Lucas 23
Sa Harapan ni Pilato
(Mt. 27:1-2, 11-14; Mc. 15:1-5; Jn. 18:28-38)
1 Tumayo ang buong Sanedrin at dinala si Jesus kay Pilato.
2 Siya ay pinaratangan nila ng ganito, “Napatunayan po namin na sinusulsulan ng taong ito ang aming mga kababayan upang maghimagsik. Ang mga tao ay pinagbabawalan niyang magbayad ng buwis sa Emperador at nagpapanggap pa siyang siya raw ang Cristo, na siya ay isang hari.”
3 Tinanong siya ni Pilato, “Ikaw nga ba ang Hari ng mga Judio?”
“Ikaw na ang may sabi,” tugon ni Jesus.
4 Sinabi ni Pilato sa mga punong pari at sa mga tao, “Wala akong makitang kasalanan sa taong ito.”
5 Ngunit mapilit sila at sinasabing, “Sa pamamagitan ng kanyang mga katuruan ay inuudyukan niyang maghimagsik ang mga taga-Judea. Nagsimula siya sa Galilea at ngayo'y narito na.”Sa Harapan ni Herodes
6 Nang marinig ito ni Pilato, itinanong niya kung si Jesus ay taga-Galilea nga. 7 At nang malaman niyang si Jesus ay sakop ni Haring Herodes, ipinadala niya si Jesus kay Herodes, na nagkataon namang nasa Jerusalem nang mga araw na iyon. 8 Tuwang-tuwa si Herodes nang makita niya si Jesus. Matagal na niyang ibig makita ito sapagkat marami siyang nababalitaan tungkol dito. Umaasa si Herodes na gagawa si Jesus ng ilang himala, at nais niyang makita iyon.
9 Marami siyang itinanong kay Jesus, ngunit hindi ito sumagot kahit minsan.
10 Samantala, ang mga punong pari naman at ang mga tagapagturo ng Kautusan ay nakatayo doon at walang tigil ng kapaparatang kay Jesus. 11 Dahil dito, siya'y hinamak at tinuya ni Herodes at ng mga kawal nito. Siya ay dinamitan nila ng mamahaling damit, at ipinabalik siya kay Pilato.
12 At nang araw ding iyon, naging magkaibigan sina Herodes at Pilato na dati'y magkagalit.Hinatulang Mamatay si Jesus
(Mt. 27:15-26; Mc. 15:6-15; Jn. 18:39–19:16)
13 Ipinatawag ni Pilato ang mga punong pari, ang mga pinuno ng bayan at ang mga tao. 14 Sinabi niya sa kanila, “Isinakdal ninyo sa akin ang taong ito sa kasalanang panunulsol sa mga taong bayan na maghimagsik. Siniyasat ko siya sa harap ninyo at napatunayan kong walang katotohanan ang mga paratang ninyo sa kanya. 15 Gayundin si Herodes, kaya ipinabalik niya sa atin si Jesus. Hindi siya dapat hatulan ng kamatayan; wala siyang kasalanan.
16-17 Ipahahagupit ko na lamang siya at pagkatapos ay aking palalayain.”t
18 Subalit sabay-sabay na sumigaw ang mga tao, “Patayin ang taong iyan! Palayain si Barabbas!”
19 Si Barabbas ay nabilanggo dahil sa paghihimagsik na pinangunahan nito sa lunsod, at dahil na rin sa salang pagpatay.
20 Sa pagnanais na mapalaya si Jesus, minsan pang nagsalita sa kanila si Pilato,
21 ngunit sumigaw ang mga tao, “Ipako siya sa krus! Ipako siya sa krus!”
22 Ikatlong ulit na sinabi sa kanila ni Pilato, “Bakit, ano ba ang ginawa niyang masama? Wala akong makitang dahilan upang siya'y hatulan ng kamatayan. Ipahahagupit ko na lamang siya at pagkatapos ay palalayain.”
