ako ang tinatanggap; at ang tumatanggap sa akin ay tinatanggap ang nagsugo sa akin.21 Nang masabing gayon ni Jesus, siya'y nagulumihanan sa espiritu, at pinatotohanan, at sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, na ako'y ipagkakanulo ng isa sa inyo.22 Ang mga alagad ay nangagtingintinginan, na nangagaalinlangan kung kanino niya sinasalita.23 Sa dulang ay may isa sa kaniyang mga alagad, na minamahal ni Jesus na nakahilig sa sinapupunan ni Jesus.24 Hinudyatan nga siya ni Simon Pedro, at sinabi sa kaniya, Sabihin mo sa amin kung sino ang sinasalita niya.25 Ang nakahilig nga sa dibdib ni Jesus ay nagsabi sa kaniya, Panginoon, sino yaon?26 Sumagot nga si Jesus, Yaong aking ipagsawsaw at bigyan ng tinapay ay siya nga. Kaya't nang maisawsaw niya ang tinapay, ay kinuha niya at ibinigay niya kay Judas, na anak ni Simon Iscariote.27 At pagkatapos na maisubo, si Satanas nga ay pumasok sa kaniya. Sinabi nga sa kaniya ni Jesus, Ang ginagawa mo, ay gawin mong madali.28 Hindi nga natalastas ng sinomang nasa dulang kung sa anong kadahilanan sinalita niya ito.29 Sapagka't iniisip ng ilan, na sapagka't si Judas ang may tangan ng supot, ay sinabi ni Jesus sa kaniya, Bumili ka ng mga bagay na ating kailangan sa pista; o, magbigay siya ng anoman sa mga dukha.30 Nang kaniya ngang matanggap ang subo ay umalis agad: at noo'y gabi na.31 Nang siya nga'y makalabas na, ay sinabi ni Jesus, Ngayon ay niluluwalhati ang Anak ng tao, at ang Dios ay niluluwalhati sa kaniya:32 At luluwalhatiin siya ng Dios sa kaniyang sarili, at pagdaka'y luluwalhatiin siya niya.33 Maliliit na anak, sumasa inyo pa ako ng kaunting panahon. Ako'y inyong hahanapin: at gaya ng sinabi ko sa mga Judio, Sa paroroonan ko, ay hindi kayo mangakaparoon: gayon ang sinasabi ko sa inyo ngayon.34 Isang bagong utos ang sa inyo'y ibinibigay ko, na kayo'y mangagibigan sa isa't isa: na kung paanong iniibig ko kayo, ay mangagibigan naman kayo sa isa't isa.35 Sa ganito'y mangakikilala ng lahat ng mga tao na kayo ay aking mga alagad, kung kayo'y may pagibig sa isa't isa.36 Sinabi sa kaniya ni Simon Pedro, Panginoon, saan ka paroroon? Sumagot si Jesus, Sa paroroonan ko, ay hindi ka makasusunod sa akin ngayon: nguni't pagkatapos ay makasusunod ka.37 Sinabi sa kaniya ni Pedro, Panginoon, bakit hindi ako makasusunod sa iyo ngayon? Ang aking buhay ay ibibigay ko dahil sa inyo.38 Sumagot si Jesus. Ang buhay mo baga'y iyong ibibigay dahil sa akin? Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa iyo, Hindi titilaok ang manok, hanggang ikaila mo akong makaitlo.

JOHN 13

Jesus Washes the Feet //of His Disciples

1 It was before Passover, and Jesus knew that the time had come for him to leave this world and to return to the Father. He had always loved his followers in this world, and he loved them to the very end.

2 Even before the evening meal started, the devil had made Judas, the son of Simon Iscariot, t decide to betray Jesus.
3 Jesus knew he had come from God and would go back to God. He also knew that the Father had given him complete power. 4 So during the meal Jesus got up, removed his outer garment, and wrapped a towel around his waist.

5 He put some water into a large bowl. Then he began washing his disciples' feet and drying them with the towel he was wearing.

6 But when he came to Simon Peter, this disciple asked, “Lord, are you going to wash my feet?”

7 Jesus answered, “You don't really know what I am doing, but later you will understand.”

8 “You will never wash my feet!” Peter replied.
“If I don't wash you,” Jesus told him, “you don't really belong to me.”

9 Peter said, “Lord, don't wash just my feet. Wash my hands and my head.”
10 Jesus answered, “People who have bathed and are clean all over need to wash just their feet. And you, my disciples, are clean, except for one of you.”

11 Jesus knew who would betray him. That is why he said, “except for one of you.”

12  t After Jesus had washed his disciples' feet and had put his outer garment back on, he sat down again.t Then he said:
Do you understand what I have done?
13 You call me your teacher and Lord, and you should, because that is who I am. 14 And if your Lord and teacher has washed your feet, you should do the same for each other. 15 I have set the example, and you should do for each other exactly what I have done for you. 16 t I tell you for certain that servants are not greater than their master, and messengers are not greater than the one who sent them.

17 You know these things, and God will bless you, if you do them.
18  t I am not talking about all of you. I know the ones I have chosen. But what the Scriptures say must come true. And they say, “The man who ate with me has turned against me!” 19 I am telling you this before it all happens. Then when it does happen, you will believe who I am.t

20 t I tell you for certain that anyone who welcomes my messengers also welcomes me, and anyone who welcomes me welcomes the one who sent me.

Jesus Tells //What Will Happen to Him

(Matthew 26.20-25; Mark 14.17-21; Luke 22.21-23)


21 After Jesus had said these things, he was deeply troubled and told his disciples, “I tell you for certain that one of you will betray me.”

22 They were confused about what he meant. And they just stared at each other.
23 Jesus' favorite disciple was sitting next to him at the meal, 24 and Simon motioned for this disciple to find out which one Jesus meant.

25 So the disciple leaned toward Jesus and asked, “Lord, which one of us are you talking about?”

26 Jesus answered, “I will dip this piece of bread in the sauce and give it to the one I was talking about.”
Then Jesus dipped the bread and gave it to Judas, the son of Simon Iscariot.t

27 Right then Satan took control of Judas.
Jesus said, “Judas, go quickly and do what you have to do.”
28 No one at the meal understood what Jesus meant. 29 But because Judas was in charge of the money, some of them thought that Jesus had told him to buy something they needed for the festival. Others thought that Jesus had told him to give some money to the poor.

30 Judas took the piece of bread and went out.
It was already night.

The New Command


31 After Judas had gone, Jesus said:
Now the Son of Man will be given glory, and he will bring glory to God.

32 Then, after God is given glory because of him, God will bring glory to him, and God will do it very soon.
33  t My children, I will be with you for only a little while longer. Then you will look for me, but you won't find me. I tell you just as I told the people, “You cannot go where I am going.” 34 t But I am giving you a new command. You must love each other, just as I have loved you.

35 If you love each other, everyone will know that you are my disciples.

Peter's Promise

(Matthew 26.31-35; Mark 14.27-31; Luke 22.31-34)


36 Simon Peter asked, “Lord, where are you going?”
Jesus answered, “You can't go with me now, but later on you will.”

37 Peter asked, “Lord, why can't I go with you now? I would die for you!”
38 “Would you really die for me?” Jesus asked. “I tell you for certain before a rooster crows, you will say three times that you don't even know me.”