previous next

Mateo 10

Ang Labindalawang Alagad

(Mc. 3:13-19; Lu. 6:12-16)

1 Tinipon ni Jesus ang labindalawang alagad at binigyan sila ng kapangyarihang magpalayas ng masasamang espiritu at magpagaling ng mga may karamdaman. 2 Ito ang mga pangalan ng labindalawang apostol: si Simon na tinatawag ding Pedro, at si Andres na kanyang kapatid, sina Santiago at Juan na mga anak ni Zebedeo; 3 si Felipe, si Bartolome, si Tomas, si Mateo na maniningil ng buwis, si Santiago na anak ni Alfeo, at si Tadeo,

4 si Simon na Makabayan, at si Judas Iscariote na nagkanulo kay Jesus.

Sinugo ni Jesus ang Labindalawa

(Mc. 6:7-13; Lu. 9:1-6)


5 Ang labindalawang ito'y isinugo ni Jesus at kanyang pinagbilinan, “Huwag kayong pupunta sa lugar ng mga Hentil, o sa alinmang bayan ng mga Samaritano. 6 Sa halip, hanapin ninyo ang mga nawawalang tupa ng sambahayan ng Israel. 7 Humayot kayo't ipangaral na malapit nang dumating ang kaharian ng langit. 8 Pagalingin ninyo ang mga maysakit at buhayin ang mga patay. Pagalingin at linisin ninyo ang mga may ketong, at palayasin ang mga demonyo. Yamang tumanggap kayo nang walang bayad, magbigay naman kayo nang walang bayad. 9 Huwag kayong magdala ng pera, maging ginto, pilak, o tanso.

10 Sat inyong paglalakbay, huwag din kayong magbaon ng pagkain, bihisan, pampalit na sandalyas, o tungkod, sapagkat ang manggagawa ay karapat-dapat na tumanggap ng mga bagay na kanyang ikabubuhay.
11 “Saanmang bayan o nayon kayo dumating, humanap kayo ng taong karapat-dapat pakituluyan at kayo ay tumuloy sa bahay niya habang kayo'y nasa lugar na iyon. 12 Pagpasok ninyo sa bahay, sabihin ninyo, ‘Maghari nawa ang kapayapaan sa bahay na ito!’ 13 Kung karapat-dapat ang mga nakatira doon, panatilihin ninyo sa kanila ang inyong pagpapala. Ngunit kung hindi, bawiin ninyo iyon. 14 Att kung ayaw kayong tanggapin o pakinggan sa isang tahanan o bayan, umalis kayo roon at ipagpag ninyo ang alikabok sa inyong mga paa.

15 Tandaant ninyo: sa Araw ng Paghuhukom ay higit na mabigat ang parusang igagawad sa mga mamamayan ng bayang iyon kaysa sa parusang dinanas ng mga taga-Sodoma at taga-Gomorra.”

Mga Pag-uusig na Darating

(Mc. 13:9-13; Lu. 21:12-17)


16 “Tingnant ninyo; isinusugo ko kayo na parang mga tupa sa gitna ng mga asong-gubat. Kaya't maging matalino kayong gaya ng ahas at maamo na gaya ng kalapati. 17-18 Mgat alagad ko, mag-ingat kayo sapagkat kayo'y darakpin at isasakdal sa mga Sanedrin, hahagupitin kayo sa kanilang mga sinagoga, at dadalhin kayo sa mga gobernador at mga hari nang dahil sa pagsunod ninyo sa akin, upang magpatotoo sa kanila at sa mga Hentil. 19 Sa pagkakataong iyon, huwag kayong mabahala kung ano ang inyong sasabihin, o kung paano kayo magpapatotoo sapagkat ito'y kusang ipagkakaloob sa inyo.

20 Hindi kayo ang magsasalita, kundi ang Espiritu ng inyong Ama ang magsasalita sa pamamagitan ninyo.
21 “Ipagkakanulot ng kapatid ang kanyang sariling kapatid upang ipapatay, gayundin ang gagawin ng ama sa kanyang anak; at lalabanan ng mga anak ang kanilang mga magulang at ipapapatay ang mga ito. 22 Kapopootant kayo ng lahat dahil sa pagsunod sa akin, ngunit ang mananatiling tapat hanggang wakas ang siyang maliligtas.

