previous next

Lucas 2

1 Nangyari nga nang mga araw na yaon na lumabas ang isang utos mula kay Augusto Cesar, na magpatala ang buong sanglibutan.2 Ito ang unang talaang-mamamayan na ginawa nang si Quirinio ay gobernador sa Siria.3 At nagsisiparoon ang lahat upang sila'y mangatala, bawa't isa sa kaniyang sariling bayan.4 At si Jose naman ay umahon mula sa Galilea, mula sa bayan ng Nazaret, hanggang sa Judea, sa bayan ni David, na kung tawagi'y Bet-lehem, sapagka't siya'y sa angkan at sa lahi ni David;5 Upang patala siya pati ni Maria, na magaasawa sa kaniya, na kasalukuyang kagampan.6 At nangyari, samantalang sila'y nangaroroon, at naganap ang mga kaarawang dapat siyang manganak.7 At kaniyang ipinanganak ang panganay niyang anak na lalake; at ito'y binalot niya ng mga lampin, at inihiga sa isang pasabsaban, sapagka't wala nang lugar para sa kanila sa tuluyan.8 At may mga pastor ng tupa sa lupain ding yaon na nangasa parang, na pinagpupuyatan sa gabi ang kanilang kawan.9 At tumayo sa tabi nila ang isang anghel ng Panginoon, at ang kaluwalhatian ng Panginoon ay nagliwanag sa palibot nila: at sila'y totoong nangatakot.10 At sinabi sa kanila ng anghel, Huwag kayong mangatakot; sapagka't narito, dinadalhan ko kayo ng mabubuting balita ng malaking kagalakan, na siyang sasa buong bayan:11 Sapagka't ipinanganak sa inyo ngayon sa bayan ni David ang isang Tagapagligtas, na siya ang Cristo ang Panginoon.12 At ito ang sa inyo'y magiging pinakatanda: Masusumpungan ninyo ang isang sanggol na nababalot ng lampin, at nakahiga sa isang pasabsaban.13 At biglang nakisama sa anghel ang isang karamihang hukbo ng langit, na nangagpupuri sa Dios, at nangagsasabi:14 Luwalhati sa Dios sa kataastaasan, At sa lupa'y kapayapaan sa mga taong kinalulugdan niya.15 At nangyari nang lisanin sila ng mga anghel at nangapasa langit, ang mga pastor ay nangagsangusapan. Magsiparoon nga tayo ngayon hanggang sa Bet-lehem, at tingnan natin itong nangyari, na ipinagbigay alam sa atin ng Panginoon.16 At sila'y dalidaling nagsiparoon at nasumpungan kapuwa si Maria at si Jose, at ang sanggol na nakahiga sa pasabsaban.17 At nang makita nila yaon, ay inihayag nila ang mga sinabi sa kanila tungkol sa sanggol na ito.18 At lahat ng nangakarinig nito ay nangagtaka sa mga bagay na sinabi sa kanila ng mga pastor.19 Datapuwa't iningatan ni Maria ang lahat ng mga pananalitang ito, na pinagbulaybulay sa kaniyang puso.20 At nangagbalik ang mga pastor, na niluluwalhati at pinupuri ang Dios dahil sa lahat ng mga bagay na kanilang nangarinig at nangakita, ayon sa sinabi sa kanila.21 At nang makaraan ang walong araw upang tuliin siya, ay tinawag na JESUS ang kaniyang pangalan, na siyang itinawag ng anghel bago siya ipinaglihi sa tiyan.22 At nang maganap na ang mga araw na kanilang paglilinis alinsunod sa kautusan ni Moises, ay kanilang dinala siya sa Jerusalem, upang iharap siya sa Panginoon23 (Ayon sa nasusulat sa kautusan ng Panginoon, Ang bawa't lalaking nagbubukas ng bahay-bata ay tatawaging banal sa Panginoon),24 At upang maghandog ng hain alinsunod sa sinasabi sa kautusan ng Panginoon, Dalawang batobato, o dalawang inakay ng kalapati.25 At narito, may isang lalake sa Jerusalem, na nagngangalang Simeon; at ang lalaking ito'y matuwid at masipag sa kabanalan, na nag-aantay ng kaaliwan ng Israel: at sumasa kaniya ang Espiritu Santo.26 At ipinahayag sa kaniya ng Espiritu