previous next

Lucas 7

Pinagaling ang Alipin ng Kapitang Romano

(Mt. 8:5-13)

1 Nang matapos turuan ni Jesus ang mga tao, pumunta siya sa bayan ng Capernaum. 2 Doon ay may isang kapitang Romano na may aliping mahal sa kanya. May sakit ang aliping ito at nasa bingit ng kamatayan. 3 Nang mabalitaan ng kapitan ang tungkol kay Jesus, nagsugo siya ng ilang mga pinuno ng mga Judio upang pakiusapan si Jesus na dalawin at pagalingin ang alipin. 4 Paglapit ng mga sugo kay Jesus, taimtim silang nakiusap sa kanya, “Siya po'y karapat-dapat na pagbigyan ninyo

5 sapagkat mahal niya ang ating bansa. Sa katunayan nga po, ipinagpatayo niya tayo ng isang sinagoga.”
6 Sumama sa kanila si Jesus, ngunit nang malapit na siya sa bahay ay nasalubong niya ang mga kaibigan ng kapitan. Sila ay sinugo ng kapitan upang ipasabi kay Jesus ang ganito: “Ginoo, huwag na po kayong magpakapagod. Hindi po ako karapat-dapat na puntahan pa ninyo sa aking tahanan, 7 ni hindi rin po ako karapat-dapat na humarap sa inyo. Ngunit sabihin lamang po ninyo at gagaling na ang aking alipin.

8 Ako po ay nasa ilalim ng mga nakakataas sa akin at may nasasakupan naman akong mga kawal. Kapag sinabi ko sa isa, ‘Pumunta ka roon!’ pumupunta siya; at kapag sinabi ko naman po sa isa, ‘Halika!’ siya'y lumalapit. Kapag sinabi ko po sa aking alipin, ‘Gawin mo ito!’ ginagawa niya iyon.”

9 Namangha si Jesus nang marinig ito, kaya't humarap siya sa napakaraming taong sumusunod sa kanya at sinabi, “Kahit na sa Israel ay hindi ako nakakita ng ganito kalaking pananampalataya.”

10 Pagbalik nila sa bahay, naratnan ng mga isinugo na magaling na nga ang alipin.

Muling Binuhay ang Anak ng Isang Biyuda


11 Pagkatapos nito, nagpunta naman si Jesus sa isang bayang tinatawag na Nain. Sumama sa kanya ang mga alagad at ang napakaraming tao. 12 Nang malapit na siya sa pintuan ng bayan, nasalubong nila ang libing ng kaisa-isang anak na lalaki ng isang biyuda. Napakaraming nakikipaglibing. 13 Nahabag ang Panginoon nang kanyang makita ang ina ng namatay kaya't sinabi niya rito, “Huwag ka nang umiyak.”

14 Nilapitan niya at hinipo ang kinalalagyan ng bangkay at tumigil naman ang mga may pasan nito. Sinabi niya, “Binata, makinig ka sa akin, bumangon ka!”

15 Naupo ang binata at nagsalita; at siya'y ibinigay ni Jesus sa kanyang ina.

16 Natakot ang lahat at sila'y nagpuri sa Diyos. Sabi nila, “Dumating sa kalagitnaan natin ang isang dakilang propeta! Dinalaw ng Diyos ang kanyang bayan!”

17 At kumalat sa buong Judea at sa palibot na lupain ang balitang ito tungkol sa ginawa ni Jesus.

Ang mga Sugo ni Juan na Tagapagbautismo

(Mt. 11:2-19)


