previous next

Lucas 12

1 Samantalang nangagkakatipon ang libolibong tao, na ano pa't nagkakayapakan silasila, ay nagpasimula siyang magsalita muna sa kaniyang mga alagad, Mangagingat kayo sa lebadura ng mga Fariseo, na ito'y pagpapaimbabaw nga.2 Datapuwa't walang bagay na natatakpan, na hindi mahahayag: at natatago, na hindi malalaman.3 Kaya nga, ang anomang sinabi ninyo sa kadiliman ay maririnig sa kaliwanagan, at ang sinalita ninyo sa bulong sa mga silid, ay ipagsisigawan sa mga bubungan.4 At sinasabi ko sa inyo mga kaibigan ko, Huwag kayong mangatakot sa mga pumapatay ng katawan, na pagkatapos niyan ay wala na silang magagawa.5 Datapuwa't ipinagpapauna ko sa inyo kung sino ang inyong katatakutan: Katakutan ninyo yaong pagkatapos na pumatay, ay may kapangyarihang magbulid sa impierno; tunay, sinasabi ko sa inyo, Siya ninyong katakutan.6 Hindi baga ipinagbibili ang limang maya sa dalawang beles? at isa man sa kanila ay hindi nalilimutan sa paningin ng Dios.7 Datapuwa't maging ang mga buhok ng inyong ulo ay pawang bilang na lahat. Huwag kayong mangatakot: kayo'y lalong mahalaga kay sa maraming maya.8 At sinasabi ko sa inyo, Ang bawa't kumikilala sa akin sa harap ng mga tao, ay kikilalanin naman siya ng Anak ng tao sa harap ng mga anghel ng Dios:9 Datapuwa't ang magkaila sa akin sa harap ng mga tao, ay ikakaila sa harap ng mga anghel ng Dios.10 Ang bawa't magsalita ng salitang laban sa Anak ng tao ay patatawarin: nguni't ang magsalita ng kapusungan laban sa Espiritu Santo ay hindi patatawarin.11 At pagka kayo'y dadalhin sa harap ng mga sinagoga, at sa mga pinuno, at sa mga may kapamahalaan, ay huwag kayong mangabalisa kung paano o ano ang inyong isasagot, o kung ano ang inyong sasabihin:12 Sapagka't ituturo sa inyo ng Espiritu Santo sa oras ding yaon ang inyong dapat sabihin.13 At sinabi sa kaniya ng isa sa karamihan, Guro, iutos mo sa aking kapatid na bahaginan ako ng mana.14 Datapuwa't sinabi niya sa kaniya, Lalake, sino ang gumawa sa aking hukom o tagapamahagi sa inyo?15 At sinabi niya sa kanila, Mangagmasid kayo, at kayo'y mangagingat sa lahat ng kasakiman: sapagka't ang buhay ng tao ay hindi sa kasaganaan ng mga bagay na tinatangkilik niya.16 At nagsaysay siya sa kanila ng isang talinghaga, na sinasabi, Ang lupa ng isang taong mayaman ay namumunga ng sagana:17 At iniisip niya sa sarili na sinasabi, Ano ang gagawin ko, sapagka't wala akong mapaglalagyan ng aking mga inaning bunga?18 At sinabi niya, Ito ang gagawin ko: igigiba ko ang aking mga bangan, at gagawa ako ng lalong malalaki; at doon ko ilalagay ang lahat ng aking butil at aking mga pag-aari.19 At sasabihin ko sa aking kaluluwa, Kaluluwa, marami ka nang pag-aaring nakakamalig para sa maraming taon; magpahingalay ka, kumain ka, uminom ka, matuwa ka.20 Datapuwa't sinabi sa kaniya ng Dios, Ikaw na haling, hihingin sa iyo sa gabing ito ang iyong kaluluwa; at ang mga bagay na inihanda mo, ay mapapa sa kanino kaya?21 Gayon nga ang nagpapakayaman sa ganang kaniyang sarili, at hindi mayaman sa Dios.22 At sinabi niya sa kaniyang mga alagad, Kaya nga sinasabi ko sa inyo, Huwag kayong mangabalisa sa inyong pamumuhay, kung ano ang inyong kakanin; kahit sa inyong katawan, kung ano ang inyong daramtin.23 Sapagka't ang buhay ay higit kay sa pagkain, at ang katawan kay sa damit.24 Wariin ninyo ang mga uwak, na hindi sila nangaghahasik, ni nagsisigapas man; na walang bangan ni kamalig man; at sila'y pinakakain ng Dios: gaano ang kahigtan ng kahalagahan ninyo kay sa mga ibon!25 At sino sa inyo ang sa pagkabalisa ay makapagdaragdag ng isang siko sa sukat ng kaniyang buhay?26 Kung hindi nga ninyo magawa kahit ang lalong maliit, bakit nangababalisa kayo tungkol sa mga ibang bagay?27 Wariin ninyo ang mga lirio, kung paano silang nagsisilaki: hindi nangagpapagal, o nangagsusulid man; gayon ma'y sinasabi ko sa inyo, Kahit si Salomon man, sa buong kaluwalhatian niya, ay hindi nakapaggayak na gaya ng isa sa mga ito.28 Nguni't kung pinararamtan ng Dios ng ganito ang damo sa parang, na ngayon ay buhay, at sa kinabukasan ay iginagatong sa kalan; gaano pa kaya kayo na di niya pararamtan, Oh kayong mga kakaunti ang pananampalataya?29 At huwag ninyong pagsikapan kung ano ang inyong kakanin, at kung ano ang inyong iinumin, o huwag man kayo'y mapagalinlangang pagiisip.30 Sapagka't ang lahat ng mga bagay na ito ay siyang pinaghahanap ng mga bansa sa sanglibutan: datapuwa't talastas ng inyong Ama na inyong kinakailangan ang mga