Juan 8
1 Datapuwa't si Jesus ay napasa bundok ng mga Olivo.2 At pagka umaga ay nagbalik siya sa templo, at ang buong bayan ay lumapit sa kaniya; at siya'y naupo, at sila'y tinuruan.3 At dinala sa kaniya ng mga eskriba at ng mga Fariseo ang isang babaing nahuli sa pangangalunya; at nang mailagay siya sa gitna,4 Ay sinabi nila sa kaniya, Guro, nahuli ang babaing ito sa kasalukuyan ng pangangalunya.5 Sa kautusan nga ay ipinagutos sa amin ni Moises na batuhin ang mga ganyan: ano nga ang iyong sabi tungkol sa kaniya?6 At ito'y kanilang sinabi, na siya'y sinusubok, upang sa kaniya'y may maisumbong sila. Datapuwa't yumuko si Jesus, at sumulat ng kaniyang daliri sa lupa.7 Datapuwa't nang sila'y nangagpatuloy ng pagtatanong sa kaniya, ay umunat siya, at sa kanila'y sinabi, Ang walang kasalanan sa inyo, ay siyang unang bumato sa kaniya.8 At muli siyang yumuko, at sumulat ng kaniyang daliri sa lupa.9 At sila, nang ito'y kanilang marinig, ay nagsialis na isa-isa, na nagpasimula sa katandatandaan, hanggang sa kahulihulihan: at iniwang magisa si Jesus at ang babae, sa kinaroroonan nito, sa gitna.10 At umunat si Jesus, at sa kaniya'y sinabi, Babae, saan sila nangaroroon? wala bagang taong humatol sa iyo?11 At sinabi niya, Wala sinoman, Panginoon. At sinabi ni Jesus, Ako man ay hindi rin hahatol sa iyo: humayo ka ng iyong lakad; mula ngayo'y huwag ka nang magkasala.12 Muli ngang nagsalita sa kanila si Jesus, na sinasabi, Ako ang ilaw ng sanglibutan: ang sumusunod sa akin ay hindi lalakad sa kadiliman, kundi magkakaroon ng ilaw ng kabuhayan.13 Sinabi nga sa kaniya ng mga Fariseo, Nagpapatotoo ka sa iyong sarili; hindi totoo ang patotoo mo.14 Sumagot si Jesus at sa kanila'y sinabi, Bagama't ako'y nagpapatotoo sa akin din, ay totoo ang aking patotoo; sapagka't nalalaman ko kung saan ako nanggaling, at kung saan ako paroroon; datapuwa't hindi ninyo nalalaman kung saan ako nanggaling, o kung saan ako paroroon.15 Nagsisihatol kayo ayon sa laman; ako'y hindi humahatol sa kanino mang tao.16 Oo, at kung ako'y humahatol, ang hatol ko'y totoo; sapagka't hindi ako nagiisa, kundi ako at ang Ama na nagsugo sa akin.17 Oo, at sa inyong kautusan ay nasusulat, na ang patotoo ng dalawang tao ay totoo.18 Ako ang nagpapatotoo sa akin din, at ang Amang nagsugo sa akin ay nagpapatotoo sa akin.19 Sa kaniya nga'y kanilang sinabi, Saan naroroon ang iyong Ama? Sumagot si Jesus, Hindi ninyo nakikilala ako, ni ang aking Ama: kung ako'y inyong makilala, ay makikilala rin ninyo ang aking Ama.20 Sinalita niya ang mga salitang ito sa dakong kabang-yaman, nang nagtuturo siya sa templo: at walang taong humuli sa kaniya; sapagka't hindi pa dumarating ang kaniyang oras.21 Muli ngang sinabi niya sa kanila, Yayaon ako, at ako'y inyong hahanapin, at mangamamatay kayo sa inyong kasalanan: sa aking paroroonan, ay hindi kayo mangakaparoroon.22 Sinabi nga ng mga Judio, Siya kaya'y magpapakamatay, sapagka't kaniyang sinabi, Sa aking paroroonan, ay hindi kayo mangakaparoroon.23 At sa kanila'y kaniyang sinabi, Kayo'y mga taga ibaba; ako'y taga itaas: kayo'y mga taga sanglibutang ito; ako'y hindi taga sanglibutang ito.24 Sinabi ko nga sa inyo, na kayo'y mangamamatay sa inyong mga kasalanan: sapagka't malibang kayo'y magsisampalataya na ako nga ang Cristo, ay mangamamatay kayo sa inyong mga kasalanan.25 Sa kaniya nga'y kanilang sinabi, Sino ka baga? Sinabi sa kanila ni Jesus, Siya rin na sinalita ko sa inyo mula pa nang una.26 Mayroon akong maraming