Marcos 16
Ang Muling Pagkabuhay ni Jesus
(Mt. 28:1-8; Lu. 24:1-12; Jn. 20:1-10)
1 Pagkaraan ng Araw ng Pamamahinga, si Maria Magdalena, si Maria na ina ni Santiago at si Salome ay bumili ng pabango upang sila ay magpunta sa libingan at lagyan ng pabango ang bangkay ni Jesus. 2 Kinaumagahan ng Linggo, sa pagsikat ng araw, sila'y nagpunta sa libingan. 3 Ngunit sila ay nagtatanungan sa isa't isa, “Sino kaya ang maaari nating mapakiusapang maggulong ng batong nakatakip sa pintuan ng libingan?” 4 Nasabi nila iyon dahil napakalaki ng bato. Ngunit nang matanaw nila ito, nakita nilang naigulong na ang bato.
5 At pagpasok nila sa libingan, may nakita silang isang binatang nakasuot ng mahaba at maputing damit, at nakaupo sa gawing kanan. Kaya't sila'y nagtaka.
6 Ngunit sinabi nito sa kanila, “Huwag kayong matakot. Hinahanap ninyo si Jesus na taga-Nazaret na ipinako sa krus. Wala na siya rito; siya'y muling binuhay ng Diyos! Tingnan ninyo ang pinaglagyan sa kanya.
7 Bumalikt kayo at sabihin ninyo sa kanyang mga alagad at kay Pedro, ‘Mauuna siya sa inyo sa Galilea. Makikita ninyo siya roon, gaya ng sinabi niya sa inyo.’ ”
8 Lumabas sila ng libingan at patakbong umalis na nanginginig at litung-lito. At dahil sa matinding takot, wala silang sinabi kaninuman.ANG MAHABANG PAGWAWAKAS NG MAGANDANG BALITA AYON KAY MARCOS
Nagpakita si Jesus kay Maria Magdalena
(Mt. 28:9-10; Jn. 20:11-18)
[ 9 Maagang-maaga ng unang araw ng linggo, matapos na siya'y muling mabuhay, si Jesus ay unang nagpakita kay Maria Magdalena. Pitong demonyo ang pinalayas ni Jesus mula sa babaing ito. 10 Nagpunta si Maria Magdalena sa mga tagasunod ni Jesus upang ibalita sa mga ito ang kanyang nakita. Sila noon ay kasalukuyang nagluluksa at nalulungkot.
11 Ngunit ayaw nilang maniwala nang sabihin ni Maria na si Jesus ay buháy at nagpakita sa kanya.Nagpakita si Jesus sa Dalawang Alagad
(Lu. 24:13-35)
12 Pagkatapos, nagpakita rin si Jesus sa dalawang alagad na naglalakad papuntang bukid, subalit iba ang kanyang anyo noon.
13 Bumalik agad sila at ibinalita sa kanilang mga kasamahan ang nangyari, ngunit ayaw din silang paniwalaan ng mga ito.Pinagalitan ni Jesus ang Labing-isa
(Mt. 28:16-20; Lu. 24:36-49; Jn. 20:19-23; Gw. 1:6-8)
14 Pagkatapos, nagpakita si Jesus sa labing-isang alagad habang kumakain ang mga ito. Sila ay pinagalitan niya dahil sa hindi nila pananalig sa kanya at dahil sa katigasan ng kanilang ulo, dahil ayaw nilang maniwala sa mga nakakita sa kanya pagkatapos na siya'y muling mabuhay.
15 Att sinabi ni Jesus sa kanila, “Habang kayo'y humahayo sa buong mundo, ay ipangaral ninyo sa lahat ng tao ang Magandang Balita. 16 Ang sinumang sumampalataya at mabautismuhan ay maliligtas, ngunit ang ayaw sumampalataya ay paparusahan. 17 Ang mga sumasampalataya ay bibigyan ng kapangyarihang gumawa ng mga himala: sa pangalan ko'y magpapalayas sila ng mga demonyo at magsasalita ng iba't ibang wika.
