Marcos 10
Ang Katuruan ni Jesus Laban sa Pagpapalayas at Paghiwalay sa Asawa
(Mt. 19:1-12; Lu. 16:18)
1 Pag-alis doon, si Jesus ay nagpunta sa lupain ng Judea at tumawid sa ibayo ng Ilog Jordan. Muling dumagsa ang maraming tao at tulad ng dati, sila'y kanyang tinuruan.
2 May ilang Pariseong gustong subukin si Jesus; kaya't lumapit sila at nagtanong, “Naaayon po ba sa Kautusan na palayasin at hiwalayan ng lalaki ang kanyang asawa?”
3 Sumagot siya, “Ano ba ang utos ni Moises sa inyo?”
4 Sumagott naman sila, “Ipinahintulot po ni Moises na ang lalaki ay gumawa ng kasulatan ng paghihiwalay bago niya palayasin at hiwalayan ang kanyang asawa.”
5 Ngunit sinabi ni Jesus, “Ginawa ni Moises ang utos na iyon dahil sa katigasan ng inyong ulo. 6 Subalitt simula pa nang likhain ng Diyos ang sanlibutan, nilalang na niya ang tao na lalaki at babae. 7 ‘Dahilt dito'y iiwan ng lalaki ang kanyang ama at ina, magsasama sila ng kanyang asawat 8 at ang dalawa'y magiging isa.’ Hindi na sila dalawa kundi isa.
9 Ang pinagsama ng Diyos ay huwag paghiwalayin ng sinuman.”
10 Pagdating sa bahay, ang mga alagad naman ang nagtanong kay Jesus tungkol sa bagay na ito. 11 Sinabit niya sa kanila, “Kapag pinalayas at hiniwalayan ng isang lalaki ang kanyang asawa at mag-asawa ng iba, siya ay nagkakasala ng pangangalunya sa kanyang asawa.
12 Gayon din naman, ang babaing magpalayas at humiwalay sa kanyang asawa, at mag-asawa ng iba ay nagkakasala rin ng pangangalunya.”Binasbasan ni Jesus ang Maliliit na Bata
(Mt. 19:13-15; Lu. 18:15-17)
13 May mga taong nagdala ng mga bata kay Jesus upang hilinging ipatong niya sa mga ito ang kanyang kamay, ngunit pinagalitan sila ng mga alagad. 14 Nagalit si Jesus nang makita ito at sinabi sa kanila, “Hayaan ninyong lumapit sa akin ang mga bata, at huwag ninyo silang pagbawalan, sapagkat ang mga katulad nila ang mapapabilang sa kaharian ng Diyos. 15 Tandaant ninyo: ang sinumang hindi kumikilala sa paghahari ng Diyos, tulad sa pagkilala ng isang maliit na bata, ay hinding-hindi paghaharian ng Diyos.”
16 Kinalong ni Jesus ang mga bata, ipinatong ang kanyang mga kamay sa kanila at binasbasan sila.Ang Lalaking Mayaman
(Mt. 19:16-30; Lu. 18:18-30)
17 Nang siya'y paalis na, may isang lalaking patakbong lumapit kay Jesus, lumuhod sa harapan niya at nagtanong, “Mabuting Guro, ano po ba ang dapat kong gawin upang makamtan ko ang buhay na walang hanggan?”
18 Sumagot si Jesus, “Bakit mo ako tinatawag na mabuti? Walang mabuti kundi ang Diyos lamang.
19 Alamt mo ang mga utos ng Diyos, ‘Huwag kang papatay; huwag kang mangangalunya; huwag kang magnanakaw; huwag kang sasaksi nang walang katotohanan; huwag kang mandaraya; igalang mo ang iyong ama at ina.’ ”
20 Sumagot ang lalaki, “Guro, mula pa po sa aking pagkabata ay tinutupad ko na ang mga iyan.”
21 Magiliw siyang tiningnan ni Jesus at sinabi, “May isang bagay pa na dapat mong gawin. Ipagbili mo ang iyong mga ari-arian at ibigay mo sa mga mahihirap ang pinagbilhan, at magkakaroon ka ng kayamanan sa langit. Pagkatapos, bumalik ka at sumunod ka sa akin.”
