Marcos 4
1 At siya'y muling nagpasimulang magturo sa tabi ng dagat. At nagpipisan sa kaniya ang lubhang maraming tao, ano pa't siya'y lumulan sa isang daong, at siya'y naupo sa dagat; at ang buong karamihan ay nasa lupa sa tabi ng dagat.2 At sila'y tinuruan niya ng maraming bagay sa mga talinghaga, at sinabi sa kanila sa kaniyang pagtuturo,3 Pakinggan ninyo: Narito, ang manghahasik ay yumaon upang maghasik:4 At nangyari, sa kaniyang paghahasik, na ang ilang binhi ay nangahulog sa tabi ng daan, at nagsidating ang mga ibon at kinain ito.5 At ang mga iba'y nangahulog sa batuhan, na doo'y walang maraming lupa; at pagdaka'y sumibol, sapagka't hindi malalim ang lupa:6 At nang sumikat ang araw, ay nangainitan; at dahil sa walang ugat, ay nangatuyo.7 At ang mga iba'y nangahulog sa dawagan, at nagsilaki ang mga dawag, at ininis ang mga pananim, at ito'y hindi nangamunga.8 At ang mga iba'y nangahulog sa mabuting lupa, at nangamunga, na nagsitaas at nagsilago; at may namunga ng tigtatatlongpu, at tiganim na pu, at tigisang daan.9 At sinabi niya, Ang may mga pakinig na ipakikinig, ay makinig.10 At nang siya'y magisa na, ang nangasa palibot niya na kasama ang labingdalawa ay nangagtanong sa kaniya tungkol sa mga talinghaga.11 At sinabi niya sa kanila, Sa inyo ay ipinagkaloob ang makaalam ng hiwaga ng kaharian ng Dios: datapuwa't sa kanilang nangasa labas, ang lahat ng mga bagay ay ginagawa sa pamamagitan ng mga talinghaga:12 Upang kung magsitingin sila'y mangakakita, at huwag mamalas; at kung mangakinig sila'y mangakarinig, at huwag mangakaunawa; baka sakaling sila'y mangagbalikloob, at patawarin sila.13 At sinabi niya sa kanila, Hindi baga ninyo nalalaman ang talinghagang ito? at paanong malalaman ninyo ang lahat ng mga talinghaga?14 Ang manghahasik ay naghahasik ng salita.15 At ang mga ito'y yaong nangasa tabi ng daan, na doon nahahasik ang salita; at nang kanilang mapakinggan, pagdaka'y pinaroroonan ni Satanas, at inaalis ang salita na inihasik sa kanila.16 At gayon din naman itong mga nahasik sa batuhan, na, pagkarinig nila ng salita, pagdaka'y nagsisitanggap na may galak;17 At hindi nangaguugat sa kanilang sarili, kundi sangdaling tumatagal; kaya't pagkakaroon ng kapighatian o ng mga paguusig dahil sa salita, pagdaka'y nangatisod sila.18 At ang mga iba'y yaong nangahasik sa dawagan; ang mga ito'y yaong nangakinig ng salita,19 At ang mga pagsusumakit na ukol sa sanglibutan, at ang daya ng mga kayamanan, at ang mga pita sa ibang mga bagay na nagsisipasok, ang nagsisiinis sa salita, at ito'y nagiging walang bunga.20 At yaon ang nangahasik sa mabuting lupa; na nangakikinig ng salita, at tinatanggap ito, at namumunga ng tigtatatlongpu, at tigaanim na pu, at tigiisang daan.21 At sinabi niya sa kanila, Dinadala baga ang ilaw upang ilagay sa ilalim ng takalan, o sa ilalim ng higaan, at hindi baga upang ilagay sa talagang lalagayan ng ilaw?22 Sapagka't walang anomang bagay na natatago, kundi upang mahayag; ni nalilihim, kundi yao'y upang mapasa liwanag.23 Kung ang sinoman ay may mga pakinig na ipakikinig, ay makinig.24 At sinabi niya sa kanila, Ingatan ninyo kung ano ang inyong pinakikinggan: sa panukat na inyong isinusukat ay kayo'y susukatin; at higit pa ang sa inyo'y ibibigay.25 Sapagka't ang mayroon, ay bibigyan pa; at ang wala, pati ng nasa kaniya ay aalisin pa sa kaniya.26 At sinabi niya, Ganyan ang kaharian ng Dios, na gaya ng isang taong naghahasik ng binhi sa lupa;27 At natutulog at nagbabangon sa gabi at araw, at sumisibol at lumalaki ang binhi na di niya nalalaman kung paano.28 Sa kaniyang sarili ay nagbubunga ang lupa; una-una'y usbong, saka uhay, pagkatapos ay butil na humihitik sa uhay.29 Datapuwa't pagka hinog na ang bunga, ay ginagamit agad ang panggapas, sapagka't dumating na ang pagaani.30 At kaniyang sinabi, Sa ano natin itutulad ang kaharian ng Dios? o sa anong talinghaga isasaysay natin ito?31 Ito'y tulad sa butil ng binhi ng mostasa, na pagkahasik sa lupa, bagama't siyang lalong pinakamaliit sa lahat ng mga binhi na nangasa lupa,32 Gayon ma'y pagkatanim, ay tumataas, at lumalaki ng higit kay sa lahat ng mga gulay, at nagsasanga ng malalabay; ano pa't ang mga ibon sa langit ay mangakasisilong sa kaniyang lilim.33 At sa pamamagitan ng gayong maraming talinghaga ay sinasaysay niya sa kanila ang salita, ayon sa makakaya ng kanilang pakinig;34 At hindi sila kinakausap kundi sa talinghaga: datapuwa't sa kaniyang sariling mga alagad ay bukod na ipinaliliwanag ang lahat ng mga bagay.35 At nang araw ding yaon, nang gabi na, ay sinabi niya sa kanila, Tumawid tayo sa kabilang ibayo.36 At pagkaiwan sa karamihan, ay kanilang dinala siya sa daong, ayon sa kaniyang kalagayan. At mayroon siyang kasamang ibang mga daong.37 At nagbangon ang isang malakas na bagyo, at sinasalpukan ang daong ng mga alon, na ano pa't ang daong ay halos natitigib.38 At siya'y natutulog sa hulihan sa ibabaw ng kutson; at siya'y ginising nila, at sinabi sa kaniya, Guro, wala bagang anoman sa iyo na mapahamak tayo?39 At gumising siya, at sinaway ang hangin, at sinabi sa dagat, Pumayapa, tumahimik ka. At humimpil ang hangin, at humusay na totoo ang panahon,40 At sinabi niya sa kanila, Bakit kayo nangatakot? wala pa baga kayong pananampalataya?41 At sila'y nangatakot na lubha, at sila-sila'y nangagsasabihan, Sino nga ito, na pati ng hangin at ng dagat ay tumatalima sa kaniya?
