Juan 16
1 Ang mga bagay na ito'y aking sinalita sa inyo, upang kayo'y huwag mangatisod.2 Kayo'y palalayasin nila sa mga sinagoga: oo, dumarating ang oras, na ang sinomang pumatay sa inyo ay aakalaing naghahandog siya ng paglilingkod sa Dios.3 At ang mga bagay na ito'y gagawin nila, sapagka't hindi nila nakikilala ang Ama, ni ako man.4 Datapuwa't ang mga bagay na ito'y sinalita ko sa inyo, upang kung dumating ang kanilang oras, ay inyong mangaalaala, kung paanong sinabi ko sa inyo. At ang mga bagay na ito'y hindi ko sinabi sa inyo buhat pa nang una, sapagka't ako'y sumasa inyo.5 Datapuwa't ngayong ako'y paroroon sa nagsugo sa akin; at sinoman sa inyo ay walang nagtatanong sa akin, Saan ka paroroon?6 Nguni't sapagka't sinalita ko ang mga bagay na ito sa inyo, ay napuno ng kalumbayan ang inyong puso.7 Gayon ma'y sinasalita ko sa inyo ang katotohanan: Nararapat sa inyo na ako'y yumaon; sapagka't kung hindi ako yayaon, ang Mangaaliw ay hindi paririto sa inyo; nguni't kung ako'y yumaon, siya'y susuguin ko sa inyo.8 At siya, pagparito niya, ay kaniyang susumbatan ang sanglibutan tungkol sa kasalanan, at sa katuwiran, at sa paghatol:9 Tungkol sa kasalanan, sapagka't hindi sila nagsisampalataya sa akin;10 Tungkol sa katuwiran, sapagka't ako'y paroroon sa Ama, at hindi na ninyo ako makikita;11 Tungkol sa paghatol, sapagka't ang prinsipe ng sanglibutang ito ay hinatulan na.12 Mayroon pa akong maraming bagay na sa inyo ay sasabihin, nguni't ngayon ay hindi ninyo mangatitiis.13 Gayon ma'y kung siya, ang Espiritu ng katotohanan ay dumating, ay papatnubayan niya kayo sa buong katotohanan: sapagka't hindi siya magsasalita ng mula sa kaniyang sarili; kundi ang anomang bagay na kaniyang marinig, ang mga ito ang kaniyang sasalitain: at kaniyang ipahahayag sa inyo ang mga bagay na magsisidating.14 Luluwalhatiin niya ako: sapagka't kukuha siya sa nasa akin, at sa inyo'y ipahahayag.15 Ang lahat ng mga bagay na nasa Ama ay akin: kaya sinabi ko, na siya'y kukuha sa nasa akin, at sa inyo'y ipahahayag.16 Sangdali na lamang, at ako'y hindi na ninyo makikita; at muling sandali pa, at ako'y inyong makikita.17 Ang ilan sa kaniyang mga alagad nga ay nangagsangusapan, Ano itong sinasabi niya sa atin, Sangdali na lamang, at ako'y hindi na ninyo makikita; at muling sangdali pa, at ako'y inyong makikita: at, Sapagka't ako'y paroroon sa Ama?18 Sinabi nga nila, Ano nga itong sinasabi niya, Sangdali na lamang? Hindi namin nalalaman kung ano ang sinasabi niya.19 Natalastas ni Jesus na sa kaniya'y ibig nilang itanong, at sa kanila'y sinabi niya, Nangagtatanungan kayo tungkol dito sa aking sinabi, Sangdali na lamang, at ako'y hindi na ninyo makikita, at muling sangdali pa, at ako'y inyong makikita?20 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, na kayo'y magsisiiyak at magsisipanaghoy, datapuwa't ang sanglibutan ay magagalak: kayo'y mangalulumbay, datapuwa't ang inyong kalumbayan ay magiging kagalakan.21 Ang babae pagka nanganganak ay nalulumbay, sapagka't dumating ang kaniyang oras: nguni't pagkapanganak niya sa sanggol, ay hindi na niya naalaala ang hirap dahil sa kagalakan sa pagkapanganak sa isang tao sa sanglibutan.22 At kayo nga sa ngayon ay may kalumbayan: nguni't muli ko kayong makikita, at magagalak ang inyong puso, at walang makapagaalis sa inyo ng inyong kagalakan.23 At sa araw na yaon ay hindi kayo magtatanong sa akin ng anomang tanong. Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung kayo'y hihingi ng anoman sa Ama, ay ibibigay niya sa inyo sa aking pangalan.24 Hanggang ngayo'y wala pa kayong hinihinging anoman sa pangalan ko: kayo'y magsihingi, at kayo'y tatanggap, upang malubos ang inyong kagalakan.25 Sinalita ko sa inyo ang mga bagay na ito sa malalabong pananalita: darating ang oras, na hindi ko na kayo pagsasalitaan sa malalabong pananalita, kundi maliwanag na sa inyo'y sasaysayin ko ang tungkol sa Ama.26 Sa araw na yao'y magsisihingi kayo sa aking pangalan: at sa inyo'y hindi ko sinasabi, na kayo'y idadalangin ko sa Ama;27 Sapagka't ang Ama rin ang umiibig sa inyo, sapagka't ako'y inyong inibig, at kayo'y nagsisampalataya na ako'y nagbuhat sa Ama.28 Nagbuhat ako sa Ama, at naparito ako sa sanglibutan: muling iniiwan ko ang sanglibutan, at ako'y paroroon sa Ama.29 Sinasabi ng kaniyang mga alagad, Narito, ngayo'y nagsasalita kang malinaw, at wala kang sinasalitang anomang malabong pananalita.30 Ngayon ay nakikilala namin na nalalaman mo ang lahat ng mga bagay, at hindi nangangailangan na tanungin ka ng sinoman: dahil dito'y nagsisisampalataya kami na ikaw ay nagbuhat sa Dios.31 Sinagot sila ni Jesus, Ngayon baga'y nagsisisampalataya kayo?32 Narito, ang oras ay dumarating, oo, dumating na, na kayo'y mangangalat, ang bawa't tao sa kanikaniyang sarili, at ako'y iiwan ninyong magisa: at gayon ma'y hindi ako nagiisa, sapagka't ang Ama ay sumasa akin.33 Ang mga bagay na ito ay sinalita ko sa inyo, upang kayo'y magkaroon sa akin ng kapayapaan. Sa sanglibutan ay mayroon kayong kapighatian: nguni't laksan ninyo ang loob; aking dinaig ang sanglibutan.
