Lucas 13
Magsisi Upang Hindi Mapahamak
1 Dumating noon ang ilang tao at ibinalita kay Jesus na ipinapatay ni Pilato ang ilang mga taga-Galilea habang ang mga ito'y naghahandog sa Diyos. 2 Sinabi niya sa kanila, “Akala ba ninyo, dahil sa sinapit nilang iyon, higit silang masama kaysa sa ibang mga taga-Galilea? 3 Hindi! Ngunit sinasabi ko sa inyo, malibang magsisi kayo't talikuran ang inyong mga kasalanan, mapapahamak din kayong lahat. 4 At ang labing-walong namatay nang mabagsakan ng tore sa Siloe, sa akala ba ninyo'y higit silang makasalanan kaysa sa ibang naninirahan sa Jerusalem?
5 Hindi! Ngunit sinasabi ko sa inyo, malibang magsisi kayo't talikuran ang inyong mga kasalanan, mapapahamak din kayong tulad nila.”Ang Talinhaga ng Puno ng Igos
6 Sinabi pa sa kanila ni Jesus ang talinhagang ito. “May isang taong may tanim na puno ng igos sa kanyang ubasan. Minsan, tiningnan niya kung may bunga ang puno, ngunit wala siyang nakita. 7 Dahil dito, sinabi niya sa tagapag-alaga ng ubasan, ‘Tatlong taon na akong pumaparito at naghahanap ng bunga sa punong ito, ngunit wala akong makita. Putulin mo na't nakakasikip lang iyan!’ 8 Ngunit sumagot ang tagapag-alaga, ‘Huwag po muna nating putulin ngayon. Huhukayan ko po ang palibot at lalagyan ng pataba,
9 baka sakaling mamunga na sa susunod na taon. Kung hindi pa, saka po ninyo ipaputol.’ ”Pinagaling ni Jesus ang Babaing Kuba
10 Isang Araw ng Pamamahinga, si Jesus ay nagtuturo sa isang sinagoga. 11 May isang babae roon na labing-walong taon nang may karamdamang sanhi ng isang masamang espiritu. Siya'y nakukuba at hindi na makaunat. 12 Nang siya'y makita ni Jesus, tinawag siya at sinabi, “Magaling ka na sa iyong karamdaman.”
13 Ipinatong ni Jesus ang kanyang mga kamay sa babae, at noon di'y naibalik ang dati niyang postura at nagsimula siyang magpuri sa Diyos.
14 Ngunitt nagalit ang tagapamahala ng sinagoga sapagkat nagpagaling si Jesus sa Araw ng Pamamahinga. Kaya't sinabi nito sa mga tao, “May anim na araw na inilaan upang kayo'y magtrabaho. Sa mga araw na iyon kayo pumarito upang magpagaling ng mga sakit at huwag sa Araw ng Pamamahinga.”
15 Sinagot siya ng Panginoon, “Mga mapagkunwari! Hindi ba't kinakalag ninyo sa sabsaban ang inyong baka o asno at dinadala sa painuman kahit sa Araw ng Pamamahinga? 16 Ang anak na ito ni Abraham ay ginapos ni Satanas sa loob ng labing-walong taon. Hindi ba dapat siyang kalagan kahit na sa Araw ng Pamamahinga?”
17 Napahiya ang lahat ng kumakalaban kay Jesus dahil sa isinagot niya. Natuwa naman ang mga tao dahil sa lahat ng mga kahanga-hangang bagay na ginawa niya.Ang Talinhaga ng Buto ng Mustasa
(Mt. 13:31-32; Mc. 4:30-32)
18 Sinabi ni Jesus, “Ano ang katulad ng kaharian ng Diyos? Saan ko ito maihahambing?
19 Ang katulad nito'y isang buto ng mustasa na itinanim ng isang tao sa kanyang halamanan. Ito'y lumaki hanggang sa maging isang punongkahoy, at ang mga ibon ay nagpupugad sa mga sanga nito.”Ang Talinhaga ng Pampaalsa
(Mt. 13:33)
20 Sinabi pa ni Jesus, “Saan ko ihahambing ang paghahari ng Diyos?
21 Ito ay katulad ng pampaalsa na inihalo ng isang babae sa tatlong bakol na harina,t kaya't umaalsa ang buong masa.”Ang Makipot na Pintuan
(Mt. 7:13-14, 21-23)
22 Nagpatuloy si Jesus sa kanyang paglalakbay, at siya'y nagtuturo sa bawat bayan at nayon na kanyang dinaraanan papuntang Jerusalem.
23 Minsan may nagtanong sa kanya, “Ginoo, kakaunti po ba ang maliligtas?”
Sinabi niya sa kanila, 24 “Pagsikapan ninyong makapasok sa makipot na pintuan. Sinasabi ko sa inyo, marami ang magpupumilit pumasok ngunit hindi makakapasok. 25 Kapag ang pinto ay isinara na ng pinuno ng sambahayan, magtitiis kayong nakatayo sa labas at katok nang katok. Sasabihin ninyo, ‘Panginoon, papasukin po ninyo kami.’ Ngunit sasabihin niya sa inyo, ‘Hindi ko kayo kilala!’ 26 Sasabihin naman ninyo, ‘Kumain po kami at uminom na kasalo ninyo, at nagturo pa kayo sa aming mga lansangan.’ 27 Sasagott naman siya, ‘Hindi ko kayo kilala! Lumayo kayo sa akin, kayong lahat na gumagawa ng kasamaan!’ 28 Iiyakt t kayo at magngangalit ang mga ngipin kapag nakita ninyong nasa kaharian ng Diyos sina Abraham, Isaac at Jacob, at ang lahat ng propeta, habang kayo nama'y ipinagtatabuyan! 29 Darating ang mga tao buhat sa silangan at sa kanluran, sa hilaga at sa timog, at kakain sa handaan sa kaharian ng Diyos.