18 Hindi sila maaano kahit dumampot sila ng ahas o uminom ng lason; at gagaling ang mga maysakit na papatungan nila ng kamay.”Ang Pag-akyat kay Jesus sa Langit
(Lu. 24:50-53; Gw. 1:9-11)
19 Pagkatapost niyang magsalita sa kanila, ang Panginoong Jesus ay iniakyat sa langit at umupo sa kanan ng Diyos.
20 Sumunod nga at nangaral ang mga alagad sa lahat ng dako. Tinulungan sila ng Panginoon sa gawaing ito. Pinatunayan niyang totoo ang kanilang ipinapangaral sa pamamagitan ng mga himala na ipinagkaloob niya sa kanila.]ANG MAIKLING PAGWAWAKAS NG MAGANDANG BALITA AYON KAY MARCOS
[9 Pumunta ang mga babae kay Pedro at sa mga kasama niya, at isinalaysay ang lahat ng sinabi ng binatang nasa libingan. Pagkatapos, isinugo ni Jesus ang kanyang mga alagad upang ipangaral sa lahat ng dako ng daigdig ang banal at di lilipas na balita ng walang hanggang kaligtasan.]
MARK 16
Jesus Is Alive
(Matthew 28.1-8; Luke 24.1-12; John 20.1-10)
1 After the Sabbath, Mary Magdalene, Salome, and Mary the mother of James bought some spices to put on Jesus' body. 2 Very early on Sunday morning, just as the sun was coming up, they went to the tomb. 3 On their way, they were asking one another, “Who will roll the stone away from the entrance for us?”
4 But when they looked, they saw that the stone had already been rolled away. And it was a huge stone!
5 The women went into the tomb, and on the right side they saw a young man in a white robe sitting there. They were alarmed.
6 The man said, “Don't be alarmed! You are looking for Jesus from Nazareth, who was nailed to a cross. God has raised him to life, and he isn't here. You can see the place where they put his body.
7 t Now go and tell his disciples, and especially Peter, that he will go ahead of you to Galilee. You will see him there, just as he told you.”
8 When the women ran from the tomb, they were confused and shaking all over. They were too afraid to tell anyone what had happened.ONE OLD ENDING TO MARK'S GOSPEL
Jesus Appears to Mary Magdalene
(Matthew 28.9,10; John 20.11-18)
9 Very early on the first day of the week, after Jesus had risen to life, he appeared to Mary Magdalene. Earlier he had forced seven demons out of her. 10 She left and told his friends, who were crying and mourning.
11 Even though they heard that Jesus was alive and that Mary had seen him, they still would not believe it.Jesus Appears to Two Disciples
(Luke 24.13-35)
12 Later, Jesus appeared in another form to two disciples, as they were on their way out of the city.
13 But when these disciples told what had happened, the others would not believe either.What Jesus' Followers Must Do
(Matthew 28.16-20; Luke 24.36-49; John 20.19-23; Acts 1.6-8)
14 Afterwards, Jesus appeared to his eleven disciples as they were eating. He scolded them because they were too stubborn to believe the ones who had seen him after he had been raised to life.
15 t Then he told them:
Go and preach the good news to everyone in the world. 16 Anyone who believes me and is baptized will be saved. But anyone who refuses to believe me will be condemned. 17 Everyone who believes me will be able to do wonderful things. By using my name they will force out demons, and they will speak new languages.
18 They will handle snakes and will drink poison and not be hurt. They will also heal sick people by placing their hands on them.Jesus Returns to Heaven
(Luke 24.50-53; Acts 1.9-11)
19 t After the Lord Jesus had said these things to the disciples, he was taken back up to heaven where he sat down at the right sidet of God.
20 Then the disciples left and preached everywhere. The Lord was with them, and the miracles they worked proved that their message was true.ANOTHER OLD ENDING TO MARK'S GOSPEL
9-10 The women quickly told Peter and his friends what had happened. Later, Jesus sent the disciples to the east and to the west with his sacred and everlasting message of how people can be saved forever.