Lucas 15
1 Nagsisilapit nga sa kaniya ang lahat ng mga maniningil ng buwis at makasalanan upang makinig sa kaniya.2 At ang mga Fariseo at gayon din ang mga eskriba ay nangagbubulongbulungan, na nangagsasabi, Tinatanggap ng taong ito ang mga makasalanan, at sumasalo sa kanila.3 At sinalita niya sa kanila ang talinghagang ito, na sinasabi,4 Aling tao sa inyo, na kung mayroong isang daang tupa, at mawala ang isa sa mga yaon ay hindi iiwan ang siyam na pu't siyam sa ilang, at hahanapin ang nawala, hanggang sa ito'y kaniyang masumpungan?5 At pagka nasumpungan niya, ay pinapasan niya sa kaniyang balikat, na natutuwa.6 At paguwi niya sa tahanan, ay titipunin niya ang kaniyang mga kaibigan at ang kaniyang mga kapitbahay, na sasabihin sa kanila, Makipagkatuwa kayo sa akin, sapagka't nasumpungan ko ang aking tupang nawala.7 Sinasabi ko sa inyo, na gayon din magkakatuwa sa langit dahil sa isang makasalanang nagsisisi, kay sa siyam na pu't siyam na taong matutuwid na di nangagkakailangang magsipagsisi.8 O aling babae na may sangpung putol na pilak, na kung mawalan siya ng isang putol, ay hindi baga magpapaningas ng isang ilawan, at wawalisan ang bahay, at hahanaping masikap hanggang sa ito'y masumpungan niya?9 At pagka nasumpungan niya, ay titipunin niya ang kaniyang mga kaibigan at mga kapitbahay, na sinasabi, Makipagkatuwa kayo sa akin, sapagka't nasumpungan ko ang isang putol na nawala sa akin.10 Gayon din, sinasabi ko sa inyo, na may tuwa sa harapan ng mga anghel ng Dios, dahil sa isang makasalanang nagsisisi.11 At sinabi niya, May isang tao na may dalawang anak na lalake:12 At sinabi sa kaniyang ama ng bunso, Ama, ibigay mo sa akin ang bahagi ng iyong kayamanang nauukol sa akin. At binahagi niya sa kanila ang kaniyang pagkabuhay.13 At hindi nakaraan ang maraming araw, ay tinipong lahat ng anak na bunso ang ganang kaniya, at naglakbay sa isang malayong lupain; at doo'y inaksaya ang kaniyang kabuhayan sa palunging pamumuhay.14 At nang magugol na niyang lahat, ay nagkaroon ng isang malaking kagutom sa lupaing yaon; at siya'y nagpasimulang mangailangan.15 At pumaroon siya at nakisama sa isa sa mga mamamayan sa lupaing yaon; at sinugo niya siya sa kaniyang mga parang, upang magpakain ng mga baboy.16 At ibig sana niyang mabusog ang kaniyang tiyan ng mga ipa na kinakain ng mga baboy: at walang taong magbigay sa kaniya.17 Datapuwa't nang siya'y makapagisip ay sinabi niya, Ilang mga alilang upahan ng aking ama ang may sapat at lumalabis na pagkain, at ako rito'y namamatay ng gutom?18 Magtitindig ako at paroroon sa aking ama, at aking sasabihin sa kaniya, Ama, nagkasala ako laban sa langit, at sa iyong paningin:19 Hindi na ako karapatdapat na tawaging anak mo: gawin mo akong tulad sa isa sa iyong mga alilang upahan.20 At siya'y nagtindig, at pumaroon sa kaniyang ama. Datapuwa't samantalang nasa malayo pa siya, ay natanawan na siya ng kaniyang ama, at nagdalang habag, at tumakbo, at niyakap siya sa leeg, at siya'y hinagkan.21 At sinabi ng anak sa kaniya, Ama, nagkasala ako laban sa langit, at sa iyong paningin: hindi na ako karapatdapat na tawaging anak mo.22 Datapuwa't sinabi ng ama sa kaniyang mga alipin, Dalhin ninyo ritong madali ang pinakamabuting balabal, at isuot ninyo sa kaniya; at lagyan ninyo ng singsing ang kaniyang kamay, at mga panyapak ang kaniyang mga paa:23 At kunin ninyo ang pinatabang guya, at inyong patayin, at tayo'y magsikain, at mangagkatuwa:24 Sapagka't patay na ang anak kong ito, at muling nabuhay; siya'y nawala, at nasumpungan. At sila'y nangagpasimulang mangagkatuwa.25 Nasa bukid nga ang anak niyang panganay: at nang siya'y dumating at malapit sa bahay, ay narinig niya ang tugtugan at ang sayawan.26 At pinalapit niya sa kaniya ang isa sa mga alipin, at itinanong kung ano kaya ang mga bagay na yaon.27 At sinabi niya sa kaniya, Dumating ang kapatid mo; at pinatay ng iyong ama ang pinatabang guya, dahil sa siya'y tinanggap niya na ligtas at magaling.28 Datapuwa't nagalit siya, at ayaw pumasok: at lumabas ang kaniyang ama, at siya'y namanhik sa kaniya.29 Datapuwa't siya'y sumagot at sinabi sa kaniyang ama, Narito, maraming taon nang kita'y pinaglilingkuran, at kailan ma'y hindi ako sumuway sa iyong utos; at gayon ma'y hindi mo ako binigyan kailan man ng isang maliit na kambing, upang ipakipagkatuwa ko sa aking mga kaibigan:30 Datapuwa't nang dumating itong anak mong umubos ng iyong pagkabuhay sa mga patutot, ay ipinagpatay mo siya ng pinatabang guya.31 At sinabi niya sa kaniya, Anak, ikaw ay palaging nasa akin, at iyo ang lahat ng akin.32 Datapuwa't karapatdapat mangagkatuwa at mangagsaya tayo: sapagka't patay ang kapatid mong ito, at muling nabuhay; at nawala, at nasumpungan.