bagay na ito.31 Gayon ma'y hanapin ninyo ang kaniyang kaharian, at idaragdag sa inyo ang mga bagay na ito.32 Huwag kayong mangatakot, munting kawan; sapagka't nakalulugod na mainam sa inyong Ama ang sa inyo'y ibigay ang kaharian.33 Ipagbili ninyo ang inyong mga tinatangkilik, at kayo'y mangaglimos; magsigawa kayo sa ganang inyo ng mga supot na hindi nangaluluma, isang kayamanan sa langit na hindi nagkukulang, na doo'y hindi lumalapit ang magnanakaw, o naninira man ang tanga.34 Sapagka't kung saan naroroon ang inyong kayamanan, ay doroon naman ang inyong puso.35 Bigkisan ninyo ang inyong mga baywang, at paningasan ang inyong mga ilawan;36 At magsitulad kayo sa mga taong nangaghihintay sa kanilang panginoon kung siya'y bumalik na galing sa kasalan; upang kung siya'y dumating at tumuktok, pagdaka'y mabuksan nila siya.37 Mapapalad yaong mga alipin na kung dumating ang panginoon ay maratnang nangagpupuyat: katotohanang sinasabi ko sa inyo na siya'y magbibigkis sa sarili, at sila'y pauupuin sa dulang, at lalapit at sila'y paglilingkuran niya.38 At kung siya'y dumating sa ikalawang pagpupuyat, o sa ikatlo, at masumpungan sila sa gayon, ay mapapalad ang mga aliping yaon.39 Datapuwa't talastasin ninyo ito na kung nalalaman lamang ng puno ng sangbahayan kung anong oras darating ang magnanakaw, siya'y magpupuyat, at hindi pababayaang sirain ang kaniyang bahay.40 Kayo rin naman ay mangagsihanda: sapagka't sa oras na hindi ninyo iniisip, ang Anak ng tao ay darating.41 At sinabi ni Pedro, Panginoon, sinasabi mo baga ang talinghagang ito sa amin, o sa lahat naman?42 At sinabi ng Panginoon, Sino nga baga ang katiwalang tapat at matalino, na pagkakatiwalaan ng kaniyang panginoon ng kaniyang sangbahayan, upang sila'y bigyan ng kanilang bahagi na pagkain sa kapanahunan?43 Mapalad ang aliping yaon, na kung dumating ang kaniyang panginoon ay maratnang gayon ang ginagawa niya.44 Katotohanang sinasabi ko sa inyo, na sa kaniya'y ipagkakatiwala ang lahat niyang pag-aari.45 Datapuwa't kung sabihin ng aliping yaon sa kaniyang puso, Maluluwatan ang pagdating ng aking panginoon; at magpasimulang bugbugin ang mga aliping lalake at ang mga aliping babae, at kumain at uminom, at maglasing;46 Ang panginoon ng aliping yaon ay darating sa araw na di niya hinihintay, at sa oras na hindi niya nalalaman, at siya'y babaakin, at isasama ang kaniyang bahagi sa mga di tapat.47 At yaong aliping nakaaalam ng kalooban ng kaniyang panginoon, at hindi naghanda, at hindi gumawa ng alinsunod sa kaniyang kalooban ay papaluin ng marami;48 Datapuwa't ang hindi nakaaalam, at gumawa ng mga bagay na karapatdapat sa mga palo, ay papaluin ng kaunti. At sa sinomang binigyan ng marami ay marami ang hihingin sa kaniya: at sa sinomang pinagkatiwalaan ng marami ay lalo nang marami ang hihingin sa kaniya.49 Ako'y naparito upang maglagay ng apoy sa lupa; at ano pa ang iibigin ko, kung magningas na?50 Datapuwa't ako'y may isang bautismo upang ibautismo sa akin; at gaano ang aking kagipitan hanggang sa ito'y maganap?51 Inaakala baga ninyo na ako'y naparito upang magbigay ng kapayapaan sa lupa? Sinasabi ko sa inyo, Hindi, kundi bagkus pagkakabahabahagi:52 Sapagka't mula ngayon ay magkakabahabahagi ang lima sa isang bahay, tatlo laban sa dalawa, at dalawa laban sa tatlo.53 Sila'y mangagkakabahabahagi, ang ama'y laban sa anak na lalake, at ang anak na lalake ay laban sa ama; ang ina'y laban sa anak na babae, at ang anak na babae ay laban sa kaniyang ina; ang biyanang babae ay laban sa kaniyang manugang na babae, at ang manugang na babae ay laban sa kaniyang biyanang babae.54 At sinabi rin naman niya sa mga karamihan, Pagka nakikita ninyong bumangon sa kalunuran ang isang alapaap, ay agad ninyong sinasabi, Uulan; at gayon ang nangyayari.55 At kung humihihip ang hanging timugan, ay sinasabi ninyo, Iinit na maigi; at ito'y nangyayari.56 Kayong mga mapagpaimbabaw! marunong kayong mangagpaaninaw ng anyo ng lupa at ng langit; datapuwa't bakit di ninyo nalalamang ipaaninaw ang panahong ito?57 At bakit naman hindi ninyo hatulan sa inyong sarili kung alin ang matuwid?58 Sapagka't samantalang pumaparoon ka sa hukom na kasama mo ang iyong kaalit, ay sikapin mo sa daan na makaligtas ka sa kaniya; baka sakaling kaladkarin ka niya sa hukom, at ibigay ka ng hukom sa punong kawal at ipasok ka ng punong kawal sa bilangguan.59 Sinasabi ko sa iyo, Hindi ka lalabas doon sa anomang paraan, hanggang sa mabayaran mo ang katapustapusang lepta.

