previous next

Juan 17

Idinalangin ni Jesus ang Kanyang mga Alagad

1 Pagkasabi ni Jesus ng mga pananalitang ito, tumingala siya sa langit at kanyang sinabi, “Ama, dumating na ang oras; parangalan mo na ang iyong Anak upang maparangalan ka niya. 2 Sapagkat binigyan mo ako ng kapangyarihan sa sangkatauhan upang bigyan ko ng buhay na walang hanggan ang lahat ng ibinigay mo sa Anak. 3 Itot ang buhay na walang hanggan: ang makilala ka nila, ang iisa at tunay na Diyos, at ang makilala si Jesu-Cristo na iyong isinugo. 4 Inihayag ko sa lupa ang iyong karangalan; natapos ko na ang ipinapagawa mo sa akin.

5 Kaya, Ama, ipagkaloob mo sa akin ngayon ang kaluwalhatiang taglay ko sa piling mo bago pa likhain ang daigdig.
6 “Ipinakilala na kita sa mga taong ibinigay mo sa akin mula sa daigdig. Sila'y iyo at ibinigay mo sila sa akin, at tinupad nila ang iyong salita. 7 Alam na nila na ang lahat ng ibinigay mo sa akin ay mula sa iyo;

8 dahil itinuro ko sa kanila ang mga aral na ibinigay mo sa akin, at tinanggap naman nila. Natitiyak nilang ako'y tunay na galing sa iyo, at naniniwala silang ikaw nga ang nagsugo sa akin.
9 “Idinadalangin ko sila; hindi ang sanlibutang ito ang idinadalangin ko, kundi ang lahat ng ibinigay mo sa akin, sapagkat sila'y sa iyo. 10 Ang lahat ng sa akin ay sa iyo, at ang lahat ng sa iyo ay sa akin; at napaparangalan ako sa pamamagitan nila. 11 At ngayon, ako'y papunta na sa iyo; iiwanan ko na ang sanlibutang ito, ngunit sila ay nasa sanlibutan pa. Amang banal, ingatan mo po sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalan, ang pangalang ibinigay mo sa akin, upang kung paanong ikaw at ako ay iisa, gayundin naman sila'y maging isa. 12 Habangt kasama nila ako, iningatan ko sila sa pamamagitan ng kapangyarihan ng iyong pangalan, ang pangalang ibinigay mo sa akin. Pinangalagaan ko sila at walang napahamak sa kanila, maliban sa taong humanap ng kanyang kapahamakan, upang matupad ang kasulatan. 13 Ngunit ngayon, ako'y papunta na sa iyo, at sinasabi ko ito habang ako'y nasa sanlibutan pa upang mapuspos sila ng aking kagalakan. 14 Naibigay ko na sa kanila ang iyong salita, at kinapootan sila ng mga tao sa sanlibutang ito, sapagkat hindi na sila taga-sanlibutan, tulad ko na hindi taga-sanlibutan. 15 Hindi ko idinadalanging kunin mo sila sa daigdig na ito, kundi iligtas mo sila sa Masama! 16 Hindi sila taga-sanlibutan, tulad ko na hindi rin taga-sanlibutan. 17 Italaga mo sila sa pamamagitan ng katotohanan; ang salita mo ang katotohanan. 18 Kung paanong isinugo mo ako sa sanlibutan, gayundin naman, isinusugo ko sila sa sanlibutan.

19 At alang-alang sa kanila'y itinalaga ko sa iyo ang aking sarili, upang maitalaga rin sila sa pamamagitan ng katotohanan.
20 “Hindi lamang sila ang idinadalangin ko; idinadalangin ko pati ang mga mananalig sa akin dahil sa pahayag ng aking mga tagasunod. 21 Ama, maging isa nawa silang lahat. Kung paanong ikaw ay nasa akin at ako'y nasa iyo, gayundin naman, maging isa nawa sila sa atin upang ang mga tao sa daigdig ay maniwala na ikaw ang nagsugo sa akin. 22 Ibinigay ko na sa kanila ang karangalang ibinigay mo sa akin upang sila'y ganap na maging isa, tulad mo at ako na iisa.

23 Ako'y nasa kanila at ikaw ay nasa akin, upang lubusan silang maging isa. Dahil dito, makikilala ng mga tao sa daigdig na isinugo mo ako at sila'y minamahal mo, katulad ng pagmamahal mo sa akin.
24 “Ama, sila ay ibinigay mo sa akin at nais kong makasama sila sa kinaroroonan ko upang makita nila ang karangalang ibinigay mo sa akin, sapagkat minahal mo na ako bago pa nilikha ang daigdig. 25 Mapagmahal na Ama, hindi ka kilala ng mga tao sa daigdig, ngunit kilala kita, at alam rin ng mga ibinigay mo sa akin na ikaw ang nagsugo sa akin. 26 Ipinakilala na kita sa kanila, at patuloy kitang ipapakilala, upang ang pagmamahal mo sa akin ay manatili sa kanila, at ako ay manatili rin sa kanila.”

JOHN 17

Jesus Prays

1 After Jesus had finished speaking to his disciples, he looked up toward heaven and prayed:
Father, the time has come for you to bring glory to your Son, in order that he may bring glory to you.
2 And you gave him power over all people, so he would give eternal life to everyone you give him. 3 t Eternal life is to know you, the only true God, and to know Jesus Christ, the one you sent. 4 I have brought glory to you here on earth by doing everything you gave me to do.

5 Now, Father, give me back the glory I had with you before the world was created.
6 You have given me some followers from this world, and I have shown them what you are like. They were yours, but you gave them to me, and they have obeyed you. 7 They know that you gave me everything I have. 8 I told my followers what you told me, and they accepted it. They know I came from you, and they believe you are the one who sent me. 9 I am praying for them, but not for those who belong to this world.t My followers belong to you, and I am praying for them.

10 All I have is yours, and all you have is mine, and they will bring glory to me.
11 Holy Father, I am no longer in the world. I am coming to you, but my followers are still in the world. So keep them safe by the power of the name you have given me. Then they will be one with each other, just as you and I are one.

12 t While I was with them, I kept them safe by the power you have given me. I guarded them, and not one of them was lost, except the one who had to be lost. This happened so that what the Scriptures say would come true.
13 I am on my way to you. But I say these things while I am still in the world, so my followers will have the same complete joy that I do.

14 I have told them your message. But the people of this world hate them, because they don't belong to this world, just as I don't.
15 Father, I don't ask you to take my followers out of the world, but keep them safe from the evil one. 16 They don't belong to this world, and neither do I. 17 Your word is the truth. So let this truth make them completely yours. 18 I am sending them into the world, just as you sent me.

19 I have given myself completely for their sake, so they may belong completely to the truth.
20 I am not praying just for these followers. I am also praying for everyone else who will have faith because of what my followers will say about me.

21 I want all of them to be one with each other, just as I am one with you and you are one with me. I also want them to be one with us. Then the people of this world will believe that you sent me.
22 I have honored my followers in the same way you honored me, in order that they may be one with each other, just as we are one.

23 I am one with them, and you are one with me, so they may become completely one. Then this world's people will know that you sent me. They will know that you love my followers as much as you love me.
24 Father, I want everyone you have given me to be with me, wherever I am. Then they will see the glory you have given me, because you loved me before the world was created. 25 Good Father, the people of this world don't know you. But I know you, and my followers know that you sent me. 26 I told them what you are like, and I will tell them even more. Then the love you have for me will become part of them, and I will be one with them.