18 Ibinalita kay Juan ng kanyang mga alagad ang lahat ng mga pangyayaring ito. Kaya't tinawag ni Juan ang dalawa sa kanila 19 at pinapunta sa Panginoont upang itanong kung siya na nga ang ipinangakong darating, o kung maghihintay pa sila ng iba. 20 Pagdating doo'y sinabi nila kay Jesus, “Pinapunta po kami dito ni Juan na Tagapagbautismo upang itanong kung kayo na nga ang darating, o maghihintay pa kami ng iba.” 21 Nang mga sandaling iyon, si Jesus ay nagpapagaling ng mga maysakit at mga may matinding karamdaman at mga sinasapian ng masasamang espiritu. Marami ding mga bulag ang pinagkalooban niya ng paningin. 22 Kaya'tt sinabi niya sa mga sugo ni Juan, “Bumalik kayo kay Juan at sabihin ninyo sa kanya ang inyong nakita at narinig; nakakakita ang mga bulag, nakakalakad ang mga pilay, gumagaling at lumilinis ang mga ketongin, nakakarinig ang mga bingi, muling nabubuhay ang mga patay, at ipinapangaral sa mga mahihirap ang Magandang Balita.

23 Mapalad ang taong hindi nag-aalinlangan sa akin!”
24 Habang papaalis ang mga sugo, nagsalita si Jesus sa mga tao tungkol kay Juan, “Bakit kayo pumunta sa ilang? Ano ang ibig ninyong makita? Isang halamang tambo na iniuugoy ng hangin? 25 Ano nga ba ang inyong dinayo roon? Isang taong may mamahaling damit? Ang mga nagdaramit ng mamahalin at namumuhay sa karangyaan ay nasa palasyo ng mga hari. 26 Ano nga ang inyong dinayo? Isang propeta? Oo. At sinasabi ko sa inyo, siya'y higit pa sa isang propeta.

27 Sapagkatt si Juan ang tinutukoy ng kasulatan:
‘Narito, ipinapadala ko ang aking sugo na mauuna sa iyo,
upang ihanda ang iyong daraanan.’

28 Sinasabi ko sa inyo, wala pang isinilang na mas dakila kaysa kanya. Ngunit mas dakila kay Juan ang pinakamababa sa mga pinaghaharian ng Diyos.”
29 Angt lahat ng mga taong nakarinig sa kanya, pati na ang mga maniningil ng buwis ay nagpuri sa Diyos. Ang mga ito'y binautismuhan ni Juan.

30 Ngunit ang mga Pariseo at ang mga dalubhasa sa kautusang Judio na ayaw magpabautismo ay tumanggi sa layunin ng Diyos para sa kanila.
31 Sinabi pa ni Jesus, “Kanino ko maihahambing ang mga tao ngayon? Ano ang nakakatulad nila?

32 Ang katulad nila'y mga batang nakaupo sa palengke at sumisigaw sa kanilang mga kalaro,
‘Tinugtugan namin kayo ng plauta, ngunit hindi kayo sumayaw!
Narinig ninyo kaming tumangis, ngunit hindi kayo nakiiyak!’
33 Sapagkat nang dumating si Juan na Tagapagbautismo, siya'y nag-aayuno at hindi umiinom ng alak; at ang sabi ninyo, ‘Sinasapian ng demonyo ang taong iyan!’ 34 Nang dumating naman ang Anak ng Tao, siya'y kumakain at umiinom, ngunit sinasabi naman ninyo, ‘Tingnan ninyo ang taong iyan! Matakaw, lasenggo at kaibigan ng mga maniningil ng buwis at ng mga makasalanan!’

35 Ngunit ang karunungan ng Diyos ay napatutunayang tama sa pamamagitan ng lahat ng taong namumuhay ayon doon.”

Binuhusan ng Pabango ang mga Paa ni Jesus


36 Minsan, si Jesus ay naanyayahang kumain sa bahay ng isang Pariseo. Pumunta naman siya at dumulog sa hapag. 37 Nangt mabalitaang kumakain si Jesus sa bahay ng naturang Pariseo, isang babaing itinuturing na makasalanan sa bayang iyon ang nagpunta roon na may dalang pabangong nasa sisidlang alabastro. 38 Umiiyak siyang lumapit sa paanan ni Jesus, at hinugasan ng kanyang luha ang mga paa nito. Pinunasan niya ng kanyang sariling buhok ang mga paa ni Jesus, hinalikan ito at binuhusan ng pabango.