23 Kapag inusig kayo sa isang bayan, tumakas kayo sa kasunod. Tandaan ninyo: bago ninyo mapuntahan ang lahat ng bayan ng Israel, darating na ang Anak ng Tao.
24 “Walangt alagad na nakakahigit sa kanyang guro at walang aliping nakakahigit sa kanyang panginoon.

25 Sapatt nang matulad ang alagad sa kanyang guro, at ang alipin sa kanyang panginoon. Kung ang ama ng sambahayan ay tinawag nilang Beelzebul, lalo nang lalaitin nila ang kanyang mga kasambahay.”

Ang Dapat Katakutan

(Lu. 12:2-7)


26 “Kayat huwag kayong matakot sa kanila. Walang natatago na di malalantad at walang nalilihim na di mabubunyag. 27 Ang sinasabi ko sa inyo sa dilim ay ulitin ninyo sa liwanag; at ang ibinubulong sa inyo ay inyong ipagsigawan sa lansangan. 28 Huwag ninyong katakutan ang pumapatay ng katawan ngunit hindi naman nakakapatay ng kaluluwa. Sa halip, ang katakutan ninyo ay ang Diyos na may kakayahang pumuksa ng katawan at kaluluwa sa impiyerno. 29 Hindi ba't ipinagbibili sa halaga ng isang salaping tanso ang dalawang maya? Gayunman, kahit isa sa kanila'y hindi nahuhulog sa lupa kung hindi kalooban ng inyong Ama. 30 At kayo, maging ang buhok ninyo'y bilang niyang lahat.

31 Kaya, huwag kayong matakot; higit kayong mahalaga kaysa maraming maya.”

Pagpapatotoo kay Cristo

(Lu. 12:8-9)


32 “Ang sinumang kumilala sa akin sa harapan ng mga tao ay kikilalanin ko rin naman sa harapan ng aking Amang nasa langit.

33 Ngunitt ang sinumang ikahiya ako sa harap ng mga tao ay ipapahiya ko rin sa harap ng aking Ama na nasa langit.”

Hindi Kapayapaan Kundi Tabak

(Lu. 12:51-53; 14:26-27)


34 “Huwag ninyong isiping naparito ako upang magdala ng kapayapaan sa lupa; naparito ako upang magdala ng tabak, hindi kapayapaan. 35 Naparitot ako upang paglabanin ang anak na lalaki at ang kanyang ama, ang anak na babae at ang kanyang ina, at ang manugang na babae at ang kanyang biyenang babae.

36 At ang magiging kaaway ng isang tao ay kanya na rin mismong mga kasambahay.
37 “Ang umiibig sa kanyang ama o ina nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang umiibig sa kanyang anak nang higit sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. 38 Angt hindi pumapasan ng kanyang krus at hindi sumusunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin.

39 Angt nagsisikap na mapanatili ang kanyang buhay ang siyang mawawalan nito; ngunit ang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa akin ay magkakamit nito.”

Mga Gantimpala

(Mc. 9:41)


40 “Angt tumatanggap sa inyo ay tumatanggap sa akin, at ang tumatanggap sa akin ay tumatanggap sa nagsugo sa akin. 41 Ang tumatanggap sa isang propeta dahil sa ito'y propeta ay tatanggap ng gantimpalang nauukol sa propeta; at ang tumatanggap sa isang taong matuwid dahil sa ito'y matuwid ay tatanggap ng gantimpalang nauukol sa taong matuwid. 42 Tandaan ninyo: sinumang magbigay ng kahit isang basong malamig na tubig sa isa sa mga maliliit na ito dahil sa siya'y alagad ko, siya'y tiyak na tatanggap ng gantimpala.”

MATTHEW 10

Jesus Chooses His //Twelve Apostles

(Mark 3.13-19; Luke 6.12-16)

1 Jesus called together his twelve disciples. He gave them the power to force out evil spirits and to heal every kind of disease and sickness. 2 The first of the twelve apostles was Simon, better known as Peter. His brother Andrew was an apostle, and so were James and John, the two sons of Zebedee. 3 Philip, Bartholomew, Thomas, Matthew the tax collector, t James the son of Alphaeus, and Thaddaeus were also apostles.