LUKE 15
One Sheep
(Matthew 18.12-14)
1 t Tax collectorst and sinners were all crowding around to listen to Jesus.
2 So the Pharisees and the teachers of the Law of Moses started grumbling, “This man is friendly with sinners. He even eats with them.”
3 Then Jesus told them this story:
4 If any of you has 100 sheep, and one of them gets lost, what will you do? Won't you leave the 99 in the field and go look for the lost sheep until you find it? 5 And when you find it, you will be so glad that you will put it on your shoulder
6 and carry it home. Then you will call in your friends and neighbors and say, “Let's celebrate! I've found my lost sheep.”
7 Jesus said, “In the same way there is more happiness in heaven because of one sinner who turns to God than over 99 good people who don't need to.”One Coin
8 Jesus told the people another story:
What will a woman do if she has ten silver coins and loses one of them? Won't she light a lamp, sweep the floor, and look carefully until she finds it?
9 Then she will call in her friends and neighbors and say, “Let's celebrate! I've found the coin I lost.”
10 Jesus said, “In the same way God's angels are happy when even one person turns to him.”Two Sons
11 Jesus told them yet another story:
Once a man had two sons.
12 The younger son said to his father, “Give me my share of the property.” So the father divided his property between his two sons.
13 Not long after that, the younger son packed up everything he owned and left for a foreign country, where he wasted all his money in wild living.
14 He had spent everything, when a bad famine spread through that whole land. Soon he had nothing to eat.
15 He went to work for a man in that country, and the man sent him out to take care of his pigs.t
16 He would have been glad to eat what the pigs were eating, t but no one gave him a thing.
17 Finally, he came to his senses and said, “My father's workers have plenty to eat, and here I am, starving to death! 18 I will go to my father and say to him, ‘Father, I have sinned against God in heaven and against you.
19 I am no longer good enough to be called your son. Treat me like one of your workers.’ ”
20 The younger son got up and started back to his father. But when he was still a long way off, his father saw him and felt sorry for him. He ran to his son and hugged and kissed him.
21 The son said, “Father, I have sinned against God in heaven and against you. I am no longer good enough to be called your son.”
22 But his father said to the servants, “Hurry and bring the best clothes and put them on him. Give him a ring for his finger and sandalst for his feet. 23 Get the best calf and prepare it, so we can eat and celebrate.
24 This son of mine was dead, but has now come back to life. He was lost and has now been found.” And they began to celebrate.
25 The older son had been out in the field. But when he came near the house, he heard the music and dancing.
26 So he called one of the servants over and asked, “What's going on here?”
27 The servant answered, “Your brother has come home safe and sound, and your father ordered us to kill the best calf.”
28 The older brother got so angry that he would not even go into the house.
His father came out and begged him to go in. 29 But he said to his father, “For years I have worked for you like a slave and have always obeyed you. But you have never even given me a little goat, so that I could give a dinner for my friends.
30 This other son of yours wasted your money on prostitutes. And now that he has come home, you ordered the best calf to be killed for a feast.”
31 His father replied, “My son, you are always with me, and everything I have is yours. 32 But we should be glad and celebrate! Your brother was dead, but he is now alive. He was lost and has now been found.”