bagay na sasalitain at hahatulan tungkol sa inyo: gayon pa man ang nagsugo sa akin ay totoo; at ang mga bagay na sa kaniya'y aking narinig, ang mga ito ang sinasalita ko sa sanglibutan.27 Hindi nila napagunawa na tungkol sa Ama ang kaniyang sinasalita sa kanila.28 Sinabi nga ni Jesus, Kung maitaas na ninyo ang Anak ng tao, saka ninyo makikilala na ako nga ang Cristo, at wala akong ginagawa sa aking sarili, kundi sinalita ko ang mga bagay na ito, ayon sa itinuro sa akin ng Ama.29 At ang nagsugo sa akin ay sumasa akin; hindi niya ako binayaang nagiisa; sapagka't ginagawa kong lagi ang mga bagay na sa kaniya'y nakalulugod.30 Samantalang sinasalita niya ang mga bagay na ito, ay maraming nagsisampalataya sa kaniya.31 Sinabi nga ni Jesus sa mga Judiong yaon na nagsisisampalataya sa kaniya, Kung kayo'y magsisipanatili sa aking salita, kung magkagayo'y tunay nga kayong mga alagad ko;32 At inyong makikilala ang katotohanan, at ang katotohana'y magpapalaya sa inyo.33 Sa kaniya'y kanilang isinagot, Kami'y binhi ni Abraham, at kailan ma'y hindi pa naging alipin ninomang tao: paanong sinasabi mo, Kayo'y magiging laya?34 Sinagot sila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Ang bawa't nagkakasala ay alipin ng kasalanan.35 At ang alipin ay hindi nananahan sa bahay magpakailan man: ang anak ang nananahan magpakailan man.36 Kung palayain nga kayo ng Anak, kayo'y magiging tunay na laya.37 Talastas ko na kayo'y binhi ni Abraham; gayon ma'y pinagsisikapan ninyong ako'y patayin, sapagka't ang salita ko'y hindi magkasiya sa inyo.38 Sinasalita ko ang mga bagay na aking nakita sa aking Ama: at ginagawa rin ninyo ang mga bagay na inyong narinig sa inyong Ama.39 Sila'y nagsisagot at sa kaniya'y sinabi, Si Abraham ang aming ama. Sa kanila'y sinabi ni Jesus, Kung kayo'y mga anak ni Abraham, ay gagawin ninyo ang mga gawa ni Abraham.40 Datapuwa't ngayo'y pinagsisikapan ninyo akong patayin, na taong sa inyo'y nagsaysay ng katotohanan, na aking narinig sa Dios: ito'y hindi ginawa ni Abraham.41 Ginagawa ninyo ang mga gawa ng inyong ama. Sinabi nila sa kaniya, Hindi kami inianak sa pakikiapid; may isang Ama kami, ang Dios.42 Sinabi sa kanila ni Jesus, Kung ang Dios ang inyong ama, ay inyong iibigin ako: sapagka't ako'y nagmula at nanggaling sa Dios; sapagka't hindi ako naparito sa aking sarili, kundi sinugo niya ako.43 Bakit hindi ninyo napaguunawa ang aking pananalita? sapagka't hindi ninyo mangyayaring dinggin ang aking salita.44 Kayo'y sa inyong amang diablo, at ang mga nais ng inyong ama ang ibig ninyong gawin. Siya'y isang mamamatay-tao buhat pa nang una, at hindi nananatili sa katotohanan, sapagka't walang katotohanan sa kaniya. Pagka nagsasalita siya ng kasinungalingan, ay nagsasalita siya ng sa ganang kaniya: sapagka't siya'y isang sinungaling, at ama nito.45 Nguni't dahil sa sinasabi ko ang katotohanan, ay hindi ninyo ako sinasampalatayanan.46 Sino sa inyo ang makasusumbat sa akin tungkol sa kasalanan? Kung sinasabi ko ang katotohanan, bakit hindi ninyo ako sinasampalatayanan?47 Ang sa Dios ay nakikinig ng mga salita ng Dios: dahil dito'y hindi ninyo dinirinig, sapagka't kayo'y hindi sa Dios.48 Nagsisagot ang mga Judio at sa kaniya'y sinabi, Hindi baga magaling ang aming pagkasabi na ikaw ay isang Samaritano, at mayroon kang demonio?49 Sumagot si Jesus, Ako'y walang demonio; kundi pinapupurihan ko ang aking Ama, at ako'y inyong sinisiraan ng puri.50 Nguni't hindi ko hinahanap ang aking sariling kaluwalhatian: