Lucas 12
Babala Laban sa Pagkukunwari
(Mt. 10:26-27)
1 Samantala,t dumaragsa ang libu libong tao, at sa sobrang dami ay nagkakatapakan na sila. Sinabi ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Mag-ingat kayo sa pampaalsang ginagamit ng mga Pariseo; sila ay mga mapagkunwari. 2 Walangt natatago na di malalantad at walang nalilihim na di mabubunyag.
3 Ang sinabi ninyo sa dilim ay maririnig sa liwanag at ang ibinulong ninyo sa loob ng silid ay ipagsisigawan sa lansangan.Ang Dapat Katakutan
(Mt. 10:28-31)
4 “Sinasabi ko sa inyo, mga kaibigan, huwag kayong matakot sa mga taong pumapatay ng katawan at wala nang kayang gawin maliban dito.
5 Sasabihin ko sa inyo kung sino ang dapat ninyong katakutan. Katakutan ninyo siya na pagkatapos pumatay ay may kapangyarihan ding magtapon sa impiyerno. Sinasabi ko sa inyo, ang Diyos ang dapat ninyong katakutan!
6 “Hindi ba't ipinagbibili ang limang maya sa halaga lamang ng dalawang salaping tanso? Gayunman, kahit isa sa kanila'y hindi pinababayaan ng Diyos.
7 Maging ang buhok ninyo'y bilang niyang lahat. Kaya't huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa mga maya.”Pagkilala kay Cristo
(Mt. 10:32-33; 12:32; 10:19-20)
8 “Sinasabi ko rin sa inyo, ang sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilalanin din naman ng Anak ng Tao sa harapan ng mga anghel ng Diyos.
9 Ngunit ang magkaila sa akin sa harap ng mga tao ay ikakaila ko rin naman sa harap ng mga anghel ng Diyos.
10 “Angt sinumang magsasalita laban sa Anak ng Tao ay mapapatawad, ngunit ang sinumang lumapastangan sa Espiritu Santo ay hindi patatawarin.
11 “Kapagt kayo'y dinala nila sa sinagoga, o sa harap ng mga tagapamahala at ng mga may kapangyarihan upang litisin, huwag kayong mabahala kung paano ninyo ipagtatanggol ang inyong sarili o kung ano ang inyong sasabihin
12 sapagkat sa oras na iyon, ang Espiritu Santo ang magtuturo sa inyo kung ano ang dapat ninyong sabihin.”Maling Pag-iipon ng Kayamanan
13 Sinabi kay Jesus ng isa sa mga naroroon, “Guro, iutos nga po ninyo sa kapatid kong ibigay niya sa akin ang bahagi ko sa aming mana.”
14 Sumagot siya, “Sino ang naglagay sa akin bilang hukom o tagapaghati ng mana ninyo?”
15 At sinabi niya sa kanilang lahat, “Mag-ingat kayo sa lahat ng uri ng kasakiman; sapagkat ang buhay ng tao ay wala sa dami ng kanyang kayamanan.”
16 Pagkatapos, isinalaysay ni Jesus ang isang talinhaga. “Isang mayaman ang umani nang sagana sa kanyang bukirin. 17 Kaya't nasabi niya sa sarili, ‘Ano ang gagawin ko ngayon? Wala na akong paglagyan ng aking mga ani! 18 Alam ko na! Ipagigiba ko ang aking mga kamalig at magpapatayo ako ng mas malalaki. Doon ko ilalagay ang aking ani at ibang ari-arian.
19 Pagkatapos,t ay sasabihin ko sa aking sarili, marami ka nang naipon para sa mahabang panahon. Kaya't magpahinga ka na lamang, kumain, uminom, at magpasarap sa buhay!’
20 “Ngunit sinabi sa kanya ng Diyos, ‘Hangal! Sa gabi ring ito'y babawian ka na ng buhay. Kanino ngayon mapupunta ang mga inilaan mo para sa iyong sarili?’
