Marcos 3
Pinagaling ang Lalaking Paralisado ang Isang Kamay
(Mt. 12:9-14; Lu. 6:6-11)
1 Muling pumasok si Jesus sa sinagoga. Naratnan niya roon ang isang lalaking paralisado ang isang kamay. 2 May ilang taong naroroon at inaabangan kung pagagalingin ni Jesus ang lalaking iyon sa Araw ng Pamamahinga, upang may maiparatang sila laban sa kanya. 3 Tinawag ni Jesus ang lalaking paralisado ang kamay, “Halika rito!”
4 Pagkatapos, tinanong naman niya ang mga tao, “Alin ba ang naaayon sa Kautusan, ang gumawa ng mabuti, o ang gumawa ng masama sa Araw ng Pamamahinga? Ang magligtas ng buhay, o ang pumatay?”
Ngunit sila'y hindi sumagot. 5 Tiningnan ni Jesus ang mga taong nakapaligid sa kanya. Galit at lungkot ang naramdaman niya dahil sa katigasan ng kanilang mga puso. Pagkatapos, sinabi niya sa maysakit, “Iunat mo ang iyong kamay.” Iniunat naman ng lalaki ang kanyang kamay at ito'y gumaling.
6 Umalis ang mga Pariseo at agad nakipagsabwatan sa mga tagasunod ni Herodes upang maipapatay si Jesus.Ang Napakaraming Tao sa Tabi ng Lawa
7 Umalis si Jesus at ang kanyang mga alagad at sila'y nagpunta sa tabi ng lawa. Sinundan siya roon ng napakaraming taong buhat sa Galilea, sa Judea, 8 sa Jerusalem, sa Idumea, sa ibayo ng Jordan, at sa palibot ng Tiro at Sidon. Sumunod sila kay Jesus dahil nabalitaan nila ang lahat ng ginagawa niya. 9 Dahilt napakarami ng mga tao, inutusan ni Jesus ang kanyang mga alagad na maghanda ng isang bangkang masasakyan niya upang hindi siya maipit ng mga taong dumaragsa. 10 Sapagkat marami na siyang pinagaling, dinudumog siya ng lahat ng maysakit upang mahawakan man lamang siya. 11 Bawat taong sinasapian ng masamang espiritu na makakita sa kanya ay nagpapatirapa sa harapan niya at sumisigaw, “Ikaw ang Anak ng Diyos!”
12 Ngunit mahigpit silang inutusan ni Jesus na huwag ipagsabi kung sino siya.Ang Pagpili ni Jesus sa Labindalawang Apostol
(Mt. 10:1-4; Lu. 6:12-16)
13 Pagkatapos nito, umakyat si Jesus sa bundok kasama ang mga taong pinili niya at sumunod sa kanya. 14 Buhat sa mga taong iyon ay pumili siya ng labindalawa na tinawag niyang mga apostol.t Hinirang niya ang mga ito upang maging kasa-kasama niya at upang suguing mangaral. 15 Sila ay binigyan din niya ng kapangyarihang magpalayas ng mga demonyo. 16 Ito ang labindalawang hinirang niya:t si Simon, na pinangalanan niyang Pedro; 17 sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo, sila'y tinawag din niyang Boanerges, na ang kahulugan ay “mga anak ng kulog”; 18 sina Andres, Felipe, Bartolome, Mateo, Tomas, Santiago na anak ni Alfeo, si Tadeo, si Simon na Makabayan,
19 at si Judas Iscariote na siyang nagkanulo kay Jesus.Si Jesus at si Beelzebul
(Mt. 12:22-32; Lu. 11:14-23; 12:10)
20 Pag-uwi ni Jesus, muling nagkatipon doon ang napakaraming tao kaya't hindi na sila nagkaroon ng pagkakataong kumain pa.
21 Nang mabalitaan iyon ng kanyang mga kasambahay, sila'y pumaroon upang sawayin siyat dahil sinasabi ng mga tao na siya'y nasisiraan ng bait.
22 Sinasabit naman ng mga tagapagturo ng Kautusan na galing sa Jerusalem, “Sinasapian siya ni Beelzebul. Nakapagpapalayas siya ng demonyo sa pamamagitan ng kapangyarihan ng pinuno ng mga demonyo!”
23 Dahil dito, pinalapit ni Jesus ang mga tao at sinabi sa kanila ang ilang talinhaga. Sabi niya, “Paanong mapapalayas ni Satanas ang kanyang sarili? 24 Kapag naglaban-laban ang mga mamamayan ng isang kaharian, hindi magtatagal, mawawasak ang kahariang iyon. 25 Kapag naglaban-laban naman ang mga magkakasambahay, hindi rin magtatagal ang sambahayang iyon.
26 Gayundin naman, kapag naghimagsik si Satanas laban sa kanyang sarili at magkabaha-bahagi ang kanyang nasasakupan, hindi magtatagal at darating ang kanyang wakas.
