Lucas 10
Isinugo ni Jesus ang Pitumpu't Dalawa
1 Pagkatapos nito, pumili ang Panginoon ng pitumpu't dalawa.t Sila ay isinugo niya nang dala-dalawa sa bawat bayan at pook na pupuntahan niya. 2 Sinabit niya sa kanila, “Napakarami ng aanihin ngunit kakaunti ang mga mag-aani. Idalangin ninyo sa may-ari ng aanihin na magpadala siya ng mga mag-aani. 3 Siget pumunta na kayo! Isinusugo ko kayong parang mga tupa sa gitna ng mababangis na asong-gubat. 4 Huwagt kayong magdala ng lalagyan ng pera, bag, o sandalyas. Huwag na kayong makikipagbatian kaninuman sa daan. 5 Pagpasok ninyo sa alinmang bahay, sabihin muna ninyo, ‘Maghari nawa ang kapayapaan sa bahay na ito!’ 6 Kung maibigin sa kapayapaan ang nakatira roon, tatanggapin nila ang kapayapaan ninyo; ngunit kung hindi, babalik sa inyo ang inyong kapayapaan. 7 Makituloyt kayo sa bahay na iyan at huwag kayong magpapalipat-lipat ng tinutuluyan. Kainin ninyo at inumin ang anumang ihain sa inyo sapagkat ang manggagawa ay may karapatang tumanggap ng sweldo. 8 Kapag tinanggap kayo sa alinmang bayan, kainin ninyo ang anumang ihain sa inyo. 9 Pagalingin ninyo ang mga maysakit at sabihin sa mga tagaroon, ‘Malapit na kayong pagharian ng Diyos.’ 10 Ngunitt kung hindi kayo tanggapin sa isang bayan, pumunta kayo sa mga lansangan nito at sabihin, 11 ‘Pati ang alikabok ng inyong bayan na dumikit sa aming mga paa ay ipinapagpag namin bilang babala sa inyo. Ngunit pakatandaan ninyo, nabigyan na kayo ng pagkakataong mapagharian ng Diyos!’
12 Sinasabit ko sa inyo, sa Araw ng Paghuhukom ay higit na mabigat ang parusang igagawad sa mga mamamayan ng bayang iyon kaysa sa parusang dinanas ng mga taga-Sodoma!”Babala sa mga Bayang Ayaw Magsisi
(Mt. 11:20-24)
13 “Kawawat kayo mga taga-Corazin! Kawawa kayo mga taga-Bethsaida! Sapagkat kung sa Tiro at Sidon ginawa ang mga himalang ginawa sa inyo, matagal na sanang nagdamit ng sako at naupo sa abo ang mga tagaroon bilang tanda ng kanilang pagsisisi. 14 Sa Araw ng Paghuhukom, higit na mabigat ang kaparusahan ninyo kaysa sa kaparusahan sa mga taga-Tiro at taga-Sidon.
15 Att kayong mga taga-Capernaum, maaaring itaas ninyo ang inyong sarili hanggang sa langit ngunit ibabagsak kayo hanggang sa daigdig ng mga patay.
16 “Angt nakikinig sa inyo ay sa akin nakikinig, ang nagtatakwil sa inyo ay nagtatakwil sa akin, at ang nagtatakwil sa akin ay nagtatakwil sa nagsugo sa akin.”Bumalik ang Pitumpu't Dalawa
17 Masayang-masayang bumalik ang pitumpu't dalawa. Iniulat nila sa Panginoon, “Kahit po ang mga demonyo ay sumusuko sa amin dahil po sa kapangyarihan ng inyong pangalan.”
18 Sinabi sa kanila ni Jesus, “Nakita kong parang kidlat na nahulog si Satanas mula sa langit. 19 Binigyant ko kayo ng kapangyarihang tapakan ang mga ahas at mga alakdan, at ang lahat ng kapangyarihan ng kaaway; at walang makakapanakit sa inyo.
20 Ngunit magalak kayo, hindi dahil sa napapasuko ninyo ang masasamang espiritu, kundi dahil sa nakatala sa langit ang inyong mga pangalan.”Nagalak si Jesus
(Mt. 11:25-27; 13:16-17)
21 Nang oras ding iyon, si Jesus ay napuspos ng kagalakan ng Espiritu Santo.t Sinabi niya, “Salamat sa iyo, Ama, Panginoon ng langit at lupa, sapagkat inilihim mo sa marurunong at sa mga matatalino ang mga bagay na ito, ngunit inihayag mo sa mga taong ang kalooban ay tulad ng sa bata. Oo, Ama, sapagkat ganoon ang nais mong mangyari.
