previous next

Mateo 13

1 Nang araw na yaon ay lumabas si Jesus sa bahay, at naupo sa tabi ng dagat.2 At nakisama sa kaniya ang lubhang maraming tao, ano pa't lumulan siya sa isang daong, at naupo; at ang buong karamihan ay nangakatayo sa baybayin.3 At pinagsalitaan niya sila ng maraming mga bagay sa mga talinghaga, na sinasabi, Narito, ang manghahasik ay yumaon upang maghasik.4 At sa paghahasik niya, ay nangahulog ang ilang binhi sa tabi ng daan, at dumating ang mga ibon at kinain nila;5 At ang mga iba'y nangahulog sa mga batuhan, na doo'y walang sapat na lupa: at pagdaka'y sumibol, sapagka't hindi malalim ang lupa:6 At pagsikat ng araw ay nangainitan; at dahil sa walang ugat, ay nangatuyo.7 At ang mga iba'y nangahulog sa mga dawagan, at nagsilaki ang mga dawag, at ininis ang mga yaon.8 At ang mga iba'y nangahulog sa mabuting lupa, at nangagbunga, ang ila'y tigisang daan, at ang ila'y tigaanim na pu, at ang ila'y tigtatatlongpu.9 At ang may mga pakinig, ay makinig.10 At nagsilapit ang mga alagad, at sinabi nila sa kaniya, Bakit mo sila pinagsasalitaan sa mga talinghaga?11 At sumagot siya at sinabi sa kanila, Sa inyo'y ipinagkaloob ang mangakaalam ng mga hiwaga ng kaharian ng langit, datapuwa't hindi ipinagkaloob sa kanila.12 Sapagka't sinomang mayroon ay bibigyan, at siya'y magkakaroon ng sagana: nguni't sinomang wala, pati ng nasa kaniya ay aalisin sa kaniya.13 Kaya't sila'y pinagsasalitaan ko sa mga talinghaga; sapagka't nagsisitingin ay hindi sila nangakakakita, at nangakikinig ay hindi sila nangakakarinig, ni hindi sila nangakakaunawa.14 At natutupad sa kanila ang hula ni Isaias, na sinasabi, Sa pakikinig ay inyong maririnig, at sa anomang paraa'y hindi ninyo mapaguunawa; At sa pagtingin ay inyong makikita, at sa anomang paraa'y hindi ninyo mamamalas:15 Sapagka't kumapal ang puso ng bayang ito, At mahirap na mangakarinig ang kanilang mga tainga, At kanilang ipinikit ang kanilang mga mata; Baka sila'y mangakakita ng kanilang mga mata, At mangakarinig ng kanilang mga tainga, At mangakaunawa ng kanilang puso, At muling mangagbalik loob, At sila'y aking pagalingin.16 Datapuwa't mapapalad ang inyong mga mata, sapagka't nangakakakita; at ang iyong mga tainga, sapagka't nangakakarinig.17 Sapagka't katotohanang sinasabi ko sa inyo, na hinangad na makita ng maraming propeta at ng mga taong matuwid ang inyong nakikita, at hindi nila nakita; at marinig ang inyong naririnig, at hindi nila narinig.18 Pakinggan nga ninyo ang talinghaga tungkol sa manghahasik.19 Kung ang sinoman ay nakikinig ng salita ng kaharian, at ito'y hindi niya napaguunawa, ay pinaroroonan ng masama, at inaagaw ang nahasik sa kaniyang puso. Ito yaong nahasik sa tabi ng daan.20 At ang nahasik sa mga batuhan, ay yaong nakikinig ng salita, at pagdaka'y tinatanggap ito ng buong galak;21 Gayon ma'y wala siyang ugat sa kaniyang sarili, kundi sangdaling tumatagal; at pagdating ng kapighatian o pag-uusig dahil sa salita, ay pagdaka'y natitisod siya.22 At ang nahasik sa mga dawagan, ay yaong dumirinig ng salita; nguni't ang pagsusumakit na ukol sa sanglibutan, at ang daya ng mga kayamanan, ay siyang umiinis sa salita, at yao'y nagiging walang bunga.23 At ang nahasik sa mabuting lupa, ay siyang dumirinig, at nakauunawa ng salita; na siyang katotohanang nagbubunga, ang ila'y tigisang daan, ang ila'y tigaanim na pu, at ang ila'y tigtatatlongpu.24 Sinaysay niya sa kanila ang ibang talinghaga, na sinasabi, Ang kaharian ng langit ay tulad sa isang taong naghasik ng mabuting binhi sa kaniyang bukid:25 Datapuwa't samantalang nangatutulog ang mga tao, ay dumating ang kaniyang kaaway at naghasik naman ng mga pangsirang damo sa pagitan ng trigo, at umalis.26 Datapuwa't nang sumibol ang usbong at mamunga, ay lumitaw nga rin ang mga pangsirang damo.27 At ang mga alipin ng puno ng sangbahayan ay nagsiparoon at nangagsabi sa kaniya, Ginoo, hindi baga naghasik ka ng mabuting binhi sa iyong bukid? saan kaya nangagmula ang mga pangsirang damo?28 At sinabi niya sa kanila, Isang kaaway ang gumawa nito. At sinabi sa kaniya ng mga alipin, Ibig mo baga na kami nga'y magsiparoon at ang mga yao'y pagtipunin?29 Datapuwa't sinabi niya, Huwag; baka sa pagtitipon ninyo ng mga pangsirang damo, ay inyong mabunot pati ng trigo.30 Pabayaan ninyong magsitubo kapuwa hanggang sa panahon ng pagaani: at sa panahon ng pagaani ay sasabihin