Santo, na di niya makikita ang kamatayan, hanggang sa makita muna niya ang Cristo ng Panginoon.27 At siya'y napasa templo sa Espiritu: at nang ipasok sa templo ang sanggol na si Jesus ng kaniyang mga magulang, upang sa kaniya'y magawa nila ang nauukol alinsunod sa kaugalian ng kautusan,28 Ay tinanggap nga niya siya sa kaniyang mga bisig, at pinuri ang Dios, at nagsabi,29 Ngayo'y papanawin mo, Panginoon, ang iyong alipin, Ayon sa iyong salita, sa kapayapaan,30 Sapagka't nakita ng aking mga mata ang iyong pagliligtas,31 Na iyong inihanda sa unahan ng mukha ng lahat ng mga tao;32 Isang ilaw upang ipahayag sa mga Gentil, At ang kaluwalhatian ng iyong bayang Israel.33 At ang kaniyang ama at ang kaniyang ina ay nagsisipanggilalas sa mga bagay na sinasabi tungkol sa kaniya;34 At sila'y pinagpala ni Simeon, at sinabi sa kaniyang inang si Maria, Narito, ito ay itinalaga sa ikararapa at sa ikatitindig ng marami sa Israel; at pinakatandang tudlaan ng pagsalangsang:35 Oo at paglalampasanan ng isang tabak ang iyong sariling kaluluwa; upang mangahayag ang mga pagiisip ng maraming puso.36 At naroroon din naman si Ana, na isang propetisa, anak na babae ni Fanuel, sa angkan ni Aser, (siya'y lubhang matanda na, at may pitong taong nakisama sa kaniyang asawa mula sa kaniyang kadalagahan,37 At siya'y bao nang walongpu't apat na taon), na hindi humihiwalay sa templo, at sumasamba sa gabi at araw sa pamamagitan ng mga pagaayuno at mga pagdaing.38 At pagdating niya sa oras ding yaon, siya'y nagpasalamat sa Dios, at nagsalita ng tungkol sa sanggol sa lahat ng nagsisipaghintay ng katubusan sa Jerusalem.39 At nang maganap na nila ang lahat ng mga bagay na alinsunod sa kautusan ng Panginoon, ay nangagbalik sila sa Galilea, sa kanilang sariling bayang Nazaret.40 At lumalaki ang bata, at lumalakas, at napupuspos ng karunungan: at sumasa kaniya ang biyaya ng Dios.41 At nagsisiparoon taon-taon ang kaniyang mga magulang sa Jerusalem sa kapistahan ng paskua.42 At nang siya'y may labindalawang taon na, ay nagsiahon sila ayon sa kaugalian ng kapistahan;43 At nang kanilang maganap na ang mga araw, sa pagbalik nila, ay naiwan ang batang si Jesus sa Jerusalem; at di nalalaman ng kaniyang mga magulang;44 Nguni't sa pagaakala nilang siya'y nasa kasamahan, ay nagsiyaon sila nang isang araw na paglalakbay; at hinahanap nila siya sa mga kamaganak at mga kakilala;45 At nang di nila siya matagpuan, ay nagsipagbalik sila sa Jerusalem, na hinahanap siya.46 At nangyari, na nang makaraan ang tatlong araw, ay nangatagpuan nila siya sa templo, na nakaupo sa gitna ng mga guro, na sila'y pinakikinggan, at sila'y tinatanong:47 At ang lahat ng sa kaniya'y nangakakarinig ay nagsisipanggilalas sa kaniyang katalinuhan at sa kaniyang mga sagot.48 At nang siya'y mangakita nila, ay nangagtaka sila; at sinabi sa kaniya ng kaniyang ina, Anak, bakit ginawa mo sa amin ang ganyan? narito, ang iyong ama at ako na hinahanap kang may hapis.49 At sinabi niya sa kanila, Bakit ninyo ako hinahanap? di baga talastas ninyo na dapat akong maglumagak sa bahay ng aking Ama.50 At di nila naunawa ang pananalitang sa kanila'y sinabi.51 At lumusong siyang kasama nila, at napasa Nazaret; at napasakop sa kanila: at iniingatan ng kaniyang ina sa kaniyang puso ang lahat ng mga pananalitang ito.52 At lumalaki si Jesus sa karunungan at sa pangangatawan, at sa pagbibigay lugod sa Dios at sa mga tao.

