previous next

Juan 6

1 Pagkatapos ng mga bagay na ito ay naparoon si Jesus sa kabilang ibayo ng dagat ng Galilea, na siyang dagat ng Tiberias.2 At sumusunod sa kaniya ang lubhang maraming tao, sapagka't kanilang nangakikita ang mga tanda na ginagawa niya sa mga maysakit.3 At umahon si Jesus sa bundok, at doo'y naupo siya na kasama ng kaniyang mga alagad.4 Malapit na nga ang paskua, na pista ng mga Judio.5 Itinanaw nga ni Jesus ang kaniyang mga mata, at pagkakita na ang lubhang maraming tao'y lumalapit sa kaniya, ay sinabi kay Felipe, Saan tayo magsisibili ng tinapay, upang mangakakain ang mga ito?6 At ito'y sinabi niya upang siya'y subukin: sapagka't nalalaman niya sa kaniyang sarili kung ano ang kaniyang gagawin.7 Sumagot si Felipe sa kaniya, Hindi magkakasiya sa kanila ang dalawang daang denariong tinapay, upang makakain ng kaunti ang bawa't isa.8 Sinabi sa kaniya ng isa sa kaniyang mga alagad, si Andres, na kapatid ni Simon Pedro,9 May isang batang lalake rito, na mayroong limang tinapay na sebada, at dalawang isda: datapuwa't gaano na ang mga ito sa ganyang karamihan?10 Sinabi ni Jesus, Inyong paupuin ang mga tao. Madamo nga sa dakong yaon. Kaya't nagsiupo ang mga lalake, na may limang libo ang bilang.11 Kinuha nga ni Jesus ang mga tinapay; at nang makapagpasalamat, ay ipinamahagi niya sa kanilang nangakaupo; at gayon din naman binigyan sila ng mga isda kung gaanong ibigin nila.12 At nang sila'y mangabusog, ay sinabi niya sa kaniyang mga alagad, Pulutin ninyo ang mga pinagputolputol na lumabis, upang walang anomang masayang.13 Kaya't kanilang tinipon, at nangapuno ang labingdalawang bakol ng mga pinagputolputol sa limang tinapay na sebada, na lumabis sa nagsikain.14 Kaya't nang makita ng mga tao ang tandang ginawa niya, ay kanilang sinabi, Totoong ito nga ang propeta na paririto sa sanglibutan.15 Nang mapaghalata nga ni Jesus na sila'y magsisilapit at siya'y agawin, upang siya'y gawing hari, ay muling nagbalik sa bundok na nagiisa.16 At nang kinahapunan, ay nagsilusong ang kaniyang mga alagad sa dagat;17 At nagsilulan sila sa isang daong, at kanilang tinatawid ang dagat hanggang sa Capernaum. At madilim na nga, at hindi dumarating sa kanila si Jesus.18 At lumalaki ang dagat dahil sa isang malakas na hanging humihihip.19 Nang sila nga'y mangakagaod na ng may dalawangpu't lima o tatlongpung estadio, ay kanilang nakita si Jesus na lumalakad sa ibabaw ng dagat, at lumalapit sa daong: at sila'y nangahintakutan.20 Datapuwa't sinabi niya sa kanila, Ako nga; huwag kayong mangatakot.21 Malugod nga nilang tinanggap siya sa daong: at pagdaka'y dumating ang daong sa lupang kanilang tinutumpa.22 Nang kinabukasan ay nakita ng karamihang nakatayo sa kabilang ibayo ng dagat na doo'y walang ibang daong, kundi isa, at hindi lumulan sa daong si Jesus na kasama ng kaniyang mga alagad, kundi ang kaniyang mga alagad lamang ang nagsipaglayag23 (Gayon man ay may mga daong na nagsidating na mula sa Tiberias malapit sa dako na kanilang kinainan ng tinapay pagkatapos na makapagpasalamat ang Panginoon):24 Nang makita nga ng karamihan na wala roon si Jesus, ni ang kaniyang mga alagad man, ay nagsilulan sila sa mga daong, at nagsidating sa Capernaum, na hinahanap si Jesus.25 At nang siya'y kanilang masumpungan sa kabilang ibayo ng dagat, ay kanilang sinabi sa kanila, Rabi, kailan ka dumating dito?26 Sinagot sila ni Jesus at sinabi, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ako'y inyong hinahanap, hindi dahil sa inyong nangakitang mga tanda, kundi dahil sa kayo'y nagsikain ng tinapay, at kayo'y nangabusog.27 Magsigawa kayo hindi dahil sa pagkaing napapanis, kundi dahil sa pagkaing tumatagal sa buhay na walang hanggan, na ibibigay sa inyo ng Anak ng tao: sapagka't siyang tinatakan ng Ama, sa makatuwid baga'y ang Dios.28 Sinabi nga nila sa kaniya, Ano ang kinakailangan naming gawin, upang aming magawa ang mga gawa ng Dios?29 Sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, Ito ang gawa ng Dios, na inyong sampalatayanan yaong kaniyang sinugo.30 Sinabi nga nila sa kaniya, Ano nga ang inyong ginagawa na pinakatanda, upang aming makita, at sampalatayanan ka namin? ano ang ginagawa mo?31 Nagsikain ang aming mga magulang ng mana sa ilang; gaya ng nasusulat, Tinapay na galing sa langit ang sa kanila'y kaniyang ipinakain.32 Sinabi nga sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Hindi si Moises ang nagbigay sa inyo ng tinapay na galing sa langit; kundi ang aking Ama ang nagbibigay sa inyo ng tunay na tinapay na galing sa langit.33 Sapagka't ang tinapay ng Dios ay yaong bumababang mula sa langit, at nagbibigay buhay sa sanglibutan.34 Sa kaniya nga'y kanilang sinabi, Panginoon, bigyan mo