22 “Ibinigayt sa akin ng aking Ama ang lahat ng bagay. Walang nakakakilala sa Anak kundi ang Ama, at wala namang nakakakilala sa Ama kundi ang Anak, at ang mga taong ginawang karapat-dapat ng Anak na makakilala sa Ama.”
23 Humarap si Jesus sa mga alagad at sinabi nang walang ibang nakakarinig, “Mapalad kayo sapagkat nakita ninyo ang mga nakikita ninyo ngayon.
24 Sinasabi ko sa inyo, maraming propeta at matutuwid na tao ang naghangad na makita ang inyong nasasaksihan at marinig ang inyong napapakinggan, subalit hindi nila ito nakita ni narinig.”Ang Mabuting Samaritano
25 Isangt dalubhasa sa kautusang Judio ang lumapit kay Jesus upang siya'y subukin. “Guro, ano ang dapat kong gawin upang magkaroon ako ng buhay na walang hanggan?” tanong niya.
26 Sumagot si Jesus, “Ano ba ang nakasulat sa Kautusan? Ano ba ang nababasa mo roon?”
27 Sumagott ang lalaki, “‘Ibigin mo ang Panginoon mong Diyos nang buong puso, buong kaluluwa, buong lakas, at buong pag-iisip;’ at ‘Ibigin mo ang iyong kapwa gaya ng pag-ibig mo sa iyong sarili.’”
28 Sabit ni Jesus, “Tama ang sagot mo. Gawin mo iyan at magkakamit ka ng buhay na walang hanggan.”
29 Upang huwag siyang lumabas na kahiya-hiya, nagtanong pa ang lalaki, “Sino naman ang aking kapwa?”
30 Sumagot si Jesus, “May isang taong naglalakbay mula sa Jerusalem papuntang Jerico. Hinarang siya ng mga tulisan, kinuha pati ang damit sa kanyang katawan, binugbog, at iniwang halos patay na. 31 Nagkataong dumaan doon ang isang paring Judio. Nang makita ang taong nakahandusay, lumihis siya at nagpatuloy sa kanyang paglakad. 32 Dumaan din ang isang Levita, ngunit nang makita niya ang taong binugbog, lumihis din ito at nagpatuloy sa kanyang paglakad. 33 Ngunitt may isang Samaritanong naglalakbay na napadaan doon. Nakita niya ang biktima at siya'y naawa. 34 Nilapitan niya ito, binuhusan ng langis at alak ang mga sugat at binendahan. Pagkatapos, ang lalaki ay isinakay ng Samaritano sa kanyang asno at dinala ito sa bahay-panuluyan upang maalagaan doon.
35 Kinabukasan, binigyan niya ng dalawang salaping pilak ang may-ari ng bahay-panuluyan, at sinabi, ‘Heto, alagaan mo siya, at kung higit pa riyan ang iyong magagastos, babayaran ko sa aking pagbalik.’”
36 At nagtanong si Jesus, “Sa palagay mo, sino kaya sa tatlo ang naging tunay na kapwa ng taong hinarang ng mga tulisan?”
37 “Ang taong tumulong sa kanya,” tugon ng abogado. Kaya't sinabi sa kanya ni Jesus, “Sige ganoon din ang iyong gawin.”Dumalaw si Jesus kina Marta at Maria
38 Sit Jesus at ang kanyang mga alagad ay nagpatuloy sa kanilang paglalakbay, at pumasok sa isang nayon. Malugod silang tinanggap sa tahanan nina Marta 39 at ng kapatid niyang si Maria. Naupo ito sa may paanan ng Panginoon upang makinig sa kanyang itinuturo.
40 Si Marta naman ay abalang-abala sa paghahanda, kaya't lumapit siya kay Jesus at dumaing, “Panginoon, bale-wala po ba sa inyo na pinababayaan ako ng kapatid kong maghanda nang nag-iisa? Sabihan nga po ninyo siyang tulungan naman ako.”
41 Ngunit sinabi ng Panginoon sa kanya, “Marta, Marta, nababalisa ka at abalang-abala sa maraming bagay, 42 ngunit iisa lamang ang talagang kailangan.t Mas mabuti ang pinili ni Maria at ito'y hindi aalisin sa kanya.”
LUKE 10
The Work //of the Seventy-Two Followers
1 Later the Lord chose 72 t other followers and sent them out two by two to every town and village where he was about to go.
