previous next

Lucas 16

1 At sinabi rin naman niya sa mga alagad, May isang taong mayaman, na may isang katiwala; at ito'y isinumbong sa kaniya na siya'y nagsisira ng kaniyang mga pag-aari.2 At tinawag niya siya, at sa kaniya'y sinabi, Ano ito na nababalitaan ko tungkol sa iyo? magbigay sulit ka ng pagiging katiwala; sapagka't hindi ka na maaaring maging katiwala pa.3 At sinabi ng katiwala sa kaniyang sarili, Anong gagawin ko, yamang inaalis sa akin ng panginoon ko ang pagiging katiwala? Magdukal ng lupa'y wala akong kaya; magpalimos ay nahihiya ako.4 Nalalaman ko na ang gagawin ko, upang, kung mapaalis ako sa pagiging katiwala, ako ay matanggap nila sa kanilang mga bahay.5 At pagtawag niya sa bawa't isa sa mga may utang sa kaniyang panginoon, ay sinabi niya sa una, Gaano ang utang mo sa aking panginoon?6 At sinabi niya, Isang daang takal na langis. At sinabi niya sa kaniya, Abutin mo ang iyong kasulatan, at maupo kang madali at isulat mong limangpu.7 Nang magkagayon ay sinabi niya sa iba, At ikaw, gaano ang utang mo? At sinabi niya, Isang daang takal na trigo. Sinabi niya sa kaniya, Abutin mo ang iyong kasulatan, at isulat mong walongpu.8 At pinuri ng kaniyang panginoon ang lilong katiwala, sapagka't siya'y gumawang may katalinuhan: sapagka't ang mga anak ng sanglibutang ito, sa kanilang sariling lahi, ay matatalino kay sa mga anak ng ilaw.9 At sinabi ko sa inyo, Makipagkaibigan kayo sa pamamagitan ng kayamanan ng kasamaan; upang, kung kayo'y magkulang, ay kanilang tanggapin kayo sa mga walang hanggang tabernakulo.10 Ang mapagtapat sa kakaunti ay mapagtapat din naman sa marami: at ang di matuwid sa kakaunti ay di rin naman matuwid sa marami.11 Kung kayo nga'y di naging mapagtapat sa masamang kayamanan, sino nga ang magkakatiwala sa inyo ng mga tunay na kayamanan?12 At kung di kayo naging mapagtapat sa kayamanan ng iba, sino ang sa inyo'y magbibigay ng sa inyong sarili.13 Walang aliping makapaglilingkod sa dalawang panginoon: sapagka't kapopootan niya ang isa, at iibigin ang ikalawa; o di kaya'y magtatapat sa isa, at pawawalang halaga ang ikalawa. Hindi kayo makapaglilingkod sa Dios at sa mga kayamanan.14 At ang mga Fariseo, na pawang maibigin sa salapi, ay nangakikinig ng lahat ng mga bagay na ito; at siya'y tinutuya nila.15 At sinabi niya sa kanila, Kayo ang nangagaaring-ganap sa inyong sarili sa paningin ng mga tao; datapuwa't nakikilala ng Dios ang inyong mga puso; sapagka't ang dinadakila ng mga tao ay kasuklamsuklam sa paningin ng Dios.16 Ang kautusan at ang mga propeta ay nanatili hanggang kay Juan: mula noo'y ang evangelio ng kaharian ng Dios ay ipinangangaral, at ang bawa't tao ay pumapasok doon na nagpipilit.17 Nguni't lubhang magaan pa ang mangawala ang langit at ang lupa, kay sa mahulog ang isang kudlit ng kautusan.18 Ang bawa't lalaki na inihihiwalay ang kaniyang asawa, at magasawa sa iba, ay nagkakasala ng pangangalunya: at ang magasawa sa babaing inihiwalay ng kaniyang asawa ay nagkakasala ng pangangalunya.19 Mayroon ngang isang taong mayaman, at siya'y nagdaramit ng kulay ube at maselang lino, at sa araw-araw ay kumakain ng sagana:20 At isang pulubi na ang pangala'y Lazaro, lipos ng mga sugat, ay inilalagay sa kaniyang pintuan,21 At naghahangad na mapakain ng mga mumo na nangahuhulog mula sa dulang ng mayaman; oo, at lumapit pati ang mga aso at hinihimuran ang kaniyang mga sugat.22 At nangyari, na namatay ang pulubi at siya'y dinala ng mga anghel sa sinapupunan ni Abraham: at namatay naman ang mayaman, at inilibing.23 At sa Hades na nasa mga pagdurusa ay itiningin niya ang kaniyang mga mata, at natanaw sa malayo si Abraham, at si Lazaro ay nasa kaniyang sinapupunan.24 At siya'y sumigaw at sinabi, Amang Abraham, maawa ka sa akin, at suguin mo si Lazaro, upang itubog niya sa tubig ang dulo ng kaniyang daliri, at palamigin ang aking dila; sapagka't naghihirap ako sa alab na ito.25 Datapuwa't sinabi ni Abraham, Anak, alalahanin mo na ikaw ay tumanggap ng iyong mabubuting bagay sa iyong pamumuhay, at si Lazaro sa gayon ding paraan ay masasamang bagay: datapuwa't ngayon, ay inaaliw siya rini, at ikaw ay nasa kahirapan.26 At bukod sa lahat ng ito, ay may isang malaking banging nakalagay sa pagitan namin at ninyo, upang ang mga magibig tumawid buhat dini hanggang sa inyo ay hindi maari, at gayon din walang makatawid mula diyan hanggang sa amin.27 At sinabi niya, Ipinamamanhik ko nga sa iyo, ama, na suguin mo siya sa bahay ng aking ama;28 Sapagka't ako'y may limang kapatid na lalake; upang sa kanila'y patotohanan niya, baka pati sila'y mangaparito sa dakong ito ng pagdurusa.29 Datapuwa't sinabi ni Abraham, Nasa kanila si Moises at ang mga propeta; bayaang sila'y pakinggan nila.30 At sinabi niya, Hindi amang Abraham: datapuwa't kung ang isang mula sa mga patay ay makaparoon sa kanila, sila'y mangagsisisi.31 At sinabi niya sa kaniya, Kung di nila pinakikinggan si Moises at ang mga propeta, ay di rin mangahihikayat sila, kahit ang isa'y magbangon sa mga patay.