kaming palagi ng tinapay na ito.35 Sa kanila'y sinabi ni Jesus, Ako ang tinapay ng kabuhayan: ang lumalapit sa akin ay hindi magugutom, at ang sumasampalataya sa akin kailan ma'y hindi mauuhaw.36 Datapuwa't sinabi ko sa inyo, na nakita ninyo ako, at gayon ma'y hindi kayo nagsisampalataya.37 Ang lahat ng ibinibigay sa akin ng Ama ay magsisilapit sa akin; at ang lumalapit sa akin sa anomang paraan ay hindi ko itataboy.38 Sapagka't bumaba akong mula sa langit, hindi upang gawin ko ang aking sariling kalooban, kundi ang kalooban ng nagsugo sa akin.39 At ito ang kalooban ng nagsugo sa akin, na sa lahat ng ibinigay niya sa akin ay huwag kong iwala ang anoman, kundi ibangon sa huling araw.40 Sapagka't ito ang kalooban ng aking Ama, na ang bawa't nakakakita sa Anak, at sa kaniya'y sumampalataya, ay magkaroon ng walang hanggang buhay; at akin siyang ibabangon sa huling araw.41 Ang mga Judio nga ay nagbulongbulungan tungkol sa kaniya sapagka't kaniyang sinabi, Ako ang tinapay na bumabang galing sa langit.42 At kanilang sinabi, Hindi baga ito'y si Jesus, ang anak ni Jose, na nakikilala natin ang kaniyang ama at ina? paano ngang sinasabi niya, Ako'y bumabang galing sa langit?43 Sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, Huwag kayong mangagbulongbulungan.44 Walang taong makalalapit sa akin, maliban nang ang Amang nagsugo sa akin ang sa kaniya'y magdala sa akin; at siya'y aking ibabangon sa huling araw.45 Nasusulat sa mga propeta, At tuturuan silang lahat ng Dios. Ang bawa't nakarinig sa Ama, at natuto, ay lumalapit sa akin.46 Hindi sa ang sinoma'y nakakita sa Ama, kundi yaong nanggaling sa Dios, siya ang nakakita sa Ama.47 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang sumasampalataya ay may buhay na walang hanggan.48 Ako ang tinapay ng kabuhayan.49 Nagsikain ang inyong mga magulang ng mana sa ilang, at sila'y nangamatay.50 Ito ang tinapay na bumababang galing sa langit, upang ang taong makakain, ay huwag mamatay.51 Ako ang tinapay na buhay na bumabang galing sa langit: kung ang sinoman ay kumain ng tinapay na ito, siya'y mabubuhay magpakailan man: oo at ang tinapay na aking ibibigay ay ang aking laman, sa ikabubuhay ng sanglibutan.52 Ang mga Judio nga'y nangagtatalo, na nangagsasabi, Paanong maipakakain sa atin ng taong ito ang kaniyang laman?53 Sinabi nga sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Maliban nang inyong kanin ang laman ng Anak ng tao at inumin ang kaniyang dugo, ay wala kayong buhay sa inyong sarili.54 Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay may buhay na walang hanggan; at siya'y aking ibabangon sa huling araw.55 Sapagka't ang aking laman ay tunay na pagkain, at ang aking dugo ay tunay na inumin.56 Ang kumakain ng aking laman at umiinom ng aking dugo ay nananahan sa akin, at ako'y sa kaniya.57 Kung paanong sinugo ako ng Amang buhay, at ako'y nabubuhay dahil sa Ama; gayon din naman ang kumakain sa akin, siya nama'y mabubuhay dahil sa akin.58 Ito ang tinapay na bumabang galing sa langit: hindi gaya ng mga magulang na nagsikain, at nangamatay; ang kumakain ng tinapay na ito ay mabubuhay magpakailan man.59 Sinabi niya ang mga bagay na ito sa sinagoga, samantalang siya'y nagtuturo sa Capernaum.60 Marami nga sa kaniyang mga alagad, nang kanilang marinig ito, ay nangagsabi, Matigas ang pananalitang ito; sino ang makaririnig noon?61 Datapuwa't pagkaalam ni Jesus sa kaniyang sarili na nagbubulongbulungan ang kaniyang mga alagad tungkol dito, sa kanila'y sinabi, Ito baga'y nakapagpapatisod sa inyo?62 Ano nga kung makita ninyong umaakyat ang Anak ng tao sa kinaroroonan niya nang una?63 Ang espiritu nga ang bumubuhay; sa laman ay walang anomang pinakikinabang: ang mga salitang sinalita ko sa inyo ay pawang espiritu, at pawang buhay.64 Datapuwa't may ilan sa inyong hindi nagsisisampalataya. Sapagka't talastas na ni Jesus buhat pa nang una kung sino-sino ang hindi nagsisisampalataya, at kung sino ang sa kaniya'y magkakanulo.65 At sinabi niya, Dahil dito'y sinabi ko sa inyo, na walang taong makalalapit sa akin, maliban na ipagkaloob sa kaniya ng Ama.66 Dahil dito'y marami sa kaniyang mga alagad ay nagsitalikod, at hindi na nagsisama sa kaniya.67 Sinabi nga ni Jesus sa labingdalawa, Ibig baga ninyong magsialis din naman?68 Sinagot siya ni Simon Pedro, Panginoon, kanino kami magsisiparoon? ikaw ang may mga salita ng buhay na walang hanggan.69 At kami'y nagsisisampalataya at nakikilala namin na ikaw ang Banal ng Dios.70 Sinagot sila ni Jesus, Hindi baga hinirang ko kayong labingdalawa, at ang isa sa inyo ay diablo?71 Tinukoy nga niya si Judas na anak ni Simon Iscariote, sapagka't siya ang sa kaniya'y magkakanulo, palibhasa'y isa sa labingdalawa.

