previous next

Lucas 14

Pinagaling ni Jesus ang Lalaking may Manas

1 Isang Araw ng Pamamahinga, si Jesus ay inanyayahang kumain sa bahay ng isang pinuno ng mga Pariseo, at binabantayan nilang mabuti ang kanyang mga kilos. 2 Lumapit kay Jesus ang isang lalaking may manas.

3 Kaya't tinanong niya ang mga Pariseo at ang mga dalubhasa sa kautusang Judio, “Naaayon ba sa Kautusan ang magpagaling sa Araw ng Pamamahinga o hindi?”
4 Ngunit hindi sila umimik, kaya't hinawakan ni Jesus ang maysakit, pinagaling ito at saka pinauwi.

5 Pagkatapost ay sinabi niya sa kanila, “Kung ang inyong anak o ang inyong baka ang nahulog sa balon, hindi ba't iaahon ninyo ito kaagad kahit Araw ng Pamamahinga?”

6 Hindi sila nakasagot sa tanong na ito.

Pagmamataas at Pagpapakumbabá


7 Napansin ni Jesus na ang pinipili ng mga panauhin ay ang mga upuang pandangal. Kaya't sinabi niya ang talinhagang ito sa kanila. 8 “Kapagt inanyayahan ka sa isang kasalan, huwag kang uupo agad sa upuang pandangal. Baka may inanyayahang mas marangal kaysa sa iyo. 9 Baka lapitan ka ng nag-anyaya sa inyong dalawa at sabihin sa iyo, ‘Maaari bang ibigay mo ang upuang iyan sa taong ito?’ Sa gayon, mapapahiya ka at doon ka uupo sa pinakaabang upuan. 10 Mabuti pa, kapag naanyayahan ka, doon ka muna maupo sa pinakaabang upuan. Kapag lumapit sa iyo ang nag-anyaya at kanyang sinabi, ‘Kaibigan, dito ka sa kabisera,’ mapaparangalan ka sa harap ng lahat ng mga panauhin.

11 Sapagkatt ang nagmamataas ay ibababâ, at ang nagpapakumbabá ay itataas.”
12 Sinabi naman ni Jesus sa nag-anyaya sa kanya, “Kapag naghahanda ka ng isang salu-salo, huwag ang iyong mga kaibigan, mga kapatid, mga kamag-anak o mayayamang kapitbahay ang aanyayahan mo, dahil aanyayahan ka rin nila at masusuklian na ang iyong ginawa. 13 Subalit kapag ikaw ay maghahanda, anyayahan mo ang mga mahihirap, mga lumpo, mga pilay, at mga bulag.

14 Kapag ganito ang ginawa mo, magiging mapalad ka, dahil hindi man nila masuklian ang ginawa mo, ang Diyos ang magbibigay sa iyo ng gantimpala sa muling pagkabuhay ng mga banal.”

Ang Talinhaga ng Malaking Handaan

(Mt. 22:1-10)


15 Narinig ito ng isa sa mga kasalo niya roon, at sinabi sa kanya, “Mapalad ang makakasalo sa hapag sa kaharian ng Diyos!”
16 Sumagot si Jesus, “Isang lalaki ang naghanda ng isang malaking salu-salo, at marami siyang inanyayahan. 17 Nang dumating ang oras ng handaan, inutusan niya ang kanyang mga alipin at ipinasabi sa mga inanyayahan, ‘Halina kayo, handa na ang lahat!’ 18 Ngunit nagdahilan silang lahat. Ang sabi ng una, ‘Nakabili ako ng bukid at kailangan ko itong puntahan. Kayo na sana ang bahalang magpaumanhin sa akin.’ 19 Sinabi naman ng isa, ‘Nakabili ako ng limang pares ng kalabaw at kailangang masubukan ko sa bukid ang mga iyon. Kayo na sana ang bahalang magpaumanhin sa akin.’

20 Sinabi naman ng isa, ‘Ako'y bagong kasal, kaya't hindi ako makakadalo.’
21 “Bumalik ang alipin at ibinalita ito sa kanyang panginoon. Nagalit ang panginoon at sinabi sa alipin, ‘Magmadali kang pumunta sa mga lansangan at sa makikipot na daan ng lunsod at isama mo rito ang mga mahihirap, mga lumpo, mga bulag, at mga pilay.’ 22 At sinabi ng alipin, ‘Panginoon, nagawa ko na po ang iniutos ninyo, ngunit marami pang bakanteng upuan.’ 23 Kaya't sinabi ng panginoon sa alipin, ‘Pumunta ka sa mga lansangan at sa mga daan, at pilitin mong pumarito ang sinumang makita mo upang mapuno ang aking bahay.

24 Sinasabi ko sa inyo, isa man sa mga unang inanyayahan ay hindi makakatikim ng aking handa!’”

Ang Pagiging Alagad

(Mt. 10:37-38)


25 Sumama kay Jesus ang napakaraming tao; humarap siya sa kanila at kanyang sinabi, 26 “Hindit maaaring maging alagad ko ang sinumang umiibig sa kanyang ama at ina, asawa at mga anak, mga kapatid, at maging sa sarili niyang buhay nang higit sa akin.

