Lucas 21
Ang Handog ng Isang Biyuda
(Mc. 12:41-44)
1 Pinagmamasdan ni Jesus ang mayayamang may dalang mga handog sa Templo. 2 Nakita rin niya ang isang mahirap na biyudang naghulog ng dalawang tigsisingkwenta sentimo. 3 Sinabi niya sa mga alagad, “Ang inihandog ng mahirap na biyudang iyon ay higit pa sa inihandog nilang lahat.
4 Ang inilagay nila ay bahagi lamang ng labis na sa kanila, ngunit ang kanyang ibinigay ay ang buo niyang ikabubuhay.”Tungkol sa Pagkawasak ng Templo
(Mt. 24:1-2; Mc. 13:1-2)
5 May ilang tao namang nag-uusap tungkol sa Templo. Pinag-uusapan nila ang naglalakihan at magagandang batong ginamit dito at ang mga palamuting inihandog ng mga tao. Kaya't sinabi sa kanila ni Jesus,
6 “Darating ang panahon na ang lahat ng nakikita ninyong iyan ay iguguho, at walang matitirang magkakapatong na mga bato.”Mga Kahirapan at Pag-uusig na Darating
(Mt. 24:3-14; Mc. 13:3-13)
7 Tinanong nila si Jesus, “Guro, kailan po mangyayari iyon? At ano ang magiging palatandaang iyon ay magaganap na?”
8 Sumagot si Jesus, “Mag-ingat kayo upang hindi kayo mailigaw ninuman! Marami ang darating sa aking pangalan at magsasabi, ‘Ako ang Cristo,’ at, ‘Dumating na ang panahon!’ Huwag kayong maniniwala sa kanila. 9 Huwag kayong mababagabag kung makabalita man kayo ng mga digmaan at mga rebelyon. Dapat munang mangyari ang mga iyon subalit hindi darating kaagad ang wakas.” 10 At sinabi pa niya, “Maglalaban-laban ang mga bansa at magdidigmaan ang mga kaharian.
11 Magkakaroon ng malalakas na lindol, taggutom at mga salot sa iba't ibang dako. May lilitaw na mga kakila-kilabot na bagay at mga kamangha-manghang kababalaghan buhat sa langit.
12 “Ngunit bago mangyari ang lahat ng ito, kayo'y dadakpin at uusigin. Kayo'y lilitisin sa mga sinagoga at ipabibilanggo. At dahil sa pagsunod ninyo sa akin, isasakdal kayo sa harap ng mga hari at mga gobernador. 13 Iyon ang pagkakataon ninyo upang makapagpatotoo tungkol sa akin. 14 Ipanatag ninyo ang inyong kalooban at huwag kayong mabahala kung paano ninyo ipagtatanggol ang inyong sarili, 15 sapagkat bibigyan ko kayo ng katalinuhan at ng pananalitang hindi kayang tutulan o pabulaanan ng sinuman sa inyong mga kaaway. 16 Ipagkakanulo kayo ng inyong mga magulang, mga kapatid, mga kamag-anak at mga kaibigan; at ipapapatay nila ang ilan sa inyo. 17 Kapopootan kayo ng lahat dahil sa pagsunod sa akin, 18 ngunit hindi kayo malalagasan kahit isang hibla ng buhok.
19 Sa inyong pagtitiis ay maililigtas ninyo ang inyong buhay.”Ang Darating na Pagkawasak ng Jerusalem
(Mt. 24:15-21; Mc. 13:14-19)
20 “Kapag nakita ninyong napapaligiran na ng mga hukbo ang Jerusalem, tandaan ninyo, malapit na ang pagkawasak nito. 21 Ang mga nasa Judea ay dapat nang tumakas papunta sa kabundukan, ang mga nasa bayan ay dapat nang lumabas, at ang mga nasa bukid ay huwag nang pumasok sa bayan. 22 Sapagkatt iyon ang mga araw ng pagpaparusa bilang katuparan ng mga sinasabi sa Kasulatan. 23 Kawawa ang mga nagdadalang-tao at ang mga nagpapasuso sa mga araw na iyon dahil magkakaroon ng malaking kapighatian sa lupaing ito bilang pagpaparusa ng Diyos sa bansang ito.
24 Mamamatay sila sa tabak, at ang iba'y dadalhing-bihag sa lahat ng bansa. Ang Jerusalem ay yuyurakan ng mga Hentil hanggang sa matapos ang panahong itinakda sa kanila.”Mga Tanda ng Pagbabalik ng Anak ng Tao
(Mt. 24:29-31; Mc. 13:24-27)
25 “Magkakaroont ng mga palatandaan sa araw, sa buwan, at sa mga bituin. Sa lupa, ang mga bansa ay masisindak at malilito dahil sa ugong at mga daluyong ng dagat. 26 Ang mga tao'y hihimatayin sa takot dahil sa pag-iisip sa mga kapahamakang darating sa sanlibutan sapagkat mayayanig ang mga kapangyarihan sa langit. 27 Sat panahong iyon, makikita nila ang Anak ng Taong dumarating na nasa alapaap, at may kapangyarihan at dakilang karangalan.
