previous next

Lucas 10

1 Pagkatapos nga ng mga bagay na ito, ang Panginoon ay naghalal ng pitongpu pa, at sila'y sinugong daladalawa, sa unahan ng kaniyang mukha, sa bawa't bayan at dako na kaniyang paroroonan.2 At sinabi niya sa kanila, Sa katotohana'y marami ang aanihin, datapuwa't kakaunti ang mga manggagawa: kaya't idalangin ninyo sa Panginoon ng aanihin, na magpadala siya ng mga manggagawa sa kaniyang aanihin.3 Magsiyaon kayo sa iyong lakad; narito, sinusugo ko kayong gaya ng mga kordero sa gitna ng mga lobo.4 Huwag kayong magsipagdala ng supot ng salapi, ng supot man ng pagkain, ng mga pangyapak man; at huwag kayong magsibati kanino mang tao sa daan.5 At sa alin mang bahay na inyong pasukin, ay sabihin ninyo muna, Kapayapaan nawa sa bahay na ito.6 At kung mayroon doong anak ng kapayapaan, ang inyong kapayapaa'y mananatili sa kaniya: datapuwa't kung wala, ay babalik ito sa inyong muli.7 At magsipanatili kayo sa bahay ding yaon, na kanin at inumin ninyo ang mga bagay na kanilang ibigay: sapagka't ang manggagawa ay marapat sa kaniyang kaupahan. Huwag kayong mangagpalipatlipat sa bahaybahay.8 At sa alin mang bayan na iyong pasukin, at kayo'y kanilang tanggapin, ay kanin ninyo ang mga bagay na ihain sa inyo:9 At pagalingin ninyo ang mga maysakit na nangaroon, at sabihin ninyo sa kanila, Lumapit na sa inyo ang kaharian ng Dios.10 Datapuwa't sa alin mang bayan na inyong pasukin, at hindi kayo tanggapin, magsilabas kayo sa kanilang mga lansangan at inyong sabihin,11 Pati ng alabok ng inyong bayan na kumakapit sa aming paa, ay ipinapagpag namin laban sa inyo: gayon ma'y inyong talastasin ito, na lumapit na ang kaharian ng Dios.12 Sinasabi ko sa inyo, Sa araw na yaon ay higit na mapagpapaumanhinan ang Sodoma kay sa bayang yaon.13 Sa aba mo, Corazin! sa aba mo, Betsaida! sapagka't kung sa Tiro at sa Sidon sana ginawa ang mga gawang makapangyarihang ginawa sa inyo, ay maluwat na dising nangagsisi, na nangauupong may kayong magaspang at abo.14 Datapuwa't sa paghuhukom, higit na mapagpapaumanhinan ang Tiro at Sidon, kay sa inyo.15 At ikaw, Capernaum, magpapakataas ka hanggang sa langit? ikaw ay ibaba hanggang sa Hades.16 Ang nakikinig sa inyo, ay sa akin nakikinig; at ang nagtatakuwil sa inyo ay ako ang itinatakuwil; at ang nagtatakuwil sa akin ay itinatakuwil ang sa aki'y nagsugo.17 At nagsipagbalik ang pitongpu na may kagalakan, na nangagsasabi, Panginoon, pati ang mga demonio ay nagsisisuko sa amin sa iyong pangalan.18 At sinabi niya sa kanila, Nakita ko si Satanas, na nahuhulog na gaya ng lintik, mula sa langit.19 Narito, binigyan ko kayo ng kapamahalaan na inyong yurakan ang mga ahas at ang mga alakdan, at sa ibabaw ng lahat ng kapangyarihan ng kaaway: at sa anomang paraa'y hindi kayo maaano.20 Gayon ma'y huwag ninyong ikagalak ito, na ang mga espiritu ay nagsisisuko sa inyo; kundi inyong ikagalak na nangasusulat ang inyong mga pangalan sa langit.21 Nang oras ding yaon siya'y nagalak sa Espiritu Santo, at sinabi, Ako'y nagpapasalamat sa iyo, Oh Ama, Panginoon ng langit at lupa, na iyong inilihim ang mga bagay na ito sa mga pantas at matatalino, at ipinahayag mo sa mga sanggol: gayon nga, Ama; sapagka't gayon ang nakalulugod sa iyong paningin.22 