Marcos 4
Ang Talinhaga Tungkol sa Manghahasik
(Mt. 13:1-9; Lu. 8:4-8)
1 Mulingt nagturo si Jesus sa tabi ng Lawa ng Galilea. At dahil nagkatipon sa paligid niya ang napakaraming tao, siya'y sumakay at umupo sa isang bangkang nasa tubig. Nanatili naman ang karamihan sa may dalampasigan, 2 at sila'y tinuruan niya ng maraming bagay sa pamamagitan ng mga talinhaga. Ganito ang sinabi niya: 3 “Makinig kayo! May isang magsasakang lumabas upang maghasik ng binhi. 4 Sa kanyang paghahasik ay may mga binhing nalaglag sa daan. Dumating ang mga ibon at tinuka ang mga iyon. 5 May mga binhi namang nalaglag sa batuhan. Bagama't kaunti lamang ang lupa roon, agad sumibol ang mga binhing iyon. 6 Ngunit nang tumindi ang sikat ng araw, nalanta at natuyo ang mga binhing tumubo, palibhasa'y hindi ito masyadong nag-ugat. 7 May mga binhi namang nalaglag sa may damuhang matinik; nang lumago ang mga damo, sinakal nito ang mga binhing tumubo, kaya't hindi nakapamunga ang mga binhi. 8 At may mga binhi namang nalaglag sa matabang lupa. Ang mga ito ay tumubo, lumago, at namunga nang marami; may nagkabutil ng tigtatatlumpu, tig-aanimnapu, at tigsasandaan.”
9 Sinabi pa ni Jesus, “Makinig ang may pandinig.”Ang Layunin ng Talinhaga
(Mt. 13:10-17; Lu. 8:9-10)
10 Nang nag-iisa na si Jesus, ang ilan sa mga nakikinig ay lumapit sa kanya kasama ang Labindalawa. Hiniling nilang ipaliwanag niya ang talinhaga. 11 Sinabi niya, “Ipinagkaloob na sa inyo ang karapatang maunawaan ang hiwaga tungkol sa kaharian ng Diyos, ngunit sa iba, ang lahat ng bagay ay itinuturo sa pamamagitan ng talinhaga.
12 Nangt sa gayon,
‘Tumingin man sila nang tumingin ay hindi sila makakakita,
at makinig man sila nang makinig ay hindi makakaunawa.
Kung gayon, sana'y nagbalik-loob sila sa Diyos
at nagkamit sana sila ng kapatawaran.’”Paliwanag sa Talinhaga Tungkol sa Manghahasik
(Mt. 13:18-23; Lu. 8:11-15)
13 Pagkatapos, tinanong sila ni Jesus, “Hindi pa ba ninyo nauunawaan ang talinhagang ito? Paano ninyo mauunawaan ang iba pang mga talinhaga? 14 Ito ang kahulugan ng talinhaga: ang binhing inihahasik ay ang mensahe tungkol sa kaharian ng Diyos
15 at ang mga binhi namang nalaglag sa daan ay ang mga taong nakikinig sa mensahe ng Diyos. Pagkarinig nila'y dumating si Satanas at inalis ang mensaheng inihasik sa kanila.t
16 “Ang katulad ng mga binhing nalaglag sa batuhan ay ang mga taong nakikinig at malugod na tumatanggap sa mensahe ng Diyos.
17 Subalit ang mensahe ay hindi tumitimo sa kanilang puso kaya't hindi sila nananatili doon. Pagdating ng kapighatian o pag-uusig dahil sa mensahe ng Diyos, agad silang sumusuko.
18 “Ito naman ang kahulugan ng mga binhing nalaglag sa may damuhang matinik. May mga taong nakikinig ng mensahe ng Diyos
19 ngunit dahil sa alalahanin sa buhay na ito, pagkasilaw sa salapi, o kaya'y pagkahumaling sa ibang mga bagay, ang mensahe ay nawalan na ng puwang sa kanilang puso kaya't hindi ito nakapamunga.