JOHN 6

Feeding Five Thousand

(Matthew 14.13-21; Mark 6.30-44; Luke 9.10-17)

1 Jesus crossed Lake Galilee, which was also known as Lake Tiberias. 2 A large crowd had seen him work miracles to heal the sick, and those people went with him.

3-4 It was almost time for the Jewish festival of Passover, and Jesus went up on a mountain with his disciples and sat down.t
5 When Jesus saw the large crowd coming toward him, he asked Philip, “Where will we get enough food to feed all these people?”

6 He said this to test Philip, since he already knew what he was going to do.

7 Philip answered, “Don't you know that it would take almost a year's wagest just to buy only a little bread for each of these people?”
8 Andrew, the brother of Simon Peter, was one of the disciples. He spoke up and said,

9 “There is a boy here who has five small loavest of barley bread and two fish. But what good is that with all these people?”
10 The ground was covered with grass, and Jesus told his disciples to tell everyone to sit down. About 5,000 men were in the crowd.

11 Jesus took the bread in his hands and gave thanks to God. Then he passed the bread to the people, and he did the same with the fish, until everyone had plenty to eat.
12 The people ate all they wanted, and Jesus told his disciples to gather up the leftovers, so that nothing would be wasted.

13 The disciples gathered them up and filled twelve large baskets with what was left over from the five barley loaves.
14 After the people had seen Jesus work this miracle, t they began saying, “This must be the Prophett who is to come into the world!”

15 Jesus realized that they would try to force him to be their king. So he went up on a mountain, where he could be alone.

Jesus Walks on the Water

(Matthew 14.22-27; Mark 6.45-52)


16 That evening, Jesus' disciples went down to the lake. 17 They got into a boat and started across for Capernaum. Later that evening Jesus had still not come to them,

18 and a strong wind was making the water rough.
19 When the disciples had rowed for five or six kilometers , they saw Jesus walking on the water. He kept coming closer to the boat, and they were terrified. 20 But he said, “I am Jesus!t Don't be afraid!”