39 Nang ito'y makita ng Pariseong nag-anyaya kay Jesus, nasabi nito sa sarili, “Kung talagang propeta ang taong ito, dapat ay alam niya na ang babaing humahawak sa kanyang paa ay isang makasalanan.”

40 Bilang tugon sa iniisip ni Simon, sinabi ni Jesus, “Simon, may sasabihin ako sa iyo.”
“Ano po iyon, Guro?” sagot niya.
41 Kaya't nagpatuloy si Jesus, “May dalawang taong umuutang sa isang nagpapahiram ng pera; limang daang salaping pilak ang inutang ng isa, at limampung salaping pilak naman ang sa ikalawa.

42 Nang hindi sila makabayad, kapwa sila pinatawad. Ngayon, sino kaya sa kanila ang higit na magmamahal sa pinagkautangan?”

43 Sumagot si Simon, “Sa palagay ko po'y ang pinatawad sa mas malaking utang.”
“Tama ang sagot mo,” tugon ni Jesus.
44 Nilingon niya ang babae at sinabi kay Simon, “Nakikita mo ba ang babaing ito? Pumasok ako sa iyong bahay at hindi mo man lamang ako binigyan ng tubig para sa aking mga paa; ngunit hinugasan niya ng luha ang aking mga paa at pinunasan ito ng sarili niyang buhok. 45 Hindi mo ako hinalikan; ngunit siya, mula nang pumasok ay hindi tumigil ng kahahalik sa aking mga paa. 46 Hindi mo nilagyan ng langis ang aking ulo, subalit binuhusan niya ng pabango ang aking mga paa.

47 Kaya't sinasabi ko sa iyo, malaki ang kanyang pagmamahal sapagkat maraming kasalanan ang pinatawad sa kanya; ngunit ang pinatawad ng kaunti ay kaunti rin lang ang nadaramang pagmamahal.”

48 At sinabi niya sa babae, “Pinatawad na ang iyong mga kasalanan.”

49 At ang kanyang mga kasalo sa pagkain ay nagsimulang magtanong sa sarili, “Sino ba itong nangangahas na magpatawad ng kasalanan?”
50 Ngunit sinabi ni Jesus sa babae, “Iniligtas ka ng iyong pananampalataya. Umuwi ka na.”

LUKE 7

Jesus Heals //an Army Officer's Servant

(Matthew 8.5-13; John 4.43-54)

1 After Jesus had finished teaching the people, he went to Capernaum. 2 In this town an army officer's servant was sick and about to die. The officer liked his servant very much.

3 And when he heard about Jesus, he sent some Jewish leaders to ask him to come and heal the servant.
4 The leaders went to Jesus and begged him to do something. They said, “This man deserves your help! 5 He loves our nation and even built us a synagogue.”

6 So Jesus went with them.
When Jesus wasn't far from the house, the officer sent some friends to tell him, “Lord, don't go to any trouble for me! I am not good enough for you to come into my house.
7 And I am certainly not worthy to come to you. Just say the word, and my servant will get well.

8 I have officers who give orders to me, and I have soldiers who take orders from me. I can say to one of them, ‘Go!’ and he goes. I can say to another, ‘Come!’ and he comes. I can say to my servant, ‘Do this!’ and he will do it.”

9 When Jesus heard this, he was so surprised that he turned and said to the crowd following him, “In all of Israel I've never found anyone with this much faith!”

10 The officer's friends returned and found the servant well.

A Widow's Son


11 Soon Jesus and his disciples were on their way to the town of Nain, and a big crowd was going along with them.

12 As they came near the gate of the town, they saw people carrying out the body of a widow's only son. Many people from the town were walking along with her.

13 When the Lord saw the woman, he felt sorry for her and said, “Don't cry!”
14 Jesus went over and touched the stretcher on which the people were carrying the dead boy. They stopped, and Jesus said, “Young man, get up!”