22 Nang marinig ito ng lalaki, siya'y nanlumo at malungkot na umalis sapagkat siya'y lubhang napakayaman.
23 Pinagmasdan ni Jesus ang mga nasa paligid niya at sinabi sa mga alagad, “Tunay ngang napakahirap para sa mayayaman ang makapasok sa kaharian ng Diyos!” 24 Nagtaka ang mga alagad sa sinabi niyang ito. Ngunit muling sinabi ni Jesus, “Mga anak, talagang napakahirapt makapasok sa kaharian ng Diyos!
25 Mas madali pang dumaan ang kamelyo sa butas ng karayom kaysa isang mayaman na mapabilang sa kaharian ng Diyos.”
26 Lalong nagtaka ang mga alagad, kaya't nagtanong sila, “Kung gayon, sino pa kaya ang maliligtas?”
27 Tiningnan sila ni Jesus at sinabi sa kanila, “Hindi ito kayang gawin ng tao, ngunit hindi ito imposible sa Diyos. Sapagkat ang lahat ng bagay ay kayang gawin ng Diyos.”
28 At nagsalita si Pedro, “Tingnan po ninyo, iniwan na namin ang lahat at kami'y sumunod sa inyo.”
29 Sumagot si Jesus, “Tandaan ninyo: ang sinumang nag-iwan ng kanyang tahanan, o mga kapatid, mga magulang, mga anak, mga lupain, dahil sa akin at sa Magandang Balita, 30 ay tatanggap sa buhay na ito ng isandaang ulit pa ng mga iyon; mga bahay, mga kapatid, mga ina, mga anak, at mga lupain, ngunit may kalakip na pag-uusig. At sa panahong darating, magtatamo siya ng buhay na walang hanggan.
31 Ngunitt maraming nauuna na mahuhuli, at maraming nahuhuli ang mauuna.”Ang Ikatlong Pagbanggit Tungkol sa Kamatayan at Muling Pagkabuhay ni Jesus
(Mt. 20:17-19; Lu. 18:31-34)
32 Nasa daan sila papuntang Jerusalem. Nauuna sa kanila si Jesus; nangangamba ang mga alagad at natatakot naman ang mga taong sumusunod sa kanya. Muling ibinukod ni Jesus ang Labindalawa at sinabi sa kanila ang mangyayari sa kanya. 33 Sabi niya, “Papunta tayo ngayon sa Jerusalem kung saan ang Anak ng Tao'y ipagkakanulo sa mga punong pari at sa mga tagapagturo ng Kautusan. Siya'y hahatulan nila ng kamatayan at ibibigay sa mga Hentil.
34 Siya ay kanilang hahamakin, duduraan, hahagupitin, at papatayin. Ngunit pagkaraan ng tatlong araw, siya'y muling mabubuhay.”Ang Pagiging Dakila
(Mt. 20:20-28)
35 Lumapit kay Jesus ang mga anak ni Zebedeo na sina Santiago at Juan. Sinabi nila, “Guro, may hihilingin po sana kami sa inyo.”
36 “Ano ang maipaglilingkod ko sa inyo?” tanong ni Jesus.
37 Sumagot sila, “Sana po ay makaupo kaming katabi ninyo sa inyong kaharian, isa sa kanan at isa sa kaliwa.”
38 Ngunitt sabi ni Jesus sa kanila, “Hindi ninyo nalalaman ang inyong hinihingi. Maiinuman ba ninyo ang kopa na aking iinuman? Makakaya ba ninyo ang bautismong ibabautismo sa akin?”
39 “Opo,” tugon nila.
Sinabi ni Jesus, “Ang kopang aking iinuman ay iinuman nga ninyo, at babautismuhan nga kayo sa bautismong tatanggapin ko.
40 Ngunit hindi ako ang magpapasya kung sino ang mauupo sa aking kanan at sa aking kaliwa. Ang mga karangalang iyan ay para sa mga pinaglaanan.”