may isang humahanap at humahatol.51 Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Kung ang sinoman ay tutupad ng aking salita, ay hindi siya makakakita magpakailan man ng kamatayan.52 Sinabi ng mga Judio sa kaniya, Ngayo'y nalalaman naming mayroon kang demonio. Namatay si Abraham, at ang mga propeta; at sinasabi mo, Kung ang sinoman ay tutupad ng aking salita, ay hindi niya matitikman magpakailan man ang kamatayan.53 Dakila ka pa baga sa aming amang Abraham, na namatay? at nangamatay ang mga propeta: sino ang ipinalalagay mo sa iyong sarili?54 Sumagot si Jesus, Kung niluluwalhati ko ang aking sarili, ang kaluwalhatian ko ay walang anoman: ang aking Ama'y siyang lumuluwalhati sa akin; na tungkol sa kaniya'y sinasabi ninyo, na siya'y inyong Dios;55 At hindi ninyo siya napagkilala: nguni't nakikilala ko siya; at kung aking sasabihin, na hindi ko siya nakikilala, ay ako'y matutulad sa inyo, na sinungaling: datapuwa't nakikilala ko siya, at tinutupad ko ang kaniyang salita.56 Nagalak ang inyong amang si Abraham na makita ang aking araw; at nakita niya, at natuwa.57 Sinabi nga sa kaniya ng mga Judio, Wala ka pang limangpung taon, at nakita mo si Abraham?58 Sinabi sa kanila ni Jesus, Katotohanan, katotohanang sinasabi ko sa inyo, Bago ipinanganak si Abraham, ay ako nga.59 Sila nga'y nagsidampot ng mga bato upang ihagis sa kaniya: datapuwa't nagtago si Jesus, at lumabas sa templo.
JOHN 8
1 but Jesus walked out to the Mount of Olives.
2 Then early the next morning he went to the temple. The people came to him, and he sat downt and started teaching them.
3 The Pharisees and the teachers of the Law of Moses brought in a woman who had been caught in bed with a man who wasn't her husband. They made her stand in the middle of the crowd. 4 Then they said, “Teacher, this woman was caught sleeping with a man who isn't her husband.
5 t The Law of Moses teaches that a woman like this should be stoned to death! What do you say?”
6 They asked Jesus this question, because they wanted to test him and bring some charge against him. But Jesus simply bent over and started writing on the ground with his finger.
7 t They kept on asking Jesus about the woman. Finally, he stood up and said, “If any of you have never sinned, then go ahead and throw the first stone at her!” 8 Once again he bent over and began writing on the ground.
9 The people left one by one, beginning with the oldest. Finally, Jesus and the woman were there alone.
10 Jesus stood up and asked her, “Where is everyone? Isn't there anyone left to accuse you?”
11 “No sir,” the woman answered.
Then Jesus told her, “I am not going to accuse you either. You may go now, but don't sin anymore.”tJesus Is //the Light for the World
12 t Once again Jesus spoke to the people. This time he said, “I am the light for the world! Follow me, and you won't be walking in the dark. You will have the light that gives life.”
13 t The Pharisees objected, “You are the only one speaking for yourself, and what you say isn't true!”
14 Jesus replied:
Even if I do speak for myself, what I say is true! I know where I came from and where I am going. But you don't know where I am from or where I am going. 15 You judge in the same way that everyone else does, but I don't judge anyone. 16 If I did judge, I would judge fairly, because I would not be doing it alone. The Father who sent me is here with me. 17 t Your Law requires two witnesses to prove that something is true.