30 Tunayt ngang may nahuhuling mauuna, at may nauunang mahuhuli.”Ang Pagmamahal ni Jesus Para sa Jerusalem
(Mt. 23:37-39)
31 Dumating noon ang ilang Pariseo at sinabi nila kay Jesus, “Umalis na kayo rito dahil gusto kayong ipapatay ni Herodes.”
32 Subalit sumagot siya, “Sabihin ninyo sa lalaking iyon na nagpapalayas pa ako ngayon ng mga demonyo at nagpapagaling ng mga maysakit. Gayundin ang gagawin ko bukas, at sa ikatlong araw ay tatapusin ko ang aking gawain.
33 Ngunit dapat akong magpatuloy sa aking lakad ngayon, bukas, at sa makalawa, sapagkat hindi dapat mamatay sa labas ng Jerusalem ang isang propeta.
34 “Jerusalem, Jerusalem! Pinapatay mo ang mga propeta at binabato ang mga isinugo ko sa iyo! Ilang beses kong sinikap na kupkupin ang iyong mga anak, gaya ng pag-aaruga ng isang inahin sa kanyang mga sisiw, ngunit ayaw mo. 35 Kaya'tt pababayaan nang lubusan ang iyong Templo. Sinasabi ko sa iyo, hindi mo na ako makikita hanggang sa dumating ang oras na sasabihin mo, ‘Pinagpala ang dumarating sa pangalan ng Panginoon!’”
LUKE 13
Turn Back to God
1 About this same time Jesus was told that Pilate had given orders for some people from Galilee to be killed while they were offering sacrifices.
2 Jesus replied:
Do you think that these people were worse sinners than everyone else in Galilee just because of what happened to them? 3 Not at all! But you can be sure that if you don't turn back to God, every one of you will also be killed. 4 What about those 18 people who died when the tower in Siloam fell on them? Do you think they were worse than everyone else in Jerusalem?
5 Not at all! But you can be sure that if you don't turn back to God, every one of you will also die.A Story about a Fig Tree
6 Jesus then told them this story:
A man had a fig tree growing in his vineyard. One day he went out to pick some figs, but he didn't find any.
7 So he said to the gardener, “For three years I have come looking for figs on this tree, and I haven't found any yet. Chop it down! Why should it take up space?”
8 The gardener answered, “Master, leave it for another year. I'll dig around it and put some manure on it to make it grow.
9 Maybe it will have figs on it next year. If it doesn't, you can have it cut down.”Healing a Woman //on the Sabbath
10 One Sabbath, Jesus was teaching in a synagogue, 11 and a woman was there who had been crippled by an evil spirit for 18 years. She was completely bent over and could not straighten up. 12 When Jesus saw the woman, he called her over and said, “You are now well.”
13 He placed his hands on her, and at once she stood up straight and praised God.
14 t The man in charge of the synagogue was angry because Jesus had healed someone on the Sabbath. So he said to the people, “Each week has six days when we can work. Come and be healed on one of those days, but not on the Sabbath.”
15 The Lord replied, “Are you trying to fool someone? Won't any one of you untie your ox or donkey and lead it out to drink on a Sabbath? 16 This woman belongs to the family of Abraham, but Satan has kept her bound for 18 years. Isn't it right to set her free on the Sabbath?”
17 Jesus' words made his enemies ashamed. But everyone else in the crowd was happy about the wonderful things he was doing.A Mustard Seed and Yeast
(Matthew 13.31-33; Mark 4.30-32)
18 Jesus said, “What is God's kingdom like? What can I compare it with?
19 It is like what happens when someone plants a mustard seed in a garden. The seed grows as big as a tree, and birds nest in its branches.”
20 Then Jesus said, “What can I compare God's kingdom with?
21 It is like what happens when a woman mixes yeast into three batches of flour. Finally, all the dough rises.”The Narrow Door
(Matthew 7.13,14,21-23)
22 As Jesus was on his way to Jerusalem, he taught the people in the towns and villages.
23 Someone asked him, “Lord, are only a few people going to be saved?”
Jesus answered:
24 Do all you can to go in by the narrow door! A lot of people will try to get in, but will not be able to.
25 Once the owner of the house gets up and locks the door, you will be left standing outside. You will knock on the door and say, “Sir, open the door for us!”
But the owner will answer, “I don't know a thing about you! ”
26 Then you will start saying, “We dined with you, and you taught in our streets.”
27 t But he will say, “I really don't know who you are! Get away from me, you evil people!”
28 t t Then when you have been thrown outside, you will weep and grit your teeth because you will see Abraham, Isaac, Jacob, and all the prophets in God's kingdom. 29 People will come from all directions and sit down to feast in God's kingdom.
30 t There the ones who are now least important will be the most important, and those who are now most important will be least important.Jesus and Herod
31 At that time some Pharisees came to Jesus and said, “You had better get away from here, because Herodt wants to kill you!”
32 Jesus said to them:
Go tell that fox, “I am going to force out demons and heal people today and tomorrow, and three days later I'll be through.”
33 But I am going on my way today and tomorrow and the next day. After all, Jerusalem is the place where prophets are killed.Jesus Loves Jerusalem
(Matthew 23.37-39)
34 t Jerusalem, Jerusalem! Your people have killed the prophets and have stoned the messengers who were sent to you. I have often wanted to gather your people, as a hen gathers her chicks under her wings. But you wouldn't let me.
35 t Now your temple will be deserted. You won't see me again until the time when you say,
“Blessed is the one who comes
in the name of the Lord.”