21 The disciples wanted to take him into the boat, but suddenly the boat reached the shore where they were headed.

The Bread That Gives Life


22 The people who had stayed on the east side of the lake knew that only one boat had been there. They also knew that Jesus had not left in it with his disciples. But the next day 23 some boats from Tiberias sailed near the place where the crowd had eaten the bread for which the Lord had given thanks. 24 They saw that Jesus and his disciples had left. Then they got into the boats and went to Capernaum to look for Jesus.

25 They found him on the west side of the lake and asked, “Rabbi, when did you get here?”
26 Jesus answered, “I tell you for certain that you are not looking for me because you saw the miracles, t but because you ate all the food you wanted.

27 t Don't work for food that spoils. Work for food that gives eternal life. The Son of Man will give you this food, because God the Father has given him the right to do so.”

28 “What exactly does God want us to do?” the people asked.

29 Jesus answered, “God wants you to have faith in the one he sent.”
30 They replied, “What miracle will you work, so that we can have faith in you? What will you do?

31 t For example, when our ancestors were in the desert, they were given mannat to eat. It happened just as the Scriptures say, ‘God gave them bread from heaven to eat.’ ”
32 Jesus then told them, “I tell you for certain that Moses wasn't the one who gave you bread from heaven. My Father is the one who gives you the true bread from heaven.

33 And the bread that God gives is the one who came down from heaven to give life to the world.”

34 The people said, “Sir, give us this bread and don't ever stop!”

35 Jesus replied:
I am the bread that gives life! No one who comes to me will ever be hungry. No one who has faith in me will ever be thirsty.
36 I have told you already that you have seen me and still do not have faith in me.

37 Everything and everyone that the Father has given me will come to me, and I won't turn any of them away.
38 I didn't come from heaven to do what I want! I came to do what the Father wants me to do. He sent me, 39 and he wants to make certain that none of the ones he has given me will be lost. Instead, he wants me to raise them to life on the last day.t

40 My Father wants everyone who sees the Son to have faith in him and to have eternal life. Then I will raise them to life on the last day.
41 The people started grumbling because Jesus had said he was the bread that had come down from heaven.

42 They were asking each other, “Isn't he Jesus, the son of Joseph? Don't we know his father and mother? How can he say that he has come down from heaven?”

43 Jesus told them:
Stop grumbling!
44 No one can come to me, unless the Father who sent me makes them want to come. But if they do come, I will raise them to life on the last day.

45 t One of the prophets wrote, “God will teach all of them.” And so everyone who listens to the Father and learns from him will come to me.
46 The only one who has seen the Father is the one who has come from him. No one else has ever seen the Father.

47 I tell you for certain that everyone who has faith in me has eternal life.
48 I am the bread that gives life! 49 Your ancestors ate mannat in the desert, and later they died. 50 But the bread from heaven has come down, so that no one who eats it will ever die.

51 I am that bread from heaven! Everyone who eats it will live forever. My flesh is the life-giving bread I give to the people of this world.

52 They started arguing with each other and asked, “How can he give us his flesh to eat?”

53 Jesus answered:
I tell you for certain that you won't live unless you eat the flesh and drink the blood of the Son of Man.
54 But if you do eat my flesh and drink my blood, you will have eternal life, and I will raise you to life on the last day. 55 My flesh is the true food, and my blood is the true drink.

56 If you eat my flesh and drink my blood, you are one with me, and I am one with you.
57 The living Father sent me, and I have life because of him. Now everyone who eats my flesh will live because of me.

58 The bread that comes down from heaven isn't like what your ancestors ate. They died, but whoever eats this bread will live forever.

59 Jesus was teaching in a synagogue in Capernaum when he said these things.

The Words of Eternal Life


60 Many of Jesus' disciples heard him and said, “This is too hard for anyone to understand.”
61 Jesus knew that his disciples were grumbling. So he asked, “Does this bother you? 62 What if you should see the Son of Man go up to heaven where he came from? 63 t The Spirit is the one who gives life! Human strength can do nothing. The words that I have spoken to you are from that life-giving Spirit.

64 But some of you refuse to have faith in me.” Jesus said this, because from the beginning he knew who would have faith in him. He also knew which one would betray him.

65 Then Jesus said, “You cannot come to me, unless the Father makes you want to come. That is why I have told these things to all of you.”
66 Because of what Jesus said, many of his disciples turned their backs on him and stopped following him. 67 Jesus then asked his twelve disciples if they also were going to leave him. 68 t Simon Peter answered, “Lord, there is no one else that we can go to! Your words give eternal life.

69 We have faith in you, and we are sure that you are God's Holy One.”
70 Jesus told his disciples, “I chose all twelve of you, but one of you is a demon!” 71 Jesus was talking about Judas, the son of Simon Iscariot.t He would later betray Jesus, even though he was one of the twelve disciples.