previous next

Juan 17

1 Ang mga bagay na ito ay sinalita ni Jesus; at sa pagtingala ng kaniyang mga mata sa langit, ay sinabi niya, Ama, dumating na ang oras; luwalhatiin mo ang iyong Anak, upang ikaw ay luwalhatiin ng Anak:2 Gaya ng ibinigay mo sa kaniya ang kapamahalaan sa lahat ng laman, upang bigyan niya ng buhay na walang hanggan ang lahat ng ibinigay mo sa kaniya.3 At ito ang buhay na walang hanggan, na ikaw ay makilala nila na iisang Dios na tunay, at siyang iyong sinugo, sa makatuwid baga'y si Jesucristo.4 Niluwalhati kita sa lupa, pagkaganap ko ng gawa na ipinagawa mo sa akin.5 At ngayon, Ama, luwalhatiin mo ako sa iyo rin ng kaluwalhatiang aking tinamo sa iyo bago ang sanglibutan ay naging gayon.6 Ipinahayag ko ang iyong pangalan sa mga tao na ibinigay mo sa akin mula sa sanglibutan: sila'y iyo, at sila'y ibinigay mo sa akin; at tinupad nila ang iyong salita.7 Ngayon ay nangakilala nila na ang lahat ng mga bagay na sa akin ay ibinigay mo ay mula sa iyo:8 Sapagka't ang mga salitang sa akin ay ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila; at kanilang tinanggap, at nangakilala nilang tunay na nagbuhat ako sa iyo, at nagsipaniwalang ikaw ang nagsugo sa akin.9 Idinadalangin ko sila: hindi ang sanglibutan ang idinadalangin ko, kundi yaong mga sa akin ay ibinigay mo; sapagka't sila'y iyo:10 At ang lahat ng mga bagay ay iyo, at ang mga iyo ay akin: at ako'y lumuluwalhati sa kanila.11 At wala na ako sa sanglibutan, at ang mga ito ay nasa sanglibutan, at ako'y paririyan sa iyo. Amang Banal, ingatan mo sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin, upang sila'y maging isa, na gaya naman natin.12 Samantalang ako'y sumasa kanila, ay iningatan ko sila sa iyong pangalan yaong mga ibinigay mo sa akin: at sila'y binantayan ko, at isa man sa kanila'y walang napahamak, kundi ang anak ng kapahamakan; upang matupad ang kasulatan.13 Nguni't ngayon ay napaririyan ako sa iyo; at sinasalita ko ang mga bagay na ito sa sanglibutan, upang sila'y mangagtamo ng aking kagalakang ganap sa kanila rin.14 Ibinigay ko sa kanila ang iyong salita: at kinapootan sila ng sanglibutan, sapagka't hindi sila taga sanglibutan, gaya ko naman na hindi taga sanglibutan.15 Hindi ko idinadalangin na alisin mo sila sa sanglibutan, kundi ingatan mo sila mula sa masama.16 Hindi sila taga sanglibutan, na gaya ko naman na hindi taga sanglibutan.17 Pakabanalin mo sila sa katotohanan: ang salita mo'y katotohanan.18 Kung paanong ako'y iyong sinugo sa sanglibutan, sila'y gayon ding sinusugo ko sa sanglibutan.19 At dahil sa kanila'y pinabanal ko ang aking sarili, upang sila naman ay mangagpakabanal sa katotohanan.20 Hindi lamang sila ang idinadalangin ko, kundi sila rin naman na mga nagsisisampalataya sa akin sa pamamagitan ng kanilang salita;21 Upang silang lahat ay maging isa; na gaya mo, Ama, sa akin, at ako'y sa iyo, na sila nama'y suma atin: upang ang sanglibutan ay sumampalataya na ako'y sinugo mo.22 At ang kaluwalhatiang sa aki'y ibinigay mo ay ibinigay ko sa kanila; upang sila'y maging isa, na gaya naman natin na iisa;23 Ako'y sa kanila, at ikaw ay sa akin, upang sila'y malubos sa pagkakaisa; upang makilala ng sanglibutan na ikaw ang sa akin ay nagsugo, at sila'y iyong inibig, na gaya ko na inibig mo.24 Ama, yaong mga ibinigay mo sa akin ay ibig ko kung saan ako naroroon, sila naman ay dumoong kasama ko, upang makita nila ang kaluwalhatian ko, na ibinigay mo sa akin: sapagka't ako'y iyong inibig bago natatag ang sanglibutan.25 Oh Amang banal, hindi ka nakikilala ng sanglibutan, nguni't nakikilala kita; at nakikilala ng mga ito na ikaw ang nagsugo sa akin;26 At ipinakilala ko sa kanila ang iyong pangalan, at ipakikilala ko; upang ang pagibig na sa akin ay iniibig mo ay mapasa kanila, at ako'y sa kanila.

JOHN 17

Jesus Prays

1 After Jesus had finished speaking to his disciples, he looked up toward heaven and prayed:
Father, the time has come for you to bring glory to your Son, in order that he may bring glory to you.
2 And you gave him power over all people, so he would give eternal life to everyone you give him. 3 t Eternal life is to know you, the only true God, and to know Jesus Christ, the one you sent. 4 I have brought glory to you here on earth by doing everything you gave me to do.

5 Now, Father, give me back the glory I had with you before the world was created.
6 You have given me some followers from this world, and I have shown them what you are like. They were yours, but you gave them to me, and they have obeyed you. 7 They know that you gave me everything I have. 8 I told my followers what you told me, and they accepted it. They know I came from you, and they believe you are the one who sent me. 9 I am praying for them, but not for those who belong to this world.t My followers belong to you, and I am praying for them.

10 All I have is yours, and all you have is mine, and they will bring glory to me.
11 Holy Father, I am no longer in the world. I am coming to you, but my followers are still in the world. So keep them safe by the power of the name you have given me. Then they will be one with each other, just as you and I are one.

12 t While I was with them, I kept them safe by the power you have given me. I guarded them, and not one of them was lost, except the one who had to be lost. This happened so that what the Scriptures say would come true.
13 I am on my way to you. But I say these things while I am still in the world, so my followers will have the same complete joy that I do.

14 I have told them your message. But the people of this world hate them, because they don't belong to this world, just as I don't.
15 Father, I don't ask you to take my followers out of the world, but keep them safe from the evil one. 16 They don't belong to this world, and neither do I. 17 Your word is the truth. So let this truth make them completely yours. 18 I am sending them into the world, just as you sent me.

19 I have given myself completely for their sake, so they may belong completely to the truth.
20 I am not praying just for these followers. I am also praying for everyone else who will have faith because of what my followers will say about me.

21 I want all of them to be one with each other, just as I am one with you and you are one with me. I also want them to be one with us. Then the people of this world will believe that you sent me.
22 I have honored my followers in the same way you honored me, in order that they may be one with each other, just as we are one.

23 I am one with them, and you are one with me, so they may become completely one. Then this world's people will know that you sent me. They will know that you love my followers as much as you love me.
24 Father, I want everyone you have given me to be with me, wherever I am. Then they will see the glory you have given me, because you loved me before the world was created. 25 Good Father, the people of this world don't know you. But I know you, and my followers know that you sent me. 26 I told them what you are like, and I will tell them even more. Then the love you have for me will become part of them, and I will be one with them.