LUKE 12

Warnings

1  t As thousands of people crowded around Jesus and were stepping on each other, he told his disciples:
Be sure to guard against the dishonest teachingt of the Pharisees! It is their way of fooling people.
2 t Everything that is hidden will be found out, and every secret will be known.

3 Whatever you say in the dark will be heard when it is day. Whatever you whisper in a closed room will be shouted from the housetops.

The One To Fear

(Matthew 10.28-31)


4  t My friends, don't be afraid of people. They can kill you, but after that, there is nothing else they can do.

5 God is the one you must fear. Not only can he take your life, but he can throw you into hell. God is certainly the one you should fear!
6 Five sparrows are sold for only a few cents, but God doesn't forget a single one of them.

7 Even the hairs on your head are counted. So don't be afraid! You are worth much more than many sparrows.

Telling Others about Christ

(Matthew 10.32,33; 12.32; 10.19,20)


8 If you tell others that you belong to me, the Son of Man will tell God's angels that you are my followers. 9 But if you reject me, you will be rejected in front of them.

10 t If you speak against the Son of Man, you can be forgiven, but if you speak against the Holy Spirit, you cannot be forgiven.
11  t When you are brought to trial in the synagogues or before rulers or officials, don't worry about how you will defend yourselves or what you will say.

12 At that time the Holy Spirit will tell you what to say.

A Rich Fool


13 A man in a crowd said to Jesus, “Teacher, tell my brother to give me my share of what our father left us when he died.”

