previous next

Juan 15

1 Ako ang tunay na puno ng ubas, at ang aking Ama ang magsasaka.2 Ang bawa't sanga na sa akin ay hindi nagbubunga, ay inaalis niya: at ang bawa't sanga na nagbubunga ay nililinis niya, upang lalong magbunga.3 Kayo'y malilinis na sa pamamagitan ng salita na sa inyo'y aking sinalita.4 Kayo'y manatili sa akin, at ako'y sa inyo. Gaya ng sanga na di makapagbunga sa kaniyang sarili maliban na nakakabit sa puno; gayon din naman kayo, maliban na kayo'y manatili sa akin.5 Ako ang puno ng ubas, kayo ang mga sanga: Ang nananatili sa akin, at ako'y sa kaniya, ay siyang nagbubunga ng marami: sapagka't kung kayo'y hiwalay sa akin ay wala kayong magagawa.6 Kung ang sinoman ay hindi manatili sa akin, ay siya'y matatapong katulad ng sanga, at matutuyo; at mga titipunin at mga ihahagis sa apoy, at mangasusunog.7 Kung kayo'y magsipanatili sa akin, at ang mga salita ko'y magsipanatili sa inyo, ay hingin ninyo ang anomang inyong ibigin, at gagawin sa inyo.8 Sa ganito'y lumuluwalhati ang aking Ama, na kayo'y magsipagbunga ng marami; at gayon kayo'y magiging aking mga alagad.9 Kung paanong inibig ako ng Ama, ay gayon din naman iniibig ko kayo: magsipanatili kayo sa aking pagibig.10 Kung tinutupad ninyo ang aking mga utos, ay magsisipanahan kayo sa aking pagibig; gaya ng aking pagtupad sa mga utos ng aking Ama, at ako'y nananatili sa kaniyang pagibig.11 Ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo, upang ang aking kagalakan ay mapasa inyo, at upang ang inyong kagalakan ay malubos.12 Ito ang aking utos, na kayo'y mangagibigan sa isa't isa, na gaya ng pagibig ko sa inyo.13 Walang may lalong dakilang pagibig kay sa rito, na ibigay ng isang tao ang kaniyang buhay dahil sa kaniyang mga kaibigan.14 Kayo'y aking mga kaibigan, kung gawin ninyo ang mga bagay na aking iniuutos sa inyo.15 Hindi ko na kayo tatawaging mga alipin; sapagka't hindi nalalaman ng alipin kung ano ang ginagawa ng kaniyang panginoon: nguni't tinatawag ko kayong mga kaibigan; sapagka't ang lahat ng mga bagay na narinig ko sa aking Ama ay mga ipinakilala ko sa inyo.16 Ako'y hindi ninyo hinirang, nguni't kayo'y hinirang ko, at aking kayong inihalal, upang kayo'y magsiyaon at magsipagbunga, at upang manatili ang inyong bunga: upang ang anomang inyong hingin sa Ama sa aking pangalan, ay maibigay niya sa inyo.17 Ang mga bagay na ito ay iniuutos ko sa inyo, upang kayo'y mangagibigan sa isa't isa.18 Kung kayo'y kinapopootan ng sanglibutan, ay inyong talastas na ako muna ang kinapootan bago kayo.19 Kung kayo'y taga sanglibutan, ay iibigin ng sanglibutan ang kaniyang sarili: nguni't sapagka't kayo'y hindi taga sanglibutan, kundi kayo'y hinirang ko sa sanglibutan, kaya napopoot sa inyo ang sanglibutan.20 Alalahanin ninyo ang salitang sa inyo'y aking sinabi, Ang alipin ay hindi dakila kay sa kaniyang panginoon. Kung ako'y kanilang pinagusig, kayo man ay kanilang paguusigin din; kung tinupad nila ang aking salita, ang inyo man ay tutuparin din.21 Datapuwa't ang lahat ng mga bagay na ito ay gagawin nila sa inyo dahil sa aking pangalan, sapagka't hindi nila nakikilala ang sa akin ay nagsugo.22 Kung hindi sana ako naparito at nagsalita sa kanila, ay hindi sila magkakaroon ng kasalanan: datapuwa't ngayo'y wala na silang madadahilan sa kanilang kasalanan.23 Ang napopoot sa akin ay napopoot din naman sa aking Ama.24 Kung ako sana'y hindi gumawa sa gitna nila ng mga gawang hindi ginawa ng sinomang iba, ay hindi sana sila nangagkaroon ng kasalanan: datapuwa't ngayon ay kanilang nangakita at kinapootan nila ako at ang aking Ama.25 Nguni't nangyari ito, upang matupad ang salitang nasusulat sa kanilang kautusan, Ako'y kinapootan nila na walang kadahilanan.26 Datapuwa't pagparito ng Mangaaliw, na aking susuguin sa inyo mula sa Ama, sa makatuwid baga'y ang Espiritu ng katotohanan, na nagbubuhat sa Ama, ay siyang magpapatotoo sa akin:27 At kayo naman ay magpapatotoo, sapagka't kayo'y nangakasama ko buhat pa nang una.

JOHN 15

Jesus Is the True Vine

1 Jesus said to his disciples:
I am the true vine, and my Father is the gardener.
2 He cuts away every branch of mine that doesn't produce fruit. But he trims clean every branch that does produce fruit, so that it will produce even more fruit.

3 You are already clean because of what I have said to you.
4 Stay joined to me, and I will stay joined to you. Just as a branch cannot produce fruit unless it stays joined to the vine, you cannot produce fruit unless you stay joined to me. 5 I am the vine, and you are the branches. If you stay joined to me, and I stay joined to you, then you will produce lots of fruit. But you cannot do anything without me.

6 If you don't stay joined to me, you will be thrown away. You will be like dry branches that are gathered up and burned in a fire.
7 Stay joined to me and let my teachings become part of you. Then you can pray for whatever you want, and your prayer will be answered. 8 When you become fruitful disciples of mine, my Father will be honored. 9 I have loved you, just as my Father has loved me. So remain faithful to my love for you.

10 If you obey me, I will keep loving you, just as my Father keeps loving me, because I have obeyed him.
11 I have told you this to make you as completely happy as I am. 12 t Now I tell you to love each other, as I have loved you. 13 The greatest way to show love for friends is to die for them. 14 And you are my friends, if you obey me.

15 Servants don't know what their master is doing, and so I don't speak to you as my servants. I speak to you as my friends, and I have told you everything my Father has told me.
16 You did not choose me. I chose you and sent you out to produce fruit, the kind of fruit that will last. Then my Father will give you whatever you ask for in my name.t

17 So I command you to love each other.

The World's Hatred


18 If the people of this worldt hate you, just remember that they hated me first. 19 If you belonged to the world, its people would love you. But you don't belong to the world. I have chosen you to leave the world behind, and this is why its people hate you.

20 t Remember how I told you that servants are not greater than their master. So if people mistreat me, they will mistreat you. If they do what I say, they will do what you say.
21 People will do to you exactly what they did to me. They will do it because you belong to me, and they don't know the one who sent me.

22 If I had not come and spoken to them, they would not be guilty of sin. But now they have no excuse for their sin.
23 Everyone who hates me also hates my Father. 24 I have done things no one else has ever done. If they had not seen me do these things, they would not be guilty. But they did see me do these things, and they still hate me and my Father too.

25 t This is why the Scriptures are true when they say, “People hated me for no reason.”
26 I will send you the Spirit who comes from the Father and shows what is true. The Spirit will helpt you and will tell you about me. 27 Then you will also tell others about me, because you have been with me from the beginning.