Ang lahat ng mga bagay ay ibinigay sa akin ng aking Ama: at walang nakakakilala kung sino ang Anak, kundi ang Ama; at kung sino ang Ama, kundi ang Anak, at yaong ibiging pagpahayagan ng Anak.23 At paglingon sa mga alagad, ay sinabi niya ng bukod, Mapapalad ang mga matang nangakakakita ng mga bagay na inyong nangakikita:24 Sapagka't sinasabi ko sa inyo, na maraming propeta at mga hari ang nangaghahangad na mangakakita ng mga bagay na inyong nangakikita, at hindi nila nangakita at mangarinig ang mga bagay na inyong nangaririnig, at hindi nila nangarinig.25 At narito, ang isang tagapagtanggol ng kautusan ay nagtindig at siya'y tinutukso, na sinasabi, Guro, anong aking gagawin upang magmana ng walang hanggang buhay?26 At sinabi niya sa kaniya, Ano ang nasusulat sa kautusan? ano ang nababasa mo?27 At pagsagot niya'y sinabi, Iibigin mo ang Panginoon mong Dios ng buong puso mo, at ng buong kaluluwa mo, at ng buong lakas mo, at ng buong pagiisip mo; at ang iyong kapuwa na gaya ng iyong sarili.28 At sinabi niya sa kaniya, Matuwid ang sagot mo: gawin mo ito, at mabubuhay ka.29 Datapuwa't siya, na ibig magaringganap sa kaniyang sarili, ay nagsabi kay Jesus, At sino ang aking kapuwa tao?30 Sumagot si Jesus at sinabi, Isang tao'y bumababa sa Jerico na mula sa Jerusalem; at siya'y nahulog sa kamay ng mga tulisan, na sa kaniya'y sumamsam at sa kaniya'y humampas, at nagsialis na siya'y iniwang halos patay na.31 At nagkataong bumababa sa daang yaon ang isang saserdote; at nang makita siya ay dumaan sa kabilang tabi.32 At sa gayon ding paraan ang isang Levita naman, nang dumating siya sa dakong yaon, at makita siya, ay dumaan sa kabilang tabi.33 Datapuwa't ang isang Samaritano, sa kaniyang paglalakbay, ay dumating sa kinaroroonan niya: at nang siya'y makita niya, ay nagdalang habag,34 At lumapit sa kaniya, at tinalian ang kaniyang mga sugat, na binuhusan ng langis at alak; at siya'y isinakay sa kaniyang sariling hayop, at dinala siya sa bahay-tuluyan, at siya'y inalagaan.35 At nang kinabukasa'y dumukot siya ng dalawang denario, at ibinigay sa katiwala ng bahay-tuluyan, at sinabi, Alagaan mo siya, at ang anomang magugol mong higit, ay aking pagbabayaran sa iyo pagbabalik ko.36 Sino sa tatlong ito, sa akala mo, ang nagpakilalang kapuwa tao sa nahulog sa kamay ng mga tulisan?37 At sinabi niya, Ang nagkaawanggawa sa kaniya. At sinabi sa kaniya ni Jesus, Humayo ka, at gayon din ang gawin mo.38 Sa pagyaon nga nila sa kanilang lakad, ay pumasok siya sa isang nayon: at isang babaing nagngangalang Marta, ay tinanggap siya sa kaniyang bahay.39 At siya'y may isang kapatid na tinatawag na Maria, na naupo rin naman sa mga paanan ng Panginoon, at pinakikinggan ang kaniyang salita.40 Nguni't si Marta ay naliligalig sa maraming paglilingkod; at siya'y lumapit sa kaniya, at sinabi, Panginoon, wala bagang anoman sa iyo, na pabayaan ako ng aking kapatid na babae na maglingkod na magisa? iutos mo nga sa kaniya na ako'y tulungan niya.41 Datapuwa't sumagot ang Panginoon, at sinabi sa kaniya, Marta, Marta naliligalig ka at nababagabag tungkol sa maraming bagay:42 Datapuwa't isang bagay ang kinakailangan: sapagka't pinili ni Maria ang magaling na bahagi, na hindi aalisin sa kaniya.