ko sa mga mangaani, Tipunin muna ninyo ang mga pangsirang damo, at inyong pagbibigkisin upang sunugin; datapuwa't tipunin ninyo ang trigo sa aking bangan.31 Sinaysay niya sa kanila ang ibang talinghaga, na sinasabi, Ang kaharian ng langit ay tulad sa isang butil ng binhi ng mostasa, na kinuha ng isang tao, at inihasik sa kaniyang bukid:32 Na siya ngang lalong maliit sa lahat ng mga binhi; datapuwa't nang tumubo, ay lalong malaki kay sa mga gulay, at nagiging punong kahoy, ano pa't nagsisiparoon ang mga ibon sa langit at sumisilong sa kaniyang mga sanga.33 Sinalita niya sa kanila ang ibang talinghaga: Ang kaharian ng langit ay tulad sa lebadura, na kinuha ng isang babae, at itinago sa tatlong takal na harina, hanggang sa ito'y nalebadurahang lahat.34 Lahat ng mga bagay na ito'y sinabi ni Jesus sa mga karamihan sa mga talinghaga; at kung hindi sa talinghaga ay hindi niya sila kinakausap:35 Upang matupad ang sinalita sa pamamagitan ng propeta, na nagsasabi, Bubukhin ko ang aking bibig sa mga talinghaga; Sasaysayin ko ang mga natatagong bagay buhat nang itatag ang sanglibutan.36 Nang magkagayon ay iniwan niya ang mga karamihan, at pumasok sa bahay: at sa kaniya'y nagsilapit ang kaniyang mga alagad, na nagsisipagsabi, Ipaliwanag mo sa amin ang talinghaga tungkol sa mga pangsirang damo sa bukid.37 At siya'y sumagot at nagsabi, Ang naghahasik ng mabuting binhi ay ang Anak ng tao;38 At ang bukid ay ang sanglibutan; at ang mabuting binhi, ay ito ang mga anak ng kaharian: at ang mga pangsirang damo ay ang mga anak ng masama;39 At ang kaaway na naghasik ng mga ito ay ang diablo: at ang pagaani ay ang katapusan ng sanglibutan; at ang mga mangaani ay ang mga anghel.40 Kung paano ang pagtipon sa mga pangsirang damo at pagsunog sa apoy; gayon din ang mangyayari sa katapusan ng sanglibutan.41 Susuguin ng Anak ng tao ang kaniyang mga anghel, at kanilang titipunin sa labas ng kaniyang kaharian ang lahat ng mga bagay na nangakapagpapatisod, at ang nagsisigawa ng katampalasanan,42 At sila'y igagatong sa kalan ng apoy: diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin.43 Kung magkagayo'y mangagliliwanag ang mga matuwid na katulad ng araw sa kaharian ng kanilang Ama. Ang may mga pakinig, ay makinig.44 Tulad ang kaharian ng langit sa natatagong kayamanan sa bukid; na nasumpungan ng isang tao, at inilihim; at sa kaniyang kagalaka'y yumaon at ipinagbili ang lahat niyang tinatangkilik, at binili ang bukid na yaon.45 Gayon din naman, ang kaharian ng langit ay katulad ng isang taong nangangalakal na humahanap ng magagandang perlas:46 At pagkasumpong ng isang mahalagang perlas, ay yumaon siya at ipinagbili ang lahat niyang tinatangkilik, at binili yaon.47 Tulad din naman ang kaharian ng langit sa isang lambat, na inihulog sa dagat, na nakahuli ng sarisaring isda:48 Na, nang mapuno, ay hinila nila sa pampang; at sila'y nagsiupo, at tinipon sa mga sisidlan ang mabubuti, datapuwa't itinapon ang masasama.49 Gayon din ang mangyayari sa katapusan ng sanglibutan: lalabas ang mga anghel, at ihihiwalay ang masasama sa matutuwid,50 At sila'y igagatong sa kalan ng apoy: diyan na nga ang pagtangis at ang pagngangalit ng mga ngipin.51 Napagunawa baga ninyo ang lahat ng mga bagay na ito? Sinabi nila sa kaniya, Oo.52 At sinabi niya sa kanila, Kaya't ang bawa't eskriba na ginagawang alagad sa kaharian ng langit ay tulad sa isang taong puno ng sangbahayan, na naglalabas sa kaniyang kayamanan ng mga bagay na bago at luma.53 At nangyari, na nang matapos ni Jesus ang mga talinghagang ito, ay umalis siya doon.54 At pagdating sa kaniyang sariling lupain, ay kaniyang tinuruan sila sa kanilang sinagoga, ano pa't sila'y nangagtaka, at nangagsabi, Saan kumuha ang taong ito ng ganitong karunungan, at ng ganitong mga makapangyarihang gawa?55 Hindi baga ito ang anak ng anluwagi? hindi baga tinatawag na Maria ang kaniyang ina? at Santiago, at Jose, at Simon, at Judas ang kaniyang mga kapatid?56 At ang kaniyang mga kapatid na babae, hindi baga silang lahat ay nanga sa atin? Saan nga kumuha ang taong ito ng lahat ng ganitong mga bagay?57 At siya'y kinatisuran nila. Datapuwa't sinabi sa kanila ni Jesus, Walang propeta na di may kapurihan, liban sa kaniyang sariling lupain, at sa kaniyang sariling bahay.58 At siya'y hindi gumawa roon ng maraming makapangyarihang gawa dahil sa kawalan nila ng pananampalataya.