JOHN 16
1 I am telling you these things, so that you will not turn away. 2 You will be chased out of the synagogues. And the time will come when people will kill you and think they are doing God a favor. 3 They will do these things because they don't know either the Father or me.
4 I am saying this to you now, so that when the time comes, you will remember what I have said.The Work of the Holy Spirit
I was with you at the first, and so I didn't tell you these things. 5 But now I am going back to the Father who sent me, and none of you asks me where I am going. 6 You are very sad from hearing all of this.
7 But I tell you I am going to do what is best for you. This is why I am going away. The Holy Spirit cannot come to helpt you until I leave. But after I am gone, I will send the Spirit to you.
8 The Spirit will come and show the people of this world the truth about sin and God's justice and the judgment. 9 The Spirit will show them that they are wrong about sin, because they didn't have faith in me. 10 They are wrong about God's justice, because I am going to the Father, and you won't see me again.
11 And they are wrong about the judgment, because God has already judged the ruler of this world.
12 I have much more to say to you, but right now it would be more than you could understand. 13 t The Spirit shows what is true and will come and guide you into the full truth. The Spirit doesn't speak on his own. He will tell you only what he has heard from me, and he will let you know what is going to happen. 14 The Spirit will bring glory to me by taking my message and telling it to you.
15 Everything the Father has is mine. This is why I have said that the Spirit takes my message and tells it to you.Sorrow Will Turn into Joy
16 Jesus told his disciples, “For a little while you won't see me, but after a while you will see me.”
17 They said to each other, “What does Jesus mean by saying that for a little while we won't see him, but after a while we will see him? What does he mean by saying he is going to the Father?
18 What is this ‘little while’ that he is talking about? We don't know what he means.”
19 Jesus knew they had some questions, so he said:
You are wondering what I meant when I said that for a little while you won't see me, but after a while you will see me.
20 I tell you for certain that you will cry and be sad, but the world will be happy. You will be sad, but later you will be happy.
21 When a woman is about to give birth, she is in great pain. But after it is all over, she forgets the pain and is happy, because she has brought a child into the world. 22 You are now very sad. But later I will see you, and you will be so happy that no one will be able to change the way you feel. 23 When that time comes, you won't have to ask me about anything. I tell you for certain the Father will give you whatever you ask for in my name.
24 You have not asked for anything in this way before, but now you must ask in my name.t Then it will be given to you, so you will be completely happy.
25 I have used examples to explain to you what I have been talking about. But the time will come when I will speak to you plainly about the Father and will no longer use examples like these. 26 You will ask the Father in my name, t and I won't have to ask him for you. 27 God the Father loves you because you love me, and you believe I have come from him.
28 I came from the Father into the world, but I am leaving the world and returning to the Father.
29 The disciples said, “Now you are speaking plainly to us! You are not using examples.
30 At last we know that you understand everything, and we don't have any more questions. Now we believe you truly have come from God.”
31 Jesus replied:
Do you really believe me? 32 The time will come and is already here when all of you will be scattered. Each of you will go back home and leave me by myself. But the Father will be with me, and I won't be alone. 33 I have told you this, so that you might have peace in your hearts because of me. While you are in the world, you will have to suffer. But cheer up! I have defeated the world.t