LUKE 16

A Dishonest Manager

1 Jesus said to his disciples:
A rich man once had a manager to take care of his business. But he was told that his manager was wasting money.

2 So the rich man called him in and said, “What is this I hear about you? Tell me what you have done! You are no longer going to work for me.”
3 The manager said to himself, “What shall I do now that my master is going to fire me? I can't dig ditches, and I'm ashamed to beg.

4 I know what I'll do, so that people will welcome me into their homes after I've lost my job.”

5 Then one by one he called in the people who were in debt to his master. He asked the first one, “How much do you owe my master?”

6 “A hundred barrels of olive oil,” the man answered.
So the manager said, “Take your bill and sit down and quickly write ‘50.’ ”

7 The manager asked someone else who was in debt to his master, “How much do you owe?”
“A thousand sackst of wheat,” the man replied.
The manager said, “Take your bill and write ‘800.’ ”

8 The master praised his dishonest manager for looking out for himself so well. That's how it is! The people of this world look out for themselves better than the people who belong to the light.
9  t My disciples, I tell you to use wicked wealth to make friends for yourselves. Then when it is gone, you will be welcomed into an eternal home. 10 Anyone who can be trusted in little matters can also be trusted in important matters. But anyone who is dishonest in little matters will be dishonest in important matters. 11 If you cannot be trusted with this wicked wealth, who will trust you with true wealth? 12 And if you cannot be trusted with what belongs to someone else, who will give you something that will be your own?

13 t You cannot be the slave of two masters. You will like one more than the other or be more loyal to one than to the other. You cannot serve God and money.

Some Sayings of Jesus

(Matthew 11.12,13; 5.31,32; Mark 10.11,12)


14 The Pharisees really loved money. So when they heard what Jesus said, they made fun of him.

15 But Jesus told them:
You are always making yourselves look good, but God sees what is in your heart. The things that most people think are important are worthless as far as God is concerned.
16  t Until the time of John the Baptist, people had to obey the Law of Moses and the Books of the Prophets.t But since God's kingdom has been preached, everyone is trying hard to get in.

17 t Heaven and earth will disappear before the smallest letter of the Law does.

18  t It is a terrible sint for a man to divorce his wife and marry another woman. It is also a terrible sin for a man to marry a divorced woman.

Lazarus and the Rich Man


19 There was once a rich man who wore expensive clothes and every day ate the best food. 20 But a poor beggar named Lazarus was brought to the gate of the rich man's house. 21 He was happy just to eat the scraps that fell from the rich man's table. His body was covered with sores, and dogs kept coming up to lick them.

22 t The poor man died, and angels took him to the place of honor next to Abraham.t
The rich man also died and was buried.
23 t He went to hellt and was suffering terribly. When he looked up and saw Abraham far off and Lazarus at his side,

24 he said to Abraham, “Have pity on me! Send Lazarus to dip his finger in water and touch my tongue. I'm suffering terribly in this fire.”
25 Abraham answered, “My friend, remember that while you lived, you had everything good, and Lazarus had everything bad. Now he is happy, and you are in pain.

26 And besides, there is a deep ditch between us, and no one from either side can cross over.”
27 But the rich man said, “Abraham, then please send Lazarus to my father's home.

28 Let him warn my five brothers, so they won't come to this horrible place.”

29 Abraham answered, “Your brothers can read what Moses and the prophetst wrote. They should pay attention to that.”

30 Then the rich man said, “No, that's not enough! If only someone from the dead would go to them, they would listen and turn to God.”
31 So Abraham said, “If they won't pay attention to Moses and the prophets, they won't listen even to someone who comes back from the dead.”