23 Ngunit lalo nilang ipinagsigawan na si Jesus ay dapat ipako sa krus. Napakalakas ng kanilang sigaw 24 kaya't ipinasya ni Pilato na pagbigyan ang kanilang kahilingan.
25 Pinalaya niya ang taong nabilanggo dahil sa paghihimagsik at pagpatay, at ibinigay niya si Jesus sa kanila upang gawin ang kanilang kagustuhan.Si Jesus ay Ipinako sa Krus
(Mt. 27:32-44; Mc. 15:21-32; Jn. 19:17-27)
26 Si Jesus ay dinala ng mga kawal. Nasalubong nila sa daan si Simon na taga-Cirene na noon ay galing sa bukid. Pinigil nila ito at ipinapasan dito ang krus habang pinapasunod kay Jesus.
27 Sinusundan si Jesus ng maraming tao, kabilang ang ilang babaing nag-iiyakan at tumatangis dahil sa kanya. 28 Nilingon sila ni Jesus at sinabi, “Mga kababaihan ng Jerusalem, huwag ninyo akong iyakan. Ang tangisan ninyo'y ang inyong sarili at ang inyong mga anak. 29 Tandaan ninyo, darating ang mga araw na sasabihin nila, ‘Mapalad ang mga baog, ang mga sinapupunang hindi nagdalang-tao, at ang mga dibdib na hindi nagpasuso.’ 30 Sat mga araw na iyo'y sasabihin ng mga tao sa mga bundok, ‘Tabunan ninyo kami!’ at sa mga burol, ‘Itago ninyo kami!’
31 Sapagkat kung ganito ang ginagawa sa kahoy na sariwa, ano naman kaya ang gagawin kapag ito'y tuyo na?”
32 May dalawa pang kriminal na inilabas ng mga kawal upang pataying kasama ni Jesus. 33 Nang dumating sila sa isang bundok na tinatawag na Bungo, ipinako nila si Jesus sa krus. Ipinako rin ang dalawang kriminal, isa sa kanyang kanan at isa sa kaliwa. [
34 Sinabit…ginagawa: Sinabi ni Jesus, “Ama, patawarin mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.”]t
Pinaghati-hatian ng mga kawal ang damit ni Jesus. Sila'y nagpalabunutan upang malaman kung kani-kanino mapupunta ang bawat kasuotan niya.
35 Angt mga tao nama'y nakatayo roon at nanonood, habang si Jesus ay kinukutya ng mga pinuno ng bayan. Sinabi nila, “Iniligtas niya ang iba; iligtas niya ngayon ang kanyang sarili kung siya nga ang Cristo na hinirang ng Diyos!”
36 Nilaitt din siya ng mga kawal. Nilapitan siya ng isa at inalok ng maasim na alak,
37 kasabay ng ganitong panunuya, “Kung ikaw nga ang Hari ng mga Judio, iligtas mo ang iyong sarili.”
38 Isinulat nila sa kanyang ulunan, “Ito ang Hari ng mga Judio.”
39 Tinuya rin siya ng isa sa mga salaring nakapako sa tabi niya, “Hindi ba ikaw ang Cristo? Iligtas mo ang iyong sarili at pati na rin kami.”
40 Ngunit pinagsabihan naman ito ng kanyang kasama, “Wala ka na bang takot sa Diyos? Ikaw ay pinaparusahan ding tulad niya! 41 Tama lamang na tayo'y parusahan nang ganito dahil sa ating mga ginawa; ngunit ang taong ito'y walang ginawang masama.”
42 At sinabi pa nito, “Jesus, alalahanin mo ako kapag naghahari ka na.”
43 Sumagot si Jesus, “Sinasabi ko sa iyo, isasama kita ngayon sa Paraiso.”Ang Pagkamatay ni Jesus
(Mt. 27:45-56; Mc. 15:33-41; Jn. 19:28-30)
44 Nang magtatanghaling-tapat na, hanggang sa ikatlo ng hapon, nagdilim sa buong lupain. 45 Nawalant ng liwanag ang araw at ang tabing ng Templo'y napunit sa gitna.