21 Ganyan ang sasapitin ng sinumang nag-iipon ng kayamanan para sa sarili, ngunit dukha naman sa paningin ng Diyos.”Pananalig sa Diyos
(Mt. 6:25-34)
22 Sinabi pa ni Jesus sa kanyang mga alagad, “Kaya't sinasabi ko sa inyo: huwag kayong mabalisa tungkol sa inyong pagkain para mabuhay o tungkol sa damit na ibibihis sa inyong katawan, 23 sapagkat ang buhay ay higit na mahalaga kaysa pagkain at ang katawan kaysa damit. 24 Tingnan ninyo ang mga uwak, hindi sila nagtatanim ni umaani man; wala rin silang bodega o kamalig; ngunit pinapakain sila ng Diyos. Higit kayong mahalaga kaysa mga ibon! 25 Sino sa inyo ang makakapagpahaba ng kanyang buhay nang kahit isang oras sa pamamagitan ng pangangamba? 26 Kung hindi ninyo magawâ ang ganoong kaliit na bagay, bakit kayo nangangamba tungkol sa ibang mga bagay? 27 Tingnant ninyo ang mga bulaklak sa parang at unawain kung paano sila lumalago. Hindi sila nagtatrabaho ni humahabi man. Ngunit sinasabi ko sa inyo, kahit si Solomon, sa kabila ng kanyang kayamanan, ay hindi nakapagdamit ng kasingganda ng isa sa kanila. 28 Kung dinaramtan ng Diyos ang mga damo sa parang na buháy ngayon at kinabukasa'y iginagatong sa kalan, kayo pa kaya? Kay liit ng inyong pananampalataya sa kanya! 29 Kaya't huwag kayong labis na mag-isip kung saan kayo kukuha ng kakainin at iinumin. Huwag na kayong mangamba. 30 Ang mga bagay na ito ang pinagkakaabalahan ng mga taong di nananalig sa Diyos. Alam ng inyong Ama na kailangan ninyo ang lahat ng iyan.
31 Subalit, pagsikapan muna nang higit sa lahat na kayo'y pagharian ng Diyos, at ibibigay niya sa inyo ang lahat ng inyong pangangailangan.”Ang Kayamanang Hindi Mawawala
(Mt. 6:19-21)
32 “Huwag kayong matakot, munting kawan, sapagkat ikinalulugod ng inyong Ama na ibigay sa inyo ang kaharian. 33 Ipagbili ninyo ang inyong ari-arian, at ipamahagi sa mga dukha ang pinagbilhan! Gumawa kayo ng mga sisidlang hindi naluluma at mag ipon kayo sa langit ng kayamanang hindi nawawala. Doo'y walang magnanakaw na pumapasok at insektong sumisira.
34 Sapagkat kung nasaan ang inyong kayamanan ay naroon din ang inyong puso.”Mga Aliping Laging Handa
35 “Magingt handa kayong lagi at panatilihing maliwanag ang inyong mga ilawan. 36 Tumuladt kayo sa mga aliping naghihintay sa pag-uwi ng kanilang panginoon buhat sa kasalan, upang kung ito'y dumating at kumatok ay mabuksan nila agad ang pinto. 37 Mapalad ang mga aliping aabutang nagbabantay pagdating ng kanilang panginoon. Tandaan ninyo: magbibihis siya at pauupuin sila, ipaghahanda sila ng pagkain at pagsisilbihan. 38 Mapalad sila kung maratnan silang handa pagdating ng Panginoon, maging sa hatinggabi o sa madaling-araw man. 39 Sinasabit ko sa inyo, kung alam lamang ng may-ari ng bahay kung anong oras darating ang magnanakaw, hindi niya pababayaang makapasok ito.
40 Kayo man ay dapat na humanda, sapagkat darating ang Anak ng Tao sa oras na hindi ninyo nalalaman.”Ang Tapat at Di Tapat na Alipin
(Mt. 24:45-51)
41 Nagtanong si Pedro, “Panginoon, sinasabi po ba ninyo ang talinhagang ito para sa amin o para sa lahat?”
42 Sumagot ang Panginoon, “Sino nga ba ang tapat at matalinong katiwala? Sino ang katiwalang pamamahalain ng kanyang panginoon sa kanyang sambahayan upang magbigay sa ibang mga alipin ng kanilang pagkain sa takdang oras? 43 Mapalad ang aliping madaratnang gumaganap ng tungkulin pag-uwi ng kanyang panginoon. 44 Sinasabi ko sa inyo, pamamahalain siya ng kanyang panginoon sa lahat ng ari-arian nito. 45 Ngunit kung sasabihin ng aliping iyon sa kanyang sarili, ‘Matatagalan pa ang pag-uwi ng aking panginoon,’ at dahil dito'y pagmamalupitan niya ang mga kapwa niya aliping lalaki at babae, at siya'y kakain, iinom at maglalasing.