MATTHEW 13

A Story about a Farmer

(Mark 4.1-9; Luke 8.4-8)

1 That same day Jesus left the house and went out beside Lake Galilee, where he sat down to teach.t 2 t Such large crowds gathered around him that he had to sit in a boat, while the people stood on the shore.

3 Then he taught them many things by using stories. He said:
A farmer went out to scatter seed in a field.
4 While the farmer was scattering the seed, some of it fell along the road and was eaten by birds. 5 Other seeds fell on thin, rocky ground and quickly started growing because the soil wasn't very deep. 6 But when the sun came up, the plants were scorched and dried up, because they did not have deep roots. 7 Some other seeds fell where thornbushes grew up and choked the plants. 8 But a few seeds did fall on good ground where the plants produced 100 or 60 or 30 times as much as was scattered.

9 If you have ears, pay attention!

Why Jesus Used Stories

(Mark 4.10-12; Luke 8.9,10)


10 Jesus' disciples came to him and asked, “Why do you use stories to speak to the people?”

11 Jesus answered:
I have explained the secrets about the kingdom of heaven to you, but not to others.
12 t Everyone who has something will be given more. But people who don't have anything will lose even what little they have. 13 I use stories when I speak to them because when they look, they cannot see, and when they listen, they cannot hear or understand.

14 t So God's promise came true, just as the prophet Isaiah had said,
“These people will listen
and listen,
but never understand.
They will look and look,
but never see.

15 All of them have
stubborn minds!
They refuse to listen;
they cover their eyes.
They cannot see or hear
or understand.
If they could,
they would turn to me,
and I would heal them.”
16  t But God has blessed you, because your eyes can see and your ears can hear!

17 Many prophets and good people were eager to see what you see and to hear what you hear. But I tell you they did not see or hear.

Jesus Explains the Story //about the Farmer

(Mark 4.13-20; Luke 8.11-15)


18 Now listen to the meaning of the story about the farmer:
19 The seeds that fell along the road are the people who hear the message about the kingdom, but don't understand it. Then the evil one comes and snatches the message from their hearts. 20 The seeds that fell on rocky ground are the people who gladly hear the message and accept it at once.