LUKE 10

The Work //of the Seventy-Two Followers

1 Later the Lord chose 72 t other followers and sent them out two by two to every town and village where he was about to go.

2 t He said to them:
A large crop is in the fields, but there are only a few workers. Ask the Lord in charge of the harvest to send out workers to bring it in.
3 t Now go, but remember, I am sending you like lambs into a pack of wolves. 4 t Don't take along a moneybag or a traveling bag or sandals. And don't waste time greeting people on the road.t 5 As soon as you enter a home, say, “God bless this home with peace.” 6 If the people living there are peace-loving, your prayer for peace will bless them. But if they are not peace-loving, your prayer will return to you.

7 t Stay with the same family, eating and drinking whatever they give you, because workers are worth what they earn. Don't move around from house to house.
8 If the people of a town welcome you, eat whatever they offer.

9 Heal their sick and say, “God's kingdom will soon be here!”t
10  t But if the people of a town refuse to welcome you, go out into the street and say, 11 “We are shaking the dust from our feett as a warning to you. And you can be sure that God's kingdom will soon be here!”t

12 t I tell you that on the day of judgment the people of Sodom will get off easier than the people of that town!

The Unbelieving Towns

(Matthew 11.20-24)


13  t You people of Chorazin are in for trouble! You people of Bethsaida are also in for trouble! If the miracles that took place in your towns had happened in Tyre and Sidon, the people there would have turned to God long ago. They would have dressed in sackcloth and put ashes on their heads.t 14 On the day of judgment the people of Tyre and Sidon will get off easier than you will.

15 t People of Capernaum, do you think you will be honored in heaven? Well, you will go down to hell!

16  t My followers, whoever listens to you is listening to me. Anyone who says “No” to you is saying “No” to me. And anyone who says “No” to me is really saying “No” to the one who sent me.

The Return of the Seventy-Two


17 When the 72t followers returned, they were excited and said, “Lord, even the demons obeyed when we spoke in your name!”

18 Jesus told them:
I saw Satan fall from heaven like a flash of lightning.
19 t I have given you the power to trample on snakes and scorpions and to defeat the power of your enemy Satan. Nothing can harm you.

20 But don't be happy because evil spirits obey you. Be happy that your names are written in heaven!

Jesus Thanks His Father

(Matthew 11.25-27; 13.16,17)


21 At that same time, Jesus felt the joy that comes from the Holy Spirit, t and he said:
My Father, Lord of heaven and earth, I am grateful that you hid all this from wise and educated people and showed it to ordinary people. Yes, Father, this is what pleased you.

22  t My Father has given me everything, and he is the only one who knows the Son. The only one who really knows the Father is the Son. But the Son wants to tell others about the Father, so they can know him too.
23 Jesus then turned to his disciples and said to them in private, “You are really blessed to see what you see!

24 Many prophets and kings were eager to see what you see and to hear what you hear. But I tell you they did not see or hear.”

The Good Samaritan


25  t An expert in the Law of Moses stood up and asked Jesus a question to see what he would say. “Teacher,” he asked, “what must I do to have eternal life?”

26 Jesus answered, “What is written in the Scriptures? How do you understand them?”

27  t The man replied, “The Scriptures say, ‘Love the Lord your God with all your heart, soul, strength, and mind.’ They also say, ‘Love your neighbors as much as you love yourself.’ ”

28  t Jesus said, “You have given the right answer. If you do this, you will have eternal life.”

29 But the man wanted to show that he knew what he was talking about. So he asked Jesus, “Who are my neighbors?”

30 Jesus replied:
As a man was going down from Jerusalem to Jericho, robbers attacked him and grabbed everything he had. They beat him up and ran off, leaving him half dead.
31 A priest happened to be going down the same road. But when he saw the man, he walked by on the other side.

32 Later a temple helpert came to the same place. But when he saw the man who had been beaten up, he also went by on the other side.
33  t A man from Samaria then came traveling along that road. When he saw the man, he felt sorry for him 34 and went over to him. He treated his wounds with olive oil and winet and bandaged them. Then he put him on his own donkey and took him to an inn, where he took care of him.

35 The next morning he gave the innkeeper two silver coins and said, “Please take care of the man. If you spend more than this on him, I will pay you when I return.”

36 Then Jesus asked, “Which one of these three people was a real neighbor to the man who was beaten up by robbers?”

37 The expert in the Law of Moses answered, “The one who showed pity.”
Jesus said, “Go and do the same!”

Martha and Mary


38  t The Lord and his disciples were traveling along and came to a village. When they got there, a woman named Martha welcomed him into her home. 39 She had a sister named Mary, who sat down in front of the Lord and was listening to what he said.

40 Martha was worried about all that had to be done. Finally, she went to Jesus and said, “Lord, doesn't it bother you that my sister has left me to do all the work by myself? Tell her to come and help me!”
41 The Lord answered, “Martha, Martha! You are worried and upset about so many things, 42 but only one thing is necessary. Mary has chosen what is best, and it will not be taken away from her.”