28 Kapag nagsimula nang mangyari ang mga ito, magalak kayo sapagkat malapit na ang inyong katubusan.”Ang Aral Mula sa Puno ng Igos
(Mt. 24:32-35; Mc. 13:28-31)
29 At sinabi sa kanila ni Jesus ang isang talinhaga, “Tingnan ninyo ang puno ng igos at iba pang punongkahoy. 30 Kapag nagkakadahon na ito, alam ninyong malapit na ang tag-araw. 31 Gayundin naman, kapag nakita ninyong nangyayari na ang mga sinabi ko, malalaman ninyong malapit na ang paghahari ng Diyos. 32 Tandaan ninyo: magaganap ang lahat ng ito bago mamatay ang lahat ng taong nabubuhay sa salinlahing ito.
33 Lilipas ang langit at ang lupa, ngunit ang aking mga salita ay mananatili magpakailanman.”Mag-ingat Kayo
34 “Ang katakawan, paglalasing at kabalisahan sa buhay na ito ay alisin ninyo sa inyong isip. Mag-ingat kayo at baka bigla kayong abutan ng Araw na iyon 35 na tulad ng isang bitag. Sapagkat darating ang Araw na iyon sa lahat ng tao.
36 Kaya't maging handa kayo sa lahat ng oras. Lagi ninyong idalangin na magkaroon kayo ng kalakasan upang makaligtas sa lahat ng mangyayaring ito, at makaharap kayo sa Anak ng Tao.”
37 Araw-araw,t si Jesus ay nagtuturo sa Templo. Kung gabi nama'y umaalis siya at nagpapalipas ng magdamag sa Bundok ng mga Olibo. 38 Maaga pa'y pumupunta na sa Templo ang mga tao upang makinig sa kanya.
LUKE 21
A Widow's Offering
(Mark 12.41-44)
1 Jesus looked up and saw some rich people tossing their gifts into the offering box. 2 He also saw a poor widow putting in a few cents. 3 And he said, “I tell you that this poor woman has put in more than all the others.
4 Everyone else gave what they didn't need. But she is very poor and gave everything she had.”The Temple Will Be Destroyed
(Matthew 24.1,2; Mark 13.1,2)
5 Some people were talking about the beautiful stones used to build the temple and about the gifts that had been placed in it. Jesus said,
6 “Do you see these stones? The time is coming when not one of them will be left in place. They will all be knocked down.”Warning about Trouble
(Matthew 24.3-14; Mark 13.3-13)
7 t Some people asked, “Teacher, when will all this happen? How can we know when these things are about to take place?”
8 Jesus replied:
Don't be fooled by those who will come and claim to be me. They will say, “I am Christ!” and “Now is the time!” But don't follow them.
9 When you hear about wars and riots, don't be afraid. These things will have to happen first, but this isn't the end.
10 Nations will go to war against one another, and kingdoms will attack each other.
11 There will be great earthquakes, and in many places people will starve to death and suffer terrible diseases. All sorts of frightening things will be seen in the sky.
12 Before all this happens, you will be arrested and punished. You will be tried in your synagogues and put in jail. Because of me you will be placed on trial before kings and governors.
13 But this will be your chance to tell about your faith.
14 t Don't worry about what you will say to defend yourselves. 15 I will give you the wisdom to know what to say. None of your enemies will be able to oppose you or to say that you are wrong. 16 You will be betrayed by your own parents, brothers, family, and friends. Some of you will even be killed. 17 Because of me, you will be hated by everyone. 18 But don't worry!t
19 You will be saved by being faithful to me.Jerusalem Will Be Destroyed
(Matthew 24.15-21; Mark 13.14-19)
20 When you see Jerusalem surrounded by soldiers, you will know that it will soon be destroyed. 21 If you are living in Judea at this time, run to the mountains. If you are in the city, leave it. And if you are out in the country, don't go back into the city. 22 t This time of punishment is what is written about in the Scriptures. 23 It will be an awful time for women who are expecting babies or nursing young children! Everywhere in the land people will suffer horribly and be punished.
24 Some of them will be killed by swords. Others will be carried off to foreign countries. Jerusalem will be overrun by foreign nations until their time comes to an end.When the Son of Man Appears
(Matthew 24.29-31; Mark 13.24-27)
25 t Strange things will happen to the sun, moon, and stars. The nations on earth will be afraid of the roaring sea and tides, and they won't know what to do. 26 People will be so frightened that they will faint because of what is happening to the world. Every power in the sky will be shaken.t 27 t Then the Son of Man will be seen, coming in a cloud with power and great glory.
28 When all of this starts happening, stand up straight and be brave. You will soon be set free.A Lesson from a Fig Tree
(Matthew 24.32-35; Mark 13.28-31)
29 Then Jesus told them a story:
When you see a fig tree or any other tree 30 putting out leaves, you know that summer will soon come. 31 So, when you see these things happening, you know that God's kingdom will soon be here. 32 You can be sure that some of the people of this generation will still be alive when all of this takes place.
33 The sky and the earth won't last forever, but my words will.A Warning
34 Don't spend all of your time thinking about eating or drinking or worrying about life. If you do, the final day will suddenly catch you 35 like a trap. This day will surprise everyone on earth.
36 Watch out and keep praying that you can escape all that is going to happen and that the Son of Man will be pleased with you.
37 t Jesus taught in the temple each day, and he spent each night on the Mount of Olives. 38 Everyone got up early and came to the temple to hear him teach.