18 I am one of my witnesses, and the Father who sent me is the other one.
19 “Where is your Father?” they asked.
“You don't know me or my Father!” Jesus answered. “If you knew me, you would know my Father.”
20 Jesus said this while he was still teaching in the place where the temple treasures were stored. But no one arrested him, because his time had not yet come.tYou Cannot Go Where //I Am Going
21 Jesus also told them, “I am going away, and you will look for me. But you cannot go where I am going, and you will die with your sins unforgiven.”
22 The people asked, “Does he intend to kill himself? Is that what he means by saying we cannot go where he is going?”
23 Jesus answered, “You are from below, but I am from above. You belong to this world, but I don't.
24 This is why I said you will die with your sins unforgiven. If you don't have faith in me for who I am, t you will die, and your sins will not be forgiven.”
25 “Who are you?” they asked Jesus.
Jesus answered, “I am exactly who I told you at the beginning.
26 There is a lot more I could say to condemn you. But the one who sent me is truthful, and I tell the people of this world only what I have heard from him.”
27 No one understood that Jesus was talking to them about the Father.
28 Jesus went on to say, “When you have lifted up the Son of Man, t you will know who I am. You will also know that I don't do anything on my own. I say only what my Father taught me.
29 The one who sent me is with me. I always do what pleases him, and he will never leave me.”
30 After Jesus said this, many of the people put their faith in him.The Truth Will Set You Free
31 Jesus told the people who had faith in him, “If you keep on obeying what I have said, you truly are my disciples.
32 t You will know the truth, and the truth will set you free.”
33 t They answered, “We are Abraham's children! We have never been anyone's slaves. How can you say we will be set free?”
34 Jesus replied:
I tell you for certain that anyone who sins is a slave of sin! 35 And slaves don't stay in the family forever, though the Son will always remain in the family. 36 If the Son gives you freedom, you are free! 37 I know that you are from Abraham's family. Yet you want to kill me, because my message isn't really in your hearts.
38 I am telling you what my Father has shown me, just as you are doing what your father has taught you.Your Father Is the Devil
39 The people said to Jesus, “Abraham is our father!”
Jesus replied, “If you were Abraham's children, you would do what Abraham did. 40 Instead, you want to kill me for telling you the truth that God gave me. Abraham never did anything like that.
41 But you are doing exactly what your father does.”
“Don't accuse us of having someone else as our father!” they said. “We just have one father, and he is God.”
42 Jesus answered:
If God were your Father, you would love me, because I came from God and now I am here. He sent me. I did not come on my own. 43 Why can't you understand what I am talking about? Can't you stand to hear what I am saying?
44 t Your father is the devil, and you do exactly what he wants. He has always been a murderer and a liar. There is nothing truthful about him. He speaks on his own, and everything he says is a lie. Not only is he a liar himself, but he is also the father of all lies.
45 Everything I have told you is true, and you still refuse to have faith in me. 46 Can any of you accuse me of sin? If you cannot, why won't you have faith in me? After all, I am telling you the truth.
47 Anyone who belongs to God will listen to his message. But you refuse to listen, because you don't belong to God.Jesus and Abraham
48 The people told Jesus, “We were right to say that you are a Samaritant and that you have a demon in you!”
49 Jesus answered, “I don't have a demon in me. I honor my Father, and you refuse to honor me. 50 I don't want honor for myself. But there is one who wants me to be honored, and he is also the one who judges.
51 I tell you for certain that if you obey my words, you will never die.”
52 Then the people said, “Now we are sure that you have a demon. Abraham is dead, and so are the prophets. How can you say that no one who obeys your words will ever die?
53 Are you greater than our father Abraham? He died, and so did the prophets. Who do you think you are?”
54 Jesus replied, “If I honored myself, it would mean nothing. My Father is the one who honors me. You claim that he is your God, 55 even though you don't really know him. If I said I didn't know him, I would be a liar, just like all of you. But I know him, and I do what he says.
56 Your father Abraham was really glad to see me.”
57 “You are not even 50 years old!” they said. “How could you have seen Abraham?”
58 Jesus answered, “I tell you for certain that even before Abraham was, I was, and I am.”t 59 The people picked up stones to kill Jesus, but he hid and left the temple.