46 Darating ang kanyang panginoon sa araw na hindi niya inaasahan at sa oras na hindi niya alam. Buong lupit siyang paparusahan ng kanyang panginoon, at isasama sa mga suwail.
47 “Ang aliping nakakaalam ng kalooban ng kanyang panginoon ngunit nagpapabaya, o ayaw tumupad sa ipinapagawa nito ay paparusahan nang mabigat.
48 Ngunit ang aliping hindi nakakaalam ng kalooban ng kanyang panginoon, magkulang man siya sa kanyang tungkulin, ay paparusahan lamang nang magaan. Ang binigyan ng maraming bagay ay hahanapan ng maraming bagay; at ang pinagkatiwalaan ng lalong maraming bagay ay pananagutin ng lalong maraming bagay.”Pagkabaha-bahagi ng Sambahayan
(Mt. 10:34-36)
49 “Naparito ako upang magdala ng apoy sa lupa at sana'y nagliliyab na ito! 50 Mayt isang bautismo na dapat kong danasin, at ako'y nababagabag hangga't hindi ito nagaganap. 51 Akala ba ninyo'y naparito ako upang magdala ng kapayapaan sa lupa? Sinasabi ko sa inyo, hindi kapayapaan ang dala ko kundi pagkabaha-bahagi.
52 Mula ngayon, ang lima sa isang sambahayan ay mahahati, tatlo laban sa dalawa at dalawa laban sa tatlo.
53 Angt ama laban sa anak na lalaki,
at ang anak na lalaki laban sa ama;
ang ina laban sa anak na babae,
at ang anak na babae laban sa ina;
ang biyenang babae laban sa manugang na babae,
at ang manugang na babae laban sa biyenang babae.”Pagkilala sa mga Palatandaan
(Mt. 16:2-3)
54 Sinabi rin ni Jesus sa mga tao, “Kapag nakita ninyong kumakapal ang ulap sa kanluran, sinasabi ninyong uulan, at ganoon nga ang nangyayari. 55 At kung umiihip ang hangin mula sa katimugan ay sinasabi ninyong iinit, at nagkakaganoon nga.
56 Mga mapagkunwari! Marunong kayong umunawa ng palatandaan sa lupa at sa langit, bakit hindi ninyo nauunawaan ang mga tanda ng kasalukuyang panahon?”Makipagkasundo sa Kaaway
(Mt. 5:25-26)
57 “Bakit hindi ninyo mapagpasyahan kung ano ang dapat ninyong gawin? 58 Kapag ikaw ay isinakdal, sikapin mong makipagkasundo habang may panahon; baka kaladkarin ka niya sa hukuman, at ipag-utos ng hukom na ikaw ay ibilanggo. 59 Sinasabi ko sa iyo, hindi ka makakalabas doon hangga't hindi mo nababayaran ang kahuli-hulihang sentimo.”
LUKE 12
Warnings
1 t As thousands of people crowded around Jesus and were stepping on each other, he told his disciples:
Be sure to guard against the dishonest teachingt of the Pharisees! It is their way of fooling people. 2 t Everything that is hidden will be found out, and every secret will be known.
3 Whatever you say in the dark will be heard when it is day. Whatever you whisper in a closed room will be shouted from the housetops.The One To Fear
(Matthew 10.28-31)
4 t My friends, don't be afraid of people. They can kill you, but after that, there is nothing else they can do.
5 God is the one you must fear. Not only can he take your life, but he can throw you into hell. God is certainly the one you should fear!
6 Five sparrows are sold for only a few cents, but God doesn't forget a single one of them.
7 Even the hairs on your head are counted. So don't be afraid! You are worth much more than many sparrows.Telling Others about Christ
(Matthew 10.32,33; 12.32; 10.19,20)
8 If you tell others that you belong to me, the Son of Man will tell God's angels that you are my followers. 9 But if you reject me, you will be rejected in front of them.
10 t If you speak against the Son of Man, you can be forgiven, but if you speak against the Holy Spirit, you cannot be forgiven.
11 t When you are brought to trial in the synagogues or before rulers or officials, don't worry about how you will defend yourselves or what you will say.
12 At that time the Holy Spirit will tell you what to say.A Rich Fool
13 A man in a crowd said to Jesus, “Teacher, tell my brother to give me my share of what our father left us when he died.”
14 Jesus answered, “Who gave me the right to settle arguments between you and your brother?”
15 Then he said to the crowd, “Don't be greedy! Owning a lot of things won't make your life safe.”
16 So Jesus told them this story:
A rich man's farm produced a big crop,
17 and he said to himself, “What can I do? I don't have a place large enough to store everything.”