14 Jesus answered, “Who gave me the right to settle arguments between you and your brother?”

15 Then he said to the crowd, “Don't be greedy! Owning a lot of things won't make your life safe.”

16 So Jesus told them this story:
A rich man's farm produced a big crop,

17 and he said to himself, “What can I do? I don't have a place large enough to store everything.”
18 Later, he said, “Now I know what I'll do. I'll tear down my barns and build bigger ones, where I can store all my grain and other goods.

19 t Then I'll say to myself, ‘You have stored up enough good things to last for years to come. Live it up! Eat, drink, and enjoy yourself.’ ”

20 But God said to him, “You fool! Tonight you will die. Then who will get what you have stored up?”

21 “This is what happens to people who store up everything for themselves, but are poor in the sight of God.”

Worry

(Matthew 6.25-34)


22 Jesus said to his disciples:
I tell you not to worry about your life! Don't worry about having something to eat or wear.
23 Life is more than food or clothing. 24 Look at the crows! They don't plant or harvest, and they don't have storehouses or barns. But God takes care of them. You are much more important than any birds. 25 Can worry make you live longer?t

26 If you don't have power over small things, why worry about everything else?
27  t Look how the wild flowers grow! They don't work hard to make their clothes. But I tell you Solomon with all his wealtht wasn't as well clothed as one of these flowers.

28 God gives such beauty to everything that grows in the fields, even though it is here today and thrown into a fire tomorrow. Won't he do even more for you? You have such little faith!
29 Don't keep worrying about having something to eat or drink. 30 Only people who don't know God are always worrying about such things. Your Father knows what you need.

31 But put God's work first, and these things will be yours as well.

Treasures in Heaven

(Matthew 6.19-21)


32 My little group of disciples, don't be afraid! Your Father wants to give you the kingdom. 33 Sell what you have and give the money to the poor. Make yourselves moneybags that never wear out. Make sure your treasure is safe in heaven, where thieves cannot steal it and moths cannot destroy it.

34 Your heart will always be where your treasure is.

Faithful and Unfaithful Servants

(Matthew 24.45-51)


35  t Be ready and keep your lamps burning 36 t just like those servants who wait up for their master to return from a wedding feast. As soon as he comes and knocks, they open the door for him. 37 Servants are fortunate if their master finds them awake and ready when he comes! I promise you he will get ready and let his servants sit down so he can serve them. 38 Those servants are really fortunate if their master finds them ready, even though he comes late at night or early in the morning. 39 t You would surely not let a thief break into your home, if you knew when the thief was coming.

40 So always be ready! You don't know when the Son of Man will come.

41 Peter asked Jesus, “Did you say this just for us or for everyone?”

42 The Lord answered:
Who are faithful and wise servants? Who are the ones the master will put in charge of giving the other servants their food supplies at the proper time?
43 Servants are fortunate if their master comes and finds them doing their job.

44 A servant who is always faithful will surely be put in charge of everything the master owns.
45 But suppose one of the servants thinks that the master won't return until late. Suppose that servant starts beating all the other servants and eats and drinks and gets drunk.

46 If that happens, the master will come on a day and at a time when the servant least expects him. That servant will then be punished and thrown out with the servants who cannot be trusted.
47 If servants are not ready or willing to do what their master wants them to do, they will be beaten hard.

48 But servants who don't know what their master wants them to do will not be beaten so hard for doing wrong. If God has been generous with you, he will expect you to serve him well. But if he has been more than generous, he will expect you to serve him even better.

Not Peace, but Trouble

(Matthew 10.34-36)


49 I came to set fire to the earth, and I wish it were already on fire! 50 t I am going to be put to a hard test. And I will have to suffer a lot of pain until it is over. 51 Do you think that I came to bring peace to earth? No indeed! I came to make people choose sides. 52 A family of five will be divided, with two of them against the other three.

53 t Fathers and sons will turn against one another, and mothers and daughters will do the same. Mothers-in-law and daughters-in-law will also turn against each other.

Knowing What To Do

(Matthew 16.2,3; 5.25,26)


54 Jesus said to all the people:
As soon as you see a cloud coming up in the west, you say, “It's going to rain,” and it does.
55 When the south wind blows, you say, “It's going to get hot,” and it does. 56 Are you trying to fool someone? You can predict the weather by looking at the earth and sky, but you don't really know what's going on right now. 57 Why don't you understand the right thing to do? 58 When someone accuses you of something, try to settle things before you are taken to court. If you don't, you will be dragged before the judge. Then the judge will hand you over to the jailer, and you will be locked up. 59 You won't get out until you have paid the last cent you owe.