20 “Ito naman ang kahulugan ng mga binhing nalaglag sa matabang lupa. May mga taong nakikinig at tumatanggap sa mensahe ng Diyos at namumunga nang masagana; may tigtatatlumpu, may tig-aanimnapu at may tigsasandaan.”Walang Lihim na Hindi Mabubunyag
(Lu. 8:16-18)
21 Nagpatuloyt si Jesus ng pagsasalita. Sinabi niya, “Sinisindihan ba ang ilawan upang itago sa isang malaking takalan,t o kaya'y sa ilalim ng higaan? Hindi ba't kapag nasindihan na ay inilalagay ito sa talagang patungan ng ilaw? 22 Walangt natatagong di malalantad, at walang lihim na di mabubunyag.
23 Makinig ang may pandinig!”
24 Idinugtongt pa niya, “Unawain ninyong mabuti ang inyong naririnig.t Ang panukat na ginagamit ninyo sa iba ay siya ring gagamiting panukat sa inyo, at higit pa roon.
25 Sapagkatt ang mayroon ay bibigyan pa, ngunit ang wala, kahit ang kakaunting nasa kanya ay kukunin pa.”Ang Talinhaga ng Binhing Tumutubo
26 Sinabi pa ni Jesus, “Ang kaharian ng Diyos ay maitutulad sa isang taong naghasik ng binhi sa kanyang bukid. 27 Natutulog siya kung gabi at bumabangon kung araw. Samantala, ang binhi ay tumutubo at lumalago ngunit hindi alam ng naghasik kung paano. 28 Ang lupa ang nagpapasibol at nagpapabunga sa mga pananim; usbong muna ang lumilitaw, saka ang tangkay; pagkatapos, nahihitik ito sa butil.
29 Kapagt hinog na ang mga butil, agad niya itong ipagagapas sapagkat panahon na para ito'y anihin.”Ang Talinhaga ng Butil ng Mustasa
(Mt. 13:31-32, 34; Lu. 13:18-19)
30 “Saan pa natin maihahambing ang kaharian ng Diyos? Anong talinhaga ang gagamitin natin upang mailarawan ito?” tanong ni Jesus. 31 “Ang katulad nito ay butil ng mustasa na siyang pinakamaliit sa lahat ng binhi.
32 Ngunit kapag itinanim, ito'y lumalago at nagiging pinakamalaki sa lahat ng tanim; ito'y nagkakasanga nang mayabong, kaya't ang mga ibon ay nakakapamugad sa lilim nito.”Ang Paggamit ng mga Talinhaga
33 Ipinangaral ni Jesus sa kanila ang mensahe sa pamamagitan ng maraming talinhagang tulad ng mga ito, ayon sa abot ng kanilang pang-unawa.
34 Hindi siya nangaral sa kanila nang hindi gumagamit ng talinhaga; ngunit ipinapaliwanag niya ang mga ito sa kanyang mga alagad kapag sila-sila na lamang.Pinatigil ni Jesus ang Bagyo
(Mt. 8:23-27; Lu. 8:22-25)
35 Kinagabiha'y sinabi ni Jesus sa mga alagad, “Tumawid tayo sa ibayo.” 36 Kaya't iniwan nila ang mga tao at sumakay sila sa bangkang sinasakyan ni Jesus upang tumawid ng lawa. May iba pang mga bangkang nakisabay sa kanila. 37 Habang naglalayag, inabot sila ng malakas na bagyo kaya't ang bangkang sinasakyan nila'y hinampas ng malalaking alon at ito'y halos mapuno na ng tubig.
38 Si Jesus ay natutulog noon sa may hulihan ng bangka, nakahilig sa isang unan. Ginising siya ng mga alagad at sinabi, “Guro, bale-wala ba sa inyo kung mapahamak kami?”
39 Bumangon si Jesus at iniutos sa hangin, “Tigil!” at sinabi sa alon, “Tumahimik ka!” Tumigil nga ang hangin at tumahimik ang lawa.
40 Pagkatapos, sinabi niya sa mga alagad, “Bakit kayo natatakot? Hanggang ngayon ba'y wala pa rin kayong pananampalataya?”
41 Natakot sila nang labis at namangha. Sabi nila sa isa't isa, “Anong klaseng tao ito? Pati hangin at lawa ay sumusunod sa inuutos niya!”
MARK 4
A Story about a Farmer
(Matthew 13.1-9; Luke 8.4-8)
1 t The next time Jesus taught beside Lake Galilee, a big crowd gathered. It was so large that he had to sit in a boat out on the lake, while the people stood on the shore.