21 But they don't have deep roots, and they don't last very long. As soon as life gets hard or the message gets them in trouble, they give up.
22 The seeds that fell among the thornbushes are also people who hear the message. But they start worrying about the needs of this life and are fooled by the desire to get rich. So the message gets choked out, and they never produce anything.

23 The seeds that fell on good ground are the people who hear and understand the message. They produce as much as 100 or 60 or 30 times what was planted.

Weeds among the Wheat


24 Jesus then told them this story:
The kingdom of heaven is like what happened when a farmer scattered good seed in a field.

25 But while everyone was sleeping, an enemy came and scattered weed seeds in the field and then left.
26 When the plants came up and began to mature, the farmer's servants could see the weeds.

27 The servants came and asked, “Sir, didn't you scatter good seed in your field? Where did these weeds come from?”

28 “An enemy did this,” he replied.
His servants then asked, “Do you want us to go out and pull up the weeds?”
29 “No!” he answered. “You might also pull up the wheat.

30 Leave the weeds alone until harvest time. Then I'll tell my workers to gather the weeds and tie them up and burn them. But I'll order them to store the wheat in my barn.”

Stories about a Mustard Seed //and Yeast

(Mark 4.30-32; Luke 13.18-21)


31 Jesus told them another story:
The kingdom of heaven is like what happens when a farmer plants a mustard seed in a field.

32 Although it is the smallest of all seeds, it grows larger than any garden plant and becomes a tree. Birds even come and nest on its branches.

33 Jesus also said:
The kingdom of heaven is like what happens when a woman mixes a little yeast into three big batches of flour. Finally, all the dough rises.

The Reason for Teaching //with Stories

(Mark 4.33,34)


34 Jesus used stories when he spoke to the people. In fact, he did not tell them anything without using stories.

35 t So God's promise came true, just as the prophett had said,
“I will use stories
to speak my message
and to explain things hidden
since the creation
of the world.”

Jesus Explains the Story //about the Weeds


36 After Jesus left the crowd and went inside, t his disciples came to him and said, “Explain to us the story about the weeds in the wheat field.”

37 Jesus answered:
The one who scattered the good seed is the Son of Man.
38 The field is the world, and the good seeds are the people who belong to the kingdom. The weeds are those who belong to the evil one,

39 and the one who scattered them is the devil. The harvest is the end of time, and angels are the ones who bring in the harvest.
40 Weeds are gathered and burned. That's how it will be at the end of time. 41 The Son of Man will send out his angels, and they will gather from his kingdom everyone who does wrong or causes others to sin. 42 Then he will throw them into a flaming furnace, where people will cry and grit their teeth in pain.

43 t But everyone who has done right will shine like the sun in their Father's kingdom. If you have ears, pay attention!

A Hidden Treasure


44 The kingdom of heaven is like what happens when someone finds a treasure hidden in a field and buries it again. Such a person is happy and goes and sells everything in order to buy that field.

A Valuable Pearl


45 The kingdom of heaven is like what happens when a shop owner is looking for fine pearls.

46 After finding a very valuable one, the owner goes and sells everything in order to buy that pearl.

A Fish Net


47 The kingdom of heaven is like what happens when a net is thrown into a lake and catches all kinds of fish. 48 When the net is full, it is dragged to the shore, and the fishermen sit down to separate the fish. They keep the good ones, but throw the bad ones away. 49 That's how it will be at the end of time. Angels will come and separate the evil people from the ones who have done right.

50 Then those evil people will be thrown into a flaming furnace, where they will cry and grit their teeth in pain.

New and Old Treasures


51 Jesus asked his disciples if they understood all these things. They said, “Yes, we do.”

52 So he told them, “Every student of the Scriptures who becomes a disciple in the kingdom of heaven is like someone who brings out new and old treasures from the storeroom.”

The People of Nazareth Turn //against Jesus

(Mark 6.1-6; Luke 4.16-30)


53 When Jesus had finished telling these stories, he left 54 and went to his hometown. He taught in their synagogue, and the people were so amazed that they asked, “Where does he get all this wisdom and the power to work these miracles? 55 Isn't he the son of the carpenter? Isn't Mary his mother, and aren't James, Joseph, Simon, and Judas his brothers? 56 Don't his sisters still live here in our town? How can he do all this?”

57 t So the people were upset because of what he was doing.
But Jesus said, “Prophets are honored by everyone, except the people of their hometown and their own family.”
58 And because the people did not have any faith, Jesus did not work many miracles there.