27 Angt ayaw magpasan ng sarili niyang krus at sumunod sa akin ay hindi maaaring maging alagad ko.
28 “Kung ang isa sa inyo'y nagbabalak na magtayo ng tore, hindi ba siya uupo muna upang magplano at kuwentahin kung magkano ang magagastos niya upang matiyak kung may sapat siyang pera para maipatapos ang kanyang ipapatayo? 29 Baka matapos mailagay ang mga pundasyon ay hindi naman mayari ang tore. Siya'y kukutyain lamang ng lahat ng makakakita niyon.

30 Sasabihin nila, ‘Ang taong ito'y nagsimulang magtayo ngunit hindi naman naipatapos.’
31 “O sinong hari na makikipagdigma sa kapwa hari ang hindi muna mauupo upang pag-aralang mabuti kung ang sampung libong kawal niya ay maisasagupa sa kalaban na may dalawampung libong kawal? 32 At kung hindi niya kaya, malayo pa ang kalaban ay magsusugo na siya ng mga kinatawan upang makipagkasundo.

33 Gayundin naman, hindi maaaring maging alagad ko ang sinuman kung hindi niya tatalikuran ang lahat sa kanyang buhay.

Asin na Walang Alat

(Mt. 5:13; Mc. 9:50)


34 “Mabuti ang asin, ngunit kung ang asin ay mawalan na ng alat, paano pa ito mapapaalat muli? 35 Wala itong kabutihang maibibigay sa lupa, o kahit sa tambakan man ng dumi, kaya't ito'y itinatapon na lamang. Makinig ang may pandinig!”

LUKE 14

Jesus Heals a Sick Man

1 One Sabbath, Jesus was having dinner in the home of an important Pharisee, and everyone was carefully watching Jesus. 2 All of a sudden a man with swollen legs stood up in front of him. 3 Jesus turned and asked the Pharisees and the teachers of the Law of Moses, “Is it right to heal on the Sabbath?”

4 But they did not say a word.
Jesus took hold of the man. Then he healed him and sent him away.
5 t Afterwards, Jesus asked the people, “If your son or ox falls into a well, wouldn't you pull him out at once, even on the Sabbath?”

6 There was nothing they could say.

How To Be a Guest


7 Jesus saw how the guests had tried to take the best seats. So he told them:
8  t When you are invited to a wedding feast, don't sit in the best place. Someone more important may have been invited.

9 Then the one who invited you will come and say, “Give your place to this other guest!” You will be embarrassed and will have to sit in the worst place.
10 When you are invited to be a guest, go and sit in the worst place. Then the one who invited you may come and say, “My friend, take a better seat!” You will then be honored in front of all the other guests.

11 t If you put yourself above others, you will be put down. But if you humble yourself, you will be honored.

12 Then Jesus said to the man who had invited him:
When you give a dinner or a banquet, don't invite your friends and family and relatives and rich neighbors. If you do, they will invite you in return, and you will be paid back.
13 When you give a feast, invite the poor, the paralyzed, the lame, and the blind.

14 They cannot pay you back. But God will bless you and reward you when his people rise from death.

The Great Banquet

(Matthew 22.1-10)


15 After Jesus had finished speaking, one of the guests said, “The greatest blessing of all is to be at the banquet in God's kingdom!”

16 Jesus told him:
A man once gave a great banquet and invited a lot of guests.

17 When the banquet was ready, he sent a servant to tell the guests, “Everything is ready! Please come.”

18 One guest after another started making excuses. The first one said, “I bought some land, and I've got to look it over. Please excuse me.”

19 Another guest said, “I bought five teams of oxen, and I need to try them out. Please excuse me.”

20 Still another guest said, “I've just now married, and I can't be there.”

21 The servant told his master what happened, and the master became so angry he said, “Go as fast as you can to every street and alley in town! Bring in everyone who is poor or paralyzed or blind or lame.”

22 When the servant returned, he said, “Master, I've done what you told me, and there is still plenty of room for more people.”
23 His master then told him, “Go out along the back roads and make people come in, so my house will be full.

24 Not one of the guests I first invited will get even a bite of my food!”

Being a Disciple

(Matthew 10.37,38)


25 Large crowds were walking along with Jesus, when he turned and said:

26  t You cannot be my disciple, unless you love me more than you love your father and mother, your wife and children, and your brothers and sisters. You cannot follow me unless you love me more than you love your own life.

27  t You cannot be my disciple unless you carry your own cross and follow me.
28 Suppose one of you wants to build a tower. What is the first thing you will do? Won't you sit down and figure out how much it will cost and if you have enough money to pay for it? 29 Otherwise, you will start building the tower, but not be able to finish. Then everyone who sees what is happening will laugh at you.

30 They will say, “You started building, but could not finish the job.”
31 What will a king do if he has only 10,000 soldiers to defend himself against a king who is about to attack him with 20,000 soldiers? Before he goes out to battle, won't he first sit down and decide if he can win? 32 If he thinks he won't be able to defend himself, he will send messengers and ask for peace while the other king is still a long way off.

33 So then, you cannot be my disciple unless you give away everything you own.

Salt and Light

(Matthew 5.13; Mark 9.50)


34 Salt is good, but if it no longer tastes like salt, how can it be made to taste salty again? 35 It is no longer good for the soil or even for the manure pile. People simply throw it out. If you have ears, pay attention!