41 Nang malaman ito ng sampung alagad, nagalit sila sa magkapatid. 42 Kaya'tt pinalapit sila ni Jesus at sinabi, “Alam ninyo na ang mga itinuturing na pinuno ng mga Hentil ang siyang namumuno sa kanila, at ang mga dinadakila ang siyang nasusunod. 43 Ngunitt hindi ganyan ang dapat umiral sa inyo. Sa halip, ang sinuman sa inyo na nais maging dakila ay dapat maging lingkod ninyo, 44 at ang sinumang nais maging pinuno ay dapat maging alipin ng lahat.
45 Sapagkat ang Anak ng Tao ay naparito hindi upang paglingkuran kundi upang maglingkod at upang mag-alay ng kanyang buhay para sa ikatutubos ng marami.”Pinagaling si Bartimeo
(Mt. 20:29-34; Lu. 18:35-43)
46 Dumating sina Jesus sa Jerico. Nang papaalis na siya sa Jerico kasama ang kanyang mga alagad at marami pang iba, may nadaanan silang isang bulag na nakaupo sa tabi ng daan at namamalimos. Siya'y si Bartimeo na anak ni Timeo.
47 Nang marinig ng bulag na ang nagdaraan ay si Jesus na taga-Nazaret, sumigaw siya nang sumigaw, “Jesus, Anak ni David, mahabag po kayo sa akin!”
48 Pinagsabihan siya ng mga taong naroroon upang tumahimik, ngunit lalo pa siyang nagsisigaw, “Anak ni David, mahabag po kayo sa akin!”
49 Tumigil si Jesus at kanyang sinabi, “Dalhin ninyo siya rito.”
At tinawag nga nila ang bulag. “Lakasan mo ang iyong loob. Tumayo ka. Ipinapatawag ka ni Jesus,” sabi nila.
50 Inihagis niya ang kanyang balabal, paluksong tumayo at lumapit kay Jesus.
51 “Ano ang gusto mong gawin ko para sa iyo?” tanong sa kanya ni Jesus.
Sumagot ang bulag, “Guro, gusto ko pong makakitang muli.”
52 Sinabi ni Jesus, “Kung gayon, magaling ka na dahil sa iyong pananampalataya.”
Noon di'y nakakita siyang muli, at sumunod kay Jesus.
MARK 10
Teaching about Divorce
(Matthew 19.1-12; Luke 16.18)
1 After Jesus left, he went to Judea and then on to the other side of the Jordan River. Once again large crowds came to him, and as usual, he taught them.
2 Some Pharisees wanted to test Jesus. So they came up to him and asked if it was right for a man to divorce his wife.
3 Jesus asked them, “What does the Law of Moses say about this?”
4 t They answered, “Moses allows a man to write out divorce papers and send his wife away.”
5 Jesus replied, “Moses gave you this law because you are so heartless. 6 t But in the beginning God made a man and a woman. 7 t That's why a man leaves his father and mother and gets married. 8 He becomes like one person with his wife. Then they are no longer two people, but one.
9 And no one should separate a couple that God has joined together.”
10 When Jesus and his disciples were back in the house, they asked him about what he had said. 11 t He told them, “A man who divorces his wife and marries someone else is unfaithful to his wife.
12 A woman who divorces her husbandt and marries again is also unfaithful.”Jesus Blesses Little Children
(Matthew 19.13-15; Luke 18.15-17)
13 Some people brought their children to Jesus so he could bless them by placing his hands on them. But his disciples told the people to stop bothering him.
14 When Jesus saw this, he became angry and said, “Let the children come to me! Don't try to stop them. People who are like these little children belong to the kingdom of God.t 15 t I promise you that you cannot get into God's kingdom, unless you accept it the way a child does.”
16 Then Jesus took the children in his arms and blessed them by placing his hands on them.A Rich Man
(Matthew 19.16-30; Luke 18.18-30)
17 As Jesus was walking down a road, a man ran up to him. He knelt down, and asked, “Good teacher, what can I do to have eternal life?”