2 t He said to them:
A large crop is in the fields, but there are only a few workers. Ask the Lord in charge of the harvest to send out workers to bring it in. 3 t Now go, but remember, I am sending you like lambs into a pack of wolves. 4 t Don't take along a moneybag or a traveling bag or sandals. And don't waste time greeting people on the road.t 5 As soon as you enter a home, say, “God bless this home with peace.” 6 If the people living there are peace-loving, your prayer for peace will bless them. But if they are not peace-loving, your prayer will return to you.
7 t Stay with the same family, eating and drinking whatever they give you, because workers are worth what they earn. Don't move around from house to house.
8 If the people of a town welcome you, eat whatever they offer.
9 Heal their sick and say, “God's kingdom will soon be here!”t
10 t But if the people of a town refuse to welcome you, go out into the street and say, 11 “We are shaking the dust from our feett as a warning to you. And you can be sure that God's kingdom will soon be here!”t
12 t I tell you that on the day of judgment the people of Sodom will get off easier than the people of that town!The Unbelieving Towns
(Matthew 11.20-24)
13 t You people of Chorazin are in for trouble! You people of Bethsaida are also in for trouble! If the miracles that took place in your towns had happened in Tyre and Sidon, the people there would have turned to God long ago. They would have dressed in sackcloth and put ashes on their heads.t 14 On the day of judgment the people of Tyre and Sidon will get off easier than you will.
15 t People of Capernaum, do you think you will be honored in heaven? Well, you will go down to hell!
16 t My followers, whoever listens to you is listening to me. Anyone who says “No” to you is saying “No” to me. And anyone who says “No” to me is really saying “No” to the one who sent me.The Return of the Seventy-Two
17 When the 72t followers returned, they were excited and said, “Lord, even the demons obeyed when we spoke in your name!”
18 Jesus told them:
I saw Satan fall from heaven like a flash of lightning. 19 t I have given you the power to trample on snakes and scorpions and to defeat the power of your enemy Satan. Nothing can harm you.
20 But don't be happy because evil spirits obey you. Be happy that your names are written in heaven!Jesus Thanks His Father
(Matthew 11.25-27; 13.16,17)
21 At that same time, Jesus felt the joy that comes from the Holy Spirit, t and he said:
My Father, Lord of heaven and earth, I am grateful that you hid all this from wise and educated people and showed it to ordinary people. Yes, Father, this is what pleased you.
22 t My Father has given me everything, and he is the only one who knows the Son. The only one who really knows the Father is the Son. But the Son wants to tell others about the Father, so they can know him too.
23 Jesus then turned to his disciples and said to them in private, “You are really blessed to see what you see!
24 Many prophets and kings were eager to see what you see and to hear what you hear. But I tell you they did not see or hear.”The Good Samaritan
25 t An expert in the Law of Moses stood up and asked Jesus a question to see what he would say. “Teacher,” he asked, “what must I do to have eternal life?”
26 Jesus answered, “What is written in the Scriptures? How do you understand them?”
27 t The man replied, “The Scriptures say, ‘Love the Lord your God with all your heart, soul, strength, and mind.’ They also say, ‘Love your neighbors as much as you love yourself.’ ”
28 t Jesus said, “You have given the right answer. If you do this, you will have eternal life.”
29 But the man wanted to show that he knew what he was talking about. So he asked Jesus, “Who are my neighbors?”
30 Jesus replied:
As a man was going down from Jerusalem to Jericho, robbers attacked him and grabbed everything he had. They beat him up and ran off, leaving him half dead.
31 A priest happened to be going down the same road. But when he saw the man, he walked by on the other side.
32 Later a temple helpert came to the same place. But when he saw the man who had been beaten up, he also went by on the other side.
33 t A man from Samaria then came traveling along that road. When he saw the man, he felt sorry for him 34 and went over to him. He treated his wounds with olive oil and winet and bandaged them. Then he put him on his own donkey and took him to an inn, where he took care of him.
35 The next morning he gave the innkeeper two silver coins and said, “Please take care of the man. If you spend more than this on him, I will pay you when I return.”
36 Then Jesus asked, “Which one of these three people was a real neighbor to the man who was beaten up by robbers?”
37 The expert in the Law of Moses answered, “The one who showed pity.”
Jesus said, “Go and do the same!”Martha and Mary
38 t The Lord and his disciples were traveling along and came to a village. When they got there, a woman named Martha welcomed him into her home. 39 She had a sister named Mary, who sat down in front of the Lord and was listening to what he said.
40 Martha was worried about all that had to be done. Finally, she went to Jesus and said, “Lord, doesn't it bother you that my sister has left me to do all the work by myself? Tell her to come and help me!”
41 The Lord answered, “Martha, Martha! You are worried and upset about so many things, 42 but only one thing is necessary. Mary has chosen what is best, and it will not be taken away from her.”