4 The others were Simon, known as the Eager One, t and Judas Iscariot, t who later betrayed Jesus.

Instructions for //the Twelve Apostles

(Mark 6.7-13; Luke 9.1-6)


5 Jesus sent out the twelve apostles with these instructions:
Stay away from the Gentiles and don't go to any Samaritan town.
6 Go only to the people of Israel, because they are like a flock of lost sheep. 7 t As you go, announce that the kingdom of heaven will soon be here.t 8 Heal the sick, raise the dead to life, heal people who have leprosy, t and force out demons. You received without paying, now give without being paid. 9 Don't take along any gold, silver, or copper coins.

10 t And don't carryt a traveling bag or an extra shirt or sandals or a walking stick.
Workers deserve their food.
11 So when you go to a town or a village, find someone able and willing to have you as their guest and stay with them until you leave. 12 When you go to a home, give it your blessing of peace. 13 If the home is deserving, let your blessing remain with them. But if the home doesn't accept you, take back your blessing of peace. 14 t If someone won't welcome you or listen to your message, leave their home or town. And shake the dust from your feet at them.t

15 t I promise you the day of judgment will be easier for the towns of Sodom and Gomorraht than for that town.

Warning about Trouble

(Mark 13.9-13; Luke 21.12-17)


16  t I am sending you like lambs into a pack of wolves. So be as wise as snakes and as innocent as doves. 17 t Watch out for people who will take you to court and have you beaten in their synagogues. 18 Because of me, you will be dragged before rulers and kings to tell them and the Gentiles about your faith. 19 But when someone arrests you, don't worry about what you will say or how you will say it. At that time you will be given the words to say.

20 But you will not really be the one speaking. The Spirit from your Father will tell you what to say.
21  t Brothers and sisters will betray one another and have each other put to death. Parents will betray their own children, and children will turn against their parents and have them killed. 22 t Everyone will hate you because of me. But if you remain faithful until the end, you will be saved.

23 When people mistreat you in one town, hurry to another one. I promise you before you have gone to all the towns of Israel, the Son of Man will come.
24  t Students are not better than their teacher, and slaves are not better than their master.

25 t It is enough for students to be like their teacher and for slaves to be like their master. If people call the head of the family Satan, what will they say about the rest of the family?

The One To Fear

(Luke 12.2-7)


26  t Don't be afraid of anyone! Everything is hidden will be found out, and every secret will be known. 27 Whatever I say to you in the dark, you must tell in the light. And you must announce from the housetops whatever I have whispered to you. 28 t Don't be afraid of people. They can kill you, but they cannot harm your soul. Instead, you should fear God who can destroy both your body and your soul in hell. 29 Aren't two sparrows sold for only a penny? But your Father knows when any one of them falls to the ground. 30 Even the hairs on your head are counted.

31 So don't be afraid! You are worth much more than many sparrows.

Telling Others about Christ

(Luke 12.8,9)


32 If you tell others you belong to me, I will tell my Father in heaven you are my followers.

33 t But if you reject me, I will tell my Father in heaven you don't belong to me.

Not Peace, but Trouble

(Luke 12.51-53; 14.26,27)


34 Don't think I came to bring peace to the earth! I came to bring trouble, not peace. 35 t I came to turn sons against their fathers, daughters against their mothers, and daughters-in-law against their mothers-in-law.

36 Your worst enemies will be in your own family.
37  t If you love your father or mother or even your sons and daughters more than me, you are not fit to be my disciples. 38 t And unless you are willing to take up your cross and follow me, you are not fit to be my disciples.

39 t If you try to save your life, you will lose it. But if you give it up for me, you will surely find it.

Rewards

(Mark 9.41)


40  t Anyone who welcomes you welcomes me. And anyone who welcomes me also welcomes the one who sent me. 41 Anyone who welcomes a prophet, just because that person is a prophet, will be given the same reward as a prophet. Anyone who welcomes a good person, just because that person is good, will be given the same reward as a good person. 42 And anyone who gives one of my most humble followers a cup of cool water, just because that person is my follower, will be rewarded.