15 The boy sat up and began to speak. Jesus then gave him back to his mother.

16 Everyone was frightened and praised God. They said, “A great prophet is here with us! God has come to his people.”

17 News about Jesus spread all over Judea and everywhere else in that part of the country.

John the Baptist

(Matthew 11.1-19)


18-19 John's followers told John everything that was being said about Jesus. So he sent two of them to ask the Lord, “Are you the one we should be looking for? Or must we wait for someone else?”

20 When these messengers came to Jesus, they said, “John the Baptist sent us to ask, ‘Are you the one we should be looking for? Or are we supposed to wait for someone else?’ ”
21 At that time Jesus was healing many people who were sick or in pain or were troubled by evil spirits, and he was giving sight to a lot of blind people. 22 t Jesus said to the messengers sent by John, “Go and tell John what you have seen and heard. Blind people are now able to see, and the lame can walk. People who have leprosyt are being healed, and the deaf can now hear. The dead are raised to life, and the poor are hearing the good news.

23 God will bless everyone who doesn't reject me because of what I do.”

24 After John's messengers had gone, Jesus began speaking to the crowds about John:
What kind of person did you go out to the desert to see? Was he like tall grass blown about by the wind?
25 What kind of man did you really go out to see? Was he someone dressed in fine clothes? People who wear expensive clothes and live in luxury are in the king's palace. 26 What then did you go out to see? Was he a prophet? He certainly was! I tell you that he was more than a prophet. 27 t In the Scriptures, God calls John his messenger and says, “I am sending my messenger ahead of you to get things ready for you.”

28 No one ever born on this earth is greater than John. But whoever is least important in God's kingdom is greater than John.
29  t Everyone had been listening to John. Even the tax collectorst had obeyed God and had done what was right by letting John baptize them.

30 But the Pharisees and the experts in the Law of Moses refused to obey God and be baptized by John.

31 Jesus went on to say:
What are you people like? What kind of people are you?

32 You are like children sitting in the market and shouting to each other,
“We played the flute,
but you would not dance!
We sang a funeral song,
but you would not cry!”
33 John the Baptist did not go around eating and drinking, and you said, “John has a demon in him!” 34 But because the Son of Man goes around eating and drinking, you say, “Jesus eats and drinks too much! He is even a friend of tax collectors and sinners.”

35 Yet Wisdom is shown to be right by what its followers do.

Simon the Pharisee


36 A Pharisee invited Jesus to have dinner with him. So Jesus went to the Pharisee's home and got ready to eat.t
37  t When a sinful woman in that town found out that Jesus was there, she bought an expensive bottle of perfume.

38 Then she came and stood behind Jesus. She cried and started washing his feet with her tears and drying them with her hair. The woman kissed his feet and poured the perfume on them.

39 The Pharisee who had invited Jesus saw this and said to himself, “If this man really were a prophet, he would know what kind of woman is touching him! He would know that she is a sinner.”

40 Jesus said to the Pharisee, “Simon, I have something to say to you.”
“Teacher, what is it?” Simon replied.
41 Jesus told him, “Two people were in debt to a moneylender. One of them owed him 500 silver coins, and the other owed him 50.

42 Since neither of them could pay him back, the moneylender said that they didn't have to pay him anything. Which one of them will like him more?”

43 Simon answered, “I suppose it would be the one who had owed more and didn't have to pay it back.”
“You are right,” Jesus said.
44 He turned toward the woman and said to Simon, “Have you noticed this woman? When I came into your home, you didn't give me any water so I could wash my feet. But she has washed my feet with her tears and dried them with her hair. 45 You didn't greet me with a kiss, but from the time I came in, she has not stopped kissing my feet. 46 You didn't even pour olive oil on my head, t but she has poured expensive perfume on my feet.

47 So I tell you that all her sins are forgiven, and that is why she has shown great love. But anyone who has been forgiven for only a little will show only a little love.”

48 Then Jesus said to the woman, “Your sins are forgiven.”

49 Some other guests started saying to one another, “Who is this who dares to forgive sins?”
50 But Jesus told the woman, “Because of your faith, you are now saved.t May God give you peace!”