18 Jesus replied, “Why do you call me good? Only God is good.
19 t You know the commandments. ‘Do not murder. Be faithful in marriage. Do not steal. Do not tell lies about others. Do not cheat. Respect your father and mother.’ ”
20 The man answered, “Teacher, I have obeyed all these commandments since I was a young man.”
21 Jesus looked closely at the man. He liked him and said, “There's one thing you still need to do. Go sell everything you own. Give the money to the poor, and you will have riches in heaven. Then come with me.”
22 When the man heard Jesus say this, he went away gloomy and sad because he was very rich.
23 Jesus looked around and said to his disciples, “It's hard for rich people to get into God's kingdom!” 24 The disciples were shocked to hear this. So Jesus told them again, “It's terribly hardt to get into God's kingdom!
25 In fact, it's easier for a camel to go through the eye of a needle than for a rich person to get into God's kingdom.”
26 Jesus' disciples were even more amazed. They asked each other, “How can anyone ever be saved?”
27 Jesus looked at them and said, “There are some things that people cannot do, but God can do anything.”
28 Peter replied, “Remember, we left everything to be your followers!”
29 Jesus told him:
You can be sure that anyone who gives up home or brothers or sisters or mother or father or children or land for me and for the good news 30 will be rewarded. In this world they will be given 100 times as many houses and brothers and sisters and mothers and children and pieces of land, though they will also be mistreated. And in the world to come, they will have eternal life.
31 t But many who are now first will be last, and many who are now last will be first.Jesus Again //Tells about His Death
(Matthew 20.17-19; Luke 18.31-34)
32 The disciples were confused as Jesus led them toward Jerusalem, and his other followers were afraid. Once again, Jesus took the twelve disciples aside and told them what was going to happen to him. He said:
33 We are now on our way to Jerusalem where the Son of Man will be handed over to the chief priests and the teachers of the Law of Moses. They will sentence him to death and hand him over to foreigners, t
34 who will make fun of him and spit on him. They will beat him and kill him. But three days later he will rise to life.The Request of James //and John
(Matthew 20.20-28)
35 James and John, the sons of Zebedee, came up to Jesus and asked, “Teacher, will you do us a favor?”
36 Jesus asked them what they wanted,
37 and they answered, “When you come into your glory, please let one of us sit at your right side and the other at your left.”t
38 t Jesus told them, “You don't really know what you're asking! Are you able to drink from the cupt that I must soon drink from or be baptized as I must be baptized?”t
39 “Yes, we are!” James and John answered.
Then Jesus replied, “You certainly will drink from the cup from which I must drink. And you will be baptized just as I must!
40 But it isn't for me to say who will sit at my right side and at my left. This is for God to decide.”
41 When the ten other disciples heard this, they were angry with James and John.
42 t But Jesus called the disciples together and said:
You know that those foreigners who call themselves kings like to order their people around. And their great leaders have full power over the people they rule. 43 t But don't act like them. If you want to be great, you must be the servant of all the others. 44 And if you want to be first, you must be everyone's slave.
45 t The Son of Man did not come to be a slave master, but a slave who will give his life to rescuet many people.Jesus Heals Blind Bartimaeus
(Matthew 20.29-34; Luke 18.35-43)
46 Jesus and his disciples went to Jericho. And as they were leaving, they were followed by a large crowd. A blind beggar by the name of Bartimaeus son of Timaeus was sitting beside the road. 47 When he heard that it was Jesus from Nazareth, he shouted, “Jesus, Son of David, t have pity on me!”
48 Many people told the man to stop, but he shouted even louder, “Son of David, have pity on me!”
49 Jesus stopped and said, “Call him over!”
They called out to the blind man and said, “Don't be afraid! Come on! He is calling for you.”
50 The man threw off his coat as he jumped up and ran to Jesus.
51 Jesus asked, “What do you want me to do for you?”
The blind man answered, “Master, t I want to see!”
52 Jesus told him, “You may go. Your eyes are healed because of your faith.”
At once the man could see, and he went down the road with Jesus.