18 Later, he said, “Now I know what I'll do. I'll tear down my barns and build bigger ones, where I can store all my grain and other goods.
19 t Then I'll say to myself, ‘You have stored up enough good things to last for years to come. Live it up! Eat, drink, and enjoy yourself.’ ”
20 But God said to him, “You fool! Tonight you will die. Then who will get what you have stored up?”
21 “This is what happens to people who store up everything for themselves, but are poor in the sight of God.”Worry
(Matthew 6.25-34)
22 Jesus said to his disciples:
I tell you not to worry about your life! Don't worry about having something to eat or wear. 23 Life is more than food or clothing. 24 Look at the crows! They don't plant or harvest, and they don't have storehouses or barns. But God takes care of them. You are much more important than any birds. 25 Can worry make you live longer?t
26 If you don't have power over small things, why worry about everything else?
27 t Look how the wild flowers grow! They don't work hard to make their clothes. But I tell you Solomon with all his wealtht wasn't as well clothed as one of these flowers.
28 God gives such beauty to everything that grows in the fields, even though it is here today and thrown into a fire tomorrow. Won't he do even more for you? You have such little faith!
29 Don't keep worrying about having something to eat or drink. 30 Only people who don't know God are always worrying about such things. Your Father knows what you need.
31 But put God's work first, and these things will be yours as well.Treasures in Heaven
(Matthew 6.19-21)
32 My little group of disciples, don't be afraid! Your Father wants to give you the kingdom. 33 Sell what you have and give the money to the poor. Make yourselves moneybags that never wear out. Make sure your treasure is safe in heaven, where thieves cannot steal it and moths cannot destroy it.
34 Your heart will always be where your treasure is.Faithful and Unfaithful Servants
(Matthew 24.45-51)
35 t Be ready and keep your lamps burning 36 t just like those servants who wait up for their master to return from a wedding feast. As soon as he comes and knocks, they open the door for him. 37 Servants are fortunate if their master finds them awake and ready when he comes! I promise you he will get ready and let his servants sit down so he can serve them. 38 Those servants are really fortunate if their master finds them ready, even though he comes late at night or early in the morning. 39 t You would surely not let a thief break into your home, if you knew when the thief was coming.
40 So always be ready! You don't know when the Son of Man will come.
41 Peter asked Jesus, “Did you say this just for us or for everyone?”
42 The Lord answered:
Who are faithful and wise servants? Who are the ones the master will put in charge of giving the other servants their food supplies at the proper time? 43 Servants are fortunate if their master comes and finds them doing their job.
44 A servant who is always faithful will surely be put in charge of everything the master owns.
45 But suppose one of the servants thinks that the master won't return until late. Suppose that servant starts beating all the other servants and eats and drinks and gets drunk.
46 If that happens, the master will come on a day and at a time when the servant least expects him. That servant will then be punished and thrown out with the servants who cannot be trusted.
47 If servants are not ready or willing to do what their master wants them to do, they will be beaten hard.
48 But servants who don't know what their master wants them to do will not be beaten so hard for doing wrong. If God has been generous with you, he will expect you to serve him well. But if he has been more than generous, he will expect you to serve him even better.Not Peace, but Trouble
(Matthew 10.34-36)
49 I came to set fire to the earth, and I wish it were already on fire! 50 t I am going to be put to a hard test. And I will have to suffer a lot of pain until it is over. 51 Do you think that I came to bring peace to earth? No indeed! I came to make people choose sides. 52 A family of five will be divided, with two of them against the other three.
53 t Fathers and sons will turn against one another, and mothers and daughters will do the same. Mothers-in-law and daughters-in-law will also turn against each other.Knowing What To Do
(Matthew 16.2,3; 5.25,26)
54 Jesus said to all the people:
As soon as you see a cloud coming up in the west, you say, “It's going to rain,” and it does. 55 When the south wind blows, you say, “It's going to get hot,” and it does. 56 Are you trying to fool someone? You can predict the weather by looking at the earth and sky, but you don't really know what's going on right now. 57 Why don't you understand the right thing to do? 58 When someone accuses you of something, try to settle things before you are taken to court. If you don't, you will be dragged before the judge. Then the judge will hand you over to the jailer, and you will be locked up. 59 You won't get out until you have paid the last cent you owe.