2 He used stories to teach them many things, and this is part of what he taught:
3 Now listen! A farmer went out to scatter seed in a field. 4 While the farmer was scattering the seed, some of it fell along the road and was eaten by birds. 5 Other seeds fell on thin, rocky ground and quickly started growing because the soil wasn't very deep. 6 But when the sun came up, the plants were scorched and dried up, because they did not have deep roots. 7 Some other seeds fell where thornbushes grew up and choked out the plants. So they did not produce any grain.
8 But a few seeds did fall on good ground where the plants grew and produced 30 or 60 or even 100 times as much as was scattered.
9 Then Jesus said, “If you have ears, pay attention.”Why Jesus Used Stories
(Matthew 13.10-17; Luke 8.9,10)
10 When Jesus was alone with the twelve apostles and some others, they asked him about these stories.
11 He answered:
I have explained the secret about God's kingdom to you, but for others I can use only stories.
12 t The reason is,
“These people will look
and look, but never see.
They will listen and listen,
but never understand.
If they did,
they would turn to God
and be forgiven.”Jesus Explains the Story //about the Farmer
(Matthew 13.18-23; Luke 8.11-15)
13 Jesus then told them:
If you don't understand this story, you won't understand any others. 14 What the farmer is spreading is really the message about the kingdom. 15 The seeds that fell along the road are the people who hear the message. But Satan soon comes and snatches it away from them. 16 The seeds that fell on rocky ground are the people who gladly hear the message and accept it at once.
17 But they don't have roots, and they don't last very long. As soon as life gets hard or the message gets them in trouble, they give up.
18 The seeds that fell among the thornbushes are also people who hear the message. 19 But they start worrying about the needs of this life. They are fooled by the desire to get rich and to have all kinds of other things. So the message gets choked out, and they never produce anything.
20 The seeds that fell on good ground are the people who hear and welcome the message. They produce 30 or 60 or even 100 times as much as was planted.Light
(Luke 8.16-18)
21 t Jesus also said:
You don't light a lamp and put it under a clay pot or under a bed. Don't you put a lamp on a lampstand? 22 t There is nothing hidden that will not be made public. There is no secret that will not be well known.
23 If you have ears, pay attention!
24 t Listen carefully to what you hear! The way you treat others will be the way you will be treated—and even worse.
25 t Everyone who has something will be given more. But people who don't have anything will lose what little they have.Another Story about Seeds
26 Again Jesus said:
God's kingdom is like what happens when a farmer scatters seed in a field. 27 The farmer sleeps at night and is up and around during the day. Yet the seeds keep sprouting and growing, and he doesn't understand how. 28 It is the ground that makes the seeds sprout and grow into plants that produce grain.
29 t Then when harvest season comes and the grain is ripe, the farmer cuts it with a sickle.tA Mustard Seed
(Matthew 13.31,32; Luke 13.18,19)
30 Finally, Jesus said:
What is God's kingdom like? What story can I use to explain it? 31 It is like what happens when a mustard seed is planted in the ground. It is the smallest seed in all the world.
32 But once it is planted, it grows larger than any garden plant. It even puts out branches that are big enough for birds to nest in its shade.The Reason for Teaching //with Stories
(Matthew 13.34,35)
33 Jesus used many other stories when he spoke to the people, and he taught them as much as they could understand.
34 He did not tell them anything without using stories. But when he was alone with his disciples, he explained everything to them.A Storm
(Matthew 8.23-27; Luke 8.22-25)
35 That evening, Jesus said to his disciples, “Let's cross to the east side.” 36 So they left the crowd, and his disciples started across the lake with him in the boat. Some other boats followed along.
37 Suddenly a storm struck the lake. Waves started splashing into the boat, and it was about to sink.
38 Jesus was in the back of the boat with his head on a pillow, and he was asleep. His disciples woke him and said, “Teacher, don't you care that we're about to drown?”
39 Jesus got up and ordered the wind and the waves to be quiet. The wind stopped, and everything was calm.
40 Jesus asked his disciples, “Why were you afraid? Don't you have any faith?”
41 Now they were more afraid than ever and said to each other, “Who is this? Even the wind and the waves obey him!”