46 Sumigawt nang malakas si Jesus, “Ama, sa mga kamay mo'y ipinagkakatiwala ko ang aking espiritu!” At pagkasabi nito, nalagot ang kanyang hininga.
47 Nang makita ng kapitan ng mga kawal ang nangyari, siya'y nagpuri sa Diyos na sinasabi, “Tunay ngang matuwid ang taong ito!”
48 Maraming tao ang nagkakatipon doon at nanonood. Nang makita nila ang mga nangyari, umuwi silang lungkot na lungkot.
49 Nakatayot naman sa di-kalayuan ang mga kasamahan ni Jesus, pati ang mga babaing sumama sa kanya mula sa Galilea. Nakita rin nila ang mga pangyayaring ito.Ang Paglilibing kay Jesus
(Mt. 27:57-61; Mc. 15:42-47; Jn. 19:38-42)
50-51 May isang lalaki roon na ang pangala'y Jose. Siya'y taga-Arimatea, isang bayan sa Judea. Mabait at matuwid ang taong ito, at isa siya sa mga naghihintay sa paghahari ng Diyos. Kahit na siya'y kagawad ng Sanedrin, hindi siya sang-ayon sa kanilang ginawa kay Jesus. 52 Nagpunta siya kay Pilato at hiningi ang bangkay ni Jesus. 53 Ibinabâ niya ang bangkay, binalot sa telang mamahalin at inilagay sa isang libingang inuka sa bato na hindi pa napaglilibingan.
54 Araw noon ng Paghahanda at magsisimula na ang Araw ng Pamamahinga.
55 Sumama kay Jose ang mga babaing sumunod kay Jesus mula pa sa Galilea. Nakita nila ang libingan at ang pagkakalagay doon ng bangkay ni Jesus.
56 Pagkatapos,t umuwi sila at naghanda ng mga pabango at mira.
Dahil sumapit na ang Araw ng Pamamahinga, nangilin sila ayon sa itinakda ng Kautusan.
LUKE 23
Pilate Questions Jesus
(Matthew 27.1,2,11-14; Mark 15.1-5; John 18.28-38)
1 Everyone in the council got up and led Jesus off to Pilate.
2 They started accusing him and said, “We caught this man trying to get our people to riot and to stop paying taxes to the Emperor. He also claims that he is the Messiah, our king.”
3 Pilate asked Jesus, “Are you the king of the Jews?”
“Those are your words,” Jesus answered.
4 Pilate told the chief priests and the crowd, “I don't find him guilty of anything.”
5 But they all kept on saying, “He has been teaching and causing trouble all over Judea. He started in Galilee and has now come all the way here.”Jesus //Is Brought before Herod
6 When Pilate heard this, he asked, “Is this man from Galilee?”
7 After Pilate learned that Jesus came from the region ruled by Herod, t he sent him to Herod, who was in Jerusalem at that time.
8 For a long time Herod had wanted to see Jesus and was very happy because he finally had this chance. He had heard many things about Jesus and hoped to see him work a miracle.
9 Herod asked him a lot of questions, but Jesus did not answer.
10 Then the chief priests and the teachers of the Law of Moses stood up and accused him of all kinds of bad things.
11 Herod and his soldiers made fun of Jesus and insulted him. They put a fine robe on him and sent him back to Pilate.
12 That same day Herod and Pilate became friends, even though they had been enemies before this.The Death Sentence
(Matthew 27.15-26; Mark 15.6-15; John 18.39—19.16)
13 Pilate called together the chief priests, the leaders, and the people. 14 He told them, “You brought Jesus to me and said he was a troublemaker. But I have questioned him here in front of you, and I have not found him guilty of anything that you say he has done. 15 Herod didn't find him guilty either and sent him back. This man doesn't deserve to be put to death!