LUKE 2

The Birth of Jesus

(Matthew 1.18-25)

1 About that time Emperor Augustus gave orders for the names of all the people to be listed in record books.t

2 These first records were made when Quirinius was governor of Syria.t
3 Everyone had to go to their own hometown to be listed.

4 So Joseph had to leave Nazareth in Galilee and go to Bethlehem in Judea. Long ago Bethlehem had been King David's hometown, and Joseph went there because he was from David's family.
5 Mary was engaged to Joseph and traveled with him to Bethlehem. She was soon going to have a baby, 6 and while they were there,

7 she gave birth to her first-bornt son. She dressed him in baby clothest and laid him on a bed of hay, because there was no room for them in the inn.

The Shepherds


8 That night in the fields near Bethlehem some shepherds were guarding their sheep. 9 t All at once an angel came down to them from the Lord, and the brightness of the Lord's glory flashed around them. The shepherds were frightened. 10 But the angel said, “Don't be afraid! I have good news for you, which will make everyone happy. 11 This very day in King David's hometown a Savior was born for you. He is Christ the Lord.

12 You will know who he is, because you will find him dressed in baby clothes and lying on a bed of hay.”

13 Suddenly many other angels came down from heaven and joined in praising God. They said:

14 “Praise God in heaven!
Peace on earth to everyone
who pleases God.”
15 After the angels had left and gone back to heaven, the shepherds said to each other, “Let's go to Bethlehem and see what the Lord has told us about.”

16 They hurried off and found Mary and Joseph, and they saw the baby lying on a bed of hay.
17 When the shepherds saw Jesus, they told his parents what the angel had said about him. 18 Everyone listened and was surprised.

19 But Mary kept thinking about all this and wondering what it meant.

20 As the shepherds returned to their sheep, they were praising God and saying wonderful things about him. Everything they had seen and heard was just as the angel had said.

21  t Eight days later Jesus' parents did for him what the Law of Moses commands.t And they named him Jesus, just as the angel had told Mary when he promised she would have a baby.

Simeon Praises the Lord


22  t The time came for Mary and Joseph to do what the Law of Moses says a mother is supposed to do after her baby is born.t
They took Jesus to the temple in Jerusalem and presented him to the Lord,
23 t just as the Law of the Lord says, “Each first-bornt baby boy belongs to the Lord.”

24 The Law of the Lord also says parents have to offer a sacrifice, giving at least a pair of doves or two young pigeons. So that is what Mary and Joseph did.
25 At this time a man named Simeon was living in Jerusalem. Simeon was a good man. He loved God and was waiting for him to save the people of Israel. God's Spirit came to him

26 and told him that he would not die until he had seen Christ the Lord.
27 When Mary and Joseph brought Jesus to the temple to do what the Law of Moses says should be done for a new baby, the Spirit told Simeon to go into the temple.

28 Simeon took the baby Jesus in his arms and praised God,

29 “Lord, I am your servant,
and now I can die in peace,
because you have kept
your promise to me.

30 With my own eyes I have seen
what you have done
to save your people,

31 and foreign nations
will also see this.

32  t Your mighty power is a light
for all nations,
and it will bring honor
to your people Israel.”
33 Jesus' parents were surprised at what Simeon had said. 34 Then he blessed them and told Mary, “This child of yours will cause many people in Israel to fall and others to stand. The child will be like a warning sign. Many people will reject him,

35 and you, Mary, will suffer as though you had been stabbed by a dagger. But all this will show what people are really thinking.”

Anna Speaks about //the Child Jesus


36  t The prophet Anna was also there in the temple. She was the daughter of Phanuel from the tribe of Asher, and she was very old. In her youth she had been married for seven years, but her husband died.

37 And now she was 84 years old.t Night and day she served God in the temple by praying and often going without eating.t

38 At this time Anna came in and praised God. She spoke about the child Jesus to everyone who hoped for Jerusalem to be set free.

The Return to Nazareth


39  t After Joseph and Mary had done everything that the Law of the Lord commands, they returned home to Nazareth in Galilee.

40 The child Jesus grew. He became strong and wise, and God blessed him.

The Boy Jesus in the Temple


41  t Every year Jesus' parents went to Jerusalem for Passover. 42 And when Jesus was twelve years old, they all went there as usual for the celebration. 43 After Passover his parents left, but they did not know that Jesus had stayed on in the city. 44 They thought he was traveling with some other people, and they went a whole day before they started looking for him.

45 When they could not find him with their relatives and friends, they went back to Jerusalem and started looking for him there.
46 Three days later they found Jesus sitting in the temple, listening to the teachers and asking them questions.

47 Everyone who heard him was surprised at how much he knew and at the answers he gave.

48 When his parents found him, they were amazed. His mother said, “Son, why have you done this to us? Your father and I have been very worried, and we have been searching for you!”
49 Jesus answered, “Why did you have to look for me? Didn't you know that I would be in my Father's house?”t

50 But they did not understand what he meant.

51 Jesus went back to Nazareth with his parents and obeyed them. His mother kept on thinking about all that had happened.
52  t Jesus became wise, and he grew strong. God was pleased with him and so were the people.