27 “Subalit hindi maaaring pasukin at pagnakawan ang bahay ng isang taong malakas malibang gapusin muna siya. Kapag siya'y nakagapos na, saka pa lamang mapagnanakawan ang kanyang bahay. 28 Tandaan ninyo ito: maaaring patawarin ang tao sa lahat ng kanyang kasalanan at paglapastangan, 29 ngunitt ang sinumang lumapastangan sa Espiritu Santo ay walang kapatawaran, sapagkat ito ay walang hanggang kasalanan.”
30 Sinabi ito ni Jesus sapagkat sinasabi ng mga tao na siya'y sinasapian ng masamang espiritu.Ang Ina at mga Kapatid ni Jesus
(Mt. 12:46-50; Lu. 8:19-21)
31 Dumating ang ina at mga kapatid ni Jesus. Sila'y nasa labas ng bahay at ipinapatawag siya.
32 Nang oras na iyon ay maraming taong nakaupo sa palibot ni Jesus. May nagsabi sa kanya, “Nasa labas po at naghihintay ang inyong ina at mga kapatid.”
33 “Sino ang aking ina at mga kapatid?” tanong naman ni Jesus. 34 Tumingin siya sa mga nakaupo sa palibot at sinabi, “Sila ang aking ina at mga kapatid! 35 Sapagkat ang sinumang sumusunod sa kalooban ng Diyos ay siyang aking ina at mga kapatid.”
MARK 3
A Man with a Paralyzed Hand
(Matthew 12.9-14; Luke 6.6-11)
1 The next time Jesus went into the synagogue, a man with a paralyzed hand was there.
2 The Phariseest wanted to accuse Jesus of doing something wrong, and they kept watching to see if Jesus would heal him on the Sabbath.
3 Jesus told the man to stand up where everyone could see him.
4 Then he asked, “On the Sabbath should we do good deeds or evil deeds? Should we save someone's life or destroy it?” But no one said a word.
5 Jesus was angry as he looked around at the people. Yet he felt sorry for them because they were so stubborn. Then he told the man, “Stretch out your hand.” He did, and his bad hand was healed.
6 The Pharisees left. And at once they started making plans with Herod's followerst to kill Jesus.Large Crowds Come to Jesus
7 Jesus led his disciples down to the shore of the lake. Large crowds followed him from Galilee, Judea, 8 and Jerusalem. People came from Idumea, as well as other places east of the Jordan River. They also came from the region around the towns of Tyre and Sidon. All of these crowds came because they had heard what Jesus was doing.
9 t He even had to tell his disciples to get a boat ready to keep him from being crushed by the crowds.
10 After Jesus had healed many people, the other sick people begged him to let them touch him. 11 And whenever any evil spirits saw Jesus, they would fall to the ground and shout, “You are the Son of God!”
12 But Jesus warned the spirits not to tell who he was.Jesus Chooses //His Twelve Apostles
(Matthew 10.1-4; Luke 6.12-16)
13 Jesus decided to ask some of his disciples to go up on a mountain with him, and they went. 14 Then he chose twelve of them to be his apostles, t so they could be with him. He also wanted to send them out to preach 15 and to force out demons. 16 Simon was one of the twelve, and Jesus named him Peter. 17 There were also James and John, the two sons of Zebedee. Jesus called them Boanerges, which means “Thunderbolts.” 18 Andrew, Philip, Bartholomew, Matthew, Thomas, James son of Alphaeus, and Thaddaeus were also apostles. The others were Simon, known as the Eager One, t
19 and Judas Iscariot, t who later betrayed Jesus.Jesus and the Ruler //of Demons
(Matthew 12.22-32; Luke 11.14-23; 12.10)
20 Jesus went back home, t and once again such a large crowd gathered that there was no chance even to eat.
21 When Jesus' family heard what he was doing, they thought he was crazy and went to get him under control.
22 t Some teachers of the Law of Moses came from Jerusalem and said, “This man is under the power of Beelzebul, the ruler of demons! He is even forcing out demons with the help of Beelzebul.”
23 Jesus told the people to gather around him. Then he spoke to them in riddles and said:
How can Satan force himself out? 24 A nation whose people fight each other won't last very long. 25 And a family that fights won't last long either.
26 So if Satan fights against himself, that will be the end of him.
27 How can anyone break into the house of a strong man and steal his things, unless he first ties up the strong man? Then he can take everything.
28 I promise you that any of the sinful things you say or do can be forgiven, no matter how terrible those things are.
29 t But if you speak against the Holy Spirit, you can never be forgiven. That sin will be held against you forever.
30 Jesus said this because the people were saying that he had an evil spirit in him.Jesus' Mother and Brothers
(Matthew 12.46-50; Luke 8.19-21)
31 Jesus' mother and brothers came and stood outside. Then they sent someone with a message for him to come out to them.
32 The crowd sitting around Jesus told him, “Your mother and your brothers and sisterst are outside and want to see you.”
33 Jesus asked, “Who is my mother and who are my brothers?” 34 Then he looked at the people sitting around him and said, “Here are my mother and my brothers. 35 Anyone who obeys God is my brother or sister or mother.”