16-17 I will just have him beaten with a whip and set free.”t
18 But the whole crowd shouted, “Kill Jesus! Give us Barabbas!”
19 Now Barabbas was in jail because he had started a riot in the city and had murdered someone.
20 Pilate wanted to set Jesus free, so he spoke again to the crowds.
21 But they kept shouting, “Nail him to a cross! Nail him to a cross!”
22 Pilate spoke to them a third time, “But what crime has he done? I have not found him guilty of anything for which he should be put to death. I will have him beaten with a whip and set free.”
23 The people kept on shouting as loud as they could for Jesus to be put to death. 24 Finally, Pilate gave in.
25 He freed the man who was in jail for rioting and murder, because he was the one the crowd wanted to be set free. Then Pilate handed Jesus over for them to do what they wanted with him.Jesus Is Nailed to a Cross
(Matthew 27.31-44; Mark 15.21-32; John 19.17-27)
26 As Jesus was being led away, some soldiers grabbed hold of a man named Simon who was from Cyrene. He was coming in from the fields, but they put the cross on him and made him carry it behind Jesus.
27 A large crowd was following Jesus, and in the crowd a lot of women were crying and weeping for him.
28 Jesus turned to the women and said:
Women of Jerusalem, don't cry for me! Cry for yourselves and for your children. 29 Someday people will say, “Women who never had children are really fortunate!” 30 t At that time everyone will say to the mountains, “Fall on us!” They will say to the hills, “Hide us!”
31 If this can happen when the wood is green, what do you think will happen when it is dry?t
32 Two criminals were led out to be put to death with Jesus.
33 When the soldiers came to the place called “The Skull,”t they nailed Jesus to a cross. They also nailed the two criminals to crosses, one on each side of Jesus.
34-35 t Jesus said, “Father, forgive these people! They don't know what they're doing.”t
While the crowd stood there watching Jesus, the soldiers gambled for his clothes. The leaders insulted him by saying, “He saved others. Now he should save himself, if he really is God's chosen Messiah!”
36 t The soldiers made fun of Jesus and brought him some wine.
37 They said, “If you are the king of the Jews, save yourself!”
38 Above him was a sign that said, “This is the King of the Jews.”
39 One of the criminals hanging there also insulted Jesus by saying, “Aren't you the Messiah? Save yourself and save us!”
40 But the other criminal told the first one off, “Don't you fear God? Aren't you getting the same punishment as this man? 41 We got what was coming to us, but he didn't do anything wrong.”
42 Then he said to Jesus, “Remember me when you come into power!”
43 Jesus replied, “I promise that today you will be with me in paradise.”tThe Death of Jesus
(Matthew 27.45-56; Mark 15.33-41; John 19.28-30)
44 Around noon the sky turned dark and stayed that way until the middle of the afternoon. 45 t The sun stopped shining, and the curtain in the templet split down the middle.
46 t Jesus shouted, “Father, I put myself in your hands!” Then he died.
47 When the Roman officer saw what had happened, he praised God and said, “Jesus must really have been a good man!”
48 A crowd had gathered to see the terrible sight. Then after they had seen it, they felt brokenhearted and went home.
49 t All of Jesus' close friends and the women who had come with him from Galilee stood at a distance and watched.Jesus Is Buried
(Matthew 27.57-61; Mark 15.42-47; John 19.38-42)
50-51 There was a man named Joseph, who was from Arimathea in Judea. Joseph was a good and honest man, and he was eager for God's kingdom to come. He was also a member of the council, but he did not agree with what they had decided.
52 Joseph went to Pilate and asked for Jesus' body. 53 He took the body down from the cross and wrapped it in fine cloth. Then he put it in a tomb that had been cut out of solid rock and had never been used.
54 It was Friday, and the Sabbath was about to begin.t
55 The women who had come with Jesus from Galilee followed Joseph and watched how Jesus' body was placed in the tomb. 56 t Then they went to prepare some sweet-smelling spices for his burial. But on the Sabbath they rested, as the Law of Moses commands.