MARK 4
A Story about a Farmer
(Matthew 13.1-9; Luke 8.4-8)
1 t The next time Jesus taught beside Lake Galilee, a big crowd gathered. It was so large that he had to sit in a boat out on the lake, while the people stood on the shore.
2 He used stories to teach them many things, and this is part of what he taught:
3 Now listen! A farmer went out to scatter seed in a field. 4 While the farmer was scattering the seed, some of it fell along the road and was eaten by birds. 5 Other seeds fell on thin, rocky ground and quickly started growing because the soil wasn't very deep. 6 But when the sun came up, the plants were scorched and dried up, because they did not have deep roots. 7 Some other seeds fell where thornbushes grew up and choked out the plants. So they did not produce any grain.
8 But a few seeds did fall on good ground where the plants grew and produced 30 or 60 or even 100 times as much as was scattered.
9 Then Jesus said, “If you have ears, pay attention.”Why Jesus Used Stories
(Matthew 13.10-17; Luke 8.9,10)
10 When Jesus was alone with the twelve apostles and some others, they asked him about these stories.
11 He answered:
I have explained the secret about God's kingdom to you, but for others I can use only stories.
12 t The reason is,
“These people will look
and look, but never see.
They will listen and listen,
but never understand.
If they did,
they would turn to God
and be forgiven.”Jesus Explains the Story //about the Farmer
(Matthew 13.18-23; Luke 8.11-15)
13 Jesus then told them:
If you don't understand this story, you won't understand any others. 14 What the farmer is spreading is really the message about the kingdom. 15 The seeds that fell along the road are the people who hear the message. But Satan soon comes and snatches it away from them. 16 The seeds that fell on rocky ground are the people who gladly hear the message and accept it at once.
17 But they don't have roots, and they don't last very long. As soon as life gets hard or the message gets them in trouble, they give up.
18 The seeds that fell among the thornbushes are also people who hear the message. 19 But they start worrying about the needs of this life. They are fooled by the desire to get rich and to have all kinds of other things. So the message gets choked out, and they never produce anything.
20 The seeds that fell on good ground are the people who hear and welcome the message. They produce 30 or 60 or even 100 times as much as was planted.Light
(Luke 8.16-18)
21 t Jesus also said:
You don't light a lamp and put it under a clay pot or under a bed. Don't you put a lamp on a lampstand? 22 t There is nothing hidden that will not be made public. There is no secret that will not be well known.
23 If you have ears, pay attention!
24 t Listen carefully to what you hear! The way you treat others will be the way you will be treated—and even worse.
25 t Everyone who has something will be given more. But people who don't have anything will lose what little they have.Another Story about Seeds
26 Again Jesus said:
God's kingdom is like what happens when a farmer scatters seed in a field. 27 The farmer sleeps at night and is up and around during the day. Yet the seeds keep sprouting and growing, and he doesn't understand how. 28 It is the ground that makes the seeds sprout and grow into plants that produce grain.
29 t Then when harvest season comes and the grain is ripe, the farmer cuts it with a sickle.tA Mustard Seed
(Matthew 13.31,32; Luke 13.18,19)
30 Finally, Jesus said:
What is God's kingdom like? What story can I use to explain it? 31 It is like what happens when a mustard seed is planted in the ground. It is the smallest seed in all the world.
32 But once it is planted, it grows larger than any garden plant. It even puts out branches that are big enough for birds to nest in its shade.The Reason for Teaching //with Stories
(Matthew 13.34,35)
33 Jesus used many other stories when he spoke to the people, and he taught them as much as they could understand.
34 He did not tell them anything without using stories. But when he was alone with his disciples, he explained everything to them.A Storm
(Matthew 8.23-27; Luke 8.22-25)
35 That evening, Jesus said to his disciples, “Let's cross to the east side.” 36 So they left the crowd, and his disciples started across the lake with him in the boat. Some other boats followed along.
37 Suddenly a storm struck the lake. Waves started splashing into the boat, and it was about to sink.
38 Jesus was in the back of the boat with his head on a pillow, and he was asleep. His disciples woke him and said, “Teacher, don't you care that we're about to drown?”
39 Jesus got up and ordered the wind and the waves to be quiet. The wind stopped, and everything was calm.
40 Jesus asked his disciples, “Why were you afraid? Don't you have any faith?”
41 Now they were more afraid than ever and said to each other, “Who is this? Even the wind and the waves obey him!”